Chapter Thirty-One

Capturing Blacks II

"Keila!" Narinig ko ang tawag sa akin ni Thane habang abala ako sa mapa ng buong village.

Wala na kaming iba pang pagpipilian. Kaya sinabi ko na papasabugin namin ang bayan. Tulad ng sabi ni President, wala siyang pakealam sa mga problema ng bayan, it's the same as saying na wala siyang pake sa mga tao. And here's the mayor who also said na mahalaga pa ang buhay ng isa kaysa sa mga taong nasasakupan  niya.

Kaya papasabugin namin ang bayan, we'll use it to blackmail those Blacks na ibalik si Dan Oliv o masisira ang barrier. Pero hindi lang iyon ang plano, we'll capture those Blacks as well. Ang problema nga lang ay maliit lang ang forces namin. Hindi kami makakahingi ng reinforcements sa ibang village dahil malayo sila. Laio lang yata ang pinakamalapit pero kakatapos lang nila sa naging problema nila kaya sigurado na marami silang ginagawa.

"Keila sigurado ka ba sa plano mo? Hundreds might die!" Tanong ni Thane kaya tumalikod ako at tumingin sa kaniya.

"Kailan ba ako nagbiro Thane? And we decided already. Kayo lang ni Vlein ang hindi sumangayon sa plano."

"That's because we value the lives of people here! Are you really that heartless? Sa bagay wala kang pinapahalagahan!" Is this really Thane? Ngayon ko lang siya nakitang magalit ng ganito. I just clenched my fists in anger. Heartless? Walang pinapahalagahan?

"Bakit parang ako pa ang masamang tao dito? If that's how you see it then fine. Ako na ang masama." Binalik ko ang tingin ko sa mapa na nasa lamesa. "Wala akong panahon makipag-away sayo Thane. Stop that immature act and see the whole picture. Mission natin na imbestigahan ang pagkamatay ni Teddy Harson and also retreive the relic from his son na kasalukuyan na sigurong nasa clan. And in order to do that we need to corner those Blacks. That's why I'm resorting to this tactic."

"I took you for somebody who actually cared about the others. Guess I was wrong. Mukhang isang tao lang ang mahalaga sa'yo. That guy in the hospital." My eyes blinked a few times.

"I used to care about others Thane."

"Well let me tell you. Mukhang ayaw ni Headmistress na aminin to sa'yo pero, that guy is dying. No, he's already dead. His life force was sucked out of him but his heart is still beating. Hindi na siya humihinga but he's still alive. That condition isn't normal. Kaya tama yung sinabi ng witch on our first mission. Let him die."

Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Mabilis kong sinuntok ang sikmura niya kaya napaatras siya ng kaonti. Hinugot ko ang isang bread knife sa may mesa at tinutok sa kaniya ito. Alam kong wala akong laban sa teleportation at sa weapons niya, but I'll kill him for sure sa mga sinabi niya.

"Ngayon alam ko na kung anong klaseng tao ka talaga. You're the kind of person who will kill without hesitation. I was deceived by your appearance."

"Shut the hell up. Wala kang alam." Tinapon ko sa kaniya ang bread knife at nang malapit na ito sa noo niya ay agad niya itong sinalo.

"Enough you two. May gagawin pa tayo." Si Vlein ang nagsabi nun habang papasok siya sa room kung saan kami nag ste-stay. "Thane, you're being not yourself. May problema ba?" Thane shrugged at lumabas na.

"Pagpasenyahan mo na si Thane. It's juat that, Hei Village is the place where his mother died nang ipanganak siya." My eyes widened but only for a moment. Kaya pala grabe siya maka-react nang sinabi kong papasabugin ko ang ligar nato.

Lumabas na si Vlein upang hanapin si Thane. Si President ngayon ay kinakausap si Robert. Lahat kami may ginagawa, and I'm in charge of this supposed plan.

Argh! Fine then, I'll alter the plan a bit. Hearing what Vlein said about Thane made me feel guilty. I'm not a bad person. I'm not heartless either or as cold as the President. It's just that I often loose sight of what's around me.

Kinuha ko ang red marker at binilugan ang mga lugar kung saan wala medyong tao pero makakabigay ng malaking damage. Sinabi ko nadin sa kanila kanina na hindi pwedeng malamn to ng mga tao sa village. It's so to make it look like na ang Black Clan ang nagpapasabog, and of course, that's to lessen the burden on the mayor's name. The mayor already told the people na hindi pwedeng lumapit sa mga lugar kung saan minarkahan ko. Sinabi niya nalang ma may constraction na nagaganap.

Whether this plan will fail or not, sigurado ako na maraming inosente ang madadamay dito. But it's part of the mission. Wala kaming magagawa. President informed us beforehand that something is suspicious. Halos isang buwan na nawawala si Dan Oliv and now the clan just suddenly announced na sa kanila si Dan Oliv which is really suspicious.

Sumapit na ang bukas, nakahanda narin ang mga bomba. Patuloy lang ang mga buhay ng mga mamamayan, walang ni isa sa kanila ang nakakaalam ng mga mangyayari. The Knights are already stationed to their posts, handa na ang lahat. Our plan is not only to take back Dan Oliv, it's also to capture those Blacks.

Hanggang sa sumapit na ang alas' sais ng gabi. Sabay ng pagtunog ng kampana mula sa simbahan ay ang pagputok ng mga fireworks sa central plaza ng village. May ginawa kasi kaming event para dun tumipon ang karamihang tao, and we made sure na halos di nila marinig ang mga gagawing pagsabog mamaya. That's the alteration I made on the plan yesterday.

"Mukhang wala talaga kayong planong gawin ang gusto namin. You even prepared fireworks." Wika ng isang lalakeng hindi na nag-abalang mag lagay ng hood.

Mula dito sa kagubatan makikita mo ang mga paputok sa madilim na langit. Kaya dito namin naisipang makipagkita sa kanila. Nandito ako ngayon nakaupo sa ibabaw ng puno, being careful na hindi nila malalaman ang posisyon ko. Although I bet maya-maya malalaman din nila ito. Si Vlein lang at si President kasama si Mayor Dem ang nasa ibaba.

The Knights aren't around. Dun sila ngayon nakapwesto palibot ng bayan. Habang si Thane naman ay sa kabilang puno. While Robert, well hindi siya sangayon sa planong ito kung saan samay ang mga inosente. Pero nakahanda na ang lahat kaya wala siyang magagwa kundi tumulong. He'a stationed in the village.

"We're going to trade instead." Wika ni President.

"Oh? Ano na namang tong binabalak niyo?"

"Ibalik mo sa amin si Dan Oliv, or we'll blow the village. Several bombs have been planted on several location in the village." Mukhang hindi makapaniwala ang lalaki sa sinabi ni President.

"Useless bluffs like that won't work on me."

Pinindot ko ang isa sa mga button sa hawak kong parang remote control. Each button directs to the bomb itself, kaya nang pinindot ko ito, may malaking pagsabog ang naganap malapit sa entrance ng village. Napatingin ang lalaki sa may bayan. It's on fire right now. It'll be bad kung may nadamay sa pagsabog na yun. But I'm sure the Knights already handled it.

"Nababaliw na ba kayo?!" Galit niyang sigaw. "You'll kill your own people?!"

"Yes. If that would mean accomplishment in this mission." He answered.

"Ash," sabi ng lalaki habang may pinindot siya sa tenga niya. "We can't act rashly. They're going to destroy the village..........are you serious?................fine. I'll handle them."

"We've found a counter for that. One of you nust have a remote or something. Kailangan ko lang kunin yun." Again pinindot ko naman ang isa pang button at ramdam ko ang pagsabog. Kahit medyo malayo man kami ay ramdam na ramdam namin ang lakas ng pagsabog. If this continues mapapansin na 'to ng nga tao.

"Take another step at di kami magdadalawang-isip na magpaputok ulit." Salita ni Vlein.

"You're insane. Fine, you win." Sabi nito sabay tapos ng mga kamay niya sa ere.

Sa isang parte naman, may isang babae ang lumabas kasama si Dan Oliv, hindi ito gaanong natanda, more like still around 50.

"Kuya anong ginagawa mo? You'll kill innocent people!" Galit na saad ni Dan sa kaniyang kapatid.

"Wala kaming magagawa Dan. Your life is far more important." Wika ng matanda. Alam kong may iba pang kasabihan ang sinabi niya. Far more important?

Biglang may nilabas na dagger sa magkabilang kamay yung babae at tinutok ito sa leeg ni Dan.  Kasabay ng pangyayaring iyon ay ang pag summon din ng lalake ng baril. It's a magnum gun. The strenght of that single gun equals to  three consecutive shots of a shotgun. Kaya isa o dalawang tira lang nito ay tiyak na mamamatay ka. Paano ko nalaman? Walang tigil ang pagsasalita ni Iyana ukol sa mga ganitong bagay.

"Change of plans Charles. Forget the village. My brother is trying to figure something out."

"Well Ash if you say so."

I click another button pero parang wala lang ito sa kanila. Darn it. Hindi ko inaasahan na mangyayari 'to na ganito kabilis. The plan was going smoothly just a while ago! This means this remote is useless. And so do the bombings. Change to plan B. Pinindot ko ang isang button. It's a buttok for distress signal. A Knight will be able to pick it up and as expected matapos ang ilang minuto, mukhang napapalibutan na nila ang lugar.

"Everything's useless now. I'll kill this guy." Sabi ng Asg na iyon sabay pahid ng hawak niyang dagger sa leeg ni Dan Oliv. May lumabas na pulang likido kula dito. Pero maliit lang naman ito. They're trying to scare us.

