Si Olivia, ang unang anak ko.
06-17-15
This is my first story. Ever.
Comics pa ang uso noong grade 4 ako. Tapos sa notebook pa 'yan nakalagay. Sa likuran ng Filipino notebook ko to be exact. Haha.
It was my friend, Kate, who influenced me to write that time. Kasi siya yung may sariling notebook for comics.
Hindi ko lang nagustuhan yung ending nung kwento niya so I decided to write my own version.
Pero dahil hindi ako artistic katulad ni Kate, puro ulo lang ang laman ng komiks ko. Magkakamukha sila at sa hairstyle mo lang madidistingiush kung sino ang sino. Haha.
Noon ko unang naranasan yung overwhelming feeling na may nakaka appreciate sa gawa mo.
As in dinudumog kasi ako ng mga kaklase ko noon dahil sa komiks ko. And it was more popular than Kate's.
My first story is titled Olivia.
Kung mapapansin mo, mahilig talaga ako magtitle ng pangalan ng bida lol
It was a fiction about a royal princess.
Inspired by Korean tradition and Barbie's Princess and Pauper movie, Olivia's story was a hit.
Clichè ang plot and storyline (dahil uso yung mga nagkakapalit na anak noon) but it was a blockbuster.
You want to know what's the story about?
It was about a king na mayroong dalawang asawa. Diba uso naman sa Korea (Joseon Dynasty) yung polygamy? So, ayun. Sabay yung reyna tsaka yung pangalawang asawa ng hari na manganganak. Iyon yung start ng kwento ko.
Tapos, at some point there, nag-plot ng evil plan yung Second Wife ng Hari na ipagpalit yung anak niya saka yung anak ng Reyna. There. It was a success.
Lumaki si Olivia na ang alam niya, yung Second Wife yung nanay niya. At katulad sa mga cliche stories, isa siyang damsel in distress. Nakilala niya ang isang prince charming na nagustuhan ng "crown princess" and the conflict goes on like that.
Tapos nalaman na lang ng Reyna't Hari na si Olivia ang tunay nilang anak dahil sa birthmark niya sa kaliwang balikat-- isang korona.
At katulad sa mga cliche na kwento, pinarusahan ng todo ang Second Wife at ang anak nito.
The end. HAHAHAHA
Kasi naman, fanatic talaga ako ng mga royalty stories-- mapa reyna, prinsesa or duchess man yan. Basta may royal blood, G na G ako dyan haha
Halos kalahati ata ng Filipino notebook ko ang sakop ng kwentong iyon.
But the sad part about this is...
wala na ang notebook na tinutukoy ko. Ikinalakal kasi iyon ng tatay ko kasama ng iba ko pang notebook.
Burara kasi ako at pakalat kalat ang mga notebook ko. At pinagsisisihan kong hindi ko iyon itinago.
Now, Olivia's story remains only in me and my classmates' memories.
She was the first story I had ever written. And finished.
Si Olivia ang isa sa mga dahilan kung bakit ako nagsusulat ngayon at kung bakit mahal ko ang mundo ng literatura.
Siya ang nagmulat sa akin sa pagsusulat.
And I will never forget her because of that.
Olivia is and will remain written in my heart.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top