MMBA | Eugene
MAHAL MO BA AKO | TWO
Happy new year! Let's welcome 2017 with a
big heart and positive outlook with life!
-_-_-_-
*
Mamahalin ba kita?
'Yan yung lagi kong tanong sa sarili ko sa tuwing makikita kitang nakahiga sa kama, mahimbing na natutulog at matagal kong pinagmamasdan ang iyong maamong mukha. Mamahalin nga ba kita, Isabelle?
Minsan iniisip ko, bakit hindi kita magawang mahalin ng ganoon kadali? Nagtataka ako at nalilito dahil sa'yo, hindi ko alam kung ano ang nakita mo sa akin at minahal mo ako ng ganoon kabilis at kadali. Napapailing na lang ako kapag nasa opisina ako at biglaan kang papasok sa isip ko, yung bigla kong maalala yung matamis mong ngiti sa akin pero yung mata mong namamaga dahil sa kaiiyak.
Nagagalit ako, naiinis ako. Nagagalit ako sa sarili ko. Dahil ako ang gumawa 'non sa'yo.
Nagsimula tayo sa isang pagkakamali. Katrabaho lang naman kita noon, mas mataas ang posisyon ko kaysa sa'yo at hindi rin tayo masyadong nag-uusap pero masasabi ko namang magkaibigan tayo. Hindi nga lang tayo ganoon kalapit sa isa't- isa kung ganoon ang ibigsabihin ng kaibigan.
Isabelle Ian Ilvante.
Noong una ko ngang nabasa ang pangalan mo sa records ay napangiti ako at napatawa ng mahina, bakit kasi I? Puro I ang simula ng pangalan mo pati na ang apelyido mo. Wala lang, ang pakiramdam ko noon ay na- amuse ako sa'yo. Lalo naman noong makita kita. Unang araw mo ata non sa trabaho at magkaparehas pa tayo ng department, suut- suot mo yung itim mong slacks at nakasimpleng t-shirt ka lang habang suut- suot ang I.D sa bago mong trabaho.
Maraming naging opportunities ang kompanya, maraming nasaradong deal at kung anu- ano pa. Kaya naman napagdesisyunan ng pinakamataas sa department natin ang magpadaos ng party kaya naman sumama tayong lahat.
Alak, pulutan, masasarap na pagkain at maingay na kantahan. Nakainom na ako ng ilang baso ng alak pero alam ko sa sarili kong hindi ako lasing. Hotel naman ang dinausan ng party kaya may mga inupahan na din ng kwarto. Napatingin ako sa'yo nang biglaan kang tumayo at umalis, kumunot ang noo ko at hindi ko alam kung bakit kusang gumalaw ang mga paa ko at sinundan ko kung saan ka pupunta.
Sinundan nga kita at pumasok ka sa isang hotel room. Matagal tagal na din tayong magkakilala kaya hindi ka na rin siguro nagtaka kung bakit ako sumunod sa'yo, halata mo naman siguro na medyo lasing na ako pero Isabelle - alam ko sa sarili ko, hindi pa talaga ako lasing.
Noong gabing iyon ay nangyari ang isang bagay na hindi ko inakalang mangyayari sa ating dalawa. Nag-isa ang mga katawan natin at nagsimula iyon sa isang mainit na halik, isang mainit na halik na ako ang nagbigay sa'yo at siyang nagsimula ng lahat.
Ang mga impit mong ungol, ang mga pagdiin ng kuko mo sa aking likod at ang malambot at makinis mong balat ang hinding- hindi ko makakalimutan. Pati na ang iyong mapupula at manipis na labi, napakasarap 'non halikan.
Ibinigay mo ang sarili mo sa akin, siguro dahil iniisip mo na parehas tayong lasing at wala sa tamang huwisyo? Siguro ganon nga, Isabelle. Siguro nga.
