Hala, sige, basa

10-23-16

Mahilig akong magbasa.

Lahat ata ng makita ko, basta't may mga words na nakasulat ay binabasa ko.

Ultimo balat ng kendi, binabasa ko ang ingredients. Hahaha.

Natuto akong magbasa noong four years old ako. Naaalala ko pa 'yon dahil feeling ko ang special ng mga araw na iyon lol

Naalala ko pa yung araw na tuwang tuwa ako dahil may blackboard na binili ang nanay ko na may drawing ni Mcdo sa gilid tapos may mga nakadikit na stickers sa paligid. (Now I realized na mga letters pala yon haha)

Don ako nagdo-drawing kunwari kahit di naman maintindihan ang ginuhit ko.

Tapos may araw na tiuruan ako ng nanay ko ng abakada gamit yung stickers na nakapaligid dun sa blackboard.

Syempre, bata, gullible. Sunod naman ako sa abakada ni nanay. Hahaha

Then I remember nung nakabisado ko na yong abakada, bumili nman si nanay nung libro na tigsampung piso hahaha yung parang basics ng pagbabasa, yung color yellow na may drawing ng nanay tsaka mga batang nagbabasa. Yon.

Alam kong makakarelate sa akin dito yung mga batang 90s HAHAHA

So ayon, nung naubos namin ng nanay ko yung pages ng libro na yon, marunong na akong magbasa.

After nun, bumili naman si nanay ng dictionary na translator at the same time. It's colored red and black at hanggang ngayon ay nakikita ko pa rin yon sa National Bookstore hahaha

Iyon ang palagi kong binabasa, syllable by syllable. Kasi kalahati nung libro, english, kalahati, tagalog.

Then one time, nagpa-exercise si nanay sa akin. Maghahanap ako ng isang page tapos babasahin ko yung laman nun. After reading it, magpapa-spell sa akin si nanay ng mga words na nandun sa page na binasa ko.

So ayon, malaki ang contribution ni nanay sa aking hilig. Siya ang nagpush sa akin para magbasa ultimo pati ang pinakamaliit na "*suggested retail price " na nakalagay sa ibabang part ng screen ng TV kapag patalastas.

Ever since I learned to read, I never stop reading. Parang automatic yung utak ko na nababasa ang mga words at letters na nakikita ko. Kahit magkakahiwalay pa yan.

Pero syempre, bilang ordinaryong tao lamang, at isa pang bata, nawalan din ako ng amor sa pagbabasa.

Kasi naman, masarap makipapatintero sa mga kapitbahay, masaya makikain ng meryenda sa kapitbahay, at masarap makitulog sa ibang bahay. Lol

When school started, mas naging intense yung spelling training namin ni ina. Yung tipong bongga at mahahaba na ang words... at this time, kailangan alam mo rin ang definition.

Siguro iyon ang dahilan kung bakit medyo... medyo lang naman xD malawak ang aking vocabulary.

Sa school ako natutong magbasa ng boring lessons... at syempre ang mga paborito kong parables. Simula pa lang noon, mahilig na ako sa fantasy stories, yung mga tipong imposible naman mangyari in real life. Ganon hahaha

So ayon. Time passed at nabasa ko ang unang pocketbook ko noong Grade Six.

May maliit na bookshelf kasi sa classroom namin kung saan maraming libro sa bandang itaas ng shelf at board games sa baba.

Isa ako sa mga suki ng bookshelf na iyon (na napapalitan ng laman every month kaya hindi nakakasawa). Hangang sa isang araw, may naligaw na isang itim at gutay gutay na maliit na libro dun sa shelf.

Nung binasa ko yung harap nung libro, Kampana ang title. Symepre I got curious, kaya binasa ko yung likod pero wala akong naintindihan. Kaya binasa ko yung laman.

Ang nakakatawa, habang nasa loob ak ng classroom noon, hindi ko mapigilan ang pagkagat ng daliri ko sa hinlalaki dahil sa takot sa binabasa kong libro.

Alam ko ang itsura ng pocketbook at aam kong pocketbook ang binabasa ko pero akala ko, romance lang ang genre na meron sa ganong klase.

Mali ako.

Horror at Mystery ang genre ng Kampana. Lol

Ever since that day, hindi na ulit ako nagbasa ng Horror HAHAHAHA

Na-iimagine ko pa rin hanggang ngayon yung sinabing description nung author habang tumutunog yung kampana, ibig sabihin daw nun, malapit ka nang mamatay.

And yes, kinikilabutan ako kapag nakakarinig ng kampana, lalo na yung malalaki. (Imagine me staying away kapag nagpapatunog yung church ng kampana) Opo, pinagtatawanan ako kahit yung little sister ko. Haha.


Anyway, ayon na nga.

Ang point ko lang naman dito, eh mahilig akong magbasa ng kahit ano.

And I later regret that. HaHaHa.


Kaso ewan ko ba, kapag alam na ng utak ko na tungkol sa acads yung binabasa ko, madalas itong nagsa-shut down ng maaga. (Umamin ang nakakarelate! Hahaha.)


So, I'll conclude my kadaldalan na here because it's already 4am (bwahahaha sembreak <3)

I hope I get to share to you another side of me (na feeling ko eh hindi ko mase-share ever sa stories ko huehue)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #random