Kabanata 9
Kabanata 9
Enemy
"Sit down, Mr. William." utos ng teacher. Mabilis naman siyang sumunod bitbit ang kulay itim niyang bag at halos magsinghapan ang mga babae ng sa pinakagilid ito dumaan imbes na sa gitnang isle. Obviously making his way to me. Nang dumaan siya sa aking table ay may lumitaw na isang kulay puting rosas kaya impit ang tilian at ismid ng mga kaklase ko.
Napairap ako ng dalihin ni Minoa ang aking braso. "Naalala ka niya pero kambal niya hindi."
Ngumiwi siya at tumingin na sa unahan. Ako naman ay saglit natulala sa rosas bago hawakan ng tangkay nito. Pinalandas ko ang daliri sa mga tinik nito. Mukhang babagong pitas pa sa kung saan. I smirked imagining him just simply picking this fresh rose on the garden. Hinawakan ko iyon at dinala malapit sa aking pisngi. Bahagya ko itong ginalaw sanhi ng pagkiliti ng malambot na petals sa aking balat. I flashed a smile before looking at the front.
Tuloy ay nawala ang aking isipin ang pagiging kuryoso sa mga nangyari noon. I got disturbed with that annoying guy. Hindi matanggal ang ngisi ko habang nagkaklase. Pansin iyon ni Minoa kaya panay ang pukol niya ng nagtatanong na tingin.
Oo nga pala, hindi niya alam ang pakiramdam ko. Ang alam niya lang ay ang panliligaw ni Loue sa akin. Kinagat ko ang labi at nagpigil ng ngiti. Gusto ko lang batukan si Loue dahil mahigit isa't kalahating buwan itong nawala. Tuloy ay wala akong nakasama sa mga nagdaang linggo. Bumalik sa kaseryosohan ang aking mukha ng maalala si Zeus. Sa tropahan nila ay tanging si Loue lang ang nakakalapit sa akin at... siya. Pumikit ako ng maalala ang pagkaka-kawit ng kanilang braso.
Mukhang madami akong iku-kwento kay Loue. I grinned when the teacher announced an early dismissal. Mabilis kong nilikom ang gamit ko at isinukbit ang bag. Tiningnan ko si Minoa na nakasimangot.
"Find someone. Sasabay ako sa kambal mo." iritado siyang umirap at umalis na, ako naman ay tumingin sa likuran at nakita ang nakangising si Loue na nagpapaalam sa mga kasamahan.
"Akala ko pa naman..."
"Pustahan ano, Jorel?"
"Kay Zeus ako."
"Call! Loue ang akin, 500."
"Eauzi! Stop that!"
"Why Shaun?"
Pasiring akong umirap ng tumama ang tingin ko kay Zeus na blangko ang mukha habang kinakausap ni Dane. Nagsalubong ang titig namin at halos makita ko ng umapoy ang kaniyang mata. Kumuyom ang kamay ko at gusto din siyang bugahan ng isang malakas na suntok.
Queen of light, huh? Guess you already have your own. Iniwas ko ang tingin sa maiitim at galit niyang mata at bagkus ay ngumisi kay Loue. He flashed a sweet smile before opening his arms. Agad kong nakuha ang kaniyang gusto kaya kahit madami ang taong nanonood ay tumakbo ako sa kaniya at binigyan siya ng isang yakap.
He chuckled and embraced me more. "You missed me that much, huh?"
Ibinaon ko ang mukha sa kaniyang dibdib at sumamyo ang pamilyar niyang amoy. Tumango-tango ako at mabilis na humiwalay sa yakap bago siya pingutin.
"That's for leaving me alone." seryoso kong saad. Ngumuso siya at nagtaas ng kilay.
"Alone talaga?" nagbigay siya ng makahulugang ngisi sa akin bago pumaling sa mga kasamahan. Laglag ang panga nila Gustav, Eauzi, Jorel, Rio at Tylon habang natatawa sila Zam, Luwen, Shaun, Vino at Ramzior. Nakatiim bagang naman si Zeus. Tss.
"Una na kami!" paalam niya at mabilisan akong hinigit. Natampal ko ang ma-muscle niyang braso ng marating namin ang rooftop ng aming building.
"Anong eksena yo'n?" tanong ko habang binubuksan ang sandwich na inabot niya sa akin. He shrugged and take a big bite on his food.
"For a show. Para naman magka-love life ka na." umismid ako.
Loue William, my boy bestfriend slash fake suitor here in Magthonous. Pinalabas niyang nililigawan niya ako para matigil ang mga nambubuyo sa akin noon.
"Kapal mo!" ngumuso ako. "Kamusta naman ang pang-iiwan sa'ken?"
He groaned. "Oh c'mmon! Don't act like a hurted girlfriend, Verian."
"I'm not! Sinasabi ko lang ang totoo."
"Tsk. All went well. Dad's still fond of those herbs in the mortal world. Banong-bano." umiiling pa niyang saad. Humaglpak ako sa tawa.
"Talaga?"
"Do I looked like joking?" inosente ngunit iritado niyang saad.
Nagkwentuhan lang kami hanggang sa mapunta ang usapan kay Zeus.
"I've heard of the news..." ngumisi siya na tila nang-aasar.
"Edi hindi ka bingi." pambabara ko.
"Tigilan mo ako sa taray mo, Verian." lumunok ako ng marinig ang seryoso niyang tinig. "Ano ang plano mo?"
Tumingin ako sa malawak na field sa baba at humalukipkip. "Wala pa. Bahala siya sa buhay niya."
Naramdaman ko ang presensya niya na tumabi sa akin. Eksaherado siyang bumuntong hininga. "Fine! You decide with that matter."
"Good."
"Pero tutulungan kita sa—"
"H'wag na." umiling siya at dismayado akong nginusuan. "Ako na ang bahala sa paghahanap sa tunay kong katauhan. Sa ngayon ay si Mama muna ang pagtutuunan ko ng pansin."
"Kamusta nga pala siya?"
"Pumapayat. Still the same, ayaw lumabas ng bahay." bigla kong naalala ang mga binili kong gamit para sa kaniya.
I should bring that today.
"She's still mourning." pagak akong natawa sa sinabi niya. Umihip ang hangin at nilipad nito ang aking buhok.
"Mourning? For almost eighteen years? Loue, kung nagluluksa siya, ano pa ako? I feel so useless. Hindi ba kayang punan ng presensya ko ang pagkawala ni Papa?" nanubig ang mata ko at agad na nanikip ang dibdib. "It's damn unfair! Kinuha siya ng hindi ko alam ang dahilan. At para na din akong walang ina. Ako lang mag-isa. Ang alam ko lang ay pangalan ni Papa, but the rest?" umiling ako at hindi na napigilan ang mga luhang bumagsak.
Naalerto ang maamo niyang mukha at mabilis akong niyakap.
"Shh. Tahan na. Bakit ba kase bigla kang nagdrama?" bahagya akong natawa at hinampas ang dibdib niya.
"Gago. You started it."
"Oh! Did I?" peke siyang tumawa at narinig ko ang kaniyang pag ngisi. "I'm sorry."
Sasagot sana ako sa kaniya ng biglang may kumalampag. Napapitlag ako sa yakap at mabilis na tiningnan ang pintuan. Nakahilig doon si Zeus at madilim ang mukha. Nanunusok ang tingin niya at panay ang tiim ng bagang.
"Nakakaistorbo ata ako, sorry." malamig at puno ng sarkasmo na saad niya. He didn't bother taking his dark eyes off me while talking to my bestfriend. "Pinapatawag ka ni Headmistress, Loue."
Kinabahan ako sa lamig ng boses niya pero hindi ko iyon pinahalata at kumaway na lang kay Loue na seryoso ngunit may bahid ng pang-aasar na nagpaalam sa akin. Napayakap ako sa sarili ng biglang lumamig ang hangin.
Agad kong nilikom ang pinagkainan at akma ng aalis ng harangan ni Zeus ang pinto. His massive built easily blocked my way and sight of my last resort to avoid him.
He darkly looked at me and I almost gasped with the anticipation of his anger. He crossed his arms and arched his brow at me. Ngumisi siya pero hindi mababakas ang saya roon.
Wala sa sariling napalunok ako at bahagyang umatras. Hindi ko na nabilanh kung ilang hakbang palikod na ang nagagawa ko dahil masyadong kapansin-pansin ang galit na hakbang ni Zeus papunta sa akin.
Akma akong aatras muli ng mapamura dahil may kung anong nakaharang sa aking likuran. Pinabayaan ko ang sariling matumba at pumikit na lang.
But I felt nothing but the cold air on my body and a minty breath fanning my cheek. Lumundag ang puso ko ng makita ang malapit na mukha niya. His arms are firmly snaked on my waist, preventing me from my fall.
I met his dark and angry eyes and I unconsciously licked my lips. The bone structure of his face hardened as he followed my tongue. Muli niyang ibinalik ang tingin sa akin at nagtiim bagang.
"Are you happy?" he looked so dangerous. Kumurap ako at itinikom ang mga labi. "He's now back."
Hindi ako nagsalita at tiningnan lang kung paano bumuka ang bibig niya at kung paano siya lumunok habang nakatingin sa akin.
I could forever stay in this position, with him holding me between his arms, I could. But I wouldn't. I wouldn't dare staying inside my enemies arms. Never. Mabilis ko siyang itinulak at malamig na tinitigan.
"I am. And you should too, now that Dane's back."
Hindi ko na inantay pa siyang magsalita at mabilis na ang ginawa kong pag-alis. Dali-dali akong pumasok sa isang cubicle at inawang ang labi habang nakahawak sa dibdib.
What's happening? Mariin kong ipinikit ang mata at pilit na inalis ang mapupungay at galit niyang titig sa isipan. He's my damn enemy. He is.
Paulit-ulit ko iyong isinaisip at pilit na kinukumbinsi ang sarili. Hindi ko dapat iyon makalimutan. Hindi.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top