Pero uulitin ko, hindi ako lasing. At aaminin ko, ginusto ko ang nangyari sa ating dalawa. Paulit- ulit at walang kapaguran hanggang ako na lang ang kusang tumigil at bumagsak sa iyong ibabaw, isinisiksik ang mukha ko sa iyong leeg at marahan iyong hinalikan hanggang sa parehas tayong dalawin ng antok.
Napakabilis ng nangyari at nagising na lamang ako na asawa na kita. Hindi kita mahal, Isabelle. Hindi kita mahal. Naandyan yung pagkakataon na sisigawan kita, mga pagkakataon na nasampal kita at pagkakataon na lagi kitang minumura at binabalewala yung mga espesyal na bagay na ginagawa mo para sa akin.
May nililigawan ako noon, sasagutin niya na sana ako at magiging masaya na kaming dalawa pero nang malaman niya ang balitang kumakalat sa opisina na buntis ka daw at ako ang ama - binawi niya na at sinabihan akong walang kwenta. Dahil manliligaw sa isang babae pero bubuntis naman ng isa pa.
Ganoon daw ako.
Totoo naman. Nagustuhan ko ang nangyari sa atin Isabelle pero hindi ko inakalang magbubunga, hindi rin naman ako gumamit ng proteksyon noong mga oras na 'yon. Wala na akong ibang masasabi sa sarili ko kung hindi isang malaking gago at tanga.
Ang dami kong nasabing masasakit na salita sa'yo. Nabunton ko sa'yo yung galit sa sarili ko, hindi ko alam kung bakit napakabait mo sa akin Isabelle samantalang wala na naman akong ibang ginawa kung hindi saktan ka at parusahan ka.
Pinamukha ko sa'yo na ikaw ang dahilan kung bakit mabilis na nawala ang pagkabinata ko sa akin. Ikaw ang sinisi ko kung bakit nasira yung pangarap ko ng isang masaya, kumpleto o buong pamilya.
Pero ang gago ko lang noong huli na ng maisip ko na ikaw pala ang pwedeng magbigay sa akin noon. Nawala ang anak natin dahil sa katarantaduhan ko pero hindi ko magawang bantayan ka sa ospital, hindi ko magawang kausapin ang doktor na humawak ng operasyon mo, hindi ko magawang tignan ka sa mga mata katulad ng ginagawa ng kapatid ko - si Eric. At ang alagaan ka ang hinding- hindi ko kayang gawin noong mga panahong iyon dahil putangina wala akong mukhang maihaharap sa'yo, Isabelle.
Nagtiis ka pa rin sakin. Sinabihan kita ng puta ka, sinabihan kita ng mas masakita pang salita pero nanatili ka. Noong isang beses nga ay tinabig ko ang plato at ang baso na may lamang juice na inihanda mo para sa akin kaya natapon sa sahig yung adobo at nabasag yung plato. Natalsikan ka ng bubog at nakita ko 'yon pero wala akong ginawa dahil nahihiya ako sa'yo. Hindi ko alam kung paano ako hihingi ng tawad at titignan ka sa mata, kinakain na ako ng konsesnya ko noon pero ni isang bagay na alam kong pwedeng magpasaya sa'yo ay hindi ko ginawa.
Hindi ko nagawa.
Alam kong nasugatan ko, alam kong nabubog ka kaya naman sinubukan kong dalhan ka ng gamot sa sugat pero narinig ko kayong nag-uusap ni Aling Matilda habang ginagamot ka na niya.
"Bakit ba mahal na mahal mo iyang si Sir. Eugene?" tanong niya sa'yo. Kumabog ng malakas ang dibdib ko, hinihintay kung ano ang isasagot mo.
"Hindi niya po kasing magawang mahalin ang sarili niya. Kaya ako na lang ang magmamahal sa kanya." 'Yun ang sinagot mo kay Aling Matilda at aaminin ko Isabelle - tama ka sa lahat ng sinabi mo. Hindi ko na nga kayang mahalin ang sarili ko dahil sa mga kasalanang ginawa ko sa'yo at sa sana dapat ay magiging anak natin.