"H-huwag! Huwag mo siyang patayin." Mayor said.

"Then tell the truth old man. You were the one killed Teddy Harson, didn't you?" What?

"H-hindi totoo—"

"Still feigning ignorance? Your brother Dan already told us that. You killed him in order to have the relic pero mali ka dahil binigay niya na ito bago pa man siya mamatay sa anak niya. Harry Harson."

"Dan! Bakit mo sinabi?! And here I am protecting you para lang hindi mo masabi!" Buglang naging weapon ang baston ng matanda, it turned into a shotgun at mabilis na pinaputok ang baril sa direksyon ni Dan.

Dahil sa bilis ng mga pangyayari, wala na kaming nagawa nang matumba si Dan sa lupa. No, naging abo ito. What the hell is happening? This is not indicated in our plan. Then there was the girl, dumudugo ang balikat nito. Bigla nalang siyang natumba. Then may narinig kaming isa pang pagputok ng baril. It was the mayor himself laying on the ground na puno ng dugo ang ulo nito.

"Ash!" Tumakbo ang lalaking nangangalang Charles sa direkyon ni Ash. Pero bago pa man siya makalapit may malaking yelo na nakapalibot sa babae.

"We're going to capture them!" Utos ng Presidente.

"Saan na kayo?! We're having emergency here!" Sigaw ni Charles as if he's talking through another line. "What? Bakit naman hindi kayo makapasok?!............Knights? Shit." Yun na siguro ang mga Knights na pumalibot sa buong area. Now we can capture this two.

Biglang natumba ang puno kung saan si Thane nakaposisyon. The hell's that? Nang mawala ang usok, may isang babae dito ang lumabas. Imposibleng makapasok siya sa area nato. No, it simply means na kanina pa siya nanjan.

"Charles we're leaving! Wala na tayong oras." Sabi nung babae. Where's Thane?

"Pero si Ash!"

"Mahirap ang sitwasyon nina Philip sa kabila. A member of the Council is there. We underestimated them. We'll retreat."

"Umalis ka kung gusto mo! Hindi ko iiwan si Ash dito."

Patuloy lang ang labanan ni President at nung si Charles, nakisali nadin si Vlein sa kanila. Mukahng wala din namang magawa ang isang babae kaya tulungan si Charles na makuha si Ash na kasalukuyang nasa loob ng yelo na nakapalibot dito.

Bumaba na ako sa puno at sinipa mula sa itaas yung baging dating na babae. Nailagan niya naman ito pero napaatras siya ng kaonti.

"We're capturing you too." Wika ko. She eyed me intensely for few moments at nakita ko kung paano siya nagulat.

"It's you." Ha? "You're coming with me." Ano naman ang kailangan nila sa akin?

Nagpalabas siya ng weapon niya which is bow and arrow. Pinaulanan niya ako ng walang tigil na arrows mula sa langit na kahit saan ako pumunta ay sinunsundan ako ng mga ito. Darn it. Hindi ako makalapit sa kaniya.

Tumigil ang pagpapaulan niya nang si Thane naman ngayon ang kalaban niya. Mukhang hindi naman siya napaano. Bigla nalang nawalan ng malay si Thane matapos nang kung ano mang sinabi ng babaeng iyon. Then tumingin siya sa akin. She let go another arrow to my direksyon.

Nag multiply ang arrow niya sa tatlo hanggang sa naging anim at hanggang sa dumami na ito na kahit saan ako pumunta ay tiyak ma matatamaan ako. I looked around. Wala akong mapupuntahan. I took a deep breath at tumakbo papunta sa direksyon ng mga arrows. I'll just have to dodge every last one of them.

I shifted my body to the left para maiwasan ang tatlong arrow, then again to the right. I continued doing the same thing hanggang sa malapit na ako sa babae. I slammed my fist to her face at napaatras siya ulit hanggang sa natamaan ang likuran niya sa puno. Hindi siya nawalan ng malay sa suntok na iyon. Pero okay narin yun kesa sa hindi ko siya natamaan.

Bigla kong naramdaman ang paglabas ng isang arrow sa katawan ko. I was hit from the back! Walang dugo pero....nanghina bigla ang katawan ko. Hanggang sa napaluhod ako. I was fighting the urge to close my eyes. I can't lose my consciousness here. Ginamit ko ang kamay ko para hindi ako matumba. Naramdaman ko naman ang paglakad niya papunta sa direksyon ko.

"You almost had me there—" napatingin ako sa kaniya. I saw Thane's nails sa katawan niya. She cursed. May nilabas siyang maliit na bilog and upon clicking it, nawala siya along with it.

Napatingin ako kay Thane na ngayon ay papunta sa direksyon ko. That's when I closed my eyes at naramdaman ko ang pagbagsak ng katawan ko sa lupa.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top