Kabanata 3
Kabanata 3
Ama
"Malapit na ang Battle Day. Two months from now ay sasabihin na ang mga kasali doon. Kaya naisipan kong gawing Physical Education niyo ang battling." kumurap ako at narinig ang singhap ng iba dahil sa sinabi ni Sir Conrad.
"Every now and then, we'll have a combat. Be it by group, by pairs, or individual." tumikhim si Sir Conrad at nakita ko ang pagsulyap ng kaniyang batang mukha sa akin. I sighed and looked at him. Nakita ko ang pag-iwas niya ng titig at ang pagpula ng tenga. Nagtataka naman akong kinunot ang noo.
"Dismiss." saad niya at muling lumingon sa akin ng makitang nag-alisan na ang iba. Inayos ko ang aking gamit at tumayo na din. Ito na ang huling klase at agad kong naisipan ang pagbisita kay Mama.
I hope she's getting better now. Aalis na sana ako ng tawagin ni Sir. His twenty-year old handsome face welcomed me. Nagpaskil siya ng isang ngiti at akmang magsasalita nang may magsalita sa aking likuran.
I suddenly felt tensed and distracted. Ramdam ko ang kaniyang paglapit sa aking likuran at ang mababa niyang buntong hininga.
"The headmistress is calling you, Sir." napalunok ako nang marinig ang diin sa kaniyang tono. Sir Conrad nodded in dismay before smiling at me and storming out of the room.
Hinigpitan ko ang kapit sa aking bag at inihakbang ang paa. Natigil akong muli ng marinig ang kaniyang pagtikhim. I slowly turned to him and swallowed hard before arching my brow.
"What?" I spat irritatingly. His lips protruded and he flashed a sexy look before biting his lips. Humalukipkip siya at nagtaas ng kilay.
"Where's my blazer?" napamaang ko at tumikhim. Ikinunot ko ang aking noo at kinabahan habang tinitingnan ang nilahad niyang kamay.
"I-I left it at the rest room. Wait here at kukunin ko—"
"I'll go with you." Agap niya. Umismid ako at naglakad na patungong restroom sa second floor. I can hear crickets as we graced the corridor. Binilisan ko ang lakad nang makita ang pagsulpot niya sa aking gilid. Tumambol ang aking puso at nilingon siya bago pumasok sa banyo.
Inikot at hinanap ko na ang bawat sulok ng mga cubicles pati ang basurahan pero hindi ko makita ang kaniyang puting blazer! I nervously go out of the restroom and looked at Zeus who's leaning on the wall and looking at me with ghost of smile.
"Where is it?" nanunuya ang kaniyang tono at pinasadahan ng tingin ang aking magkabilang kamay. "Oh! Nawala?"
Kinagat ko ang labi at napansin ang pagtitig doon ni Zeus at ang bahagyang pagdilim ng mukha nito. Umubo ako at tumango.
"Papalitan ko na lang iyon." mabilis kong saad at pumihit na patalikod. Pumikit ako at pinigilan ang pagkakabuwal sa paglalakad. Damn it!
I want to strangle him. Lalo na kapag nangisi siya. Mas lalong kumakabog ang puso ko na siguro ay dahil sa inis at galit.
Bumalik ako sa dorm at sinagutan muna ang mga asignatura bago naligo. Pagkapalit ko ng damit ay saktong pagdating ni Minoa.
Her small lips protruded while looking a bit sad. Hindi ko na sana siya bibigyan pa ng pansin nang bigla siyang humikbi. I cleared my throat and looked at her.
Nakayuko siya at gumagalaw ang balikat. Bahagya pa akong nanibago dahil kahit kailan ay hindi ito umiiyak. She always shows her strong facade. Kaya kataka-taka ang pag-iyak at kahinaang pinapakita niya ngayon.
Saglit akong tumingin sa madilim ng labas bago bumuntong hininga at umupo sa tapat niya. I observed and examined her face. Namumula ang kaniyang ilong at gulo ang brown na buhok.
I sighed once more and cleared my throat.
"What happened?" pumikit ako saglit dahil kahit naman ganito ako ay may puso pa din ako. Nga lang ay ngayon pa lang ako makakaranas na mang-alo ng iba bukod sa aking sarili.
Tumunghay siya at kinagat ang kaniyang labi. Kamukha niya ang kaniyang magulang at hindi iyon maikakaila. Her nose, lips and dimples came from his father, Noe. Whilst her chinky eyes, and face structure came from her mother, Mia.
"How old are you?" nagulat ako sa tanong niya gamit ang basag na boses. Iniwas ko ang tingin at sumagot.
"Eighteen." narinig ko ang muli niyang paghikbi.
"Pwede ka..." pumiyok siya at nagpakawala ng malakas na hikbi. Nataranta ako at agad na lumipad sa kaniyang tabihan. Naiilang pa ako ng tapikin ang kaniyang likod.
"Huh?" I asked.
"Pwede ka kay Z-zam... he's twenty and you're eighteen." kumunot ang noo ko.
"Why? Hindi kita maintindihan."
"Iyan! Lagi naman niyo akong hindi naiintindihan. Lintek na Zam! Edi siya na ang matanda. Bwiset!" suminghot siya at agad na humikbi. "Porket ba seventeen lang ako ay hindi na ako bagay sa kaniya?"
Natawa ako sa pagsusumbong niya at naramdaman ang mainit na paghaplos sa aking puso. Masarap pala kapag parang may nagsusumbong sa'yo. Ngumiti ako at inalo siya.
"I thought you like Zeus? At anong nangyari sa pagtawag mo ng Kuya kay Zam?"
"What?! I don't like that jerk Zeus. A-at si Zam ang gusto ko! He's a big jerk din pala!"
"Ano bang nangyari?" tanong ko. Natigil siya sa pag-iyak at suminghot bago tumingin sa akin. Parang nawala ang tarayan namin sa isa't-isa at bigla na lang naging komportable.
"I confessed. Sabi niya ay hindi siya pumapatol sa bata at parang kapatid lang ang tingin niya sa akin. Damn him! Napaka-paasa." nagtuloy siya pagkekwento at sa totoo lang ay nakakabigla na marami din akong nasasabi at komento.
Wow! This should be recorded. Pinaka unang pagkakataon na nakipag-usap, nagbigay ng payo at nang-alo ako. Batuhan lang kami ng mga sinasabi hanggang sa nagsawa siya at umiyak na naman.
"You should at least talk to him and clear things out." saad ko bago siya tingnan na humihiga na.
"No. Manigas siya. I'll avoid him." matigas niyang sabi at kumaway na sa akin. "Tulog na ako."
"Sige." pumunta ako sa bintana bago tumingin orasan. Passed twelve. Tama lang para sa pag-alis ko. Marahan kong ikinandado ang pinto bago naglakad palabas ng building. I roamed my eyes and luckily there are stars. Ang malaking buwan ay nagbibigay ng maliwanag na ilaw sa aking daanan. Pumunta ako sa likod ng campus at ginawa ang lagi kong ginagawa.
Nang marating ko ang sementadong daan sa labas ng Magthonous ay pumara na ako ng nakitang taxi. Ibinigay ko ang address at ng makarating sa tapat ng aming bahay ay napahinto ng makitang madilim na naman ang buong kabahayan.
I quickly opened the old rusty gate and walk towards the door. Binuksan ko ito at bumungad na naman ang kadiliman. Pinindot ko ang switch at nakita si Mama na nakaupo sa sofa habang umiinom.
Mabilis kong inagaw ang bote ng alak sa kaniyang kamay at tiningnan siya. Mas lalo siyang pumayat at tumutok sa aking ang maga at pula niyang mata.
"You..." itinuro niya ako at naamoy ko agad ang alak sa kaniyang bibig. "Don't you miss your father?"
Pumiyok siya kaya napayuko ako at kinagat ang ibabang labi. "I... don't even know his face."
Naluha ako sa isiping ni isang litrato o imahe ng aking tatay ay wala. Hindi ko siya kilala at tanging pangalan at katauhan niya lang ang alam ko.
"Dahil pinatay siya ng mga hayop na iyon!" singhal niya at tumayo.
"Ma!" hinawakan ko ang balikat niya ng bahagya itong matumba dahil sa kalasinga.
"Si Celestia at Zacchaeus ang pumatay sa iyong ama!" napalunok ako at naiyak habang tinitingnan ang galit na mukha niya. Patuloy ang pag-agos ng luha mula sa kaniyang mata. "Pinatay nila si Flint... pinatay nila ang aking mahal. Pinatay nila ang iyong ama!"
•••
A/N:
Woops! Medyo magiging confusing sa iba ang story na ito kapag hindi pa nila nababasa iyong Magthonous Academy: The Enchanters Academy. Kaya sa mga bago pa lang na nakakabasa nito I suggest na basahin niyo muna yung unang libro which is yung nabanggit ko nga. Iyon lang. Thank you all!
Happy 800 followers! Dahil lahat ito sa inyo!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top