Kabanata 2
Kabanata 2 : Group
Celestia's Point of View
“It really suits you!” nakasigaw na saad ni Geordi sa akin.
Papasok pa lang sana kami sa Academy ng bwelatahan ako ni Geordi ng magagandang salita.
“Grabe naman ang ganda pala ng mata mo!” pansin nito sa kulay ng mata ko.
Kanina niya lang napansin na may kakaiba nga sa mata at buhok ko dahil kanina lang din siya bumalik sa ulirat.
“Ayoko nga ng kulay eh.” mababang sabi ko sa kaniya. Binatukan niya ako at inangkla ang braso niya sa akin.
“Ganda kaya at isa pa maswerte ka kase kakaiba ka diba?” hinila niya na ako palabas ng dorm.
Kwentuhan lang ang naganap sa amin hanggang sa makasalubong namin si Sir Cad na palabas ng elevator.
“Oh? Paalis na kayo?” medyo gulat na saad ni Sir.
“Goodmorning Sir! Opo papasok na sana kami eh.” sagot ni Geordi sa kaniya. Bumati naman siya at tiningnan ako.
“Buti naabutan ko kayo. Eto pala ang schedules mo Celestia. Nandyan na din yung section mo.” inabutan ako ni Sir ng isang folder saka umalis Binuksan ko ito.
“Kyaaaah! Parehas tayo ng section at halos parehas din ng schedules. No wonder magkaibigan talaga tayo.” napailing ako sa sinabi ni Geordi at natawa.
Masaya niya akong hinigit papunta sa isang entrance. Entrance daw ito ng Academy. So ibig sabihin ay ito talaga ang mismong entrance papunta sa mga buildings and rooms. Yung dinaanan namin kahapon papunta sa cafeteria ay ang entrance naman sa likod.
“Wala naman masyadong nabago bukod sa ang history ng Enchanted World ang aaralin natin sa subject ng History. Nadagdagan din ng ibang subjects connected sa enchants and spells.” tumango-tango pa si Geordi.
“Ano bang section mo?“ tanong ko kay Geordi. Pinandilatan niya ako.
“Section natin.” ngumuso siya at nagsalita. “10A.”
Nang makarating kami sa loob ng Academy ay agad kaming pinagtinginan.
“Problema nila?” tanong ko. Umismid lang si Geordi.
“Inggit lang yang mga yan sa ganda mo at hindi mo ba natatandaan ang ginawa mo kahapon?” tanong niya.
Kahapon? As far as i know i didn't do anything bad. Except for the bumping incident.
“Yun lang? Tsk. I hate these people.” nakanguso kong saad kay Geordi. Inirapan niya ako at binilisan ang lakad.
Napatingin ako sa malawak na field. So dito sila nagt-training?
“Yan ang training room.” turo ni Geordi sa isang malaking pintuan matapos lampasan ang malawak na field. Kadikit nito ang isang building na palagay ko ay hanggang 3rd floor.
“Saan ang room natin?” hinigit ako ni Geordi sa ikatlong palapag at huminto sa isang room.
“Dito.” pumasok na kami. Pinaupo niya ako sa tabihan niya.
Mayroon na ring mga nandoon at lahat ng ito nakatingin sa akin.
“Ang ganda no?” saad ni Geordi habang nakatanaw sa malawak na field at mga buildings.
Tumango ako. This feels a bit different now that I am not on the mortal world I need to act like one of them. Just exclude the enchant thing.
Di nagtagal ay dumating na ang mga kaklase namin kuno at dumami na rin ang bulong-bulungan. Nakatitig sakin ang mga babae at nang di makatiis ay nilapitan ako ng mga ito.
“Ikaw ang bumangga kay Zacchaeus kahapon?” kumunot ang noo ko.
Zacchaeus? Bangga? Ah! Yung lalake kahapon na inirapan ako. His name is Zacchaeus, huh?
“Yes.” sagot ko. Tumaas ang mga kilay nila at inirapan ako bago bumalik sa kabilang pwesto.
“Hayaan mo sila.” tiningnan ko si Geordi na nagbabasa. Itinuan ko ang kamay ko sa lamesa at tiningnan siya.
“Ano bang enchant nila?” tanong ko kay Geordi. Pertaining to the boys yesterday.
“Alin? Yung mga kaklase natin?” sumimangot ako at umiling.
“Hindi. I mean yung sa mga lalake kahapon.” dahan-dahan siyang tumango.
“Kaklase nga natin.” my eyes widened.
Kaklase natin? It means I am going to see that guys again?
“How? I ...lahat sila? Silang dose?” tumango siya at ngumisi.
Binatukan ko siya. “Bakit ba parang ang tino mo ngayon?” pikon na saad ko.
