Chapter Two

Problem With the Hair

"Then let's cut your hair." Agad akong napatingin kay lola sa sinabi niya. Seriously? Ang mahaba kong buhok na ayaw na ayaw ni ate at kuya na ipaputol ay puputulin niya? Lumiwanag ang mukha ko nang narinig ko yun. Finally. Puputulin nadin sa wakas ang buhok ko. I just need lolo to agree. We all looked at him.

"Well, kung hindi na siya nahihirapan sa ability niya, then why not?" Sabi ni lolo na ikinangiti ko. Finally, after 15 years ng buhay ko, puputulan nadin ang buhok ko. Hindi narin ako tatawaging multo ng mga maliliit na bata. Hindi narin ako mahigirapang suklayin ang buhok ko na palaging sinusuklay ni ate. At hindi na ako mukhang baduy. Teka nga, ano ba ang koneksyon ng buhok ko sa ability ko?

"I'm afraid that won't happen." Sabi ni kuya. "It's too risky." Napatingin ako ng masama kay kuya.

"I second the motion." Sabi ni ate na ni raise pa ang kamay niya at binaba din ito.

"No. I agree with lolo and lola, kailangan ko mg putulan ang buhok ko." Sabi ko.

"Don't you dare do such a thing, Ke'ala, or you will regret it." Is he threatening me?

"Trust me Ke'ala, it's for your own good. Lo, la, she can't even barely get near another person." Pinatong ko ang kutsara't tinidor ko sa mesa. Bakit ba ang obsess nila sa buhok ko? May ginto ba dito?

"Is this true, Ke'ala?" I hesitated. "Answer me." Napabuntong hininga ako and looked at my grandmother.

"No."

"Yes." Biglang sabi ni Jarvis na kanina pa tahimik at nakikinig sa usapan.

"What are you talking about Jarvis?"

"No Ke'ala, ikaw ang dapat kung tanungin niyan. Natatakot ka nga kaninang lumapit sa ibang tao. You can't fool me Ke'ala." Natahimik ako. Great, they found out I'm lying. Thanks a lot Jarvis. Buong buhay ko minsan lang ako nagsisinungaling and this is the first time they caught me. Just because of this stupid ability kailangan kong mapunta sa ganitong sitwasyon.

I heard my grandfather sighed.

"It's decided. Hindi muna natin puputulin ang buhok mo." He said that made me clench my fist in anger. Lecheng buhok to.

"Tell me, buhok lang to. Bakit ba ayaw na ayaw niyong putulan to? Considering the fact that this should be my decision." I said trying to be calm. But I'm not. Mahahalata mo talaga ang inis sa boses ko.

"Ke'ala calm down. Hindi mo maiintindihan." Sabi ni ate.

"Darn it! Paano ko maiintindihan ni hindi niyo nga sa akin pinaiintindi."

"I told you to calm down Ke'ala!" Sigaw ni ate. Sa sigaw niya, I managed to calm myself down a bit.

"Okay, we'll explain. Total gusto mo talagang malaman." Sabi ni kuya na naiinis na din.

"Don't you dare Alva'ryus." Babala ni lolo pero hindi ito pinansin ni kuya.

"Our Family came from the Main Family of the Cursed Blood." Cursed blood? That legend that goes around for ages? Ang alamat na yun na nandito daw matatagpuan sa isla mismo?

"Stop right there." Babala ulit ni lolo. Pero nagpatuloy padin si kuya. "It is one of our rules not for them to know anything until they master their own ability."

"Lo, gusto niyang malaman eh. Plus, her abilty is uncontrollable." Napabuntong hininga ulit si lolo.

"Like I said, our family came from the Main Family of the Cursed Blood. Lahat ng tao dito sa isla ay may kakaibang dugo na ito that guves us an advantage from the rest of the people in the outside world. Pero ang Main Family ay iba. Mas malakas sila. At kaonting pagkakamali lang, masisira na ang buong mundo. That's why we distanced ourselves with the rest of the world. But yours is different, Ke'ala. Your ability isn't as strong as ours, tsaka namin nalaman na...." na ano? "...that you're adopted." Napatingin lahat lay kuya.

