Chapter Thirteen

Announcement

Hindi ko inalis sa kaniya ang tingin ko, habang patuloy din niya akong tinignan. Hawak ko parin ang mga ingredients, ang kulang nalang ay ang malamig na tubug at ang dugo ng kung ano mang dugo yun.

Lumapit siya sa akin at bago pa man ako makaalis, ay hinawakan niya na ang kamay ko. Ang creepy niya. Bakit kaya siya ganoon pagdating sa akin? I saw her eyes gleaming with interest as she touched my face. Umatras ako at tinapik ang kamay niya. Ngumiti lang siya ulit at binalik ang tingin sa lalake na ngayon ay nakatayo na.

"Long time no see, ang aga pa naman yata para humanap ka ng replacement para kay—" hindi noya na natuloy ang sasabihin niya.

"Shut up." Tumawa lang ang babae.

"You're still cold as ever. I wonder, para saan yang apoy mo kung hindi mo gagamitin." Mukhang galit sa kaniya ang lalake. Sa akin naman siya ngayon nakatingin. "I'm sure you're beautiful if you cut that hair off." Buhok ko na naman. Problema niya? Eh kung putulin ko kaya yang buhok niya? Hanggang shoulder level lang ang haba ng buhok niya. Iba din amg uniform niya. Nakasuot siya mg kulay puting uniform na long sleeve at black na skirt.

"Why the hell are you here? Didn't I tell you to stay away from this pace?" Tanong ng lalake.

"You cannot help it. After all, hindi din sayo ang lugar nato." I felt an intense feeling coming from these two. Hindi ko na kailangan ang ability ko para malaman yun. Silence filled the air. Naiipit yata ako dito.

"Well, ako mga pala si Sahara Matson, the number eight." Ang lakas niya siguro kung ganoon. Tumango lang ako. "Hindi ka ba magpapakilala?" Tanong niya sa akin. Kailangan ko pa ba? It's not that we'll actually meet again. Oh well.

"Extras don't say their name unless the main character needs them." Sabi ko nalang at napaluhod para malaman kung malamig ngaba talaga ang tubig. Ang lamig nga. Sobrang lamig. Pero natawa lang si Number Eight sa sinabi ko.

"I may just be an extra. Not the main character."

"I did not say you are." Inexpect niya ba na siya yung tinutukoy ko? Tumawa ulit siya.

"You really are interesting!" May kinuha ako na medyo malaking lalaguan mula sa bulsa ko at pinasok ang malamig na tubig. Ngayon, dugo nalang ang kailangan ko.

"Ano nga pala ang ability mo?" Aalis na sana ako ng tinanong niya yun.

"Empathy." Sabi ko nalang at umalis na. Hindi na ako nag thank you, bakit ba? Sinabi ko bang tulungan nila ako?

Dumating ang bukas, nalaman ko kasi kahapon  na ngayon nalang kami gagawa ng healing potion. We were just told to gather all the materials and ingredients needed. Kaya dahil wala kaming Combat Class dahil may meeting si Professor Will, dumeretso nalang kami sa Potionary Class.

Dumating si Professor Trei, yung mind reader. At nalaman ko rin kahapon na hindi pala siya mind reader. She's a matter manipulator. Makokontrol niya ang lahat ng bagay na makikita niya. I thought she was a mind reader dahil nababasa niya ang mga galaw ko nung examination. Though I remembered saying that before.

Umupo sa unahan ko ang babaeng partner ko. She's still cautious of me. Kahapon pa siya ganyan, pero at least ngayon sinusubukan niya nang umiwas ng tingin sa akin.

Nagsimula nang gumawa ang mga kaklase ko at sabay kuha ng nerd ang mga materyales na gagamitin namin at tsaka ko natin nakuha ang mga ingredients na nakalagay sa ilalim ng locker ko. Nakita ko siyang medyo nagulat nang nakita niya na nakompleto ko ang mga ingredients, na ang iba nga ay hanggang ngayon ay naghahanap parin.

"Paano mo nga pala nahanap ang pulang Iris? Balita ko kasi mahahanap lang yan sa Blackveil Forest." Ha? Saang parte ng mundo naman yam makikita eh samantalang sa likod ng paaralan ko lang naman to nahanap?

