Chapter One
The Arizole Island
Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko ang haba ng panaginip ko. Minsan talaga hindi ko maintindihan ang sarili ko, katulad na lamang ngayon. Ramdam ko ang pag-init ng mga mata ko, pati narin ang bilis ng pagtakbo nitong puso ko na para bang napagod ako ng sobra. Masakit din ito, pakiramdak ko tuloy may tumusok dito na kung anong matulis na bagay. Basa din ang pisnge ko ng mga luhang patuloy na tumutulo.
Pero kahit ganoon, isang kalmadong na umaga ang agad na bumungad sa akin nang binuksan ko ang mga mata ko. Ramdam ko ang dumadaang hangin na humaplos nitong mukha habang narinig ko ang mga mala-awiting tunog ng mga ibon sa labas lamang ng medyo nakabukas na bintana. Palagi kong naririnig ang mga ganitong bagay araw-araw mula sa paggising ko hanggang sa matulog ulit ako sa gabi, at hindi ako kailanman masasawa.
Bumangon na ako at niligpit ang kama bago ko ipatong ang walang sapin kong mga paa. Agad kong naramdaman ang malamig na lupa na gawa sa kahoy na makikita mo sa pinaka dulo ng kagubatan. Gawa sa kahoy ang lahat ng bagay dito, at gawa sa mga halaman at sa balat ng mga puno ang mga telang makikita sa bahay namin. Simple lamang ito pero mapayapa naman at hindi mainit.
Lumapit ako at binuksan ang bintana, napapikit ako sa liwanag ng araw na kaka bangon rin lang. Nakakasilaw ito sa paningin pero ang ganda din naman tignan lalo na kung sa tabi ng dagat ko ito aabangan araw-araw pati ang paglubog nito.
Mabilis akong naligo at nagbihis nang maalala ko kung anong araw pala ito ngayon. Nang bumaba ako, sinalubong ako nang maingay kong ate na bigla nalang akong kinurot sa cheeks.
"Away aye! Ang safit!" Tsaka na lamang niyang binitawan ng pulang-pula na ito dahil sa pagkurot niya. Ang sakit naman nun. Problema ng babaeng to?
"Huwag mo nga akong tignan ng ganyan, ang cute mo lang kasi eh." Tapos ginuko niya pa ang kakasuklay ko lang na buhok.
That's my sister, Ka'ela (Kai+yela=Kaiyela) Feyree. Mas matanda siya sa akin ng dalawang taon kaya palagi na lamang niya akong ginugulo. Ang arte arte niya pa at napaka bait pagdating sa akin, pero sa iba ang sungit sungit niya. At kung itatanong ko kung bakit, ang sagot niya lang ay "ang cute mo lang kasi" at nakakainis nang pakinggan yun araw-araw. Actually hindi ako cute. Ewan ko ba kung anong nakita nila sa akin na hindi ko makita.
I mean, tignan nga nila ng maayos ang appearance ko. Naka suot ng jeans na kulay blue at naka kulay black na long sleeve. Ang baduy baduy ko tignan kung ikukumpara mo sa maganda kong ate na palaging sexy sa mga damit niya. Ang haba haba pa ng buhok ko na abot sa tuhod ko, ang bangs ko pa, ang haba haba din na tinatakpan na ang mga mukha ko. Ang problme sa buhok ko, sa tuwing nilalagay ko ito sa tabi, palagi itong bumabalik sa gitna oara takpan takaga ang mala-tubig na kulay kong mata.
Ilang ulit ko nadin sinubukang putulin ang buhok ko dahil palagi akong binubully ng mga maliliit na bata na isa daw akong black lady kung naka kulay itim ako, pero tinatawag naman akong white lady kapag naka kulay puti ako. Palaging nagagalit si ate kapag nakita lang akong humawak ng gunting at subukang putulin ang buhok ko, sagabal kasi eh. Pati nga din si kuya nagagalit din kahit na hindi naman yan nagagalit sa akin. Si ate naman, talagang binibilhan pa ako ng itim at puting damit nang malaman niya na binubully ako. Ang cute ko daw kasi kapag nagagalit sa kaniya.
Si kuya may pagka bipolar din. Una ang ganda ganda ng mood niya, pero kapag nakita akong humawak ng gunting nagagalit agad kahit hindi ko naman olanong putulin ang buhok ko. Tsaka palagi din akong pinagaagawan ni kuya at ate nung bata pa ako, binilang nga nila hanggang ngayon kung ilang ulit kung pinili ang isa sa kanila. Hanggang ngayon buhay parin ang larong yan kahit na ayaw io kasi hindi na ako bata.
Isa lang ang masasabi ko sa pamilyang to, hindi na sila normal. Ako lang dito ang normal. Dahil lahat sila, ay abnormal. Yun lang ang nasabi ko kapag may nagtaning sa akin kung kamusta daw kaming tatlo. At alam niyo ba kung ano ang reaksyon ng mga nagtatanong sa akin? Abnormal rin daw ako? Sabay tawa pa yan ha. Hay naku!
"Hoy kayong dalawa, maghanda na nga kayo. Dadating na maya-maya si lolo at si lola." Sabi ni kuya na kakarating lang pagtapos nitong pumunta sa kakahuyan para mamitas ng mga herbs na pwedeng gawing tea. Ay oo nga pala. Ngayong araw pupunta dito si lolo at si lola para bisitahin kami. Nagmula pa kasi sila sa north district, eh nandito pa kami sa south district kaya malayo-layo din ang byahe nila.
Tinigil na ni ate ang pangungulit niya sa akin at tinulungan si kuya sa mga gawain. Habang ako naman ay nagluto na ng agahan. Ako kasi ang nagluluto dito sa bahay kasi walang alam sa pagluluto si kuya, si ate naman kahit ang sarap sarap niyang magluto eh once in a blue moon mo namang makikitang nagluluto. Kaya ako nalang para wala ng issue.
Pinabayaan ko muna ang niluluto kong rice omelette kay ate, hindi niya naman kailangang lutuin yun, babantayan niya lang habang wala ako. Pupunta ako ngayon sa market para bumili ng pampalasa, naubusan na kasi kami kasi inubos kagabi ni kuya kahit wala namang alam kung ano ang ginagamit niya.
Naglalakad ako papunta sa market ng mapansin ko ulit ang magandang tanawin. Napakaganda talaga nito, parang kompleto na ang lahat, pagkain, damit, tirahan, at lahat pa dito pantay-pantay, walng mayaman o mahirap. Dito, walang pake ang mga tao kung mataas man ang ranko mo, basta ang respeto ay pinagi-ipunan.
Ramdam na ramdam mo dito ang hangin dahil malapit lang ang district namin sa baybayin. Ang mga bahay na gawa sa mga pinaka rare na punongkahoy na normal lang ang kulay pero kapag natatamaan ng liwanag ng araw ay sadyang umiiba ang kulay nito, depende kung ano ang kulay ng kahoy na ginamit. Tinatawag itong Rainbow Tree. Iba-iba kasi ang kulay eh.
Nararamdaman ko ang nararamdaman ng mga tao sa paligid ko, hindi lang tao, pati nadin ang mga hayop, basta't may buhay at isip ang isang bagay, mararamdaman ko yun, malayo man o malapit ito sa akin. Hindi makontrol ang mga ganitong klaseng ability, kaya binigyan ako ni lolo ng isang ring na may kay red na gem na kapag matatamaan ng sinag ng araw, umiiba din ang kulay nito sa yellow at kung sa tubig naman, nagiging kulay bughaw ito.
Mahalaga ang ring na ito dahil ito lamang ang komokomtrol sa ability ko. Kung wala ito, mararamdaman ko ang lahat lahat kaya may posibilidad na hindi ito makayanan ng katawan ko at bigla nalang bumigay. Ang ring na ito ay ang tanging bagay na nagbibigay ng limit sa ability ko, ang mga taong malapit sa akin ng isa hanggang limang metro lang ang kayang ramdamin ko.
Hindi gaano kalakas ang ability ko katulad ng kay ate at kuya. Si ate ay may ability na makagawa ng kahit anong bagay mula sa isang bagay na mahahawakan niya. Lahat yata ng nagawa niya ay mga bagong inventions kaya hanggang maaari, huwag na munang gamitin ni ate ang ability niya kapag hindi naman kailangan.
Si kuya naman ay may ability na makontrol ang mga bagay na maiisip niya. He can even control the rotation of Earth and he can stop time on his will. Pero siyempre dahil delikado, sinabihan din siya ni mom at ni dad na hawag ding gamitin ang ability niya kapag hindi naman kailangan.
Mga abnormal nga ang dalawang yun pero hindi biro ang mga training na pinagdaanan nila para lang makontrol nila ang ability nila, dahil alam ng lahat na may masamang mangyayari kapag hindi nila ito makontrol.
Pero 17 na si ate, at si kuya naman ay 18, na master na nila ang pagkontrol sa ability nila. Palagi nga akong tinuturuan ni ate at ni kuya ng self defence daw, pero aanhin ko naman yun diba?
Masyadong ligtas na ang lugar na ito para sa self defence na iyan. But I have no choice but to do what they told me to, so everyday tinuturuan nila ako ng madaling umaga pa. Pero since dadating sina lola at lolo ngayon ay walang training ngayon araw.
Nang makarating ako sa market, medyo madami na pala ang tao dito. Natatakot na naman ako, kaya umupo muna ako sa may tabi ng malaking barrel at hihintayin ko nalang na mawala ang mga tao sa shop kung saan ako bibili. Hindi sanay ang katawan ko na makaramdam kung ano man ang nararamdaman ng ibang tao.
