Chapter Seven

Magnus Town

I quickly shot her my I-don't-care looks hoping that would be enough to let her know that I'm not interested. Now that the person that forced me to be here is gone, I don't know what to do anymore. But she paid no heed to what I'm trying to tell her. I mentally rolled my eyes in annoyance.

"Shall I spell it out to you that I'm not interested?" I asked, sarcastically polite.

"I suggest you put on your manners young la—" The Headmistress beckoned Thomas to stop.

"Actually, you should consider yourself pretty lucky for you are being invited by the Headmistress herself. A simple 'no, thank you' would be enough." Pilit na sabi ni Thomas. Now that I'm looking at him, he looks like he's 23 or something.

"Thomas." The headmistress warned him as he sighed.

"Ang Magnus Academy ay isang paaralan para sa mga batang may ability kagaya mo. Unlike in other islands, Magnus Academy doesn't need money from the students. You're free to enroll whether you're rich or poor, pero may isang pagsubok na dapat mong malagpasan." Hindi niya ba gets na wala talaga akong pake?

"I'm recruiting you to join and take the exam." Sabi niya. Bubukas na sana ang bibig ko para magsalita nang pigilan niya ako. "I want you to think about this matter seriously. Makukulong ka ng habang-buhay sa kulungan or join and take the exam."

"The first option doesn't sound so bad for me." I said and she smiled.

"You just need to try and take the exam, if you fail then you're free to do whatever you want and we won't bother you anymore. Pero siyempre kung may isa sa isang milyong chance..." Is she mocking me? Or is she provoking me? Well mabuti sa kaniya na medyo gumagana din. "..na makapasa ka, then I'll consider finding a cure for that critically injured boy." My eyes suddenly glimmer with interest.

"He's dead. Don't make fun of him."

"I wish I can, pero dapat mo ring malaman na lahat ng sinasabi ko ay totoo." She wish she can, eh? "He's not dead. If you thought he is, you're wrong. The moment he was brought to the hospital, he came back to life. Pero sa critikal ma kondisyun siya and needs to be cured immediately." I hesitated whether its true or not.

"Now, you can stay here and I'll be back tomorrow to hear your response." Lumabas na silang dalawa ni Thomas at sinarado ang pintuan.

"Headmistress, ano tong ginagawa mo? You're asking a complete stranger to take an exam? Bakit po ba? May nakita po ba kayong kakaiba sa kaniya?" Narinig kong tanong ni Thomas sa kaniya.

"Nothing at all. She just reminded me of a certain someone. And seeing her emotionless eyes like that, it makes me want to try my best to change her." Sagot ng Headmistress bago niya sinara ng kompleto ang pintuan.

Change me eh? She said that, but she won't understand anything about me. At paano niya kaya nakita ang mga mata ko? I mean, nakatabon kaya ang bangs ko na parang hindi na bangs dahil sa haba.

And so they left me handcuffed. Ngayon ko lang na realise na sa itaas pala ng lamesa ay may isang tray puno ng mga pagkain like bread, mga prutas, and even some bottle of water. Hindi ko na nakita kanina since naka focus lang ako kung ano ang nangyayari sa harapn ko.

Pero hindi mawala sa isip ko kung ano ba ang dapat kong gawin. Being prisoned for the rest of my life doesn't sound so bad since wala na naman akong pupuntahan at babalikan, but then they mentioned Hoy. Hanggang ngayon wala prin akong alam sa pangalan niya, and it's quite a bothersome.

But it's not that I can do anything about it, unless tanongin ko siya mismo. That woman said he was alive. Just like I hoped for. Pero hindi ko alam kung ano ba talaga ang balak nila, it doesn't looks like they're deceiving me. And even if they were, ano naman ang makukuha nika sa akin? Kahit nagsisinungaling man sila, dapat ko paring alamin kung ano ngaba ang totoo. Lalo na at wala akong alam kung saang hospital si Hoy ngayon.

