Mai Wattpad Journey


Hi! I am BABAnana07!


This is my book of cheverlu. Lol Basta dito mapapadpad ang lahat ng gusto kong isulat. Maybe a plot idea, a character, rants, and everything? Lol

So kung naintriga ka sa description ng book na ito, chika lang yon lol

Dating Painted Lady Butterfly ang title nito dahil mahilig ako sa orange butterflies pero.... dahil tunog "seryoso" iyon, pinalitan ko na lang ng mas "echos" na title HAHA

So!

I will be introducing myself...

Ako po si Mai, hindi tunay na pangalan, loljk well, actually nickname ko siya, so, yep. Tawagin niyo na lang po akong Mai. Hihi.

Ako ay anim na taon nang namamalagi sa wattpad. Napadpad ako dito dahil fan ako ng PBBTeens. Yep, yung loveteam dati ng JaiLec (Jai and Alec). May isa kasi akong facebook friend na nagpost sa facebook ng fan fiction story niya, at bilang fan, naintriga ako at binasa ko. Well, hindi ko nagustuhan yung kwento kaya nag-exit ako ng story na 'yon hanggang sa makita ko na yung site pala ay puno ng iba pang stories.

Opo, walang nagrecommend ng wattpad sa akin. Nadiscover ko siya nang sariling sikap lol

That time, on-going pa lang yung Class 3-C Has A Secret ni Ate Cha (charotera101) at nagustuhan ko 'yung story. Pero dahil on-going nga, kelangan ko abangan, balik-balikan. And so I did.

Then I decided to finally make an account kasi kating-kati akong magcomment noon sa kwento niya. Elibs ako eh. XD That time, ibang account pa yung gamit ko (yung account na connected sa facebook).

In my first two years, pagbabasa lang ng mga kwento nina Haveyouseenthisgirl, AlesanaMarie, alyloony at iba pang teen fic and romance authors ang kinahihiligan ko. Eventually, nagsawa ako sa pagbabasa ng teen fic and napadpad ako sa iba't ibang genre katulad ng Fantasy, Action, Mystery, Historical Fiction and Sci-Fi.

In my second year in wattpad, naglakas loob akong magpublish ng pinaka-una kong kwento sa wattpad entitled, The Assassin, His Victim and the Policewoman. HAHAHAHA

I know, korni ng title. Pero that time, alam niyo ba? Kinakabahan akong i-post 'yun kasi nga first time ko magpublish. Takot ako sa comment, takot ako sa tao. Lol

Binabalik-balikan ko yung kwento ko everyday, para magcheck kung may nagbabasa. Araw-araw din ako mag-update kahit na maiikli lang. And natatawa ako dahil ang effort ko pa maglagay ng onomatopoeia at emoticons noon. Lol

Pero days passed, months passed, kaunting tao pa lang ang nagbabasa. Ito yung panahong nakikita mo pa sa gilid ng screen yung mga dp nung mga nagbabasa, diba? At alam niyo kung sino ang nakalagay doon? Dalawang tao lang-- dp ko at dp ng kapatid ko. Haha.

Nasaktan ako, kasi umasa ako eh. HashtagHugot. Disappointed ako kasi hindi na-meet yung expectation ko. Kaya naman binura ko yung kwento.

I forgot already kung bakit gumawa ako ulit ng ibang account. Siguro, trip ko lang magpaka-anonymous? Yun kasi ang uso noon eh, walang nakakakilala sa'yo, and that was so cool. Mysterious. Hanggang ngayon ata? Yun pa rin ang uso? Lol

So, gumawa ako ng panibagong account at nagpublish na naman ako ng panibagong kwento entitled, AIRAy ko po! Aray ko po! HAHAHA Opo, yan ang title. Fantasy naman yan. And with that story, nakilala ko ang unang friend(?) ko sa wattpad, si Claire (itscrystalclaire).

Wala na kaming communication dahil hindi na siya active. And baka hindi niya na ako matandaan, pero hindi ko siya makakalimutan. Why? Because she was the first one to acknowledge my writing skills dito sa wattpad kahit na puro emoticon pa 'yon. XD

Pero tinopak ako at binura ko 'yung kwento. Frustrated ako that time dahil sa mga personal na bagay. And yep, nadamay ko si Wattpad.

So, back to zero ang 'My Works' ko. Naglie low na rin ako sa wattpad dahil nadiscover ko ang e-book. Yep, hindi na kasi kailangan ng internet sa e-book kaya mas preferred ko siya noon.

Then, that Summer 2014, dahil sa sobrang boredom, napadpad ulit ako sa wattpad. Sumali ako sa isang contest-contestan ng mga wattpad users, PBBWatty.

I told you, fan ako ng PBBTeens LOL

Medyo hindi ako naka-relate sa ibang users na kasali doon kasi nalaman ko na magkakakilala na pala sila. Tahimik lang ako sa group chat, sa group page at kahit sa activities. Kung sino ang unang magpm sa akin, sila lang din ang kinakausap ko.

Takot nga ako sa tao, diba? Lol Bored lang talaga ako kaya ako sumali. XD

Nagtagal yun ng halos one month? Idk. Di ko na maalala, pero hindi natapos 'yung pakulo na 'yun dahil tinalkshit kami ni Big Brother. HAHAHA.

Since then, back to normal na naman ako. Pero, may mga naging friends din naman ako like Shobe (Radixgrayce), Aeris (MaskedDreams1), ate Chix (chiXnita), and Rimgazer(?).

Tapos, mga before ng pasukan, nakaisip ako ng plot about Mafia Royalties. Adik kasi ako sa action stories that time, binasa ko ata niyan yung Ice Princess Series ni Filipina tsaka yung My Husband Is A Mafia Boss ni Yanajin? XD Sinabayan pa nung mga may tama kong tropa, ang Pansays na adik din sa mafia-related stories.

Then, boom. Pinanganak si Criselda.

Inspired na inspired ako nun dahil naglipana ang mga gangster, mafia at assassin sa mundo ng wattpad kaya halos araw-araw pa akong mag-update noon. Walang mintis ang mga pangako ko dahil summer pa naman.

Hanggang sa isang araw nagulat na lang ako, marami nang nagbabasa ng kwento ni Criselda.

Hindi ko alam kung paano i-explain yung saya na nararamdaman ko noon. Sa isang linggo lang, halos isang libo na ang nagbabasa.

Then nakakaisang buwan pa lang si Criselda, nagkaroon na agad siya ng pwesto sa What's Hot. Siguro Rank 75 ata 'yon sa Adventure tas Rank 98 sa Action? Basta nasa Top 100 na agad siya. Sobrang saya sa feeling. Yep, dalawang genre pa yung stories noon.

Tapos sunod-sunod yung mga nagcocomment na "prologue pa lang, cool na!" kaya halos mangiyak-ngiyak ako noon sa tuwa.

Nung nagpasukan, kwinento ko agad yun sa friends ko. Hindi pa masyadong big deal dahil hindi pa naman ganoon kataas kaya keber lang reaksyon nila. Isang congrats lang, tapos the rest puro kalokohan na pinagsasabi sakin. Salamat talaga friends, sa words of encouragement. Haha!

That year was a blessing to me. Napakasaya ng taon na iyon lalo pa nung napadpad sa highest rank niya si Criselda! Rank 3 sa Adventure tapos Rank 6 sa Action, tapos kapag combined, si Criselda ang top search.

Para akong nasa cloud 9 noon. Kaya ganadong ganado ako magsulat kahit na walang suporta from my real life friends lol (yes, friends, I'm holding a grudge from you loljk)

Then, October 2014 came. Ilang araw akong nanaginip tungkol sa isang babae na may fire magic. I researched about fire magic at dahil doon, nabuo sa utak ko ang pangalawa kong kwento (na hanggang ngayon ay nangangalahati pa rin lol) Si Amelia. Kahit noong sinusulat ko siya, napapanigipan ko pa rin si Amelia. Oo, pinangalanan ko na siya. Hahaha.

Tapos dumating ang Christmas break, ang panahon kung kailan nagsimula akong manamlay sa pagsusulat. Dumalang ang updates sa Criselda, at nagtataray na rin ako sa ibang mga nakakausap ko dito sa wattpad. Lol Sorry guys!

Nagtuloy-tuloy 'yun. Dumaan sa point na gusto ko nang itigil isulat ang Criselda sa kadahilanang wala na akong maisip na isulat, at partly dahil tinatamad na akong tapusin 'yun. Dumating din sa point na nagpost ako sa isang 'files' at sinabi doon ang hinanaing ko. HAHAHA

Pero thank God dahil sa ibang tao dito na in-encourage akong ituloy.

Time passed, nagdagdagan ako ng mga story ideas. Lagay lang ako ng lagay sa draft ng mga kwento... na hindi natutuloy dahil hindi pa hinog. (like Bloom na binalik ko ulit sa drafts at ginawa kong Red Herring) Lol

And theeen, eto na.

Nakatapos na rin ako sa wakas ng kwento dito sa wattpad.

Actually, I'm not yet satisfied with that.

Gusto kong mag-grow, as a writer. And I know, hindi ako disiplinado, bec I talkshit, too. Lol Maraming beses akong nangako ng update, at maraming beses akong nadelay hahaha soryy na xD

My Wattpad journey is not yet finished. Hanggat may wattpad, siguro nandito pa rin ako. Tsaka hindi pa ako nangangalahati sa paglalakbay kong ito.

Yep, I'm a frustrated writer. And I am thankful to the creator of this wonderful site, this beautiful world that is full of creativeness and imagination. Dahil dito, I am able to be who I want to be, I can do what I want, at wala pang bayad. Odiba? Haha.

Well, thanks for reading this! Until sa susunod na tamaan ako ng kadaldalan lol Byee XD

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #random