Chapter Seven
"I've still been searching and long have I waited for someone to like me as me to laugh with, to cry with to be just beside with a friend that's who I need~."-Keno
DAN'S POV
"Hello... Ikaw ba yung mag-aapply Iha?" kung meron siyang angelic face... Meron din siyang angelic voice! Waaah *_*
"A-ah o-opo." kinakabahan talaga ko right now... Kase baka masungit siya ehh...
"Don't be nervous. I won't bite." bakit aso ba siya? Joker din pala to si Madam eh. "Anyway my name is Angelica."
Woah~ kaya pala ehh... Ang ganda talaga niya!
"Madam how to be you po?" tanong ko. Agad naman akung napatakip ng bibig.
"P-pardon?"
Ngayun ko lang Narealize kung ano yung sinabi ko. Waaah!!!
"S-sorry po. Ang ganda niyo po kase!" namumula kung sabi.
"Haha salamat Iha..." nagulat ako nung tumawa siya. Yung tawa kase niya is pabebe. Hindi tulad ng akin na kita na ang internal organs. Haay... Ang unfair ng mundo!
"So, ang gagawin mo lang is maglalaba. Unfortunately, Nag resign na kase yung Labandera namin dito. Kaya naghanap ulit kame... Every weekends ka lang naman maglalaba. Saturday and sunday." tiningnan naman niya ko pati yung mga gamit ko.
"Well, kung gusto mo... Pwede ka naman tumira dito dahil my vacant pa naman yung quarters namin dito."
Napakaganda na nga napakabait pa. Kaso hindi ko matatanggap iyon.
"Salamat po Maam Angelica, ngunit hindi ko po matatanggap ang iyong alok." nakangiti kung sabi.
"Bakit naman iha?" takang tanong niya. Siguro nagtataka din siya kase tinanggihan ko ito.
"Ipagpaumanhin niyo po... Ngunit every week days po kase ay nagtatrabaho ako bilang Crew sa isang Korean Restaurant." tumango na lang siya.
"Napakasipag mo palang bata ka... Okaaay... Basta maliwanag tayo na every weekends ka lang maglalaba."
"Opo. Maraming salamat nga po pala Maam. Mauuna na po ako..."
"Mang Kepweng! Paki hatid naman po siya sa gate." tumango na lang si Maam at umalis na.
"Tara na Iha... Akala ko dito kana titira eh." May pagkamasama din pala ang ugali neto ni Mang Kepweng eh no. Kung makapagsalita akala mo kagandahan yung Pangalan eh.
"Grabe ka Manong ah!" pagtataray ko sa kaniya.
"Joke lang Iha, hindi ka naman mabiro ehh..."
"Tsk! Hindi talaga Manong! Kase hanggang ngayun nag-iisip parin ako kung san ako maghahanap ng matitirhan!!!" badtrip talaga... Bakit kase hindi ko na lang tinanggap eh? Pabebe din kase! Kase etong pride ko eh! Kinakalaban na naman ako!
"Dapat kase tinanggap mo na lang yung alok ni Madam." sabi ni Mang Kepweng na akala mo kagandahan yung Pangalan.
"Wala na eh. Nangyari na eh. Maibabalik pa ba natin yung oras Manong?" pagsisisi ko sa kaniya.
"Nagegets mo ba? Parang love lang yan ehh---" pinutol ko na agad ang kahibangan ni Manong.
"Naku Manong, tigil-tigilan mo ko sa mga hugot hugot mo. Kase hindi nakakakilig! Nakakaasar!" sabay baba ko sa sasakyan niyang hindi ko alam ang tawag. Sino ba kase nag imbento niyan hindi man lang nilagayan ng tawag dun sa sasakyan. Tsk.
"Hahahaha. Hindi kapa siguro umiibig Iha!!!" malakas na sigaw ni Manong bago ako makalabas ng gate.
"Manong sino nakaisip ng Pangalan mo?" seryoso kung tanong.