"Pero nasasaktan ka na..." dahilan ni Aling Matilda.
Doon ako kinabahan, sumilip ako ng kaunti sa kwarto at tinitigan yung ginagawa niya. Pati pala sa binti ay may sugat ka, bumaon pala ang isang maliit na bubog doon at nagasgas ng tuluyan ang iyong binti dahil sa mga talsik pa ng nabasag na plato at baso.
"Ayos lang po. Bilang nagmamahal, syempre masasaktan at masasaktan talaga ako." sagot mo habang nakangiti pa.
Hindi ko alam kung bakit ka ganyan, masasabi ko bang swerte akong lalake dahil naandyan ka?
*
Isabelle, mamahalin ba kita?
Nagmamadali akong umuwi dahil sa wakas ay alam ko na ang sagot sa tanong ko. Excited akong makita ka at sabihin sa'yo ang sagot sa matagal mo ng itinatanong mo sa akin. Malapad ang mga ngiti ko habang nilalagay ko ang mga gamit ko sa kotse at nagmamadaling umuwi pero huli na pala ang lahat.
Pagdating ko sa bahay ay wala na ang mga gamit mo doon. Iniwan mo ang damit ng sana dapat ay magiging anak natin kasama ang isang sulat na iniwan mo para lamang sa akin.
Eugene,
Eugene, mahal mo ba ako? H'wag mo ng sagutin dahil alam kong hindi magbabago ang pagtingin mo sa akin. Isang puta at ang babaeng sumira sa buhay mo.
Wala na akong ibang sasabihin pa kung hindi mahal kita. Siguro meron pa, dalawang mahahalagang salita pa. Ang una ay patawad, patawarin mo ako sa lahat ng kasalanang nagawa ko sa'yo. Pangalawa ay paalam, sana maging masaya ka ngayong wala na ako sa piling mo habang binabasa mo ito.
Lubos na nagmamahal, Isabelle.
Sinubukan kitang habulin papunta sa terminal ng bus. Mabilis ang patakbo ko sa aking kotse, inaasahan na maabutan pa kita at maari ko ng bawiin lahat ng sinabi ko sa'yo, maaari na akong bumawi sa lahat ng kasalanan, masasamang salita at bagay na nagawa at naranasan mo habang nasa piling kita.
Isabelle, nasaan ka na?
Wala ka na sa terminal ng bus. Wala na yung bus na papunta ng Catanduanes, alam ko naman na doon ka uuwi dahil naandoon ang pamilya mo, Isabelle pero huli na ako. Dahil wala ka na.
Literal na wala ka na. Hindi lang sa bahay ko, hindi lang sa piling ko kung hindi tuluyan ka na din nawala sa buhay ko.
Napaiyak ako sa kuwarto, sinira ko lahat ng gamit na masira ko. Tinabig ko, sinuntok ko ang sarili ko. Sinasaktan ko ang sarili ko pero putangina kahit anong sakit ang maramdaman ko ay wala, wala. Alam ko kasing mas masakit ang naranasan mo sa akin kaysa sa ginagawa ko sa sarili ko ngayon.
Isabelle, bakit ganito?
Noong nasabi ko sa'yong hindi kita kayang mahalin ay nagkamali ako. May nararamdaman na ako sa'yo noon pero nangibabaw na naman yung lahat ng sakit at katarantaduhan ko sa katawa kaya nasabi ko sa iyo yon, kaya patuloy kitang nasaktan.
Isabelle, bakit mo ako iniwan?
*
Isabelle, mamahalin kaya kita?
Nakatayo ako sa harapan ng mga kapamilya mo ngayong araw Isabelle at hindi ko alam kung gaano na kakapal ang mukha ko ngayon para harapin sila, para magsalita sa harapan nila ng mga bagay tungkol sa'yo.