Anyway, this handcuff is so bothersome. Hindi ako makagawa ng mga bagay na gusto kong gawin, like eating. Ilang araw na akong hindi nakakain and I badly wanted some food right now. The handcuff they used isn't as strong like the ones we used back at the island. So breaking it shouldn't be a problem.

I quickly spread my wrist away from each other adding some force to it, and finally, naputol din ang posas sa kamay ko. It left a mark around my wrist, at namumula ito. Hindi talaga sila nag hold back numg pinosasan ako. They don't even care about me, so why not just kill me? But before that, gusto kong malaman ang totoo. At bago ko malaman ang totoo, kailangan ko munang kumain.

Kinuha ko ang kulay pulang apple 🍎 na nakapatong sa tray. Hindi naman kasing tamis ng apple na ito ang kinakain kong apple sa isla, but this will do to ease my hunger. Pagkatapos ko sa mansanas at tinikman ko naman ang tinapay nila na ginawang sandwhich. Sa sobrang sarap nito, naubos ko ang limang sandwhich na nakapatong pa kanina pero ngayon ay wala na. I gulped the whole bottle of water because of too much thirst. In a matter of an hour, naubos ko ang lahat hg pagkain nakalagay sa may tray and let out a small burp.

Tumayo ako mula sa silya at nilibot ang kwarto. Wala takagng nakalagay dito na kahit ano, ang mesa lang talaga at dalawang silya. Are they planning to make me sleep here tonight? Hindi naman sa hindi ako sanay pero, ang weird lang ng service nila dito.

Anyway, ano ba ang ginawa ko para mapunta dito? And from what it looks like, talagang makukulong ako kapag hindi ako kukuha ng kung ano mang pagsubok nayun. But I remembered none of any events where I made a mistake to break some rules here, and even if I did, pano ko naman malalaman na bawal pala kung ano man ang nagawa ko? It's not that I've been here before.

Ngayon, isa lang ang nasa isip ko. Kailangan kong makatakas and find Hoy immediately and find things out myself kung totoo nga ang sinasabi nila. I tried to summon my medieval sword 🗡 pero ikinabigla ko na walang lumabas. Sinubukan ko ulit, pero wala talaga. I looked around me. Something's weird. Kinuha konang ring sa isa sa mga daliri ko that blocks my ability to run freely. Without this ring, I can feel any emotions kahit malayo man sila sa akin ng ilang kilometro, not even walls can block my ability. But I was surprised na wala paring nangyari.

I put the ring back on my finger. Mukhang gumagamit sila ng blocking magic katulad ng ginagamit namin sa bahay back in the island. Now I'm stuck here with nothing else to do. Lumakad ako papunta sa pintuan. Ordinary lang intong pinto at hindi bakal katulad ng sa isla, masyado kasing secure ang Arizole at kaming mga Arizoña dun ay maingat namang sumusunod sa batas.

Kumatok ako sa pinto, and I was right. Slamming this door open shouldn't be a problem also. Pero sigurado akong maraming tao ang nakabantay sa labas. I opened the doorknob, kahit lock ito ay binuksan ko parin using too much force. I managed to break the doorknow and slowly opened the door. Tumingin ako sa kaliwa at kanan kung may tao nga, at may isang guard na lumalakad pabalik-balik, pero dahil lumalakad siya patalikod sa akin, hindi niya ako nakita.

I slolwy closed the door and followed his footsteps behind me. Nang humarap siya, agad ko siyang sinuntok sa tiyan niya, knocking him unconscious. Hindi ko alam kung nasaan ako o saan ang palabas, pero kung susundan ko lang ang daang ito, siguradong makikita ko din ang exit kung saan man yun.

Agad akong nakita ng tatlong guard nang may nakita na sana akong pintuan, tumakbo silang tatlo papunta sa akin at pinalabas ang mga baril nila. They're using guns here habang sa amin sa isla ay mga espada, spears, arrows, at iba pang mga patalim, but for once, hindi pa ako nakakita ng baril. But my brother once told me that one shot from a gun can cause death, depending on the bullet.

