Chapter Thirty-Eight

Reunited

Andrea

Kung may isang bagay man na hindi ko gustong gawin sa buong buhay ko iyon ay ang hindi pagharap sa kalaban. Isang gawain na kinamumuhian ko, ang pagtakbo palayo sa kalaban.

Argh! Kainis! Currently a giant eagle is chasing after me. Sa sobrang laki nito at sa lakas ay wala akong magagawa kundi ay tumakbo palayo kung gusto ko pang mabuhay. Hindi ko magagamit ang ability ko dahil sa limitation mg ikatatlong parte ng forest. The End Zone.

Minamalas nga naman oh. Bakit pa kasi dito ako napunta sa third part? At sa dinami-daming category ay ang Death Forest pa talaga.

Sa pagkakatanda ko ay dalawang oras nalang ang natitira, at mula ngayon ay hindi ko pa alam kung nasaan ang dalawa. But instead pf worrying about them, kailangan ko munang tapusin ang negosyo ko sa humahabol sa akin.

It flew right above me at base sa direksyon na liliparan nito ay uunahan niya ako para harangan ang kwebang pupuntahan ko para magtago. Kaya lumiko ako sa mga punongkahoy para maiwasan ang pagharap sa ibon na yun.

I mustered all my courage and pride to hide behind a tree. Madilim ang parte ng gubat na ito, at makikita niya lang ako kapag gumagalaw ako. Hindi ako makapaniwalang nagtatago ako ngayon, actually scared of facing off a giant bird. Pathetic. I'm so pathetic.

I could just break that bird into pieces sa isang hawakan, pero hindi pwede. My ability is supposed to be creating earthquakes, at naka broadcast ng live ang competition na ito. There's no way I'd blow my cover now.

I let out a deep breath at binuksan muli ang mga mata ko. I decided. Hindi ako makakaalis dito hanggang sa nandito ang ibon na yan. I just have to prevent it from flying or walking, hindi ko kailangang patayin ito, because I can't anyway. Considering how big he is hindi ko ito mapapatay.

Kinuha ko ang dagger ko sa tuhod banda, isa isa sa bawat kamay ko. Isa lamang akong normal na ability user na nagmula sa bayan. That's all to it. I can't let them see me summon my weapons. 

Tumakbo ako ng mabilis patungo sa likuran ng ibon who's currently looking for me. Sabay nang paglingon nito ay ang pag slash ko ng hawak kong dagger sa mukha nito. Mabilis niya itong nailagan pero bago ko pa man napansin ay ginalaw niya ang paa nito tsaka ako dinakip.

Its sharp claws are surrounding my body and its preparing for take-off. Hindi ko magawang makawala at siguradong dadalhin niya ako sa itaas pagtapos ay ibabagsak.

Sinubukan kong gamitin ang dagger ko para masugatan ang ibon na sa maya-maya ay nasa itaas na ng mga kahoy. Wala akong magagawa kundi gamitin ang ability ko kaya hinawakan ko ang claws nito and after few seconds, it started breaking. The huge eagle shrieked at nabitawan ako. Surely no one would notice what I did there.

Kumapit ako sa sanga bago pa man ako bumagsak sa lupa, but unfortunately, nabali ito kaya napasigaw ako sa sakit nang bumagsak ang likod ko sa lupa. And that hurt a lot than I could imagine. My breathing fell short. Nakalimutan ko, I'm not supposed to use my ability in this part of the forest.

Bago pa man ako makatayo, the eagle landed on top of me at sumigaw ng malakas against my face. Ang baho ng hininga nito. I slid to the side pero hinarangan niya ito ng malaking pakapak niya and same to the other side. One more time using my ability would seriously lead to death.

I summoned three daggers behind the eagle, and let it go. Napasigaw ito sa sakit at sinusubukang kunin ang mga daggers. Habang nalilito ito, hinawakan ko ang ang lupa. I can feel the crustal plates shifting underneath at may bumuong pagyanig ng lupa. Agad kong tinulak ng malakas ang ibon sa parte ng lupa kung saan mahina na. Then it fell through the hole. Mataas ang paghulog nito at hindi din ito makakalipad dahil sa liit ng space. At hindi din naman ito makakalipad, it'll die of hunger.