Hindi na ako sumagot sa kaniya dahil nag salita na si Professor Trei. May mga sinabi pabsiya na nga suggestions para magawa namin ang pinaka basic na potion, although I feel like she's mocking us. Kanina ko pa napansin na wala dito ang dalawa, si Andrea at si Iyana. Kagabi pa sila hindi nakabalik, maybe they finally decided to get a different room. Pero doon parin naman ang mga gamit nila. Wala naman talaga akong pakealam eh.

Nilagyan na ng nerd ang medyo malaking pot ng tubig at tsaka ko naman nilagay ang pulang iris. Yun kasi ang sinabing gawin dito sa libro. Tapos ay ginamit niya ang lighter para malagyan ng apoy ang mga kahoy na ginagamit namin. Then she measured the cold water with the used of test tube, medyo nagulat nga siya sa sobrang lamig nito.

Tapos ay nilagay niya sa pot ang malamig na tubig sa tubig na ngayon ay pumupula na. Naging kulay light blue ang tubig. Tapos ay nilagay namin ang naging light blue na tubig sa may balat ng ahas, then the skin got dissolved. Binalik namin ang tubig sa pot na ngayon ay pure blue na talaga.

"Hindi ko alam kung anong dugo kaya hindi konna muna kinuha." Sabi ko.

"Dugo dapat ito ng isang tao na may malaking spiritual energy. That way, the potion will surely work." Blood. Then, would that mean mine will do? Naalala ko sinabi sa akin ni kuya noon that people like us have an advantage from people here in the outside world due to our blood. Hindi nga lang ako galing sa Main Family. I frowned upon remembering it. Hindi ko ma gets ang sinabi nila.

Kinuha ko ang kutsilyo na nakalagay sa mesa namin since ginamit namin yan kanina then made a cut through my wrist. Tumutulo lang ang dugo sa may pot at hininty ko lang hanggang sa hindi na ito tumulo. Tinignan ako ng nerd. Again.

"Hindi ba masakit?" Sino ba naman ang hindi nasasaktan kapag ganito?

"Why don't you try to find out?" Tanong ko at umiling siya. Napangiti naman ako sa reaction niya.

Medyo nag glow ang lamn ng pot at bigla nalang itong sumabog. Napuno ng usok ang buong classroom at si Professor Trei na kanina ay nagbabasa ngayon ay siguradong nagulat din yun.

"Sino ba yun?"
"Ang palpak naman siguro ng gumawa nun."
"Ano ba?!"
"May sunog ba? Grabe ang usok!"
"Nakakainis naman!"

Marami na ang narinig kong mga bulong-bulongan. Kasalanan ko ba yun? Sinunod naman namin ang instructions aa libro ah! Edi ibig sabihin ang libro ang palpak. Nagagalit narin tuloy ako. Binuksan ni Professor ang bintana and after few minutes, nawala din ang usok. Nang makita namin ang pot namin, ang kaninang puno ng tubig ay ngayon ay parang pne half nalang ng baso. Hala, anong nangyari dito?

Lahat ng mata ay sa amin ang tingin. Lahat galit, naiinis, at nadismaya. Bakit pa naman pumutok to? Wala namang chemical reactions na naganap, hinalo ko lang naman. Lumapit sa amin si Professor Trei, at nagulat. Tumingin siya sa aming dalawa, tapos ay ngumiti.

"I give you both a perfect score." Eh? Paano? Tinignan ko ang nerd at wala din siyang alam dahil tumingin din siya sa akin.

"Professor, ang unfair naman yata nun!" Sigaw ng isang babae. Tch. Epal.

"Unfair? Then, Miss Ryu, can you show me the result of you work? Not just her, all of you."

Kaya yun nga, isa-isang pumunta si Professor sa tables nila at sinubukan ang potion. Hindi niya pa nga sinusubukan ang iba eh, tinitignan niya lang. Sa simpleng pagtingin na yun ay nalaman niya na agad kung mali ito o tama. Then she went to our table. Kami kasi ang huli. Sabi nga nila, save the best for the last.

I saw how she stabbed her own palm with her dagger clung to her waist, and honestly, nagulat kaming lahat dun. Hindi manlang siya nagpahalatang nasaktan siya dun, ako lang siguro ang nakakalam since malalaman ko talaga ang totoong emosyon niya.

"Professor, hindi ba't magagamot lang ng potion ay ang mga maliit lang na sugat at pasa? I'm afraid that might not work." Sabi ng nerd. Ngumiti lang sa kaniya ang professor.

