Chapter 18

Chapter 18
Favorite

"Good morning." he whispered when I woke up. "How's my fiancée?"

I smiled when I saw his handsome face in front of me. Nothing beats a morning seeing his face as soon as I open my eyes.

He bit his lower lip. "You are uhm... drooling."

My eyes slightly widened. My hand immediately checked the corners of my lips and I found out that I wasn't.

I looked at Brendt again and saw him trying to surpress his laughter. Sinimangutan ko siya.

"I'll sleep again." sabi ko nalang at tumalikod sa kaniya.

Niyakap ko pa ng todo ang kumot na nakabalot sa aking katawan.

Naramdaman ko naman ang paglapit niya sa akin at ang pagkaluskos ng higaan. He hugged me tightly and I felt his jaw rested on my neck as he checked on me.

"First morning natin as an engaged couple tapos tutulugan mo lang ulit ako." He said and trying to sound like he's badly hurt. "You're so bad, Cindy. Such a bad fiancée'..."

Brendt decided to be with me for the rest of the night. But we didn't do anything. We just cuddled and slept. Nothing happened more than that.

Humarap naman ako sa kaniya at halos one inch nalang ang pagitan namin sa isa't-isa. Nakakasilaw ang kaguwapuhan niya lalo na kapag bagong gising. He looks like a baby.

"Totoo nga ang sabi nilang mas nakikita mo ang kagandahan ng babae kapag bagong gising." he said while smiling as he continued to stare at me. "You made me believe in that romantic theory, Cindy."

Napanguso naman ako. I like the way he calls me Cindy or Cinderella but it somehow felt like he's pertaining to another person or woman.

"Cindy ka ng Cindy." reklamo ko. "Siguro, Cindy ang pangalan ng babae mo." nagtatampong biro ko.

I just really want him to change his nickname for me. Something sweeter... He can call me Xy or Xyxy.

But why am I even thinking about it? It's making me cringe.

Kumunot ang kaniyang noo at ngumuso. "Ako? May babae?" Tanong niya at tumango naman ako.

Naagaw naman ng kaniyang mapulang labi ang aking atensyon. Parang labi ng babae kung titignan mo nang maigi. He's really one of a hell good looking man. It made me want to kiss his lips but I don't want him to think that I'm so aggressive.

Ngumisi naman siya. "Ay, oo!" bigla niyang sabi. "May babae nga pala ako."

Ako naman ang napakunot ng noo at muli kong ibinalik ang aking tingin sa kaniyang mapaglarong mga mata.

Lumaban siya nang pakikipagtitigan sa akin kaya naman pinanglakihan ko siya ng mata. May babae ka pala ah!

He chuckled at my expression before he hugged me. Sinubsob niya ang kaniyang mukha sa aking leeg habang patuloy pa rin siya sa paghalakhak.

"Of course, it's you." he said. "You are my girl." he added and my cheeks started to heat up.

Mas nadagdagan pa ang mga paru-parong nagwawala sa aking tiyan. Is it healthy to feel these wild butterflies in my stomach, early in the morning?

"Ewan ko sa'yo." sabi ko nalang at bumangon na sa kama upang makawala sa kaniyang yakap dahil hindi ko na alam ang dapat kong sabihin.

Rinig ko ang mapang-asar niyang tawa habang papunta ako sa comfort room upang makaligo. Napailing na lamang ako.

Pagkatapos kong maligo ay wala na siya sa aking kwarto. Nagbihis nalang ako at tinignan ang cellphone kong may text galing kay Kiel. Ang tagal ko na rin siyang hindi nakausap.

From: Kiel
Haven't seen you in a while, Xy. Wanna meet or hangout?

Tinagilid ko ang aking ulo saka umupo sa harap ng tukador. Kinagat ko ang aking ibabang labi bago nagtipa ng mensahe sa kaniya.

To: Kiel
Hi. Sure! Kailan ba?

Siguro ay hindi naman masamang makipagkita sa kaniya. He's a good friend afterall and he is Brendt's best friend. I should probably tell him about our relationship. He should know about it.