"Kuya! Anong pinagsasabi mo?!" Galit ma sigaw ni ate kay kuya. I felt like I was hit by a dagger through my heart. Tama na. I don't want to hear anymore.

"That's why you can't cut your hair down, Ke'ala. You might have came from another set of family that once your hair is cut off, your ability will only get worse that even that ring can't hold it back anymore." Hindi ako makapag salita. (Wala kayong pake, ganoon ka weird ang islang to eh)

Is that what they're hiding from me all alone? Is that why ang layo-layo ng ability ko sa kanila? Si mom ay may ability na makontrol ang weather, si dad naman ay may ability na makontrol ang kapangyarihan ng isang tao, si lolo may kaparehong ability ni Dad, at si lola naman ay may ability na makontrol ang kamatayan ng isang tao. They all have manipulation ability. Pero ako... ang layo-layo ko sa kanila. Darn it. Darn this!

Bigla akong tumayo at lumabas sa bahay. I don't care anymore. Wala na akong pakealam kung saan ako pupunta, anywhere, basta malayo lang sa mga taong yun. Mga sinungaling sila. They all made me believe that I can fit in that family. They made me believe na pamilya talaga nila ako.

To think that I should be grateful for them, for all they did for me, pero ang sakit. Ang sakit sakit malaman na hindi ka pala totoong pamilya ng pamilyang akala mo kabilang ka. Hindi ko pala sila kadugo. Sana nung una palang, sinabi na nila sa akin to. Para at least, naka ready na ako at para hindi nadin ako masaktan.

Unti-unting tumulo ang mga luha ko. I feel damn broke. Gusto kong makalayo, ayaw ko munang bumalik dun. Patuloy lang akong naglalakad patungo sa kawalan. Ibig sabihin, palakad-lakad lamg ako na hindi ko alam kung saan ako pupunta. Unti-untimg tumutulo ang ulan.

Why am I even in that family? Paano nila ako nakita? Bakit ba ako pinabayaan ng totoong mga magulang ko? Mas lumakas pa ang pagtulo ng luha ko. Sabay din mg paglalas ng buhos ng ulan. Parang dinurog ang puso ko. Yung feeling na, dapat nga masaya ako dahil hindi nila ako pinabayaan, pero hindi ko magawang maging masaya.

I would be lying if I said I'm happy that they took me in. Sino ba namang matinong tao ang hindi masasaktan kapag sinabing hindi ka kabilang sa pamilyang kinalakihan mo? Na hindi ka nila totoong kadugo? I feel shattered. I feel broken. I feel very weak.

Nagiging mahina ako because of these damn emotions! Kung wala siguro akong emosyon, masasaktan ba ako? Hindi. Hindi ako masasaktan kapag wala akomg emosyon. Emotions keep humans from being strong. Emotions make you so much weaker than you already are.

Napansin ko na napadpad na pala ako sa may dalampasigan, sa may baybayin. Ang lakas lakas ng buhos ng ulan. But it's better when it rains, at least I feel like I'm not alone as I cry. Basang-basa na ako. Ang lamig lamig pa ng simoy ng hangin. Ang lalakas pa ng alon. Umupo ako sa may puting buhangin at tinignan ang humahampas na alon sa dalampasigan.

Naramdaman ko din ang mas malakas pang simoy ng hangin na oarang binabandila ang mahaban kong itim na buhok. Akin ding naramdaman ang sobrang lamig na hangin ma dala ng malakas na ulan. Bakit ba kasi palaging bumubuhos ang ulan kapag umiiyak ako? Nakakainis. Parang pinaglalaruan ako ng weather forcast kagabi, sinabi pa naman nito sa radyo na mainit amg panahaom ngayon.

Tuminghala ako la langit. Mga alas otso palang siguro sa umaga, o quarter to nine, pero habang tinitignan ko ang kalangitan, ang dilim dilim nito. Ang lungkot-lungkot nito. Ang kaninang mainit at masayahing araw at napalitan ng maulan at malungkot na kalangitan.

