MMBA | Isabelle
{ Dedicated kay Kuya Hakob! jacobstinate } Advance happy new year sa inyo guys! ♡
MAHAL MO BA AKO | ONE
*
"Eugene, mahal mo ba ako?"
'Yan yung lagi kong tanong sa'yo noon kasi gusto kong malaman kung mahal mo ba ako. Kung meron ka pa bang nararamdaman sa akin, kung mahal mo pa ba talaga ako at hindi ka na lang napipilitan.
Bawat araw pag- gising ko, sigurado akong mahal kita. At sa bawat pagtulog ko at pagpikit ng aking mga mata, sigurado ako na mas mamahalin kita pagdating pa ng bukas at ng mas matagal na panahon.
Eh ikaw kaya Eugene, mahal mo ba ako?
Naging mag-asawa tayo dahil lang nabuntis mo ako. Hindi naman talaga dapat nangyari yung nangyari sa atin noong gabing yon dahil kahit paikutin mo pa ang mundo ng paulit-ulit, kahit saang banda ay mali talaga ang nangyari sa atin.
Malaking kamalian. Oo, alam ko yon pero noong mga oras na yon? Alam ko sa sarili ko na masaya ako at hindi ko kayang lokohin ang sarili ko para sabihing hindi. Sa piling mo lang naman kasi ako nakaramdam ng kakaibang saya at kakaibang ligaya - sa'yo ko din naranasan yung mga emosyon na nagsasabay- sabay na siyang hindi ko pa naman nararanasan noon.
Kaya siguradung- sigurado talaga ako. Mahal kita Eugene.
Hindi naman kasi tayo magkarelasyon para gawin ang bagay na iyon at lalong hindi tayo mag-asawa para magtalik. Lasing tayo parehas at nagpadala na lang ako noon sa nararamdaman ko kasabay na ang init na nararamdaman ko sa aking katawan.
Masarap, Eugene. Napakasarap.
Masarap sa pakiramdam na hinahaplos ka ng lalakeng palihim mong minamahal ng may pag-iingat, pag-aalaga at pag-aalala. Masarap Eugene, kasi kahit sa ganoong estado lamang ng diwa at pag-iisip natin ay maisip kong mahal mo ako.
Na parang mahal mo ako.
Ilang beses nating inulit ang pangyayaring yon noong gabing iyon. Walang kapaguran, walang tigil. Napuno ang apat na sulok ng kuwarto ng sigaw, iyak, kiliti at mga ngiti na lihim kong tinatago sa'yo. Sabay tayong sumaway sa ritmo ng ating mga nag-iisang katawan.
Ang ritmo ng pag-ibig.
Pero nagkamali ako Eugene. Ako lang pala ang sumasayaw sa ritmong iyon na tinatawag. Dahil noong nalaman kong buntis ako at nalaman ng mga magulang ay sobrang tindi ng pagkamuhi mo sa akin.
"Malandi ka kasi! Tangina kang babae ka! Ngayon ay bibigyan mo pa ako ng letseng responsibilidad!" malakas na bulyaw mo sa akin habang tayo lamang dalawa ang nasa loob ng kwarto mo, habang nasa bahay ng mga magulang mo.
Kulang na nga lang ay itulak mo ako. Sampalin mo ako at saktan ako ng pisikal dahil alam mo ang naisip ko noon, Eugene? Mas maigi pa kasi iyon.
Mas maatim ko pang saktan mo ako ng pisikal kaysa sa pagsalitaan mo ako ng masama. Dahil kahit hindi pa siya buhay ay alam kong nasasaktan din siya.
Ang batang nasa sinapupunan ko.
Ang anak ko, Eugene. Ang anak mo.
Ang sana'y magiging anak natin.
Hindi na lamang ako lumaban noong sinisigawan mo ako ng napakalakas. Hindi na lang ako umimik dahil alam kong galit na galit ka sa akin, hindi na lamang ako umimik kahit hiyang hiya na ako sa sinasapit ko mula sa'yo.