Lumalakad ako papalayo habang nakahawak sa dibdib ko. Nanghihina ako at parang hindi ako makahinga. Napaupo ako sa lupa and fell down the ground. I'm still conscious though. Pagod na pagod lang talaga ako for some reason. All my energy is drained at nahihirapan na din akong huminga. Maghihintay nakang ako dito hanggang sa may makakakita sa akin.

Ah damn. Kung ano-ano na ang iniisip ko. There's no way in hell na susuko nalang ako ng ganoon. Not until I find those two and win, hindi pa ako tapos dito. Surely sisiw lang ang lahat ng ito kay Iyana and knowing Keila, I'm sure she can manage anything. Ayaw kong mapag-iwanan.

Clenching my fists, pinilit kong buhatin paibangon ang sarili ko. Nanginginig ang buomg katawan ko sa kahinaan. Wala na talaga akong lakas. Tumayo ako habang nakahawak sa may puno then started looking around. Hindi ko na alam kung saan ako pupunta.

"M-may tao ba diyan?" I was startled by that voice. Boses ito ng babae. Hindi ko nga lang alam kung saan ito magmumula. I chose not to answer at first.

"Nagmamakaawa ako, may t-tao ba diyan?" She called out again. I have a bad feeling about this.

"Nasaan ka?" I shouted back.

"Nandito sa itaas." Tumingin agad ako sa taas.

Nagulat ako nang may makita akong babaeng nakaupo sa may malaking branch ng puno. Hindi ganoon kataas ang puno kaya madali itong akyatin. May nakapalibot na telang puti sa paa niya na mukhang may bahid ng dugo. Halatang pinunit niya ang tela mula sa damit niya.

"Anong ginagawa mo diyan?"

"Kanina pa ako nagtatago mula sa malaking agila dahil nasugatan ako."

Kahit nanghihina, ay pinilit ko angs sarili kong tulungan ang babae para bumaba. She sat on the ground and let out a sigh. Hindi niya nakasuot ng uniform kaya ibig-sabihin ay hindi siya nagmula sa Academy. Kailangan kasi dapat naka-uniform ka kapag nasa labas ka ng Academy for protection. Or so the rules said.

Umupo din ako sa unahan niya and started assessing her wound. Mukhang natusok siya ng kung anong matulis na bagay.

"Bumaon ang matulis na stick mula kanina sa paa ko, habang tumatakbo ako palayo sa monster."

"Kung ang ibig mong sabihin ay yung agila ay huwag ka ng mag-alala."

"Ibig mo bang sabihin ay kinalaban mo ang monster na yun?!"

"Napilitan akong gamitin ang ability ko at the last moment."

"Yet you're still alive." Bilib niyang wika. "You must have a lot of spiritual energy then." Binulong niya lang yun kaya hindi ko gaanong narinig.

"May sinabi ka?" I took the cloth at pinunit ang hem ng damit ko tsaka binalot ito sa sugat niya. Hindi naman ito masyadong malaki pero malala parin.

"Ah wala—aray...ugh." She let out another sigh nang higpitan ko ang pagkatali.

"Pasensya na." Ngumiti lang siya.

"Salamat. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kung ako lang isa nag nandito ngayon. Actually, I was looking for a friend. Kasama ko siya sa competition na ito. Nag-aalala ako sa kaniya."

"Hindi ko alam ang kalagayn ng kasama mo ngayon pero sana ay okay lang siya. There's only less than two hours left. I wonder ilang grupo na ang nakapasa."

Tinulungan ko siyang makatayo at nagsimula na kaming maglakad. Hanggang ngayon wala parin talaga akong alam kung saan ako pupunta.

But for some reason, I'm sensing a familiar huge amount of spiritual energy.

Napatigil ako sa paglalakad nang matagpuan namin ang isang batis. Mukhang malinis naman ang tubig at mukhang ligtas ang lugar kaya naisipan naminh magpahinga. Ilang minuto nadin kami naglalakad. I lost track of time along the way though.

Kumuha ako ng tubig at tsaka ininom ito. The water was tasty na sinubukan din ito ni Michelle. Yes, Micehelle ang pangalan ng babaeng tinulungan ko. We had fun talking while we're walking earlier.

