Chapter 19

Chapter 19
Invitation

"Xylia!" Kiel excitedly called my name when he saw me coming out of the building.

Nagulat ako nang yakapin niya ako ng mahigpit nang makalapit ako sa kaniya. I didn't reciprocate his hug and just tapped his back.

"God! I missed you so much." He said before he released me from his hug to look at me.

I just smiled because I don't know how to react. The way he missed me was so overwhelming but I know it's not right.

"I promise that I'll do anything just to make this day worth it for the both of us." He promised.

Tumango na lamang ako. I will tell him later about my relationship with Brendt. He really should know about it. He can't keep on continue liking me when I'm bound to marry the man I love.

Iginaya niya ako papasok sa kaniyang sasakyan at agad kaming umarangkada paalis. Hindi naging tahimik ang biyahe dahil ang daming kwinento at tinanong si Kiel sa akin. He's doing anything just to keep me entertained.

"Gusto kong panoorin 'yung Dracula." I said when he told me to choose what movie I like to watch.

"You like that kind of movies?" He curiously asked and at the same time, there's a hint of amusement in his voice. "I thought you're into romantic or comedic movies."

"Gusto ko rin naman ang mga romance at comedy films pero I find Dracula very eye catching." I explained as I pointed on Dracula's movie poster trying to prove my point.

"Okay then. Let's watch Dracula if that's what you want." He said while nodding before he went to the counter to buy the movie tickets.

Habang bumibili siya ng ticket ay tinignan ko kung may text si Brendt ngunit wala akong natanggap. I decided to text him instead.

To: Brendt
Goodluck! Hope you close the deal.

Nakangiting tinago ko ang aking cellphone sa bag ko matapos kong magtipa ng mensahe at nang mag-angat ako ng tingin ay nakita kong nakangisi sa akin si Kiel.

"What?" I asked him. I don't know why he's grinning.

"Taking a picture of me?" He grinned widely before he wrapped his arm on my shoulders.

Kumunot ang noo ko at saka tinanggal ang braso niyang nakaakbay sa akin. "I'm not taking pictures of you, Kiel. Don't flatter yourself."

Natawa lang siya sa akin. Siguro'y iniisip niyang hindi ako nagsasabi ng totoo at talagang kinuhanan ko siya ng litrato.

"We still have thirty minutes to kill before the movie starts." He said while looking at his wrist watch. "Wanna go to Starbucks to buy drinks and some pastries? 'Yon nalang ang kainin natin sa loob ng sinehan."

Sumang-ayon nalang ako sa kaniyang gustong mangyari. I'm also craving for some vanilla frappe and waffles.

"What's yours?" He asked me when we're already near the cashier.

"Vanila frappucino. Venti." I answered and I was about to give him money when he stopped me.

"Let me pay for it." He said.

"But you already paid for my movie tickets. Nakakahiya, Kiel. May pera naman ako." Katwiran ko.

"Just let me do this for you, Xy. Wala lang 'to." Sabi niya naman at hinayaan ko nalang siya dahil alam kong hinding-hindi niya tatanggapin ang pera ko.

Itinabi ko nalang ang aking wallet sa aking bag. Pagkatalikod ko para tignan ang mga naka-display na Starbucks tumbler ay may nabunggo akong babaeng pamilyar sa akin.

"Uhm... Sorry." sabi ko at tinulungan siyang pulutin ang folder at clearbook na dala-dala niya.

"Okay lang." simpleng sabi niya at nag-iwas ng tingin sa akin nang matapos naming sikupin ang dala-dala niya.

"Ito oh." Iniabot ko sa kaniya ang napulot kong folder nya. "Sorry talaga."

"It's okay. Thank you." Pasasalamat niya nang abutin niya ang folder.

Kumunot ang aking noo ng bahagya siyang lumingon para tanggapin ang binigay ko. She really looks familiar. I just can't remember...

"Shell?"

Napatingin ako kay Kiel na ngayo'y nakakunot-noong tinitignan si Shell.

My eyes slightly widened and averted my gaze back to her. She's my officemate before sa company ni Brendt! Siya iyong nagsabing gusto niya si Kiel at sinundan niya pa nga roon kaya siya doon nagtrabaho.

"K-Kiel..." She stuttered as she looked at Kiel.

"What are you doing here?" mariin na tanong ni Kiel.

"Uhm... Bibili l-lang sana ako." she answered, stuttering. "May meeting lang ako kanina—"

"H'wag mo sabihing sinusundan mo kami ni Xylia para sirain kami?" Kiel raised his eyebrows without filtering his words.

"Kiel..." I tried to warned him but it looks like his full attention is on Shell.

"Hindi, Kiel!" Agad niyang pagtanggi sa bintang ni Kiel. "May meeting kasi talaga ako dito."

"Shell, please lang. I'm begging you. Tama na!" rinig na rinig ko ang frustration sa boses ni Kiel. "I already told you na ayoko sa'yo at may iba akong gusto." he explained.

Nagulat naman ako nang bigla akong hatakin ni Kiel papalapit sa kaniya. Ang kaniyang braso ay pinalupot niya sa aking bewang.

"And it is Xylia." He stated.

"But she doesn't like you so get your fucking hands off my girl."

Gulat kong nilingon si Brendt at agad akong napalayo sa pagkakahawak ni Kiel sa akin na lumuwag din nang dahil sa pagdating ni Brendt.

"B-Brendt." Ako naman ngayon ang nautal habang tinitignan ang mapanganib niyang tingin kay Kiel.

He looked at me and his jaw clenched. He is really pissed off. I forgot to tell him that I'll be seeing Kiel today!

Lumapit siya kay Shell at may iniabot na clear book and a flashdrive. "Take a look at the designs inside it. Make a powerpoint presentation about it. Nasa flashdrive naman ang mga soft copy ng bawat designs so no need to scan it." He professionally instructed Shell. "Make sure it's done before Wednesday next week. Gusto ko malinis ang pagkakagawa. Do you understand?"

"Yes, Sir. I understand." Tumatango namang sabi ni Shell.

"You may now go back to the company." Malamig na sabi ni Brendt.

"Okay, Sir." Sabi nalang ni Shell at muling sinulyapan ng tingin si Kiel bago ito nakayukong umalis.

Nanlamig ako nang tumama sa akin ang malamig na tingin ni Brendt. Pakiramdam ko'y maiihi ako sa pinaghalong kaba at takot nang dahil sa kaniyang titig.

"I wasn't informed that you have a date today." He sarcastically said as his jaw clenched again.

Hindi ko alam kung para sa'kin ba ang tanong na 'yon dahil inilipat niya ang kaniyang tingin kay Kiel.

"I asked her out." Kiel casually answered like it's not a big deal. "It's not actually an official date, but you can say that it is."

Brendt raised his eyebrows before he smirked. "Well, then I guess I can get my girl now from you." He said and held me on my right wrist. "Not that I need your permission. Gusto ko lang malaman mo na sa'kin si Xylia."

"We're not yet done." Mariin na sabi ni Kiel at hinawakan rin ako sa kabilang palapulsuhan ko. "Kakasimula lang namin. We're still going to watch a movie."

Hindi pinansin ni Brendt ang sinabi ni Kiel nang maglakbay ang kaniyang mga mata sa kamay ni Kiel na nakahawak rin sa akin. Sinubukan kong ikawala ang aking pulso mula sa pagkakahawak ni Kiel ngunit mas humigpit pa ang pagkakahawak niya dito upang hindi ako makawala.

"I already told you earlier..." Punong-puno ng panganib ang boses ni Brendt at sobrang talim ng kaniyang titig na nakadirekta kay Kiel. "Don't. Touch. My. Girl." Mariin ang pagkakasabi niya ng bawat salita.