"Si Sir, George. Bakit po?" sino yun?
"Nvrmnd!!!" malakas na sigaw ko bago tumalikod sa kaniya at tuluyan ng lumakad.
Haaay. Ang tanga tanga ko! Ang tanga tanga ko! Kung sana kase tinaggap mo na lang yung alok ni Madam edi sana hindi ka mukang tanga dito sa kalye habang naglalakad at hindi alam kung saan ang patutunguhan!!! Grabe tung kunsensya ko!
Napagusapan na din namin kanina ni Madam kung magkano ang sahod ko. Sapat lang naman hindi siya mababa at hindi rin naman mataas sapat lang. Iipunin ko lahat ng suweldo ko para makamit ko na ang mga pangarap ko!
Kinuha ko yung wallet ko at tiningnan kung magkano pa ba ang laman neto. Pagkabukas ko nahulog yung mga barya ko. Bwisit! Puro barya nga pala to. Sinimulan ko ng pulutin... Sayang yung mga barya ko kung hindi ko pupulutin to no!
Okaaay last na lang!!!---- huh? Pagtingala ko... EDI WOW! Ang ganda nung bahaaay! Kung maganda ang exterior design ng kanila Madam Angelica, ano pa to? Super laki nung gate. Kaso nga lang dito onting tanaw lang yung bahay sa loob. Pero atleast kitang kita mo yung mga design sa garden nila. Basta maganda!
Pero mas napukaw talaga ng atensyon ko yung nakasulat sa gate.
WANTED: CARETAKER
Contact no: 09093615119
(No. Ko yan... Text niyo ko. Hahaha)
Napakasuwerte ko talaga. Tiningnan ko nga yung puwet ko kung may balat eh. Meyn, wala! Ang suwerte ko talaga! hindi na ko nagpa tumpik-tumpik pa boom karaka-raka at tinawagan kuna agad yung no. Baka maunahan pa ko eh. Alam muna sigurista tayo pagdating sa mga gantong bagay...
"A-ahh... Hello po?" nanginginig talaga ko. Baka sabihin kase. 'sorry may nakuha na kame' promise pag ganyan talaga sinabi niya maglulumpasay ako dito sa sahig. With matching untog-untog pa ng ulo sa semento.
(Oh! Hello! Alam kuna ang pakay mo... Gusto mung mag-apply bilang caretaker ng mansyon ko? Salamat... Dahil walang gustong pumasok bilang caretaker.)
Yess!!!
"SALAMAT PO!!! TAMANG-TAMA KASE NAGHAHANAP DIN PO TALAGA KO NG MATUTULUYAN!!!" malakas na sigaw ko. Natutuwa lang talaga ko.
(Iha... Ikinalulungkot kung sabihin... Yung isang eardrum ko is basag na. Please... Huwag mo ng basagin pa ang isa.)
Malumanay niyang sabi. Agad naman akung nagulat.
"Ayy! Sorry po. Sorry po. Hindi na po mauulit natutuwa lang po talaga ko sa mga nangyayari." paliwanag ko.
(Okay lang. So, simple lang naman ang gagawin mo diyan... Gusto ko lang panatilihin mung malinis ang paligid. Syempre hindi lang sa labas pati din sa loob syempre. Anyway waht's your name Iha?)
"Promise po Sir. Papanatilihin ko po talaga itong malinis palagi. My name is Dansun hyun po. Pero Dan na lang..."
(Oh sige magkita tayo sa Classroom Cafe. Dito kase malapit yung company ko eh.)
"Okay po."
Wait. ano daw? Saan daw kame magkikita? Sa CLASSROOM CAFE? Sa dinami-dami dun pa talaga? Maryosep! Mag ma-mask na nga lang ako baka makita pa ko ng manager dun eh.