"H-Hindi ko po nagawang magampanan ang responsibilidad ko bilang asawa sa inyong anak..." ani ko saka nangangatog na kinalma ang aking sarili. Pilit na pinipigilan ang luha mula sa pagtulo nito. "Isa po akong masamang lalake sa anak ninyo, hindi ko po siya nagawang mahalin. Hindi ko nagawang iparamdam sa kanya ang pagmamahal ng isang asawa at dahil na rin sa akin ay n-n-nawala ang anak n-namin..." tuluyan ng tumulo ang luha ko at humagulgol ako ng iyak, nangangatog ang mga balikat pati na ang aking labi.
"S-Si I-Isabelle po... Lagi niyang tinatanong sa akin tuwing umaga at bago kami matulog kung m-mahal ko ba siya pero ni isang beses po ay h-hindi ko iyong nagawang sagutin. Tinitigan ko lamang siya sa mga mata niya pagkatapos ay tatalikuran, araw- araw po at gabi gabi ay ganoon ang nangyari. Inuulit niya ang mga tanong niya sa akin at ako naman, bilang isang malaking gago ay binabalewala lang ang pagmamahal na ibinibigay niya sa akin..." Tuluyan na ring naiyak ang mga kamag-anak mo.
Namatay ka dahil dumulas ang bus na sinasakyan mo papuntang Catanduanes. Bago ito nalaglag sa bangin ay nakabangga pa ito ng isang bus, dahilan para mas lalong lumala ang aksidente.
"Napakabait na tao ng asawa ko..." suminghot ako at hinayaan na lang ang mga luha ko na tumulo ng tumulo. "Napakabait niya na sa kabila ng lahat ng ginawa ko ay hind niya ibinalik sa akin ang sakit. Ang sabi niya pa noon, minamahal niya ako dahil hindi ko magawang mahalin ang sarili ko at ... at t-totoo iyon. Hindi ko magawang mahalin ang sarili ko noon, siguro lalo na ngayon dahil... dahil ako naman ang dahilan ng lahat ng sakit na naranasan ni Isabelle at pinagsisisihan ko 'yon..."
Napatingin ako sa kabaong kung saan ka nakahiga at mahimbing na nakapikit. Gusto kong lokohin ang sarili ko na napagtripan mo lang na matulog diyaan sa loob at mamaya maya ay gigising ka na tapos tatanungin mo ulit ako kung mahal ba kita at sa pagkakataong mangyari yon ay mabilis na akong sasagot bago mahigpit na yayakapin ka.
Pero gago ako dahil kahit anong gawin kong isip ng ganoon ay hindi matakpan ang sakit at malaking pagsisisi na namamayani sa puso ko. Sa puso kong walang awa sa'yo noon...
"Isabelle..." tawag ko sa pangalan mo bago mas lalong umiyak.
"Isabelle, mahal kita... Mahal na mahal na mahal kita..." tumungo ako at kinagat ang aking pangibabang labi.
"Lagi mong tinatanong kung mahal kita, pasensya na Isabelle..."
Sobrang laki ng pagsisisi ko. Sobrang laki dahil ko 'to nagawang masabi sa'yo, dahil hindi ko nagawang ibigay sa'yo ang pagmamahal na talaga namang dapat ay natanggap mo na noon pa.
"Lagi mong tinatanong kung mahal kita, pasensya na Isabelle..." ulit ko bago pinunasan ang luha ko at nag-angat ng tingin.
"Pasensya na Isabelle. Patawarin mo sana ako at hindi ko nagawang sagutin ang tanong mo noong naandito ka pa..."
At sa pagtingin ko sa malayo ay nagtayuan ang mga balahibo ko. Mistulang may humaplos din sa puso ko dahil naandoon ka, nakatayo, nakatitig sa aking mga mata at matamis na ngumiti sa akin - sinasabi na mahal kita. Na mahal mo ako.
Isabelle, mahal ko...
Patawarin mo sana ako...
END.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top