T U L A (6)







Bawat segundo ng araw, bawat pagpatak ng tubig
Mananatili kang iniibig
Kahit hindi na ako ang iyong mahal
Mananatili pa din ako sa iyong pagmamahal


Inaalala ang bawat sandali ng ating pagsasama
Inaalala kung bakit ka nawala
Inaakala ko lamang na mabubuo ulit
Ang mga pinapangarap, paulit-ulit



Kahit isang tingin lang ang aking makamit
Pero parang wala na, kahit pa ito'y paulit ulit
Habang minamahal kita ng may katapatan
Nakikita kong hindi na ako ulit ang iyong katipan

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top