"Andy, saan na tayo pupunta ngayon?" Pagtawag niya sa akin. Ibang pangalan anh ibinigay ko sa kaniya. Mahirap na.

"Sa ngayon ay wala pa akong alam. Pero ako na ang bahala. Kapag sinundan natin ang daloy ng tubig ay baka makakalabas din tayo." I said thinking clearly.

Habang nag-iisip, huli na nang madatnan ko ang isang dagger na papunta sa likuran ko. I managed to dodge it pero natamaan parin ako sa kaliwang balikat ko. I cussed silently. Sinundan ko ang direksyon kung saan nanggaling ang dagger and saw Michelle instead.

Sabi ko na ngabang may maling mangyayari. I should have had trusted my instincts more.

May sugat parin siya, pero makakatayo na siya ng maayos. Mukhang nakuha niya ang dagger sa may tuhod ko banda, ni hindi ko manlang napansin.

"Sayang, hindi ka pa natamaan." She said in dismay.

"Anong ginagawa mo?" I asked calmly. Usually kanina ko pa siya sinuntok but I decided to think this time before acting.

"Kailangan kong makalabas ng buhay sa parte ng gubat na ito. To do that I need your spiritual emergy para mabuhay ako kahit gamitin ko man ang mahika ko." Mahika? Isa siyang witch?

"Hindi pa ba nagbago ang plano mo ngayong sumablay ka na?" Ngumiti lang siya.

"Sumablay? Hindi pa nga ako nag-uumpisa."

Mabilis siyang pumunta sa direksyon ko agad akong sinipa gamit ang tuhod niya sa likod. I felt my back cracked sa lakas ng sipa niya. Nahalikan ko ang lupa nang natumba ako. May sugat ba talaga siya? Bago pa man ako makatayo ay pinatong niya na ang paa niya sa likuran ko. Kumukulo na naman ang dugo ko. What a bitch. Matapos ko siyang tulungan...

Kumalma ka Andrea. Isa sa rason na sumali ka sa competition na ito ay para mas mahasa ang sarili mong hindi palaging gumagamit ng ability at para makontrol ang galit mo. Yes, it's all for my own training na kaya ako sumali.

"Andy, pasensya ka na. Lahat naman tayo gustong manalo eh, diba?" Sincere ang paghingi ng tawad niya, but that personality of hers pisses me off.

Sa katotohan ay wala akong pakealam kung manalo man ako o matalo, I just want to improve. Pero ayaw ko paring matalo sa ganitong paraan. Hindi kakayanin ng pride at ego ko.

"Tama ka, kaya naiintindihan kita, Michelle." Nakikita ko siya ngayong nakangiti. "Pero," mabilis akong gumawa ng 360 degrees kick sa kaniya at natilapon siya sa may batis. Pumatong ang isa kong paa sa lupa at tumayo ng maayos pagtapos kong pagpagan ang sarili ko sa mga dumi.

"Mali ang kinalaban mo."

Narinig ko siyang bumitaw ng mga malulutong na salita pero walang epekto sa akin ang mga salitang iyan. She can cuss all she wants pero hindi niya ako matatalo sa ganoong paraan.

Tumayo siya na basa ang nasa ibaba niyang parte hanggang sa may beywang niya. Aatake na siya sana it nang bigla siyang napaluhod. Mukhang sumasakit na ang malala niyang sugat. Pinataas niya ang kamay niya habang ang isa ay nakahawak sa tbug and started mumbling something na hindi ko maintindihan at marinig ng maayos.

Tsaka may lumabas na magic circle na kumay berde sa kamay niya at mula fito ay may lumabas na mga bolang tubig. Mabilis itong patungo sa akin. Sinangga ko ito gamit ang tatlong daggers na sinummon ko. Pero sa halip na pigilan ang mga atake niya ay natunaw ang mga daggers ko.

"Don't underestimate me. Isa akong witch and I specialise in changing the characteristics of anything I touch." Ibig niyang sabihin ay lung matamaan ako ng mga bolang tubig niya ay hindi ko alam kung ano ang mangyayari.