Hindi na lang ako umimik at mas pinili ko na lamang ang manahimik at hindi lumaban sa'yo, para wala na lang gulo.
Alam mo kung bakit mas pinili kong magtiis kahit ang sakit sakit na? Kahit sobrang sakit na?
Kasi mahal kita, Eugene.
"Puta ka!"
Isang gabi sigaw mo sa akin dahil umuwi ka ng lasing. Malaki na rin ang tiyan ko noon dahil pitonh buwan ko ng dinadala ang anak natin. O ang anak ko lang ba dapat? Dahil naisip ko, hindi mo naman ginusto ito.
Hindi mo naman ginusto agad na mawala ang pagkabinata mo sa iyo.
Nagluha ang mga mata ko pero pilit kong pinigilan ang pagtulo nito. Ayaw mo kasing nakikita akong umiyak dahil ang sabi mo ako pa ang nagmumukhang kawawa samantalang ikaw naman ang naagrabyado sa nangyari sa ating dalawa.
Ayaw mong nakikita akong umiyak dahil ang sabi mo - pinapamukha ko pa sa iyo na may asawa ka na.
"Dahil hindi ko matatanggap na ikaw ang napangasawa ko! Na may asawa akong hindi ko naman mahal!"
Yan ang sabi mo sa'kin isang gabi na naman matapos momg umuwi ng lasing noong isang gabi. Muntik mo ng mapahamak ang baby ko at ako noon dahil sa malakas na pagtulak mo sa akin.
Buti na lamang at nakakapit ako sa upuan pero hindi sapat iyon, natumba pa rin ako dahil monoblock lang naman 'yon at dahil siguro sa bigat non ay nadala ko kasama sa pagbagsak ko.
"Kamusta ho ang bata, dok?" Paulit- ulit kong hiniling na sana ikaw na lamang ang nagsabi niyan at hindi ang kapatid mong si Eric na mukhang mas may pakealam pa sa akin.
Noong sinabi ng doktor na wala na ang bata ay parang gumuho ang mundo ko. Hindi ko inakala na mawawala sa'kin ang isang bagay na pinakaiingatan ko ng sobra sobra.
Nawala siya ng dahil sa'yo pero hindi ko alam kung bakit. Hindi ako makaramdam ng galit sa'yo, hindi kita masisi at hindi ko magawang mabunton ang galit at pagdurusa ko sa'yo dahil sa pagkawala ng anak natin.
Alam mo kung bakit, Eugene? Kasi pakiramdam ko ay ako ang dahilan kung bakit ka nagkaganyan, kung bakit ka nagbago at kung bakit ka parang galit na galit sa mundo sa araw- araw na paggising mo.
"Isabelle, sana mapatawad mo si kuya..." ani Eric habang hawak hawak ang kamay ko at madamdaming nakatitig sa mga mata ko.
Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Hindi ko alam. Tanga na kung tanga, oo, pero kasi mahal kita.
At hanggang ngayon kinakain pa din ako ng konsensya ko, bakit kasi kailangang mangyari ito?
Simula sa nangyari sa atin hanggang sa pagkawala ng anak ko.
"Eugene, mahal mo ba ako?" tanong ko sa'yo habang inaayos ang necktie mo dahil papaalis ka na galing trabaho at nahihirapan kang ayusin ang necktie mo.
Tinitigan mo lamang ako sa mata at hindi sumagot. Ngumiti na lamang ako at huminga ng malalim. Tumalikod ka sa akin at naglakad palayo pero sana ay narinig mo ang sinabi ko noon.
"Mahal na mahal kita, Eugene..."
*
"Eugene, mahal mo ba ako?" tanong kong muli sa'yo habang hawak hawak ang kamay mo. Nakatitig ka lamang sa akin at may nababasa akong emosyon sa mga mata mo pero hindi ko alam kung ano.