Diniscribe niya sa akin kung anung itsura at kulay ng damit niya kaya agad ko naman siyang nakita. Mukang tanga nga lang talaga itsura ko ngayun kase dala-dala ko pa yung dalawang maleta ko at bagpack sa likod at shoulder bag sa harapan ko.
"Hello po." sabi ko. Halata sa itsura niya ang pagka yaman niya... Napakakisig din niya. Siguro ang pogi neto nung kabataan niya. Parang may kamukha siya... Hmm makakalimutin na kase ko eh wag na nga lang alalahanin!
"Hello Ms. Hyun, my name is Kevin." iniabot niya ang kamay niya kaya nakipag shake hands narin ako kahit napaka formal masiyado.
"Sir, Kevin. Ano po kase eh... Every week days wala po ako sa bahay niyo I mean tuwing umaga at gabi lang po ako andun. Kapag Weekdays naman po wala din ako. Pero po! Pinapangako kung papanatilihin ko parin itong malinis." napakunot naman ang noo niya. Huhu
"Bakit naman? Will you explain?" tanong niya.
"Kase po tuwing umaga pumapasok po ako then paguwi ko nag tatrabaho po ako sa isang Korean Restaurant. Tuwing sabado't linggo naman naglalaba po ako. Sorry po Sir, Kevin wala lang po talaga kung mattitirhan. Pero promise naman po eh na aalagaan ko parin ang bahay niyo bago ako umalis." napatango-tango siya.
Deep sighed. "Okaaay!!! Tanggap kana! Bilib ako sa ipinapakita mung kasipagan Iha. Basta! Your promise huh? Don't forget... Okaay... Here's the key!" napangiti ako bigla ng iniabot niya na ang susi. Waaahh!!!
"Maraming maraming salamat po talaga Sir!!!"
Naglalakad na ko papunta sa bago kung mansyon. Whuahahaha *Evil Laugh*
Wow ang laki ng pool sobra! Napakaganda rin ng garden! Napakalinis! Kaso may mga dahon lang na maraming nagkalat dahil sa mga punong naglalagas na ang dahon.
Pumunta na agad ako sa main door at binuksan na ito.
EDI WOW! ang ganda!!! Para akung nasa museum kase sari-saring mga antique ang makikita mo. Nakakatakot nga lang talaga hawakan kase baka biglang bumagsak medyo careless pa naman ako. Ang gaganda rin ng mga paintings!! Hindi nakakasawang titigan.
Ang ganda at ang lambot din ng sofa! Basta ang ganda niya alam niyo naman yung mga sosyal na bahay diba? Hindi parin talaga ko makapaniwala na makakatira ko sa ganto.
Ang sabi ni Sir, Kevin ginagamit daw nila itong bahay nato kapag may events na magaganap sa family nila oh kaya sa company nila eh. Kung gayun napaka suwerte ko talaga hihi.
Napatayo ako bigla mula sa pagkakaupo ko ng makarinig ako ng malakas na kalabog. Sheteee Nagulat ako dun ah! Saan kaya galing yun? Buti wala akung kasama dito kase ang epic talaga ng pagkagulat ko.
Pumunta agad ako sa kusina kase tunog kaldero yung narinig ko na parang bumagsak.
"Sino yan? May tao ba diyan?" alam ko namang walang tao dito kase ng buksan ko to naka lock diba? Minsan tanga din ako eh.
"Meowww~"
"Ayy! Kabayong tumatahol!" tiningnan ko siya ng maigi. Bwisit pusa lang pala. "Leche kang pusa ka!!! Huh! Hindi mo ba alam na halos atakihin ako huh? Tamang tama! Tara dito! Kakatayin kita! Gagawin kitang siopaooooo!!!"
nung narinig niya yung siopao biglang tumakbo. Problema ng pusa na yun? Haayst. Sakit ng dibdib ko sa kaniya napainom tuloy ako bigla ng tubig eh.
Comment,
Share,
Vote
Enjooy.. alabyow<3
-jeoneunwangjihyun<3
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top