Inayos ko muna ang sarili ko sa salamin at halos wala pang isang minuto ay nagreply na siya kaagad.

From: Kiel
Maybe, later. If you don't have any plans today. And if it's okay with you, of course.

Napatigil naman ako sa aking ginagawa at hindi muna sumagot kay Kiel. I'm not sure if I have plans today. Maybe, I should ask Brendt about it.

Ngumuso ako at lumabas sa kwarto matapos kong mag-ayos. Nakita ko sa kusina si Brendt na nagluluto ng aming umagahan. He's only wearing a fitted gray sando and I can see how his biceps flex whenever he stirs what he cooks.

Napakagat naman ako sa aking ibabang labi at kinuhanan muna siya ng litrato. Napangiti nang hindi niya ako mapansin sa pagkuha ko kaya naman lumapit na ako.

"Brendt..." Malambing kong pagtawag sa kaniya.

He glanced at me before he smiled. "Wait a minute. It's already done." Sabi niya bago pinatay ang stove.

Isinalin niya sa serving bowl ang nalutong fried rice. Inilagay niya ito sa ibabaw ng lamesa at muli akong nilingon.

"Are you already hungry?" He asked me. "I'll just cook the other main dish. It will just be quick."

Nagpatuloy naman siya sa paghihiwa ng karne na nasa cutting board. He's very skillful when it comes to cooking. Pakiramdam ko ay mas magaling at mas maalam pa siyang magluto kaysa sa akin.

"I'm slightly hungry, but it's not that..." Nag-aalangan kong sabi.

Tumigil naman siya sa paghihiwa at muling nag-angat ng tingin sa akin.

"What is it then?" He asked, waiting for me to spill out the words that I been wanting to ask.

"I just want to ask if we're gonna go out today? Aalis ba tayo ngayon?" Tanong ko sa kaniya.

"Today? Hmm..." Tumingala siga at mukhang inisip ang kaniyang schedule ngayong araw. "I don't think we can go out today. I have a meeting with a client at 2PM. Maybe, next time. Pero kung gusto mo, pwede ka namang sumama sa meeting. Is it okay with you?"

"No, it's okay with me. Hindi na ako sasama. Baka maka-istorbo pa ako." Sabi ko naman.

Nagtaas siya ng kilay sa akin na para bang hindi siya panatag sa sagot ko. "Really?"

I chuckled. "Oo naman!" Sabi ko. "Sige na. Call ne when you're done cooking." Sabi ko nalang at saka siya tinalikuran.

Pagbalik ko ng kwarto ay agad akong nagtipa ng mensahe kay Kiel.

To: Kiel
Yes, I'm free! Saan tayo pupunta? What time?

And of course, I was able to get an immediate reply from him.

From: Kiel
Great! I'll pick you up at 2PM. We can go to a nearby mall around your condo.

Pagkabasang-pagkabasa ko nito ay agad rin akong nagreply at narinig ko ang kasabay na pagbukas ng pintuan.

To: Kiel
Okay, then. I will wait.

Nakangiting inilapag ko ang cellphone sa ibabaw ng drawer bago nag-angat ng tingin kay Brendt na ngayo'y nakakunot-noong nakatitig sa akin.

I smiled at him. "Done already?"

"Yeah..." He slightly nodded. "Kumain ka na." Sabi niya at nauna nang lumabas ng kwarto.

Hindi naman na ako nagpahuli at agad ko siyang sinundan. Tahimik lamang kaming dalawa nang magsimula kaming kumain. I kept on praising how delicious the dishes he cooked but there are no response from him.

"Hmm! Ang sarap naman." Pagpapapansin ko sa kaniya at panay ang subo ng pagkain. "Mukhang sanay na sanay ka ng gawin to ah. Is this your specialty?"

Kita kong napatigil siya sa pagsubo na agad itinuloy bago sinagot ang tanong ko. "Madalas ko lang lutuin dati." Simpleng sagot niya.

Napangiti naman ako. Sa wakas ay nagsalita na ulit siya.