Sana pagmamahal, pero hindi pala. Kasi noong akala kong mahal mo na ako, pati pala doon ay nagkamali ako.
"Putangina kang babae ka! Nang dahil sa'yo ay nawala ang anak ko! Nang dahil sa'yo ay nawasak ang pangarap kong magkaroon ng isang masaya at buong pamilya!" bulyaw mo sa akin bago ako malakas na sinampal.
Kasabay ng sakit na lumatay sa pisngi ko ay ang pagkapunit ng puso ko sa napakaraming piraso.
Milyun- milyong piraso.
Tumulo ang mga luha ko noon at napaatras ako, palayo sa'yo. Matalim ang mga titig mo noon sa akin, madilim ang iyong mukha at parang gusto mo na akong patayin.
Nanginginig ako sa takot pero nagulat ako nang lumuhod ka sa harapan ko, umiiyak at nangangatog.
"Hindi ko kaya..."
"Eugene..."
"Hindi ko kaya, Isabelle..."
Nangatog ako at lumuhod din sa harapan mo bago ka masuyong tinanong, "A- ano ang hindi mo kaya, Eugene?"
Napatitig ka sa mga mata ko at umiyak pa at umiling.
"Hindi kita kayang mahalin, Isabelle..."
At ni minsan sa lahat ng sakit na binigay mo sa akin ay hindi kita narinig na humingi ng tawad pero ayos lang. Dahil hindi rin naman kita narinig na nagsabing mahal mo ako.
Ayos lang sa'kin, Eugene.
Dahil mahal kita kahit ang sakit sakit na.
*
"Eugene, mahal mo ba ako?" tanong ko sa'yo sabay lapag ng bowl na may adobo sa harapan mo. Ipinagluto kita dahil medyo nagiging ayos na ang relasyon mo sa akin...
O ako lang ba ang nag-akala non?
Hindi mo lamang ako pinansin noon. Pinagtimpla din kita ng juice noon pero kay manang ka nagpaluto ng bagong pagkain.
"Ako na lang ang kakain nito..." sabi ko saka kinuha yung ulam at yung kanin.
"Ayaw mo talaga nung orange ju-"
"Putangina, bakit ba ang kulit mo?!" sigaw mo nang tuluyan ka ng nainis sa akin saka mo tinabig yung plato at baso sa ibabaw ng lamesa dahilan para mabasag ang mga ito.
Dahilan para matalsikan ako ng bubog.
"Hindi ko magugustuhan ang kahit anong galing sa'yo!" at tuluyan mo akong iniwan mag-isa sa kusina.
Buti na lamang ay tumalikod ka na dahil baka lalo kang magalit kapag nakita mo akong umiyak.
"Bakit ba mahal na mahal mo yang si Sir. Eugene?" tanong ni Yaya Matilda sa akin habang nakabusangot ang mukha at ginagamot ang mga sugat ko sa paa.
Napangiti ako, "Mahal ko pa kasi eh..."
Napatingin ito sa akin at tinitigan akong mabuti, "Bakit mahal mo kahit sinasaktan ka niya?"
Huminga ako ng malalim, "Hindi niya po kasing magawang mahalin ang sarili niya. Kaya ako na lang ang magmamahal sa kanya." pinilit kong ngumiti.
Hinawakan ni yaya Matilda ang kamay ko, "Pero nasasaktan ka na..."
Umiling ako, "Ayos lang po. Bilang nagmamahal, syempre masasaktan at masasaktan talaga ako."
Eugene, mahal kita.
*
"Eugene, mahal mo ba ako?"
Tanong ko sa'yo isang araw noong sabay tayong gumising. Suminangot ka lang at iniwan akong mag-isa sa kama.
Siguro ay mahal mo na ako, sana ay mahal mo na ako.
Umalis sa patungong trabaho. Buong araw na naman akong mag-isa doon, day off na kasi si yaya matilda dahil pasko na. Napatingin na lamang ako sa kisame, pinipigilan yung mga luha mula sa pagtulo.
