Kdrama Fanatic Since 2006

01-07-18

To date, mayroon na akong napanood na 156 Kdramas since 2006.

Bakit?

Hindi ko rin alam.

Kung ang ibang mga bata noong high school ay pala-barkada, mahilig tumambay sa labas at mahilig gumimik, ibahin niyo ako.

Adik ako.

Adik sa Kdrama.

Nagsimula talaga ito nung elementary ako. Kasagsagan ng panahon ng mga Historical K-drama sa Pilipinas (flashbacking The Legend, Jumong and Queen Seon Deok).

Nabaliw talaga ako, at yung parents at tita ko, sa takbo ng relationship nina Lady Mishil, Bidam at Deokman. Hindi ko kinaya yung napakasakit sa puso na eksena nung namatay si Lady Mishil habang nakaupo sa trono niya at nung namatay si Bidam habang pilit na pinupuntahan si Deokman para mag-explain. Grabe talaga yung impact nun na kahit bata pa lang ako at wala pang gaanong muwang sa mundo, naiparamdam nila sa akin kung gaano kasakit magmahal ng taong wala nang tiwala sa yo at kung gaano kalaki ang kailangan mong isakripisyo para sa pangarap mo.

Grabe. Parang gusto ko na tuloy ikwento na lang yung plot ng Queen Seon Deok. Hahaha. Pero ayun na nga. Doon nagsimula ang lahat. Ang Queen Seon Deok ang nagmulat sa akin sa mundo ng Kdrama at kung gaano kagaganda ang mga kwento nila.

Nagsimula ako sa panood-nood ng mga series sa TV. Inaabangan ko yung mga pinapalabas na Kdrama ng GMA at ABS-CBN tuwing gabi kahit napapagalitan na ako kasi diba, laging huling slot sa primetime nila nilalagay yung mga Kdrama...

Hanggang sa na-discover ko one time sa palengke malapit sa amin na may nag-eexist palang mga DVDs. Ayun, todo ipon pa ako ng baon para mabili ko ang una kong Kdrama DVD, ang My Princess. (Sabi sa inyo, fantard ako ng mga Royalties HAHA)

Sunod-sunod na ang paghohorde ko noon ng mga DVD to the point na nauubusan na ako ng ipon at kapag napapadaan kami ng nanay ko sa palengke, halos lumuhod na ako sa tapat ng stall ni Kuya para lang mabilhan ako kahit na isang DVD.

Mahal kasi yung DVD eh, P40 isa. Pero di kalaunan, dahil suki na ako ni Kuya, natatawaran ko sa P30 ang isang kopya ng isang series. Hahaha.

Hindi lang monetary ang issue na kinaharap ko noon sa panonood ng Kdrama. Meron pa!

Ang chungqaila achirikongquaila na subtitles!

Hindi pa uso ang mga translators noon. Ang ginagamit pa lang siguro ng mga subbers ay Google Translate. Hahaha.  Masakit sa ulo intindihin pero iniintindi ko na lang dahil sabik na sabik na akong malaman kung ano ang mangyayari sa susunod na eksena. Charot!

Kapag may tama ang lahat ng episodes ng DVD, nakikipag-away talaga ako kay Kuyang nagtitinda. Binabalik ko kasi at nagrereklamo ako. Pero kung isa o dalawang episodes lang naman ang may tama, pinagtyatyagaan ko na. Haha.

Naalala ko pa yung unang beses kong ma-encounter yun . Sa DVD kong Sungkyunkwan Scandal. Dun pa talaga natapat yung tama ng Alien Subtitles sa episode kung saan madidiscover na ni Yoo Ah-in na babae pala si Park Min-young saka dun sa araw ng Bow and Arrow Competition nila. Nakakajirits talaga pero tyaga na lang talaga.

Ayan ha, isang quality na naituro sa akin ng Kdrama: Tyaga. Lol

So ayun. Laban lang ako sa panonood ng mga Kdrama hanggang sa isang araw, nagreklamo na ang nanay ko!

Mataas daw ang bill ng kuryente namin! Bakit daw?

Syempre, buong araw nakabukas yung DVD, Speakers at TV namin.

Nakakaiyak pero may mga araw na nakukumpiska yung koleksyon ko. Banned ako sa panonood. Kesyo kailangan ko munang maglinis ng bahay, kesyo tapusin ko muna yung assignment koat magtipid daw ako ng kuryente!