“Pampaganda ng image to'.” I rolled my eyes on her. Really?
“Ano nga ang enchant nila?” tanong ko ulit. Tumikhim muna siya sa paligid namin saka nagsalita.
“They are all twelve and considered as the most powerful men inside and outside the Magthonous Academy. They came from different Kingdoms.” ibinaba niya ang libro na hawak at tiningnan ang labas.
Mayroon limang Kingdom ang Enchanted World. Bawat kingdom ay may mga Royal Family na tinatawag. Sabi ni Geordi malalakas daw ang mga nasa Royal Family.
“Sean Walther, the manipulator of ice from Kingdom Odarsien. He's not that tall pero bawing bawi sa mukha at expected na gwapo pero para sakin cute siya at ang pisngi niya.” I sighed at her actions.
“Branwen Martin, he can read and can communicate using mind. He can also manipulate objects. We call it Telekinesis and Telepathy. He's from Kingdom Incotien. His chinito and a very manly man.” she giggled and smiled.
“Vito Reed, he can fly and can manipulate shadows. Also from Kingdom Odarsien. His the tallest one and the coldest handsome guy for me.” she then winked in the air.
“Continue please.” I demanded. She just rolled her eyes on me.
“Zac Collins, the water manipulator from Kingdom Nendrosian. He's not that tall but then expect that all Royal Families are good looking and that means that he really is a drop dead gorgeous man. He is so white that i envy him.” I then, rolled my eyes. Can't she just continue?
“Tyson Zackery, the thunder manipulator from Kingdom Coarsien. He's the boy with a cute cheekbone and a high-pitched voice. Also a good-looking guy. Ka turn off lang sobrang daldal eh pero bawi naman sa mukha!” she smiled sweetly at me.
“Noe William, the healer one but, not all healer can all heal. He can also give you a disease that will end your life, he is from Kingdom Linensian. Tandaan mo lang yung gwapo niyang mukha na may dimple at mapupungay na mga mata siya yun. Isa pa masyado siyang inosente at lutang.”
Magsasalita pa sana siya ng biglang kumalabog ang pintuan at tumakbo ang isang lalaki.
Hingal siyang tumigil saka ngumiti ng malawak at tumakbo sa likuran namin.
Agad nagtabihan ang mga kaklase kong lalake at ang mga babae naman ay animong kinikilig habang nagbubulungan.
“Beau Lynwood,” bulong sakin ni Geordi. I looked at her with confusion all over my face. “That guy is Beau Lynwood the light manipulator from Kingdom Coarsien. Ang cute niya diba? His the playful one in the grou-”
“I'm Second!” a loud shout that made me looked at the door.
Then I saw a tall man panting while smiling with his complete white teeth. Tumingin siya sa likuran namin at agad pumunta doon.
“Sage Clinton is his name. The manipulator of fire from Kingdom Coarsien. Ang gwapo no? Ang cute ng tenga niya.” humagikhik si Geordi dahil sa lalaki.
Tumango ako at tumingin ulit sa pinto ng may dumating. Pumasok ang isang maliit na lalaki na may blangkong ekspresyon. Tumingin din siya sa likuran namin at dumiretso doon habang umiiling.
“Yan ang asawa ko. Si Aramis Romwell, the Earth manipulator from Kingdom Linensian. Maliit yan pero gwapo. Tsk. Lagi nga lang siyang seryoso.” ngumuso si Geordi at ngumiti.
“Tyrio Harris, the time manipulator from Kingdom Incotien. Pinakaisip-bata sa lahat. He even called Zac as his mom. Funny right? His very cute, para siyang isang panda dahil sa inborn na dark circles sa mata niya. Pero wag ka magaling yan sa martial arts.” napangiti ako sa sinabi niya.
“Soren Dewitt the nature manipulator. He can also do teleportation and his from Kingdom Nendrosien. He's the moreno one in their group. Siya ay isa rin sa pinakamalanding lalake ng grupo. Well, he has the looks eh.” tumingin siya sakin at nginisian ako.
Magsasalita pa sana ulit siya ng umingay sa labas ng room. Agad na nagsinghapan ang mga nasa loob pati na rin ang katabi ko.
Isa-isang pumasok ang kaninang pinag-uusapan namin. Tyrio entered while rubbing his hair. Tyson is laughing with Sean. Noe is innocently walking. Vito is walking with his hands in each pockets. Zac's hands is placed in Soren's shoulder. While Branwen is smirking while staring at them. Napadaan ang titig nito sa amin at bahagya kaming nginisian.
I counted all of them but they are just eleven. Nasan ang isa?