Inutusan niya kami na ilagay ang mga natitirang potion sa lalagyan, at inabot sa kaniya ito. Lahat kami ay nakatingin lang sa kaniya habang pinatakan niya ng isa at dalawang beses ang dumudugong sigat niya sa kamay. My nerd partner almost lost her breath when she saw it all. Ganoon ba talaga katakot ang dugo? Because I don't find it scary at all, just...disgusting or maybe not.

Unti-unting tumigil ang pagtulo ng dugo and the next thing we know, nawala na ang sugat, bumalik sa dati ang kamay niya, it was as good as if she never stabbed it in the first place. Kahit nga ako nagulat din.

"Sinuwerte lang yan sa ingredients."
"Saan nila kinuha ang pulang irises? I heard it cost a thousand points."
"Tapos sabi pa daw nila wala kang makikitang ahas dito, balat pa kaya"
"Sila ba talaga ang kumuha ng ingredients? O iba ang gumawa nun?"

Napabuntong-hininga nalang ako sa mga namumuong bulong-bulongan. Lahat nalang bang bagay gagawan nila ng walang basehang kwento?

"This blood..." bulong ni Professor habang hawak at tinitignan niya ang potion. "Where did you both get—" hindi niya na natuloy ang sasabihin niya nang nag ring na ang bell. Sabay naman kuha ng mga gamit nila ang mga kaklase ko.

Kinuha ko narin ang mga gamit ko at lumabas na. Matapos ang ilang oras ng pakikinig sa klase na hindi ko inasahang mabo-bored ako, sa wakas, lunch narin. Umupo ako sa may bakanteng lamesa at the far corner of the whole  cafeteria, wala kasing umuupo dito. Pinatong ko ang tray ko na may lamang sandwich at chocolate drink na nasa can, malamig pa ito. Bumili narin ako nang french fries.

Kailangan kong magtipid, kung doon sa isla ng Arizole ay walang problema ang pambili, dito ay kailangan mo pang pag-ipunan. Ang mga puntos na nakukuha mo sa bawat task o quest ay ang magiging pera mo. Lahat ng estudyante sa bawat unang araw ay binibigyan ng 100 points, bahala na kami dun magpadami. Pero chineck ko sa akin kanina pag swipe ko ng card, I've got no more than 56 points left. I sighed.

"Well, well, well, glad to see you well and still alive." Ang boses na yan. Sa sobrang familiar umiba bigla ang mood ko. Nakakainis, bigla nalang siyang sumusulpot.

"And I'm so not very glad to see you alive and well." Sabi ko sa kaniya. Umupo siya sa unahan ko tsaka kinuha ang french fries ko.

"Sarap talaga ng frech fries. Lock kasi ang account ko kaya hindi ko magamit ang points ko." So kukunin nalang niya yung sa akin ganoon?

"Ibigay mo yan—" kukunin ko na sana nang bigla siyang nawala sa unahan ko and the next think I know, nasa kabilang table na siya with his fans. Tumingin muna siya sa akin at ngumiti. Sana mahulog ka jan sa inuupuan mo.

Mabilis kong naubos ang mga pagkain ko kaya tymayo na ako at umalis. Tsaka ko naman narinig na nahulog nga siya sa upuan niya. Haha, yan, bagay sayo. Dumeretso na ako sa susunod na class which is Ability Enhancement. Hindi ko naman talaga gustong e-enhance ang ability ko, siguro ang iba oo, but things will only get worse kung mas lalakas pa ang ability ko.

I can feel every living things' emotions, lahat ng may buhay mararamdaman ko ang nga sari-saring emosyon nila, kahit malayo pa sila sa akin, kahit na sa kabilang parte ng mundo pa sila, mararamdaman ko yun, but thanks to this ring it's limited to five meters.

Ayaw na ayaw kong malaman ang mga empsyon ng mga tao, because I find it against the law of humans. Humans have right to keep their emptions, secret or not, pero sa ability ko, parang mali anamn yata yun.

Ano pa kaya ang mangyayari kung mag e-enhance pa ako ng ability ko? I'm afraid my life would end kung lahat lahat na mararamdaman ko. Because of this vessel, hindi kakayanin to katawan ko.