Aba! As far as I know, tamad lang ako sa gawaing bahay pero never kong pinabayaan ang pag-aaral ko. Lol

Halos araw-araw talaga kaming nag-aaway ng nanay ko tungkol sa Kdrama noon hanggang sa isang araw noong high school ako, nagkasakit ako.

Nilalagnat ako. At hindi ko alam ang dahilan kung bakit.

Um-absent na ako dahil mabigat talaga ang pakiramdam ko at ako na lang ang naiwan sa bahay noon nang ipahiram sa akin ng kapitbahay ko ang DVD niya ng Dream High.

Hindi yun alam ni Nanay dahil nasa tindahan namin siya (nasa kabilang kanto pa yung tindahan namin noon) kaya hiniram ko na lang muna at pinanood ko yun.

At nang maabutan ako ng nanay ko nung tanghalian na nanonood ng Kdrama, nagulat siya!

Hindi dahil nanonood ako ng Kdrama pero dahil nawala ang lagnat ko.

Totoo nga!

Nakakagaling ang Kdrama!

Hahahaha.

Anyway, ayun. Pinayagan ako ng nanay ko na manood ng Kdrama buong araw at doon na rin nagsimula ang isang unusual friendship namin ng kapitbahay kong mas matanda pa sa akin ng 20 years...

Si Ate Nads na ang naging sponsor ko ng mga Kdrama ever since nalaman niyang mahilig ako dun. Nakakabili kasi siya (dahil obviously, may trabaho siya) at nangongolekta din ng DVDs. Ang astig nga kasi naka-compile pa per genre yung DVDs niya!

Halos hindi na kami mapaghiwalay kapag nagkakasalubong kami sa daan kasi puro Kdrama lang yung pinag-uusapan namin.

Win-win naman yung relationship namin kasi siya ang sponsor at ako naman ang taga-update kung ano yung kakatapos lang na drama at yung mga chismis tungkol sa mga Korean actors. Lol

Kaya kahit hindi naman talaga ako super fanatic ng mga artistang yun, updated pa rin ako sa mga happenings sa career nila sa showbiz char! Si Ate Nads kasi, fan ng Super Junior yun at bias niya pa si Donghae kaya medyo may kaalaman na ako sa Kpop nung panahong yon.

So ayun.

Dahil nagrereklamo si nanay sa taas ng Meralco bill namin, napag-isip-isip ko noong 16th birthday ko na ang gusto kong matanggap na regalo mula sa aking parents ay isang mini-DVD player kung saan pwede akong manood anytime, anywhere. Lol

At dahil daddy's girl ako, kahit anong reklamo ng nanay ko, binilhan ako ni Tatay nun.

Sooobrang saya at memorable talaga ng birthday ko noon. At sobrang saya na rin ng nanay ko after that day... kasi nga bumaba na ang bill namin sa kuryente. Hahahaha.

Hindi sa lahat ng oras nakakatulong ang Kdrama sa pag-build ng social life. Minsan, ito pa nga ang hadlang.

Noong high school, sabi ko nga sa inyo, mas may panahon pa ako sa Kdrama kesa sa barkada.

Totoo!

Kasi yung mga barkada at kaklase ko, di alam na nag-eexist yung Kdrama. Well, hindi naman sa hindi talaga alam, more of hindi sila aware at hindi pa nila ma-appreciate yun noon.

Kaya ang tingin nila sa akin noon, wirdo. Baliw at adik sa Koreano.

Kaya nung nagkaroon kami ng kaklaseng transfer student, tuwang tuwa ako. Lalo na nung malaman kong Koreano siya!

Kaso nung makita ko yung itsura niya, sorry na kung masama (hahahaha), na-disappoint talaga ako.

Nasampal ako ng reyalidad na hindi lahat ng Koreano  ay maganda at gwapo. Nalaman ko pa noon na iyon pala ang kalimitang normal na itsura ng isang Koreano.

Kaya since then, hindi na talaga ako nagpatronize ng mga actors based on looks. Iniidolo ko na lang sila base sa acting skills nila. Peksman.

Wait, siguro may mangilan-ngilan na di mo talaga matatanggi yung gwapo at maganda. Lol Sorry na.

Well, kailangan ko siguro munang putulin ang kadaldalan ko dito dahil kailangan ko pang panoorin yung latest episode ng Produce 48. Hahaha.

Nagsulat lang naman ako dito pampalipas ng oras eh. XD Mabagal kasi internet sa amin at tuwing 1am lang nagsstart bumilis yung connection. Lol

So, next update, Kdrama Fanatic Since 2006 Part 2. 

Annyeong~


xoxo

Ate mo Mai


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #random