Chapter Three

Outsider

Naramdaman ko ang malamig na pagdaan ng hangin which gave me shivers down my spine. Ang lamig-lamig, but at the same time I feel something warm enveloped my body. Pero hindi parin nito kayang painitin ang malamig na nararamdaman ko. Naramdaman ko rin ang paghinga ng taong hindi ko kilala malapit lang kung nasaan ako. I can feel slight amount of his emotions, pero sa sobrang liit ng emosyon na nararamdaman ko, it almost feels like that erson doesn't have any emotions at all.

Binuksan ko ang mga mata ko, ewan ko ba kung bakit pero hindi na ako nagulat nang natagpuan ko ang sarili ko na nakahiga sa malambot na mga puting buhangin sa lupa ng kweba kung saan man ito. Pero dahil may buhangin, alam ko na malapit lang ako sa dalampasigan. Napansin ko rin ang isang kulay itim na cloak na nakatabon sa buong katawan ko. Ang kaninang sobrang basang mga damit ko ay ngayin unti-unti na ding natutuyo. Napaupo ako nang napansin ko na hindi ko magalaw ang mga kamay ko. Nakatali ito. Sobrang hisgpit ng tali na sumasakit na din ito, pero hindi ko ito matangal.

Nilibot ko ang paningin ko at nakita ko sa may dulo ng kweba ang isang lalake. May kulay itim siyang buhok na nakasandal ang likod niya sa pader ng kweba. Mahimbing siyang natutulog. Sino siya? Hindi ko pa siya nakita dito sa South District. At parang nagmula naman siya sa ibang district. Pero kahit na nagmula siya sa ibang district, bakit niya naman ako tatalian?

Unti-unting namamatay ang apoy na nagsisilbing ilaw ang init namim dito sa kweba. We need more sticks. Sa sobrang lamig ng nararamdaman ko, kailangan kong mainitan ang katawan ko. Nilagay ko ang kamay ko sa itaas ng apoy. Kailangan kong makaalis dito, at kailangan kong makiha ang tali bago pa man tuluyang mamatay ang apoy.

"Are you planning on burning your hands?" Napatinghala ako at nakita ko yung lalake.

Tinabi niya ang kamay ko malayo sa apoy at dinagdagan ng mga sticks ito kaya mas lumakas pa ang apoy. He raised his hand, at sa isang iglap may lumabas na spear dito. So, he's got an ability too. Tinuon niya ang dulo ng spear sa kamay ko kung saan may tali. Wala manlang warning, agad niyang pinutol ang tali kaya hindi na masikip ang kamay ko. Nagiwan ng bakas ang tali, kaya sumasakit parin ito ng kaonti.

Nang tumingin ako sa kaniya, tinuro niya ang spear niya sa akin. Hindi ako natatakot kasi halos araw-araw na akong sanay sa mga ganiyan. Saka ko lamang naalala ang nangyari kanina. Tumingin ako sa labas at gabi na. Ilang oras ba ako natulog?

"What's your ability?" Tanong niya. Does he consider me as a threat? Well rest assure, hindi mo na kailangang gamitin ang spear mo kung sakaling magaway nga tayo dito. Your bare hands would be enough to beat me. I hugged my knees and looked at the ground playing with the sand.

"I can feel any emotions around me for as long as they're five meters away from me." He made his spear disappear.

Suddenly, my breathing went hard. My body is generating too much heat. I feel so hot inside. Kinuha ng lalake ang cloak niya at pinatong sa likod ko. He even touched my forehead that made me remember my brother.

"You're burning." He said. "Sobrang init ng katawan mo, is this your first time having a fever?" I nodded. Mula noon hindi oa ako nagkaroon ng lagnat.

"Medyo tumigil na ang ulan. Why don't you go home wherever your home is?"

"Ayaw ko munang bumalik."

"You'll die if you keep this up." Ganoon ba talaga kalala ang lagnat ko?

"I don't care. No one will care."

Medyo bumigat ang atmosphere. And at that moment, alam ko na naramdaman niya na may problema ako. Pero hindi niya tinanong, and I'm grateful just for that.

"Bukas kailangan ko ng umalis. Inayos ko na ang makina ng nasirang bass boat. If you still won't go home then, ikaw ng bahala." He said. I can feel his emotions. Nagaalala ba siya? He's getting worried for a stranger.

"Don't concern yourself with me. Bakit ka ba nandito?" Tanong ko.

"I was in a mission I just finsihed. Nang biglang bumagyo ng malakas and that led me here." Sagot niya.

My eyes widened. An outsider. Bakit siya nandito? Alam niya bang mamatay siya kapag malaman ng iba na hindi siya nagmula dito sa Arizole? I can't believe I'm with an outsider right now. Outsiders are considered threat. But he doesn't look like one.

"You have to go as soon as possible." Sabi ko. "The sentinels will kill you the moment they see you, especially with me." Galing ako sa Main Family, kadugo ko man sila o hindi, iisipin ng mga sentinels that he meant me harm. Sentinels are guards or soldiers that watch and protect the whole village. Every districts have a lot.

"I know." Alam niya naman pala eh. "The island of Arizole is a hidden village hidden from the rest fo the world. That was just a legend, pero hindi." He knows about the legend.

Nanatili kaming ganito. Hindi na kami nagsalita pa matapos yung huling usapan. But my condition is only getting worse. I was panting so heavily, para bang nauubusan ako ng hangin. My head feels so dizzy as well. Masakit ito. Mas lumalakas ang sakit nito na para bang hinahati ito.

He pulled my head slowly and before I knew it, my head was on his lap. Anong ginagawa niya? Babangon na sana ako pero pigilan niya ako.

"I don't like doing this, so I'm doing you a favor. Now sleep."

Wala akong magawa since gusto ko naman talagang matalog. Unti-unting pumipikit ang mga mata ko nang hinaplos ng kamay niya ang buhok ko. And before I knew it, nakatulog na ako.

—————————————————

Gabi na, isang oras na ang nakaraan nung lumubog ang araw. Humihina nadin ang ulan, ngunit hindi parin nagbabago ang malamig na simoy ng hangin. Ang magkaptadi na Feyree ay nasa kanilang bahay parin, walang ni isa sa kanila ang nakaramdam ng gutom kahit na wala silang kinain buong araw sa kakahintay ng magandang balita. Ang lolo at lola nila ay pumunta na sa East District kahit ayaw nila pero wala silang magawa dahil kailangan nilang pununta doon.

Bumukas ang pintuan nila, at dito pumasok si Lawrence Graymond, ang Chief ng South District at ama ni Javris. Napatayo silang lahat nang dumating ito.

"Believe me, we searched the whole South District, pero wala kaming mahanap. We even went to all the houses here, pero..." Hindi na pinatapos ni Chief Graymond ang sasabihin niya. "The search party won't stop hanggang sa mahanap na siya. Don't worry, makikita din natin siya." Dagdag pa nito. Ka'ela clenched her fist in anger.

Hinding-hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung may mangyaring masama kay Ke'ala. Paulit-ulit na sabi ni Alva'ryus sa kaniyang isip.

"Tutulong ako sa paghahanap." Sabi niya tsaka tumayo at kinuha ang kulay brown nitong claok na nakasabit sa may pader.

"Sasama ako." Sabi naman ni Ka'ela.

"No. Dito ka lang. Baka mamaya dadating din yun."

Umalis na si Chief Greymond at si Alva'ryus ng bahay at naiwan si Javris at Ka'ela dito. Tumayo si Ka'ela at pumunta sa kaniyang kwarto. Ang kwarto niya na ouno ng mga telnolohiyang hindi pa kilala ng mundo.

Ganito na lamang nila hanapin si Ke'ala dahil alam ng lahat na isa siya sa Main Family ng Cursed Blood, descendants sila ng kauna-unahang taong biniyayaan ng ganitong dugo. Pero walang alam nito si Ke'ala.

Isa-isang gumawa ng search robot si Ka'ela, isa itong bilog na bagay na lumilipad na may dala pang camera para makita niya ang mga nakikita ng robot. May blocking magic nga ang bahay nila, pero matagal niya nang kinuha ang blocking magic sa kwarto niya. Pinalipad niya ang mga bilog na bagay sa labas para mahanap ang kapatid niya.

——————————————————-

Hindi parin siya nagigising. Hindi ko alam kung bakit ko ba to ginagawa, hindi ko alam kung ano ba talaga tong ginagawa ko. Basta ang alam ko lang, naaawa ako sa kaniya. Mahimbing siyang natutulog on my lap. Ang haba haba pa ng buhok niya na nakaka bother. Ang bangs niya pa tinatakpan na ang paningin niya. May plano ba siyang putulin to o wala?

Pero papatayin ko na sana siya nung una ko siyang nakita. She has the cursed blood, she's a Nevēlama. I'm just an ordinary pelebian na nakatira sa bayan kung saan matatagpuan ang Magnus Academy, ang Magnus Town. Kung mapapatay ko siya, makakapasok na ako sa wakas sa Academy kahit hindi man ako nakapasa sa pagsubok.

Pero nang makita ko siya, ang mga mala-tubig niyang mata and soft features niyang mukha, naisip ko na, kailangan ko ba talagang makapatay ng isang cursed blood? I just need to wait for the next year to take another test. Pero kung sa susunod na taon pa ako kukuha, hindi na ako maaabutan ni papa, dahil bilang na lamang ang mga araw nito.

Kailangan kung mapatunayan sa mg taga Academy na kahit hindi man ako nakapasa ng pagsubok, eh malakas naman ang ability ko. Pero nakita ko ang malungkot niyang mga mata. Hindi ko kayang pumatay. Lalo na at may sakit pa siya. Ano ngaba ang pangalan niya?

Hinaplos-haplos ko ang buhok niya. Kahit mahaba ito, napaka ganda naman nito tignan, masyadong straight at kulay itim talaga. I decided, hahanap ako ng ibang paraan para matanggap ako sa Academy. Hinawakan ko ang nga kamay niya, sobrang lamig ng mga ito. Patuloy ko lang hinawakan ang mga kamay niya, hanggang sa ako mismo ang nakatulog.

Nagising ako ng madaling-araw kinabukasan. Kailangan ko ng umalis. Hinawakan ko ang ulo ng babaeng nakilala ko, parang okay na naman siya. Maayos kong pinatong ang ulo niya sa may malambot na buhangin at tumayo. Kailangan ko ng umalis sa lugar na ito. Hindi ako nababagay dito.

Kinuha ko ang cloak at tinakpan ulit ang parte ng katawan niya para hindi masyadong malamig. Tsaka ako nagdahan-dahang lumabas sa kweba at sumalubong sa akin ang bagong sikat ma araw. Pataas palang ito. Naglalakad ako patungo kung saan ko iniwan ang bangka ko kahapon, nang may madatnan akong mga taong may suot silang lahat na pulang cloak at may sign sa likod. Sila yata ang mga sentinels na sinabi ng babaeng yun.

"Ikaw! Sino ka?!" Tanong ng lalakeng naka cloak. Agad nila akong pinalibutan, lima sila.

"Hindi ko pa siya nakikita sa bayan." Sabi naman ng isa. May isang lalake na tumakbo patungo kung saan kami.

"May nakita akong bangka."

"Isa siyang outsider." Matalino sila.

Pinalabas nilang lahat ang mga weapons nila. Lahat yata sila ang weapon ay espada. May mga cursed blood sila, mahirap silang talunin. Naging malakas lang ang mga cursed blood dahil malaki ang spiritual energy nila. Pero kailangan ko ng umalis dito.

"Dapat maka-alam nito si Chief. Dakpin niyo siya ng buhay, si Chief na ang bahala dito." Sabi ng isa.

Agad kong nilabas ang weapon ko na spear at tinutok ito sa kanila. Sinugod ako ng isa, and as expected, malalakas nga sila. Mabilis niyang inatake ang mga parte kung saan ako open at huli na nang maharangan ko ito. He made a cut through my chest and back. Ang bilis bilis ng galaw niya. Siguro may chance pa ako kung talagang galing ako sa Academy, pero pelebian lang ako.

Napaluhod ako sa buhangin. Sinipa niya sa malayo ang spear ko at ang isa naman ay kinuha ito. Laking gulat ko nang binali niya ito. Hindi madaling mabali ang mga weapon. Agad na nawala ang crest sa kamay ko nang nabali ang spear. Hindi ko na ito ma summon ulit dahil nabali ito. Agad na naging abo ang weapon ko na binali niya.

————————————————-

Nagising ako na wala na ang lalake. Ang bumangon ako, patay nadin ang apoy, at bumaba nadin ang lagnat ko. Sinuot ko ang itim na cloak at tumayo. Umalis na siguro siya. Hindi ko manlang siya napasalamatan.

Ngayon paano ako haharap sa mga kapatid ko? Anong sasabihin ko? Anong sasabihin nila? Magagalit kaya sila? Halos buong araw ako kahapon na hindi nakauwi. Sigurado akong nag-alala na sila sa akin. Kailangan ko nang umuwi. Hinahanap kaya nila ako ngayon?

Lumabas ako ng kweba. Habang naglalakad, I heard the clattering sound of clashing weapons. Doon ko nakita ang lalakeng tumulong sa akin. Nagulat ako nang baliin ng isang sentinel ang spear niya. He was dumbfounded and surprised. Isa lang ngayon ang iniisip ko, kung paano ko siya matutulungan.

Sinuot ko ang hood ng cloak ko at lumakad papunta sa kanila. Hindi na nila ako napansin na malapit na ako. I took a deep breath and immediately summoned my weapon, a medieval sword 🗡 . I used the handle of my sword to knock him off the ground by hitting him on his head. Agad siyang nawalan ng malay.

"Sino siya?" Tanong ng isang sentinel. Hindi nila ako makikilala hanggang nakasuot ako ng cloak.

"Kill them. Huwag niyo sila hayaang makatakas." Sabi ng isa. Ganoon talaga sila sa nga outsiders. It's a sacred rule to not let any outsiders in the island.

Lumapit ako sa lalake habang pinapalibutan parin nila kami. I can feel his emotions. Naiinis siya. While the sentinels, ramdam ko ang galit nila at takot kung ano ang magigimg resulta nito.

"Anong ginagawa mo?" He whispered.

"Kailangan mong makaalis. Papatayin ka nila na walang awa. And not even I could do anything kung mangyari man yun." I whispered back.

Tumayo kaming dalawa. Sa likod ko siya binabantayan ang likod ko at ako naman sa likod niya. Isa-isang umatake ang mga sentinels. Maingat ako na hindi sila masugatan.

Dalawang sentinero ang tumakbo papunta sa akin at mabilis kong nailagan ang dulo ng espada nila na tatama na sana sa mukha ko. Agad ko namang hinarangan ng katana ko ang atake ng isa at sinipa ito ng malakas sa may tiyan. Natumba ito pero dahil sa bilis ng isa, hindi ko na nailagan ang espada niya na tumama sa braso ko. Inatake ko siya at nagpalitan kami ng atake gamit ang mga weapons namin. Nasugatan ko ang kamay niya kaya nabitawan niya ang espada niya at tsaka ko sinugatan ang paa niya para hindi na muna makatayo.

Habang naglalaban ang lalake at ang isang sentinero, tinapos ko na ang isa na papunta sa kaniya. He knocked off his opponent. Tsaka kami tumakbo papunta sa may bangka niya nang may narinig kaming takbo ng mga kabayo. They called reinforcements. Tinulak namin ang bangka at nang sa tubig na ito, umakyat na siya.

"Paano ka? Anong mangyayari sa'yo?" May balak pa talaga siyang makipagusap. Hndi ba siya nagmamadali?

"I'll be fine."

"No you're not! You'll be punished, or worse, you'll be killed for helping an outsider." Hindi nila papatayin ang galing sa Main Family, but sigurado na paparusahan talaga ako.

"Don't let them escape!" Narinig kong sigaw ni Chief Graymond. Marami sila. Akmang papatayin talaga nila kami.

Mabilis kong pinaandar ang makina ng bangka at nang papaalis na ito, bigla na lamang akong hinila ng lalake and the next thing I know, nasa loob na ako ng bangka. Sa pagbagsak ko sa bangka, natanggal ang hood ko. Nakita ko si kuya, akamang nagulat siya sa mga nangyayari. Nakita niya kaya ako? No, I don't think so. Nagpaulan si Chief Graymond ng maraming arrows sa amin. His weapon is bow and arrow. He has the ability to multiply any object.

Napapikit ako ng mata nang tatamaan na kami ng isang daang arrows pero pagbukas ko, nagulat ako na makita ko ang lalake na pinapalibutan ang buong bangka ng isang transparent na shield. He kept at it hanggang sa makayo na kami sa isla. He just kidnapped me. Napaupo siya sa unahan ko.

"Alam mo ba ang ginawa mo? Mas hahanapin ka pa nila!" Now I'm mad at him.

"Alam ko, okay? Hindi nila ako mahahanap. Gagawa ako ng paraan."

"At kung mahahanap ka nila, I'm afraid na hindi na kita matutulungan. Kidnapping na tong ginagawa mo."

"I can't leave you there. Magi-guilty ako." Guilty of what? Dahil paparusahan nila ako? Hays. I rolled my eyes. "Tatalon talaga ako dito. Hindi ako pwedeng lumayo sa isla." Pagpupumilit ko.

"Why?! Dahil wala kang alam sa outside world? Tss." That's not it. May mga kailangan pa akong gawin kahit gustuhin ko mang umalis. Tumayo siya at pumunta sa unahan ng bangka. "Pupunta tayo sa Magnus Town. Ako ang bahala sa'yo. I won't leave you there alone. And that's a promise." Natahimik nalang ako. This is unbelievable. He is kidnapping me.

"Teka, ano to?" May kinuha siyang maliit na bilog na lumilipad sa itaas ng bangka. Nagulat ako. No way.

"Sirain mo!" Sigaw ko sa kaniya.

"Ha? Bakit naman?"

"Basta sirain mo!" Sinira niya nga. Inapakan niya itonng ilang ulit hanggang sa sirang-sira na ito.

"Kailangan nating magmadali, alam na nila kung saan tayo pupunta." I should have known this would happen. Hindi naman sa hindi ko gustong ipaalam kung saan ako, I'm just worried kung aning mangyayari sa lalakeng to. Nahanap na ako ni ate, and surely, they will kill him for kidnapping me.

————————————-

AN

Sorry nalang kung hindi interesting ang story ko, LOLS. Anyway, I hope you'll see me through the end.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top