Chapter Twelve

Name That Brings Chaos

The air was cold above here. The skies were dark. The thickening mists almost blocked the moonlight as it tried to shine brightly above this unpleasant night. The wind that passes by somehow always manage to cause this prick of pain to surge out. And it was painful.

Nakikita ko ang pagtulo ng dugo mula sa kanan kong balikat dahil narin sa biglaang pagtalon ko kanina sa bintana. Nabasag kasi ang salamin, kaya natural lang na masugatan ako. Hindi ko lang talaga inaasahan na magiging ganito kabagal ang paghilom ng sugat ko. I feel weak yet I know I can still fight.

Lalo nang nasa unahan ko ang kalaban.

Nakasuot siya ng itim na jacket at may hood ito. Nakmaskara kasi siya kaya hindi ko na naman matukoy kung sino ang taong ito. But as I face him at this very moment above this flying giant monster bat which I landed on earlier, hindi ko pwedeng hindi pansinin ang puso kong bumibilis ang tibok niya dahil ang lapit lapit ko sa kaniya. Tatlong hakbang lang ang layo niya sa akin, to the point where I can reach him.

But I couldn't. Bakit ngaba? Alam kong siya yan. Nakita ko siya, namumukhaan ko siya, kilalang-kilala ko ang mga matang mayroon siya, but why can't I take a step forward? Why can't I utter a single word? Maybe...maybe I'm scared of the fact that he might just disappear again if I talk.

"Who are you?" Ganoon parin ang boses niya, pinipilit niya mang maging malamig pero alam kong hindi talaga siya ganoon. Hindi ako nagsalita at tinignan lamang siya. "Bakit hindi ka nagsasalita?" Again, I left him no answer. "Talk to me!" His loud beaming voice echoed against the flow of breeze.

Humakbang siya palapit sa akin at hindi ko alam kung bakit pero napaatras ako. Nararamdaman ko ang pagtataka niya, and it seems he doesn't know me. Of course he wouldn't, marami ang nangyari sa akin nitong nakaraang taon at hindi hindi ko siya nakasama sa mga oras na iyon.

Minsan nga napapaginipan ko siya, pero wala akonb naaalala sa tuwing gigising na ako. It was only recently I've stopped feeling like I missed him, and it was only then I've stopped dreaminv about him. Akala ko nga ngayong makikita ko na siya ay magagalit ako dahil sinasabi na ng lahat na masama pala siyang tao, na ginamit niya lang ako para makapasok sa Magnus, that he was never that caring and sincere as I thought he was.

But now that I'm facing him, I don't know. It's like all those emotions I've let go before just suddenly all came rushing back along with my memories with him. I was immature and naive back then, akala ko noon mahina ako at wala akong marating kung wala siya sa tabi ko kaya ginawa ko ang lahat para lang mabuhay dahil iniisip ko na para naman talaga sa kaniya ang lahat ng ginawa ko. But he was never there, he never replaced what I did for him, at bigla nalang siyang nawala.

Still, I can never get angry. Upset? Yes, just upset. I'm feeling upset dahil hindi ko manlang nalaman ang nga totoo bago siya nawala. Inaamin ko na may mga oras na gusto ko nakang talaga siyang kalimutan, because I'm scared of pain. Pero hindi ko parin talaga magawang makalimutan ang taong unang nagpatibok sa puso ko.

Even now, my heart can't stop racing.

Is it fear?

No.

I know it was something else.

And I don't want it.

He took another step forward, but this time I didn't step back. Nagkatinginan kaming dalawa, our faces a few inches away from each other, na para bang sinusuri niya talaga ang mukha ko. May dumaang malamig na hangin kaya medyo napapikit ako, it sent dusts all over my eyes. Nang buksan ko ito ulit, naiinis ako dahil hindi ko alam ang rason kung bakit ako nakangiti.

His jet black hair got a bit longer, I traced his pure deep brown eyes down to his nose, until I set my eyes on those lips which I once sealed as mine. Bumalik sa akin ang lahat ng alaala na meron kaming dalawa, it was short, it was the reason why my life became a disaster, and I thought I regret it, but I couldn't.

"I'll ask again, who are you?" Mahina na ngayon ang boses niya, his eyes tried to seek familiarity from mine.

"I'm..." Naisipan ko din ito noon, na kung paano kaya kung magkita kami ulit? Ano ang gagawin ko? "I'm someone you shouldn't know." At ngayon alam ko na ang isasagot ko. I don't want him in my life anymore, ayaw ko ng ganitong pakiramdam kung saan masaya akong makita siya but thinking he might get hurt again, I'd rather choose to let him go.

"...I see." He sighed. "I don't understand." I looked up, trying to meet his gaze but he looked away. "I keep trying to find her in you."

"Who? Who is she?" Lumakad siya palayo sa akin at mabilis na sinet-up ang bilog na barrier sa paligid ko. I felt so much energy just from this barrier, anyone could tell how strong it is. Pero hindi ko ito pinansin kahit na unti-unti nitong hinihigop ang lakas ko. I was more curious on who he meant.

"Someone special." And his answer left me speechless.

Someone special.

Who is it?

Did he find someone special like he told me before in this world? Did he tell her the same lies like he did to me?

My clench tightened around on each scythe I hold. Sa sobrang higpit nito ay nasasaktan na ako, pero wala akong pakealam dito. I was more hurt when he said 'someone special'. Naiinis ako. Naiirita. Nagagalit. Bakit ako nagkakaganito? Ano ba ang emosyong namumuo ngayon sa akin? It was familiar yet somehow it feels new to me.

Hindi ko na namalayan na nabasag ko na pala ang barrier sa paligid ko dahil sa pinapakawala kong enerhiya. Bumalik na naman ang ability kong makaramdam ng emosyon, at mas lumakas pa ito. Mabilis humilom ang sugat ko sa balikat because tens of emotions slowly flowed inside of me. Nanginginig ang mga kamay ko. Gusto kong magpakawala ng enerhiya.

I ran to him as I quickly swung both of my scythe at opposite directions towards where his body keep shifting. Patuloy lang siya sa pag-iwas at kahit magpalabas man siya ng barrier ay ganoon parin namang nababasag ko ito. Naiinis ako sa kaniya sa hindi ko alam na kadahilanan. Halata sa mukha niyang nahihirapan na siya sa pag-ilag at kanina pa umiikot-ikot sa kalangitan itong halimaw na sinasakyan namin, and that was to his disadvantage because he can't balance himself well.

"Who is she?" Seryoso kong tanong, pero hindi siya sumagot. Mas lalo pa akong nainis nang tumayo lang siya diyan at hindi gumagalaw, it was as if he was underestimating me, and I don't like that smirk.

Umatake ulit ako sa kaniya but he took his stance, he's trying to fight me barehandedly. Inikot ko ang katawan ko para itama sa kaniya ang dala kong weapons, but my eyes widened when he caught my right wrist and pulled me closer. Bumilis ulit ang tibok ng puso ko nang maramdaman ko ang lapit ng hininga niya sa tenga ko. He was hugging me, tightly as if I might just disappear.

"You're cute when you get jelous," wait, jealous? Me? "Ke'ala." Mas lalo pa akong nagulat nang tinawag niya ang pangalan ko. Pinawala ko ang mga hawak kong weapons at binaon ang mukha ko sa leeg niya.

"Why? Why now?" I asked, my voice barely in form.

"Why did you pretend I didn't know you? Just because you changed your appearance doesn't mean I don't recognize those beautiful eyes."

"I thought it was for the best."

"Ke'ala...I'm sorry. I'm sorry for leaving you behind."

"You should be. Hindi mo alam kung ano ang mga pinagdaanan ko. I went to a whole new place unfamiliar to me, no one to trust, no one to lean on to, nasaktan ako."

"Matapos kong pakawalan sina Ash na nakulong sa ilalim ng Academy, bigla nalang akong nagising na nandito na sa mundong ito." So he was indeed the one responsible for setting those two blacks free. At isa nga talaga siyang myembro ng Black Clan.

"You lied to me. About everything."

"Pasensya na. One of our member had memory making magic, nawalan lang ito ng bisa nang makapunta ako dito." I felt his guilt, and he was sincere. "But I want you to know that not everything was a lie. The fact that I was falling in love with you was real, even now I still do. Tell me Ke'ala, mahal mo rin ba ako?" I smiled. Ayaw ko man ito pero masaya ako.

"To be honest," I paused as I felt the blood flow out from his back kung saan ko siya sinaksak gamit ang sinummon kong espada. "I don't know."

"Ke—Ke'ala..." hinugot ko ang espada mula sa likuran niya at medyo lumayo sa kaniya. May lumabas ding dugo mula sa bibig niya tapos ay napaluhod siya.

"I really hate liars. But most of all, I don't want to be tied down to man with these kind of feelings. Kaya ngayon palang tinatapos ko na kung ano ang meron sa atin." He showed me a weak smile as his body slowly disappeared to ashes.

"I won't let you end everything, Ke'ala. We'll meet again, and the next time we do, you're mine." Wika niya bago siya tuluyang mawala.

I admit that I somehow didn't expect that to be a clone, I mean he had emotions with him. Pero ngayon sigurado na akong nandito siya, siguro ay napunta din siya dito dahil sa disturbance. Ang hindi ko lang maintindihan ay bakit niya ginagawa ito. I must be unfair to him dahil nagsinungaling lang namam siya dahil sa memory making magic, and sure it hurts to know that everything I thought he is was all just a stupid lie to gain access to Magnus' security.

But most of all, I don't want to see him again because I'm not sure if I'll be able to control these emotions the next time we meet. It's like what I felt for Thane before, something completely unknown yet familiar, a fluttering feeling filled with urges and excitement. Pero nawala ang lahat ng ito nang binigay ko sa kaniya ang pagmamahal ko. Everything I felt for him ended all at once after that kiss, at ayaw kong manyari yun kay Hoy.

It's funny that until now I still don't know his name. And if knowing it means I'll have this sort of connection with him again, then I rather not know his name. Mabuti pang tapusin na namin ito ngayon palang. That feeling of my own emotions vanishing so suddenly, I hate it. I don't want it to happen again, I rather make my own emotions slowly fade by my own means, not my ability.

After his body slowly faded into ashes, along with it was all the monsters following him earlier. Unti-unti naring nagiging abo ang mga halimaw at pati narin itong sinasakyan ko. Ngayon ko lang namalayan na ang taas na pala mg lipad nito, halos hindi ko na nga makita ang sa ibaba at ang nakikita ko nalang ay mga tuktok ng mga matataas na buildings.

I slightly panicked when the monster I was riding unto is disappearing as well. Pinawala ko ang mga weapons ko at mabilis na tumakbo papunta sa may rooftop na medyo malayo sa kung saan ako. I jumped just soon before the monster finally disappeared, muntik ko na sanang maabot ang railings nang mukhang hindi yata gaano kalakas ang pagtalon ko.

Damn it! Mukhang wala akong iba pang magagawa kundi gamitin ang air magic. I haven't learned how to master using different magic yet dahil sa biglaang pagtaas ng enerhiya ko, I'm having trouble on how to control it as I once did well.

Surprised crept accross my face when I looked up to see a hand wrapped around my right wrist tightly. It was tender and strong, I traced where the hand was coming from and saw Aljen. Mukhang pagod na pagod siya at halatang pagod na pagod. Ang isang kamay nito ay nakapatong sa may railing para hindi din siya mahulog as he supported my weight with his body.

"Hey." He greeted with an insulting smile. "Seems you need a helping hand."

"Because I am needing one." Madiin kong sabi. Although I am grateful he came if not mapipilitan akong gamitin ang mahika ko.

"Well I'm trying." He tried to pull me up but his hand slipped up to my hand at tsaka niya naman hinawakan ng mas mahigpit pa.

"Am I that heavy? I'd appreciate it if you get me out of here quickly."

"You are in no position to demand! Argh ang bigat mo!" I frowned and held unto his wrist kaya medyo nahuhulog na ang katawan niya, it was just his hips on the railing now dahil ginamit niya ang isa niyang kamay para hawakan ako.

"Blame it on gravity."

Mukhang mas nainis yata siya sa sinabi ko at ginamit ang buong natitirang lakas niya para iahon ako paitaas. Tinapon niya lang naman ako sa likod niya, muntik na talaga akong ma-out of balance nang lumanding ako sa lupa pero mabuti nalang at agad akong napaluhod para hindi ako matumba. When I turned around, I saw Aljen panting against the railing.

"What...just happened up there?" He asked between his breathing at tumayo ako para lumapit sa kaniya. "Bigla nalang nawala ang mga halimaw. Umuulan ng abo ngayon sa ibaba."

"They came for a warning." Biglang bumukas ang pintuan sa may gilid ng pader at nilabas nito si Ivan.

Kasabay ng paglabas niya ay ang paglabas din ng pitong lalaking nakasuot ng itim na unipormeng may mga hawak na baril. Their lasers are all directed to me, in other words ako ang habol nila. So much for being in another world, nadagdagan na naman ang problema ko.

"We are given orders for you to be executed kung hindi ka sasama sa amin ng matino. We are ordering you to stand down." Utos ng isang lalaki, napakunot naman ang noo ko dahil dito.

"You? Ordering me?" Lumakad ako papunta sa kanila at agad naman silang napaatras. The scent of fear is too obvious no matter how brave they appear. "Who do you think you are?"

Isang bala ang nakita kong mabilis na pumunta sa kung saan ang mukha ko. Simple ko lang itong sinalo gamit ang dalawang daliri ko at napatingin dito. I frowned once again. They call this a bullet? Is this supposed to be the thing that would execute me? Nagbibiro ba sila? In our world, guns are embeded with magic which makes the bullets made from the same kind of reinforced magic material. Sa kaso nila, parang simpleng bato lamang ito which is power up by a hardened spring to fire.

"Huwag kang gumalaw!" Sigaw ng isa as I crushed the bullet as if it was a toothpick.

"Your artificial magic can't even kill me, mga laruan niyong iyan pa kaya?" Tila nainsulto sila sa sinabi ko pero wala akong pakealam. They were all about to pull the trigger when Ivan stepped forward and raised his hand beside hik, urging them to stop.

"Huwag mo kaming piliting gumawa ng bagay na ayaw namin Keila. Sumama ka nalang."

"Ivan, ano ang ibig sabihin nito?" Tanong ni Aljen sa kaniya.

"Dad wants to see her. Mabuti narin na maayos ang kalagayan mo. Allean is worried, puntahan mo muna siya." Then his gaze shifted back to mine. "I'm asking you to cooperate Keila."

"By threatening me? This isn't even considered as one." Ayaw kong minamaliit ako lalo na kung hindi nila alam kung sino talaga ang kaharap nila.

Tinignan lamang nila ako ng seryoso at halata naman sa mga mata nila kung gaano kaimportante ang pagsama ko sa kanila. If they only asked me well in the first place, sasama naman talaga ako. I sighed crossing my arms. Mukhang wala din naman akong magagawa.

"Keila—" I interrupted Ivan.

"Fine. Lead the way." Their expressions softened in relief.

Nauna si Ivan maglakad kasama nito si Aljen habang napapalibutan naman ako ng mga tauhan nila mula kanina. Hawak parin nila ang mga baril nila at nakatutok parin ito sa akin pero hindi ko sila pinansin dahil alam kong hindi din naman ako maaapektohan ng mga laruang iyan.

Pumasok kami sa isang elevator. Nasa pinakatuktok kami kaya matagal talaga bago bumukas ang pintuan. Nasa agency parin kami, at pagbukas ng elevator ay bumungad na naman sa akin ang mga taong marami ang ginagawa. Mas minagay pa yata sila kumpara kanina.

We entered a room, there's a glass wall on the other side habang ang iba ay napapalibutan na ng pader. The room was cozy, may malaking screen sa gilid at may couch din. Sa unahan ko naman ay may isang lamesa at sa likod nito ay isang swivel chair kung saan may nakaupo na lalaki. Umalis na sina Ivan kasama ang mga taihan nila at ako nalang mag-isa dito along with this man.

I recognized him. He's the father of Ivan, Aljen, and Allean. Aldren Conozer. Magkahawig ang mukha niya sa mukha ni Aljen, pero katulad naman ni Ivan ang buhok nito as Allean has his eyes. Ngumiti siya at tinuro ang isang upuan sa unahan niya kaya umupo ako dito.

"So you are this Keila." He mumbled. "I received a lot of reports regarding your appearance. You are a special case dahil sa loob ng mahabang panahon, you're the only one who chose to cooperate with our agency."

"What do you want from me? I want to get back as soon as possible." He smiled to reassure me.

"Palagi kaming nahuhuli sa pagkuha ng data every time a disturbance happens and a hole opens up, ang bilis kasi nito that we barely even have time to spot it. But this time, we managed to record the exact data so we might be able to reopen our own hole and cause a disturbance in your world."

"Opening a dimensional disturbance in our world? Isn't that too much of a risk?"

"It is. But we'll make sure everything is under control. Pero hindi namin ito magagawa, it's only a theory."

"What do you mean?"

"Walang mana ang mundong ito, we have but it's different sort of energy from your world otherwise matagal na kaming nakakagamit ng mahika."

"So your artificial energy won't work." It wasn't a question but he nodded.

"That's why we're thinking of gathering the dark energy at ito ang gagamitin namin to open a dimensional disturbance in your world."

"What?" Nagagalit ako sa iniisip niya. "You'll be endangering the lives of people in our world."

"But it is the only choice. You can't have the enough energy to make a disturbance o matagal mo na itong ginawa." Tama ang sinabi niya. Sobrang hina lang talaga ng enerhiya sa mundong ito that my ability won't barely work.

"What about another option?"

"We have another option. At iyon ay maghintay ng isa pang disturbance at ikaw mismo tumawid doon. But the question is, can you wait?"

"Wait? I doubt it, Aldren." May lumabas na isang lalaki mula sa pintuan, dumerecho siya sa couch habang may hawak na glass with a red wine inside. Somehow, I can't take my eyes off him. There's something about him which irritates me with curiousity.

Nakatingin siya sa akin. Nakasuot siya ng suit na kulay gray kaparehas ng kulay ng buhok niya. He is big and masculine, seryoso itong nakatingin sa akin. Nasa likuran niya ang isang painting, but I couldn't look at it dahil sa kaniya.

"You're here. You arrived fast this time." Bati ni Aldren sa kaniya. "So, why are you here?"

"Kagagaling ko lang sa flight mula sa Russia at dumerecho dito, and that's the first thing you ask?"

"We're in a serious moment."

"I know, kaya nga nandito ako."

"Since when did you become serious?"

"I wasn't until I saw a glimpse of her."

"Oh God, she's a kid!"

"Don't misunderstand Aldren. Hindi ganoon ang ibig kung sabihin."

"What is it then?" Tumingin ulit sa akin ang lalaki, his lips curvsed into a smirk.

"I smell a Cursed Blood." Bulong niya, pero hindi ito nakatakas sa pandinig ko.

My heart suddenly raced, and this time I knew for a fact it was fear. Bakit ganito nalang ako matakot sa lalaking ito? Just who is he? Why is my blood rusing in anger the first moment I laid my eyes on him? Gusto kong malaman. Suddenly, all my senses were engulf of the thought of him.

"Who are you?" Seryoso kong tanong habang pinalabas ko ang isang espada na hawak na ngayon ng kamay ko. Ngumiti lang ito, as if provoking me and stood up kaya tumayo narin ako.

"Your eyes are reflecting anger, aren't you curious why?" Patuloy parin ang lakad niya paounta sa akin. "Hmm ocean eyes...a child from the Main Family." Nagulat ako sa sinabi niya at medyo napaatras dahil sa sobrnag lapit ng mukha niya.

Nang humakbang pa siya ay hindi ko na napigilan ang galit ko and swung my sword to his direction. Sobrang bilis ng pag-atake ko pero sinalo niya lang ito ng kamay niya which resulted to his palm bleeding. He showed yet another smirk at tinulak ko siya palayo. He started laughing.

"Ah typical Cursed Blood. Your race really hates me huh?" Tumawa siya at pinunasan ang dugo mula sa kamay niya.

"Ano ang ginawa mo?" Ngayon ay seryoso na si Mr. Conozer sa lalaking ito.

"Relax, relax. Wala akong gagawin. It's just that, it has been such a very, very long time since I last saw an irregularity. You have a nice catch here Aldren."

"Irregularity?" Inunahan ko na siya sa pagtatanong. Tumingin siya sa akin at napalitan ito ng pagtataka.

"You mean you don't know?"

"Itatanong ko ba kung hindi ko alam?"

"Well this could be my chance to get back to that world after ages. The world must be prepared for my return."

"Just who the hell are you?" Tinutok ko sa kaniya ang hawak kong espada. He showed me another smile with his head slightly bowing.

"Denaricus Klein."

I knew at once it'd be a chaotic return.


Andrea

"Where is she?!" Galit kong sigaw sa isang myembro ng Exodus.

Hindi ko makita ang mukha nito dahil sa hood nitong puti, may maskara din ito kaya mas lalong nakatakip talaga ang mukha niya. Ganoon naman talaga ang mga kyebro ng Exodus, no one knows their identities.

Kahit ako din naman ay nakatakip ang buong mukha ko maliban nalang sa kanan kong mata. Nakasuot din ako ng puting cloak na may hood. Walang itim na bilog ang likuran ng cloak ng kaharap ko ngayon kaya naman mahahalata talagang mababang myembro siya.

We have successfully taken over the Fire Tribe. Hawak din namin ang ibang elves habang ang iba naman ay tuluyan nang nakatakas. Dalawang araw na simula napunta kami dito, hindi ko inaasahan na medyo marami ang mga studyanteng mula sa Alchemia Academy ang sinubok na iligtas ang ibang elves.

But who do they think they are? Ni hindi nga nila matalo ang mga mabababang myembro ng Exodus. They were weak, that's why we were able to stop them. Our primary objective is to distract the enemy's attention towards us while some of our members transport the resources back to our base.

Exodus tried negotiating with the tribe to let us borrow the resources and we will not harm nor involve them with any of our businesses, babayaran pa nga namin sila. Pero makulit sila at pilit na nilabanan kami. Kaya nga nakarating sa Magnus ang balita tungkol sa pag-atake ng grupo. Reason why I was called to go here with Alaric and Lyn.

But for some idiotic reason nawawala si Lyn at dalawang araw na pero hindi parin siya nakikita. Gods! My temper is already that bad and she's making it worse! Bakit ako nagagalit? That kid stole my pendant! Na curious kasi siya kung ano ang laman nito at agad itong kinuha mula sa leeg ko at tumakbo palayo. She knew how complicated these woods are, at tiyak na hindi niya talaga alm kung oaano na bumalik.

Napahawak ako sa leeg ko. Hanggang ngayon nandito parin ang marka nang bigla niyang hinugot sa leeg ko ang pendant. Mapapatay ko talaga sa inis ang batang iyon. But I can't say I'm not worried. Simula kasi nung unang pagkakataon na nasa Exodus ako, si Lyn lang talaga ang lumalapit sa akin. I know these emotions are unnecessary but I can't help it.

"I-I apologize Miss Fifth, hindi talaga namin siya naki—" hindi ko na napigilan ang sarili ko at tinapon ang basong hawak ko sa direksyon nito. Hindi ko naman siya tinamaan, tinakot ko lang talaga. Kapansin-pansin kasi ang panginginig niya.

"Edi hanapin niyo ulit! Don't face me if you can't even do a single job!"

"Chill Fith." Pumasok si Alaric sa maliit na bahay-kubo na ito, nakasuot siya ng maskara niya. "Umalis ka na." Utos niya sa lalaki at agad din namang umalis ito.

"Are your people that incompetent?" I irritatedly asked.

"They usually aren't. Natatakot lang talaga sila sa'yo."

"Natatakot sila dahil alam nilang hindi nila magagawa."

"Just try relaxing Andrea, she'll be fine. Hindi niya rin iwawala ang bagay na alam niyang importante sa'yo. She may be immature, but that's not all the parts of her. Remember, she's the seventh end."

"I know that." I sighed and leaned my back unto the couch.

Matatapos narin ang mga myembro namin sa pagtransfer ng resources at aalis nadin kami. Hanggang ngayon may nga nangyayaring away parin sa ibang parte ng gubat and unless they're stronger than our members, makakarating talags ila dito.

Other students from other schools won't pose a threat, ang kinakabahala ko lang ay hanggang ngayon wala paring ginagawa ang mga studyante ng Magnus. Just where are they? Unless they have some sort of a perfect plan—no, only Keila could pull something like a 'perfect' plan. Now that she's missing, they couldn't possibly do any fatal damage to us.

"Anyway," tawag pansin sa akin ni Alaric. "Malapit na magtipon-tipon ulit ang Ends ng Exodus, at kung mangyari nga iyon ay babalik narin siya."

"Who?"

"The leader of Exodus." Matipid niyang sagot, as if he's preventing me to know more.

"Isn't the leader the First End?"

"No." Napaupo siya sa tabi ko habang hindi ko naman inalis ang tingin ko sa kaniya. "The Leader of Exodus and the First End are two different persons."

"May mas malakas pa ba sa First End?" He smiled.

"Of course the Leader is stronger. Very much stronger."

"Am I even allowed to know the name of this leader?" Who am I even kidding? Wala pa ako sa posisyon na malaman kung sino ito.

"I'm not sure about he name, but I heard the First End call the Leader once." My eyebrow lifted, waiting in anticipation.

"And what is it?"

"Feyree."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top