Habang iniisip ko ang mga pangyayari, inisip ko na sana...sana hindi ko nalang tinanong yin kay kuya, para siguro hanggang ngayon hindi pa nagkaganito ang lahat. I let my emotions got the better of me. I hate my emotions, they make me so much weaker than I already am.

"I wonder if I can still call them a family. Matatawag ko pa kayang ate at kiya sina ate at kuya?"

"Oo naman Ke'ala. Pamilya mo parin sila, naghihintay na sila sa bagay niyo na tawagin mo silang ate at kuya. Kaya please, bumalik ka na." Narinig ko ang boses ni Jarvis sa utak ko. He's talking to me through our minds.

"Hindi ko pa kaya, Jarvis. Masyado pa akong nasaktan."

"Isipin mo naang na hindi totoo iyon. Ke'ala, hindi totoo yun, okay? Magiging maayos din ang lahat."

"Jarvis, please, hayaan mo na ako. Kailan pa ba magiging maayos ang lahat? Mahirap isipin na hindi totoo yung sinabi ni kuya. Alam ko kung seryoso siya o hindi. Hindi magiging okay ang lahat Javris. Kaya hayaan mo na ako."

"Ke'ala naman, nagmamakaawa ako sayo, bumalik ka na. Saan ka ba ngayon?"

"Ikaw ba Javris, tinuring mo ba talaga akong kaibigan?" There was a momentof silence. Para bang nabugla siya.

"Ke'ala! Huwag na huwag mo kahit kailang kwestyonin ang pagiging pagkakaibigan ko sa'yo!" There was another moment of silence.

"Javris, give me some time to think. At sana sa pagbalik ko, naghihintay ka parin. It seems you were the only person who has always been there for me. And I want you to be always there for me."

"I promise Ke'ala. I'll be waiting, we'll be waiting. Pero sabihin mo muna kung nasaan—"

I cut off his mind link. Matagal na kaming naguusap ni Javris through our minds, kaya oarang nalaman ko narin kung paano ito itigul or how to completely seal your mind from others. Si Javris, ang best friend ko, ang tanging naging totoo lang talaga sa akin. Pero totoo ngaba? No. Hindi ko dalat iniisip to. Si Javris lang ang kakampi ko. The way he worried about me looks like he realky do care.

Huminahon na ng kaonti ang ulan at hindi nadin ako umiyak. Pero alam ko na ang pula na ng mata ko sa kakaiyak. Ilang oras na laya akp dito? May feeling ako past lunch na. Kanina ko pa iniisip kung paano ko ba haharapin sina kuya at ate, lari narin si lolo at si lola. I feel so empty. Parang nauubos na ang lahat ng empsyon ko sa kakaiyak ng iyak.

Several minutes passed, and I remained in this place. Wala yata akong planong umalis dito. I glanced at the ocean a few times, and something caught my attention. Isang bangka. A bass boat to be exact. Nakahandusay lang ito sa may buhangin. May namangka ba kanina habang umuualan? Parang wala naman. Pero paano ko naman yun malalaman eh kanina pa ako iyak ng iyak dito na walang pake sa mundo?

Tumayo ako at pinilit na buhayin ang patay kong mga paa. Habang lumalakad ako patungo sa sira-sirang bangka, wala naman yata akong nakitang tao. I felt relieved. Pero wala ako sa posisyon magalala pa sa ibang tao. Kailangan kong isipin and sort things out between my brother amd sister and I.

I suddenly felt someone walking slowly behind me. I can feel his emotions. I turned around to see that person. May hawak siyang isang spear pero bago ko pa man siya tignan sa mukha, my vision suddenly got blurry. And before I knew it, I hit the ground.

——————————————————

"Kasalanan mo to kuya eh!" Umabot na siguro sa kabilang parte ng mundo ang sigaw ni Ka'ela sa laniyang nakakatandang kapatid na lalake. Bigla namang bumukas ang pintuan, napatingin ang lahat dito at inaasahang si Ke'ala, pero si Jarvis lang pala.

"Hindi ko siya makita. Nilibot ko na ang buong lugar pero hindi ko siya makita. Hindi naman kasi mahig yun lumabas kaya wala akong alam kung saan siya." Sabi ni Jarvis na basang-basa dahil sa matinding ulan.

"Nasubukan mo bang gamitin ang mind link mo?" Tanong ni Lola Stella kay Jarvis sabay inabutan nito ang binata ng towel.

"Salamat po." Pinatong niya muna ang towel sa ulo niya bago magsalita. "Sinubukan ko po. Pero ayaw niyang umuwi. Sabi niya kailangan ko daw maghintay. Hindi niya alam kung kailan magiging okay ang lahat. Pero wala siyang planong umuwi hanggang sa hindi pa siya okay. Gusto niya yatang mapag-isa." Huminga ng malalim si Ka'ela.

"Sinubukan kong tanongin kung saan siya pero pinutol niya ang mind link ko. Hindi ko alam kung paano niya nalaman yun, but I think she sealed her mind to keep me from linking my mind to her." Javris added.

"Kasalanan mo to kuya eh! Bakit mo pa ba kasi kailangang magsinungaling sa kaniya?! Na adopted lang siya?" Parang gustong matawa ni Ka'ela but at the same time she's panicking.

"Oo! Alam ko kasalanan ko to! Pero iyon lang ang maisip kung paraan para malayo ang isipan niya tungkol sa buhok niya. She will cut it off even if we don't want her to. You know she will die once she cuts off her hair without mastering her real ability first! And what's worse, hindi natin alam kung ano ang totoo niyang ability o sadya talagang ganoon lang ang ability niya. That's why I said it's too risky." Sabi ni Alva'ryus.

Alam nila to, dahil lahat ng ito ay napagdaanan ng Main Family, at sila iyon. Mamamatay sila kapag pinutol ang buhok nila na hindi muna nila ma master ang ability nila. It's too risky even for them before.

Bumukas it ang pintuan, and as before, inakala nila na si Ke'ala na ito, pero hindi parin siya. Ang lolo Teddy nila ito.

"Kinausap ko si Lawrence, ang Chief ng South District. Agad siyang bumuo ng search party para mahanap agad si Ke'ala." Sabi ni lolo.

"I hope Dad and his men can fin her soon." Bulong ni Javris na nakaupo ngayons a sofa.

"I will stop time itself kung iyon ang kailangan para mahanap siya." Alvar'ius said as he stood up. Pero hinila siya pabalik ni Ka'ela at napaupo ulit ito.

"No! Don't act rashly. You can't just stop time, you'll break the law of the universe, the law of physics."

"Ipapaalam ko to kay mom at dad." Sabi ni kuya. "Ka'ela, make me something that can contact another person, now." Agad na pinatay ni Alvar'ius ang blocking magic gamit ang ability niya.

Hinawakan ni Ka'ela ang isang libro at sa isang iglap, naging isang bilog ito. Sa bilog na iyon, may lumabas na ilaw ay naging isang hologram ito ng isang line. Habang sinasabi ng magkapatid amg sitwasyon, ang straight line ay nagiging wave hanggang sa matapos na sola at nawala na ang hologram. Inutusan ni Ka'ela ang gadget na ito na pumunta kung saan naroroon ang mga Feyree nang pigilan siya ni Alva'ryus.

"Wait."

"Ano na namna kuya."

"Don't send it yet. We need to find her ourselves, I don't want to hinder mom and dad in the middle of their work. Hahanapin natin siya, baka dadating din siya mamaya."

"Kuya kung natatakot kang pagali—"

"Hindi ako natatakot. Magagalit lang sila and will surely say we have to handle this on our own. Kilala mo namam ang mga magulang natin Ka'ela. They won't care unless it's something regarding business." Sabi nito sa kaniyang kapatid.

"Fine. Pero may hindi maganda akong nararamdaman." Sabi ni Ke'ala.

Biglang tumunog ang malakas ng thunder at isa-isa ding tumama sa lupa ang mga lightning. Mas lalong lumakas ang kaninang patigil na na ulan. Lumakas din ang hangin. Ang kalangitan ay patuloy lang na bumubuhos ng ulan na para bang nagagalit ito.




———————————————-

AN; Sana ay may bumasa nito hanggang sa dulo...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top