"Hindi ka namin sasaktan, so slowly turn around and put your hands up." Sabi ng isang lalake.

I sighed. I raised my hands on the air turned around. Pero nang lumapit ang isang lalake para posasan ulit ako ay agad ko siyang sinipa that caused him to push the other man. Ang isa naman ay nagpaputok ng baril niya pero hindi ako nagpatama dito at tumakbo papunta sa kaniya, and before he knew it, sinuntok ko na siya sa chin niya that knocked him off the ground.

I stood myself up in caution for other guards, pero mukhang wala na naman yata. Aalis na sana ako nang may nagpakitang lalake na nakasandal sa may pader.

"So, you're the type who don't hold back." He frowned upon the thought of that. "Fighting even pelebians without mercy just like that."

"They won't last five seconds in a battlefield." Sabi ko nalang kay Thomas.

"Battlefield? At bakit naman magkakaroon ng war? Kung may pinaplano ka, sabihin mo na." He does think of me doing something bad against this town.

"I never said it was a war."

"Then what? Sabihin mo, sino at ano ba talaga ang binabalak mo?" He said stepping closer to me. Hindi ako nagsalita. "We've ran a few investigations concerning you, pero ikinagulat ko na wala manlang kaming nalaman tungkol sayo."

"As far as I know, wala akong naalalang bagay na ginawa kong masama."

"An outisder like you coming here without a notice or a permission to enter our boundary, sa tingin mo hindi masama yun?" And how would I know that? I mentally rolled my eyes. "Same goes for any other towns, at hindi mo manlang alam ang bagay na ito, saan ka kaya nanggaling?"

"Eh paano kung hindi ako updated?"

Mabilis niyang kinuha ang braso ko at pumunta siya ng mabilis sa likod ko, locking my arms at my back. On other words, he's threatening me that he'll break my bones. Tss.

"Sa tingin mo ba makakaya mo ako?" He asked.

"Simple." Sagot ko naman.

Kinuha ko ang kamay ko mula sa pagkahawak niya at agad na nilayo ang sarili ko sa kaniya. He smirked and turned his head, looking behind me.

"Thane, always following me, aren't you?" May naramdaman akong tao sa likod ko at nagsimula na itong lumakad papunta sa amin. Tumingin ako sa likuran ko at may nakitang lalake na kamukhang-kamukha ni Thomas while crossing his arms.

"Thomas, hindi ko nalaman na babae na pala ngayon ang kinakalaban mo." He said that in a mockery tone.

"Thane, hindi ba at sinabi ko sayo na bawal ka dito? You know this is a private property!" So, nasa isang private property ako. Wait, I'm not in prison or something?

"Private property or not, you should know that I don't give a damn about those things."

"Gusto mo bang makulong?"

"Mas okay na rin yan siguro kesa sa makita ang pagmumukha mo araw-araw."

"Aren't you the one who always follow me? Kasalanan mo na yun kung nakikita mo ako araw-araw." Biglang napa-smirk ang lalakeng nangangalang Thane.

"Follow you? At bakit ko naman gagawin yun? Don't get me wrong Thomas, talagang mas pinagkakatiwalaan lang ako ni Headmistress kesa sayo."

"At ano naman ang ibig mong sabihin?"

"I was told by the Headmistress to accompany her to the hospital kung saan nakahiga sa kama ang kaibigan niya." I immediately shot him my gaze.

"Walang sinabi sa akin si Headmistress, at kung sinabihan ka nga niya, you should present an evidence where she permitted you to enter this place."

"I just need her orders, and I don't need permission from you."

Lumapit siya sa akin at hinawakan ang balikat ko, tapos sa isang iglap, sa ibang lugar na kami. I almost lost my balance when he dropped me to the ground. Teleportation? I've never seen one before.

"Hays, nakaka hassle." Sabi nang lalake na nangangalang Thane, as far as I remember.

"At saan mo naman ako balak dalhin?" Tanong ko.

"Sa kaibigan mo, siyempre." Tumingin siya sa akin nang sinabi niya yun. "And right now, nandito tayo sa labas ng facility kung saan ka nila kinulong."