Paano kung masisira ang singsing na ibinigay sa akin ni lolo? Seriously, sino ba naman ang hindi matatakot kung mamatay? I'm still afraid to die knowing there's a lot of things I have to do first. Katulad ng mga dapat gawin ko pa para maresolba ang mga problema ko sa pamilya, then I have to help Hoy regain consciousness. So enhancing my ability means my death. Well, assume lang yun and that's just a possibility.

So I decided to skip my enhancement class at pumunta nalang sa dorm room ko. Wala naman akong gagawin, wala akong alam kung ano ang gagawin. Pero sa unahan palang ako ng kwarto ko, alam ko na may tao sa loob. Nagbago ang isip ko na huwag nalang itong buksan, pero bumukas din naman ang pinto. The two stared at me for a moment. Ano na namang ginagawa nila?

Bago ko pa man itanong kung anong ginagawa nila, bigla namang tumunog ang speaker na nakakalat sa buong First Department. May apat kasing department eh, Second para sa mga second years, third para sa third years, at fourth para sa mga fourth years.

Sa kabilang parte ng school ay ang Middle School, para na yun sa mga 13 to 15 years old. Once you've finished Middle School automatic kang lilipat dito sa High School which is 16 to 19 years old. As again, hindi man halata pero nakinig rin naman ako sa speech ng Headmistress noong Entrance Ceremony.

"Requesting all students to please go to the School Grounds. Again, requesting all students of the First Department to go to the School Grounds."

Hindi ko alam kung may mangyayari na naman ba, pero no choice ako. Sabay kaming tatlo umalis ng kwarto, eh tutal isa lang din naman ang pupuntahan namin. Ang dami daming mga estudyante na nakakalat dito sa School Grounds ngayon, pero hindi din naman masikip sinde ang lapad lapad ng School Grounds.

May narinig akong mga bulong-bulongan na naman. Pero hindi na sa akin o sa dalawang sikat na kasama ko ang pinaguusapan nila. Gusto ko sanang tanungin tong dalawa kung may alam sila pero mukhang wala din naman silang alam.

Nakita kong lumalakad si Headmistress sa gitna ng stage na gawa sa bato, tapos ay may dala siyang malaking box. Tumingin muna siya sa akin bago siya tumingin sa lahat. Nasa unahan kasi kami since kami ang pangatlong grupo na nakarating dito.

"Malapit na ang Recruitment Day ninyo. Some may not know this, but some does, that's why I'm going to explain things to all of you to be fair." Recruitment Day?

"Hays. Right, the Recruitment Day." Iyana muttered with a yawn. Bakit ba palaging napapagod tong isang to?

"Yes. And I'm going to make sure na makakapasok ako sa Cross." Tong isa namang ito ay napaka dedicated sa mga goals niya. Yung klaseng tao na walang pahinga at tuloy tuloy lang ang ginagawa niya just to achieve what she desires.

"In this school, maraming mga grupo ang nabubuo taon-taon. Those groups will compete at the Annual Battle Royale and ang team na mananalo ay makakatangap ng isang gantimpala." Paliwanag ng Headmistress.

"But of course, groups are consist of students coming from different departments. That's why it is your senpai's (someone older than you in school) jobs to recruit first year students every year. But of course, not all the students ay nabibigyan ng pagkakataon na ma recruit. Kaya kailangan ninyo munang ipakita ang makakaya niyo through Academics and activities."

"You have to achieve enough reputation to be noticed. But don't worry, may gaganaping Finals ilang araw pa. Sa Finals, doon kayo maglalaban-laban and whoever wins get to choose the group he or she wants to join. Then go fight in the Battle Royale. Then the group who wins the Battle Royale, is like what I said, makakatangap ng gantimpala, pero hindi lang yan, lalaban din ang grupong yun sa Tournament kung saan makakalaban nila ang grupong nanalo sa ibang paaralan. Every year, iba iba ang theme ng Tournament, and it is, indeed, to watch for."

"Although it's okay if you don't want to join groups or don't want to win in the Finals, it's your choice what path to walk on to. So now Professor Grim will introduce you the Top Five groups."

Umalis na sa stage si Headmistress tsaka naman pumunta dun sa unahan ang isang lalake na naka sunglass, naka tuxedo pa siya, yun siguro ang uniform niya bilang isang Professor. Mukhang around 24 or 25 siya, ang gwapo niya at ang blonde ng buhok, kinda reminded me of Jarvis. Na miss ko nadin ang beat friend ko. Grabe naman ang mga hiyawan at sigaw ng mga babae, yung akala mo talaga mamatay sila sa sobrang OA.

"Hello, ladies and gentelmen, although parang ako lang dito ang gentelman. Haha, anyway, I will now present you the Top Five groups of all time." Sabi niya sabay wink pa. Assuming din ang lalakeng to.

"The Fifth group, led by the Fourth Year, Yazmina Mel, the Yurosian!" Pagkasabi niya nun, nagpalakpakan ang mga estudyante ng umakyat sa stage ang isang fourth year student na naka kulay puti na long sleev, katulad nung kay Sahara Matson. May pagka gangster nga lang ang aura niya.

"Let me tell you a fact, I do not just accept whoever is interested in my group, only those who's ready to kill is accepted. Yurosian is not your typical group." Sabi niya na seryoso ang mukha. Hala, gangster nga siya.

"O-okay. Natakot ako dun ha. Next is led by another fourth year student, Mike Thomson's, Blacksage Army!" May isang lalake na pumunta sa stage, gwapo din naman siya, amd seriously, naghiyawan na naman ang mga babae. Ang Oa talaga nila. Ano to? Showcase ng mga gwapo?

"Hi everyone, I'm Mike Thomson, yes, I am definitely aware that my handsomeness is above your limits, and I'm thankful for your appreciation. But I am not going to recruit anyone who I do not approve of. If you want to be in my Army, you've gotta win my heart." Nag wink ulit siya. Assuming nga to.

"Haha of course, but I am more handsome. Anyway, nandito na ang Third group, for the past two years kahit isa wala pa silang na recruit, and this might be your chance."

"Good afternoon, I am Hanzel Grim." Grim? Anak siguro siya ni Professor Grim o kamag-anak. "I am third year, but I managed to reach the top five. For the past years, my seniors trusted me this group instead of giving it to the other fourth years. Kaya hindi ko gustong sirain ang tiwala nila by recruiting weaklings such as yourselves. Kung gusto niyong sumali sa grupo ko, ang Reapers, you need to showcase your abilities first." Tapos umalis na siya.

"And the Second group, led by another third year student, the White Brigade!" May babae na pumunta sa stage. Ang ganda ganda niya. Her hair is red, eyes are dark, puti din ang uniform niya kaso ang kulay ng necktie ay yellow. Ganoon din ang kulay ng necktie ng Hanzel na yun kanina. Third year palang siya pero siya na ang leader ng grupo.

"Ako si Freya Leet, ako ang leader ng grupong White Brigade. Top Two lang kami, and I want to reach the first, that's why I want to recruit strong ones only, and you will definitely become stronger if you're in the group. We do some trainings and missions like any other groups, kaya ako ang pipili kong sino ang karapat dapat sa inyo. I only recruit one or two. Keep that in mind." Napaka responsable niyang tao.

"Thank you Freya Leet, now, ito na ang pinakahihintay mg lahat, the strongest, and the most powerful group, Sleberian Cross!" Sleberian? Why do I thonk there's something more in that name?

"Nice to meet you everyone!" Ang babaeng yan. Sahara Matson. Siya ba ang leader ng Sleberian Cross? "I know what you are all thinking. Unfortuantely, I am just one of the ten members of the group. I am not the leader and I do npt plan to do so. Let me tell you a fact, only the STRONG ones are allowed to be recruited picked by the majority of the members. Lahat sa Sleberian Cross ay Top Ten." Napatingin kami ni Andrea kay Iyana. So she's one of them. "If you want to join, kailangan mong manalo sa Finals. Yun lang ang kinakailangan. You got only one chance, when tou reach the second year and so on, hindi ka na matatangap. You need be from the firt year." Kailangan talaga manalo sa Finals?

"By the way, I am Sahara Matson, the Top Eight." So, Iyana's much stronger than her eh? I'm curious on how strong the Number Seven is. Hindi ako naniniwala na yan lang ang makakaya niya. "Our leader is a mysterious person, hindi siya nagpapakita unless needed, if you're wondering. So that's all."

Natapos na ang announcment and we were told to return to our dorm rooms. Malapit na nga ang Finals, but I do not want to join any groups, wala akong pakealam, I'm going solo if I have to. Plus, kailangan ko nang magmadali, I need Hoy to wake up soon, or everything for him will be over.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top