"Bakit?" I wondered. "Is this your favorite breakfast dish?"

Umiling siya at kita kong mas lalong nawala na ang kaniyang atensyon sa pagkain kaya naman napakunot na ang aking noo sa ipinapakita niyang kilos.

"Hindi." Tipid niyang sabi.

I want more answers, Brendt. It feels like you are hiding something from me.

"Eh bakit mo madalas lutuin kung hindi mo paborito?" Mas lalo pa akong nagtanong.

Napabuntong hininga naman siya bago ibinaba ang kubyertos sa plato. Kinagat niya ang kaniyang pang-ibabang labi. Kitang-kita ko ang pag-aalangan sa kaniyang mga mata na sabihin sa akin ang totoo, ngunit nang mag-angat siya ng tingin sa akin ay mukhang handa na siya.

"It is Sandra's favorite. Sa lahat ng kaya kong iluto, ito ang pinakanagustuhan niya." Sagot niya.

Para naman akong nawalan ng ganang kumain nang dahil sa kaniyang sinagot. Why did he cook this for me then if it is his ex-lover's favorite?

"Oh..." Tumango-tango naman ako. "Kaya pala." Sabi ko nalang at pinilit na ngumiti.

Alam kong hindi naman maiiwasan na maisali si Sandra sa usapan namin lalo na't matagal din ang kanilang pinagsamahan. Tanggap ko na ang parteng iyon sa buhay niya pero sana'y hindi niya na dinadala sa akin kung ano ang nakasanayan niya kasama siya.

Sandra and I are not the same. Sa pagmamahal palang para sa kaniya ay alam kong hindi kami patas. I love Brendt while she didn't. Or maybe she did, pero hindi kasing lalim ng sa akin.

"Ako na ang maghuhugas ng pinagkainan natin." I volunteered and stood up from my seat when we're already done eating. "May meeting ka pa diba? Umuwi ka na at maligo. Baka mahuli ka sa meeting mo." Sabi ko nalang at nag-umpisa ng hugasan ang mga pinggan sa lababo.

Rinig ko ang malalim niyang paghinga niya at naramdaman ko nalang ang pagpulupot ng kaniyang braso sa aking bewang. His hand reached for the faucet to turn it off before he rested his chin on my shoulder.

"Please don't be jealous..." He whispered and I felt the warmth of his breath.

"I'm not jealous, okay?" Sabi ko nalang at binuksan muli ang gripo.

Akmang hahawakan ko na ang pinggan para hugasan nang mabilis niya akong iniharap sa kaniya.

"I know you are, Xy." He said by his husky voice as he leaned forward, his forehead touching mine.

He reached for the faucet again at muling nawala ang tunog ng paglagaslas ng tubig.

"Don't be, my Cinderella." He said. "Ever since we made love, I'm only yours."

Pinatakan niya ako ng mainit na halik sa aking labi at napapikit na lamang ako. Ang mababaw na halik niya ay mas lumalim ng lumalim na dahilan nang pagkawala ng sentido ko.

Napasinghap na lamang ako nang maramdaman ko na ang kaniyang mabilis na kamay na gumagala-gala sa loob ng damit ko. I slightly moaned when his hand cupped my mount, but he immediately pulled his hand out after a soft squeeze.

Halos habulin ko pa ang labi niya nang kumawala siya sa paghalik sa akin.

Kinagat niya ang kaniyang labi. His forehead stayed resting on mine. He sighed. "This can't be. I won't be able to stop."

"Then don't. You don't have to stop." I can't help but to say those words and he just let out a playful smile.

"I didn't know you want me that much, Xy." He teased me.

Napataas naman ang aking kilay bago ibinaba ang aking tingin sa ibabang parte ng kaniyang katawan. Doon ay nakita ko ang kitang-kita na umbok sa kaniyang gitna.

Hindi ko tuloy mapigilan ang pagtawa.

"Ako nga ba?" I laughed hard.

Napapikit naman siya ng mariin sa aking pang-iinis.

"Damn it." He cursed under his breath.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top