"I didn't ask for you help, as far as I remember."

"Kung akala mo nandoon ako para tulungan ka, trust me, I rather bath in mud kesa sa gawin yun." He said, mocking me. I'm starting to hate his guts.

"Kung may teleportation ability ka, hindi ba't mas madali kung e teleport mo nalang tayo dun?" Sabi ko na may pagkainis sa boses ko.

"And why would I do that? Like I said, hindi kita tinulungang makalabas dun. Actually, I find myself in a situation where I should use my ability to save my innocent mind from seeing someone who gives poison to it." Kung ibig niyang sabihin ay si Thomas then it's not really my business.

So sinundan ko lang siyang sinundan hanggang sa makalabas na kami isang parng gate. Ilang minuto, nasa labas na kami kung saan maraming mga kahoy kanina. Before I knew it, naglalakad na kami kung saan maraming food stall sa tabi ng kalsada kung saan kami naglalakad. Maraming nakatingin sa amim, mostly nga babae. Pero kami ba talaga ang tinitignan nila? Or tong lalakeng kasama ko lang?

"I suggest you step back and just follow behind me. Baka kasi masira ang image ko kung may nakita ang mga fans ko na may kasama akong multo." Say what?! He gave me a smirk and walked ahead of me.

Tumahimik nalang ako since wala akong plano makipagaway sa lalakeng to, at isa pa, baka madala pa ako sa pagka hangin niya. Nakikita na namin ang isang malaking building, before the building is a gate at sa gate na yun, may nakalagay na District Seventh Hospital. Patuloy lang akong nakasunod sa kaniya at nang sa loob na kami, tumigil nalang siya sa harapan ng pinto. Sa pinto ay may nakalagay na 208.

"Don't even try to escape. I got my eyes everywhere." Tch. Umupo siya sa may silya sa tabi ng pinto na paran bang sinasabi niyang pumasok ako.

Bumilis ang tibok ng puso ko, nanlalamig ang mga kamay ko and my legs are trembling. I inhaled amd exhaled tapos ay pumasok sa loob ng kwarto at sinarado ang pinto. Nang sinira ko na ito, dahan-dahan akong tumalikod.

Nakita ko si Hoy na nakahiga sa may malambot na puting kama habang nakalagay sa ilong at bibig niya ang mask na nagdadala ng oxygen mula sa oxygen tank. I felt relieved when I saw him alive. Pero habang tinitignan ko ang kundisyon ng katawan niya, hind ko alam na ang dami niya palang sugat at mga pasa. Since nung magkasama kami naka long sleeve siya kaya hindi ko nakita. But he was enduring them the whole time. If only iba lang ang ability ko, hindi sana siya mapunta sa ganitong sitwasyon at natulungan ko pa siya.

Lumapit ako sa kaniya at hinaplos ang buhok niya. Tsaka ko nakita ang isang folder sa lamesa sa tabi ng higaan niya. Kinuha ko ito at binuksan.

Name: Unknown              Address: Unknown Family: Unknown            Ability: Unknown

So, wala din silang alam o naan manlang tungkol kay Hoy. Kahit na sinabi niya na nandito siya lumaki. Pero baka sa ibang district siya nakatira. I can't help but to blame myself right now. Hays. Huwag kang magalala Ke'ala, magagamot din siya. Pero kailan pa?

May biglang bumukas ng pinto at pumasok. Isa itong lalake na halos wala ng buhok ang natira sa ulo niya. Naka coat siya ng puti, and the idea that he's a doctor came to me.

"We assumed that you're the closest person to him since wala kaming alam kung sino siya." Sabi niya at tumingin kay Hoy. "Since ikaw ang pinakamalapit sa kaniya, siguro kailangan mo tong malaman ng personal. Kaya nag request ako kay Headmistress na papuntahin ka dito." Darn, just cut to the point. Bumuntong hininga siya at tumgin sa akin.

"He might never wake up anymore."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top