"Don't touch your girl?" Nanghahamon na sabi ni Kiel. "Your girl, Brendt? Your girl?" Parang natatawa pa nitong sabi.

"Yes, my girl." Sagot ni Brendt.

"I believe that she's not your girl." Batid ni Kiel.

"Believe me. She is. Well, actually, she's not just my girl." Umigting ang bagang ni Brendt at ngumisi bago lumingon sa akin. "Right, my fiancée?" Biglang lumambing ang boses ni Brendt nang kausapin ako.

I bit my lower lip and nodded.

Mabilis na nakalas ni Brendt ang pulso ko sa pagkakahawak ni Kiel nang lumuwag ito dahil sa aking simpleng pagtango.

Nang maitabi ako sa kaniya ay pinulupot ni Brendt ang kaniyang braso sa aking bewang.

"And by the way, as my bestfriend, I want to invite you sa engagement party namin ni Xy." Sabi nito kahit na sa pagkakaalam ko'y wala naman kaming engagement party. "I'll just send you the invite."

Tinignan ko naman ni Kiel na ngayo'y nakatingin lamang sa kaniyang kamay na kanina'y hawak-hawak ako. Tila wala siyang naririnig.

"Now, if you'll excuse us..." Kalmadong sabi ni Brendt bago ako inalis doon.

I tried to call Brendt's attention when we're already outside Starbucks. Mahigpit ang kaniyang pagkakahawak sa akin at mukhang wala siyang balak na bitawan ako. Dire-diretso lang ang kaniyang lakad hanggang sa makarating kami sa parking lot kung saan nakaparada ang kaniyang sasakyan.

"Brendt, can you please slow down?!" Kinakabahan kong sabi dahil sa sobrang bilis ng kaniyang patakbo. "Brendt, ano ba?!" Tumaas na ang aking boses pero parang wala pa rin siyang naririnig.

Suminghap ako at tinanggal ang seatbelt ko saka sinukbit ang side bag ko. Nakita kong napasulyap siya sa akin dahil sa aking ginawa.

"Stop the car." Mahinahon ngunit mariin kong sabi.

Nanatiling diretso ang kaniyang mga mata sa bilis ngunit bahagyang bumagal na ang kaniyang patakbo. But still, I'm not comfortable with the speed. I want him to calm down.

"Stop this fucking car or I'll get off while it's running!" Banta ko sa kaniya at hinawakan ko na ang door handle ngunit agad niya itong hininto sa sidewalk.

I didn't waste a time. I immediately got off his car without saying good bye.

"Xylia!" He called me but I'm too scared to notice him. "Xy, naman..." He sounded so frustrated.

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad patungo sa kalapit na waiting shed. I just continued to play deaf.

He should learn how to control his temper. What he did earlier is way too dangerous.

Hindi pa ako nakakarating sa waiting shed ay agad na niyang nahili ang aking braso at mabilis na hinarap sa kaniya. Tumama agad ang aking mata sa kaniyang mga mata.

My heart softened when I saw how fear and frustration played around his eyes.

Huminga ito ng malalim at lumambot ang pagkakahawak sa braso. "Please, get in the car." He calmly said but I just stared at him. "Please, let's go home together." Mas marahan pa ang pagkakasabi niya ngayon ngunit patuloy lang akong walang kibo.

Bayolenteng huminga siya ng malalim. Hinilamos niya ang kaniyang palad sa kaniyang mukha at saka muling idinirekta ang tingin sa akin.

"Xylia, will you please talk to me." Bahagyang tumaas na ang kaniyang boses.

Napataas naman ang aking kilay. "Ngayon alam mo na ang pakiramdam nang hindi pinapakinggan." Sabi ko. "Ano? Masarap ba sa pakiramdam? Ganiyan ang ginagawa mo sa'kin kanina. I wanted to explain but you won't give a heart to listen to me."