“Lastly, Zacchaeus Smith from Kingdom Incotien. He's called as F.E.W because he can manipulate the three elements the Fire, Earth and Wind. Malakas yan kaya wag mo na ulit banggain. Iyon oh.” bulong niya sa akin saka inginuso ang lalaking pinakahuling pumasok sa pintuan.
With his dark eyes and black messy hair. Tiningnan niya ang buong room ng blangko saka dumiretso sa likuran.
Napabuga ako ng hangin. Lintek nakakapigil hininga ang kagwapuhan. Sayang lang at astang babae kung makairap.
“Okay na ba?” tanong ni Geordi at nginisian ako. Sinimangutan ko siya at iniripan.
Nagpatuloy siya sa pagbabasa kaya naman ay umubob na lang ako sa lamesa.
“Tsk. Ang sama niyo!” sigaw ng isang lalake sa likuran.
Napangiwi ako. Bukod tanging grupo lang nila ang nangingibabaw sa kaingayan. Though may mga nag-uusap pa rin naman ay mas malakas yung ingay at tawanan nila.
Maya-maya ay bigla akong napatunghay. Instinct na naman ng napalingon ako sa pintuan at biglang pumasok si Sir Cad.
Napasinghap ako sa gulat ng tingnan at kindatan niya ako. Siya ang magiging teacher namin!
“Goodmorning class.” he greeted happily. My classmates also greeted him. “Sit down.”
“Gwapo talaga ni Sir.” gigil na bulong ni Geordi sa tabihan ko. Napatawa ako ng bahagya.
“So we have here a new student.” tiningnan niya ako at pinapunta sa unahan. “Please introduce yourself.”
Who the hell invented introduction? Masyadong pahirap sa buhay. Fuck mah' life!
“I'm Celestia Morgan.” I casually said as if nothings happening inside me. Tiningnan ko sila na tila may inaabangan pang kung ano.
“What's your enchant?” tanong ng isa na halos magpabagsak sa buong sistema ko. Lumunok ako ng ilang ulit bago magsalita.
“I-i don't have one.” mababang sabi ko saka dumiretso sa upuan ng tapikin ni Sir ang likuran ko.
Violent reactions were everywhere. But they can't say it loudly dahil sa nasa unahan si Sir. Bago ako umupo ay nakita ko ang pag-irap ng ilang babae.
Itinuloy ni Sir ang introduction ng mga lessons hanggang sa natapos ito.
“Are you okay?” nag-aalalang tanong ni Geordi. I smiled to assure her that I'm fine.
Nang makalabas si Sir ay doon na nagsimula ang mga pagpaparinig.
“May sumalta na namang mahina.” one of the girl said loudly.
“Hay naku! Lakas ng loob mambangga.”
“Kapal ng mukha wala naman palang enchant.”
“Bakit kaya nakakapasok ang tulad nila dito sa Magthonous Academy?” that question made me look at the exact direction of the person who asked it.
Tumalim ang titig ko sa babae.
“Don't mind them.” bulong ni Geordi sa tabi ko.
I sighed, seriously ano bang problema nila?
Kung hindi dahil sa kapabayaan nilang gumamit ng enchant ay hindi siguro kami mapupunta dito. Umirap ako at bumuntong hininga.
“Diba siya yung babae?” sounds of chirping bird were heard after that innocent question from the back.
I am fighting the urge to not look at that person but I failed. Lumingon ako sa grupo ng mga lalake at nakita si Tyrio na inosenteng nakaupo habang takang nakatingin sa akin.
“Ikaw nga yun!” he smiled na para bang binigyan siya ng isang kendi.
“Grabe, nagawa mong banggain si Zacchaeus? Ang galing mo!” he laughed as well as the other in their group except for one.
“Stop it.” the man paused. “It's not funny. It's annoying.” Iritadong saad ni Zacchaeus. I lost all my gripped when he stared at me like i'm the most disgusting person he had ever met. “Weak.”
“That must've hurt you little brat.” pinagsabihan siya ni Zac at isa-isang nagtawanan ang ka-grupo niya.
Nag-iwas ako ng tingin. They're also annoying me. Tsk.
Siniko ako ni Geordi at inginuso ang likuran. I stared at her impatiently and mouthed 'What'.
“Ayos ka lang?” I nodded at her. Pumangalumbaba ako at ngumuso. Ang mean niya masyado.
Parang babae.
Maya-maya ay naghagalpakan ulit sa tawa ang mga lalaki sa likod.
“Babae ka daw!” Tyson's voice echoed at the whole room.
Kumunot ang noo ko at nagtaka. Kakasabe ko lang no'n ah?
“Erase the thoughts. Kayang mambasa ni Branwen ng isip.” nanlaki ang mata ko.
Fuck it! So kanina pa nila binabasa ang utak ko?
Holy shit! I hate this.
•••
Thanks for reading. Vote and comment.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top