I saw two balls of water hit a tree and they immediately dispersed through the air. Pero hindi ba siya nahihirapan? She just used her ability, at made-drain din ito. Pero pareho lang kami, I just summoned my weapons. Ibig sabihin, pahunahan 'to.

Hanggang sa nandilim ang paningin ko at para mapigilan ang pagtumba ay napaluhod ako at napahawak sa lupa. I closed my eyes for a few seconds to regain my consciousness. Masama 'to. To think someone with a massive energy like me is the most likely to be affected when using ability in this part. Simply because malaki din ang energy na pinapalabas ko kaya grabe din ang epekto nito sa katawan ko.

Mabilis siyang tumakbo papunta sa akin, at habang tumatakbo siya ay nagiging mahina ang lupa. Nagiging malambot ito hanggang sa hindi na ako makaalis dahil naipit ang paa ko sa lupa. Like a quicksand. Then before I knew it, nasa unahan ko na siya at tsaka niya ako malakas sinuntok.

I clenched my fists in anger habang sinuntok niya ako ulit, but this time sa tiyan na. She's underestimating me. Iyon ang isa sa pinakaayaw ko. I hate it. Nagagalit ako. And this time, wala na akong pakealam kung hindi man ako makahinga.

Sisipain niya na sana ako nang agas kong nasalo ang paa niya at malakas siyang tinapon. Bumagsak siya sa puno at dumugo ulit ang paa niya. Ayaw kong makalaban siya sa una palang, pero mali ang taong pinili niyang makalaban. Hindi ko alam kung bakit niya to ginawa matapos ko siyang tulungan, but I would nt be fooled by her again.

"Michelle, tuturuan kitang matakot ngayon palang."

Seryoso ang pagkasabi ko nun. But she only smiled. Sa Academy kung sino man ang makakalaban ako ay nanginginig na sa takot. Iba nga talaga dito sa labas. I feel likeI could indeed improve. Pero bago iyon, kailangan ko munang turuan ng leksyon ang babaeng 'to.

Hinawakan ko ang lupa at bigla itong nabiyak. Pati ang mga puno ay napuputol nadin sa gitna. As walk toward her, tumatayo na siya. Nahihirapan siya dahil sa sugat niya pero wala akong awa sa mga taong kinakalaban ako. Hinawakan na naman niya ulit ang lupa pero nagulat siya nang hindi niya mapalambot ulit ito.

Mas malakas ang energy ko sa kaniya, mas kontrolado ko ngayon ang lupa kaysa sa kaniya. I can destroy everything in one touch, the more she deforms the soil, the more I'll just have to break it. Malakas ko siyang sinipa sa mukha kaya dumugo ang labi niya at tsaka siya natumba.

"Nagsisisi ka na ba dahil kinalaban mo ako?" Tanong ko as I crouched beside her. Mukhang hindi niya na makayanang gumalaw. Kahit ako ay nahihirapan nading huminga. No, my oxygen is already being cut off. Sumasakit nadin ang puso ko. But I can't stop here.

"Hindi pa tapos ang la—" I frowned as I grabbed her hand and tightly held it. Hindi ko na kinailangang gamitin ang ability ko para mabali ang buto niya, I just had to put too much strenght into it. Napasigaw siya ng malakas dahil sa ginawa ko.

"Kung hindi ka tatahimik baka masisira ko pati yang bunganga mo." Bulong ko sa kaniya.

Pero bago pa man ako makagawa ng kung ano, sinaksak niya na ang sarili niya ng isa pamg dagger. Nagulat ako dun at ilang segundo ang nakalipas, nawala na siya sa paningin ko. Namatay siya dito, pero pabalik sa malaking dome na yun ay buhay siya pero ganoon parin ang mga sugat niya.

Sumuko siya sa laban namin.....she killed herself in front of me before I could even kill her.....buhay siya dahil ayaw niyang mamatay na ako ang papatay sa kaniya.....galit kong sinuntok ang puno and it broke in half. Damn it!

"Andrea!" Napatalikod ako nang may tumawag sa akin. Isang malaking ibon? No, it was that eagle from back then. Pero...iba 'to. May bumaba mula sa ibon na ito. She was yawning.

"I-Iyana?!"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top