"E-eugene, mahal na mahal kita..." bulong ko sa sarili ko habang ineempake ang mga gamit ko.
Napangiti ako nang makita ang litrato nating dalawa. Naisip ko kung dadalhin ko ba to o hindi pero sa huli, napagdesisyunan ko na din na dalhin.
Hindi mo naman kasi iyan titignan, baka nga itaob mo pa yan para hindi ka mabwiset sa araw mo.
Alas sais.
Tapos na akong magempake at nakita ko ang damit na sana ay pwedeng maisuot ni Baby Angela kung sakaling nabuhay siya. Iniwan ko iyon sa ibabaw ng kama mo saka kumuha ng isang maliit na papel at nagsulat doon.
Eugene,
Eugene, mahal mo ba ako? H'wag mo ng sagutin dahil alam kong hindi magbabago ang pagtingin mo sa akin. Isang puta at ang babaeng sumira sa buhay mo.
Wala na akong ibang sasabihin pa kung hindi mahal kita. Siguro meron pa, dalawang mahahalagang salita pa. Ang una ay patawad, patawarin mo ako sa lahat ng kasalanang nagawa ko sa'yo. Pangalawa ay paalam, sana maging masaya ka ngayong wala na ako sa piling mo habang binabasa mo ito.
Lubos na nagmamahal, Isabelle.
Kinuha ko na yung bagahe at tuluyang lumabas ng bahay. Eto na, eto na yung pagkakataong magiging masaya ka.
Nang makarating sa terminal ng bus ay my ngiti pa rin sa aking mga labi kahit na namamaga ang mata ko sa kaiiyak. Sumakay na ako at umupo, malapit sa may bintana. Napatingin ako sa labas nang makita kong malakas ang ulan.
Ba-byahe na ako pauwi ng Catanduanes. Masyado ng matagal ang pananatili ko rito sa Maynila kasama ka, masyado ng malala ang naging pagsira ko sa dapat ay maayos mong buhay.
Palakas ng palakas ang ulan pero hindi ko na inalintana iyon dahil ang nasa isip ko lang - ngayon ay magiging masaya ka na.
Hanggang sa dumulas ang bus na sinasakyan namin. Makitid pa naman ang daan at madulas dahil sa basang kalsada at walang tigil na ulan. Nagdasal ako Eugene na sana kahit di mo na ako mahalin ay mabuhay ako.
Ngunit katulad ng pagdadasal ko na mahalin mo ako ay hindi nangyari ang ipinagdasal ko na mabuhay ako.
Bumalot ang dilim sa buong sistema ko, ang panlalamig at ang takot pero inisip ko na lamang ang masasayang ala-ala ko kasama ka.
Ang una nating halik, ang pag-iisa ng mga katawan natin, ang sanay pagdating ni baby angel at ang minsay pagngiti mo sa akin at ang pakiramdam ko kapag hinahawakan ko ang kamay mo.
At hindi naman mawawala sa isip ko ang unang beses na makita kita. Sa may waiting shed, may dalang bulaklak para sa babaeng nililigawan at mahal na mahal mo.
At hindi iyon ako.
Nawalan na ako ng paningin pero may ngiti pa rin sa aking mga labi at ang tanging nasa isip ko lang noon ay magiging masaya ka na talaga.
Dahil hindi na lang ako aalis sa piling mo, Eugene. Pati sa buhay mo at mundong ito ay mawawala na ako.
Pero hindi nawala sa isip ang isang pagkakamali ko. Hindi pala dapat mahal mo ba ako ang itinatanong ko sa'yo kung hindi ang...
Eugene, mamahalin mo pa kaya ako?
Nanatili akong nakangiti at sinambit ang mahahalagang salita na tanging sayo ko lang sasabihin.
"Mahal na mahal kita, Eugene. Hanggang sa huling hininga ko."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top