Kdrama Fanatic Since 2006 Part 2
05-24-2020
Matagal ha, bago ako nakaupdate dito.
Siguro kasi wala naman na akong gustong ikwento sa stagnant kong buhay lol
Anyway, since naipangako, heto na ang part 2 ng pagiging kdrama fantard ko. Lol
Yes, hanggang ngayon, fan na fan pa rin ako ng Kdrama, medyo nabawasan na nga lang, dahil kailangan magtrabaho at magkaroon ng social life, pero ultimate takbuhan ko pa rin ang Kdrama sa alone time ko.
I'm currently watching a lot of ongoing series ngayon, abangers type na ako ng pagiging Kdrama fam di katulad dati na kailangang kumpleto mina ang series bago ko simulang panoorin.
Right now, nanonood ako ng The King: Eternal Monarch, Hospital Playlist, Mystic Pop-up Bar, Kkondae Intern at kasalukuyang nagrerewatch ng Six Flying Dragons.
Bakit ang dami???
Kasi nasa quarantine state ako ngayon! Lol
Yes, nakatala na sa world history na naka wuarantine ang mundo nang dahil sa Covid-19.
Pero ang totoo nyan, ngayon na lang ulit ako nanood ng ganito karaming kdrama.
Simply put, wala na talagang oras dahil sa trabaho at sa ibang bagay.
Pero wag ka, sa Kdrama ko pa rin nararamdaman yung kilig, takot, kaba, at saya na hinahanap ko sa real world pero hindi ko makuha/maramdaman.
That's why takbuhan ko pa rin ang mga kwento ng mga characters na minamahal ko sa kada series na pinapanood ko.
Mahirap noon, dahil wala akong mapag share-an o malabasan ng feels sa mga pinapanood ko.
Pero iba na ngayon...
Ever since the golden era of Kdrama last 2016, marami rami na rin kaming Kdrama fans at naglipana na sila!
Kahit mga kaibigan ko, naakay ko na rin na manood at na engganyo ko na sila sa kulto ko Bwahahahaha
May time pa noong college ako, mas excited pa kaming pumasok para magpasahan ng bagong episode ng inaabangan naming Kdrama kesa sa pumasok para matuto xD
Hindi ko rin malilimutan yung panahong uunahin kong manood ng Goblin kesa sa isulat yung Thesis namin. At sa sobrang delay kong gumawa, napapagalitan na ako ng kagrupo ko sa thesis lol
Isa pang nakakatuwang alaala, eh yung nahuli ko yung nanay ko na nagpupuyat para lang matapos yung Hwarang.
It was a first, finally, nanay ko na mismo ang nag puyat para sa isang drama lol
Tapos syempre, bilang karamihan ng actors sa kdrama ay mga Kpop Idols, kahit na hindi ako mahilig sa Kpop music, unti unti na rin akong naakay dito.
It was also siguro partly because of the Kdrama OSTs na sobrang nostalgic pag naririnig kong naipapatugtog.
Yung kahit umpisa pa lang ng kanta, alam mo na agad kung saang Kdrama yun. That's what happened when Moon Lovers: Scarlet Heart, and Goblin Osts were played anywhere, nakakaramdam talaga ako ng nostalgia.
So dahil na engganyo na ako sa Kpop, I started stanning fully a girl group.
Last 2018, I found out that Jeon So yeon will be debuting with five more girls. Siya yung gusto kong rapper noon sa reality show na Produce 101 (I mentioned it's sequel sa previous update).
I followed their debut stages and I completely fell i love with their song, LATATA.
Simula noon, avid follower na nila ako. Masasabi mo na sigurong isa akong tunay na Neverland (ang tawag sa fandom ng (G) I-DLE).
Sila ang nagturo sa akin paano umeffort ng husto, from voting online para manalo sila ng award, hanggang sa binge watching their I-talks.
Recently, they announced a world tour, na na postpone dahil sa pashneang virus na to.
Dahil dyan, I bought a lightstick (my first kpop merch ever!) at bumili din ako ng signed versions ng album nila. (dalawang version yon so mahal talaga huhu)
Akala ko talaga makakapunta na rin ako sa first concert ko, kaso hindi nga natuloy.
So hanggang ngayon, abangers pa rin ako kung kelan matatapos tong quarantine at kung kailan ulit magiging safe para sa girls at para sa akin ang concert.... na inaabangan ko....
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top