Bahagya siyang nagulat sa aking pag-aalboroto ngunit agad ding lumambot ang kaniyang mga mata.

"Okay, I'm sorry." Mahinahon niyang sabi. "It's just that... I got... I got..." Hindi niya maituloy-tuloy ang kaniyang sasabihin.

"Got what, Brendt?" I became curious. "Got what?"

"I got jealous, okay?!" He frustratedly said and messed his hair that made him looked even hotter. "Nagselos ako pero mas nangingibabaw ang takot ko. Takot na takot ako, Xylia."

"Natatakot saan?" I asked him, concerned for what he is feeling. "What are you suddenly afraid of, Brendt?"

"Let's go to my house." Sabi nalang niya at iniba ang takot. "I'll cook for you."

"Bakit ka muna natatakot?" I asked him again. Hindi ako mapakali hangga't hindi ko alam ang sagot niya. "I wanna know why you're afraid, Brendt. I wanna know why so that I can do something to take that fears away."

"Takot na akong maagawan, Xy." He confessed. "Ayoko ng maagawan. Ayoko ng mawalan. Ayoko ng masaktan. Natatakot na ako." sunud-sunod niyang sabi.

Sumikip agad ang aking puso. Hanggang ngayon ay ang nananatili pa rin ang epekto ng pag-iwan sa kaniya ni Sandra sa kaniyang pagkatao. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nawawala ang kaniyang takot.

It hurts because I know that while those fears and pains are still lingering on him, I know he won't trust me fully. Hangga't hindi nawawala ang takot na iyon ay hindi mabubuo ang kaniyang tiwala. He doesn't trust my love for him and that's hurting me so bad.

"Kaya ako nahirapang tanggapin sa sarili ko ang nararamdaman ko sa'yo dahil natatakot na akong magmahal. Once na magmahal ako, binibigay ko na ang lahat. At ayokong mawala o masayang ulit ang lahat ng 'yon." Sabi niya at nakita ko na ang pamumuo ng luha sa kaniyang mga mata. "Natatakot na akong masaktan. I just don't wanna get hurt anymore."

"I am not Cassandra, Brendt." Mariin kong sabi at muli siyang napaangat ng tingin sa akin. "I will never leave you. I will not abandon you for another man. Magtiwala ka naman sa'kin, Brendt. Please trust my love."

Tumango-tango naman siya at hinatak ako papalapit upang yakapin ako. Naramdaman ko ang kaniyang paghalik sa aking ulo.

I am willing to wait until he fully trusts me. I am willing to wait until he finally lets go of those fears.

"Sir, may dumating po na invitation kanina." Bungad ng kasambahay ni Brendt nang makarating kami sa kaniyang bahay.

Napag-alaman kong paminsan-minsan lang siya umuuwi dito dahil mayroon siyang condo na malapit lamang sa kanilang kompanya.

"Invitation?" Nagtatakang tanong ni Brendt at saka ako nilingon.

"Wag mong sabihing nakapagpagawa na si daddy ng invitation." Hindi makapaniwalang sabi ko habang pabalik na 'yung kasambahay niyang kinuha ang invitation.

"I don't know." Tipid niyang sabi bago kinuha ang imbitasyon mula sa kasambahay.

Tumingkayad pa ako para makita ang nakasulat doon ngunit ang nakalagay lang sa labas ng envelope ay ang magandang font na pinangsulat sa pangalan ni Brendt.

"Buksan mo na." Na-eexcite kong utos sa kaniya.

I love weddings. Hindi lang halata but I do. Siguro naman ay isasama ako ni Brendt sa kasal kung saan siya imbitado.

Unti-unti niya itong binuksan na dahilan din ng unti-unting pagwala ng mga ngiti sa labi niya nang mabasa ang mga katagang nakasulat.

"Sandra..." Mahinang sambit ni Brendt at agad akong napatitig sa kaniya na ngayo'y tulalang nakatingin sa imbitasyon.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top