Takot ako lumapit sa mga taong hindi ko kilala kahit kilala ako ng halos lahat ng tao dito, hindi lang ako, kilala ang mga Feyree sa buong isla. I mean, it is my father who's running this whole island. Pero tulad nga ng sinabi ko, walang pakealam ang mga tao sa ranko, dahil pinagiipunan ang respeto mo sa isang tao. Kaya malaki ang respeto nila sa Feyree dahil ang galing daw mamuno ng ama ko. But it's not that my older siblings and I care though.
"What's the princess doing in here?" Napatinghala ako at nakita ko ang mukha ng isang nerd.
"Hindi ako isang nerd. Grabe ka." Si Jarvis Graymond. Tumingin ulit ako sa shop.
May ability siyang basahin ang utak ng isang tao na makaka eye contact niya. Kaya nga siya sumusuot ng salamin na nagmukha siyang nerd para hindi niya mabasa ang mga isip ng taong makakaharap niya against his will.
Pero hindi lang yan, may telepathy din siya, basta lahat ma involve sa utak ng tao. He can control a person's mind sa isang tingin niya lang sa mata nito. But of course, may limitations din ito. Kapag kinontrol niya ang utak ng tao, kakayanin lang itong sunding ng target niya in three to five seconds.
"Okay ka lang?" Tanong niya at umupo sa tabi ko. I can feel his emotions running through my body. It's almost as if I'm making them my own.
"Jarvis, kontrolin mo nga yang mga taong sa shop na yun. Paalisin mo sila kahit five seconds lang." Sabi ko sabay turo sa mga taong nagtitipon sa shop na gusto kong puntahan. Binatukan niya naman ako. Ito naman hindi mabiro.
"Ako nalang ang bibili. Anong kailangan mo?" Tumingin ako sa kaniya at kinuha niya naman ang salamin niya. Kailangan ko ng mga pampalasa. Tumango siya at binalik ang salamin niya at umalis.
Ganoon kami ni Jarvis halos palagi. Nakakatuwa nga eh. Kababata ko si Jarvis, simula bata palang kami magkakilala na kami. Ang tatay niya kasi ay ang Chief ng South District. Bawat district kasi ay may Chief pero under parin sila sa Head Chief which is my father. He was always there whenever I need him.
Kapag malayo naman kami at wala akong makausap, he keeps sending me messages through my mind. At dun kami nag-uusap. That's what I like about him. He's always there para ipagtanggol ako sa mga nambubully sa akin noon na tumatawag sa aking multo. He understands what I feel at kung ano ang iniisip ko. He's my precious best friend.
Tumayo na ako nang bumalik na si Jarvis dala ang isang paperbag na may lamang mga pampalasa. Hindi na namin kailangan ng pera dito like in the outside world, we easily just need to show our identification card and swipe it to something at bahala ka na kung ano ang bibilhin mo. That way, everyone's equal because we don't need such things as money that'll cause chaos like in outside world.
"Tara na." Sabi ko at lumakd na kami papunta sa bahay.
"Wala manlang thank you." Bulong niya at napatawa ako.
"Thanks, Jarvis." Nakita ko siyang nag blush ng kaonti kasinnga hindi kami sanay sa mga ganitong bagay. Sanay kami ng palaging inaasar ang isa't isa.
Nang makarating kami sa bahay, pagkatapos pa namin akyatin ang sampung hagdan papunta sa bahay, sumalubong sa amin sa loob si lolo at lola. They seem fine. Niyakap ko silang dalawa ng mahigpit. It's been months since huli ko silang nakita, na miss ko sila. Pumunta muna si Jarvis sa kusina at nilagyan ng pampalasa ang breakfast namin.
"Oh kamusta naman kayo dito, Alvar'ius?" { Alva+ryus=Alavaryus} Tanong ni lolo kay kuya. Wala kayong pake dahil ganoon talaga ka weird ang mga pangalan namin.
"Okay naman po, so far nothing bad is happening." Sabi niya at inilagay sa sofa ang mga gamit ni lolo at lola.
"Lolo, lola, maligayang pagbabalik po." Sabi ni Jarvis habang nag bless ito sa dalawa. Kilalang-kilala ng pamilya ko si Jarvis at ang pamilya nito.
"Iho, halika't sabayan mo kaming kumain." Tumango si Jarvis at pumayag.
Umupo na kami sa mga pwesto namin ag nagsimulang kumain. Nagkamustahan muna kami at nagkatuwaan bago pa man na mapagusapan ang mga mahahalagang bagay.
"Alvar'ius, magkakaroon ng Council Meeting bukas sa East District. Doon kami pupunta mismo pagtapos namin dito, why don't you come with us? I mean, you are the future successor of what your father is doing." Muntik nang ibuga ni kuya ang tubig na iniinom niya at tumingin sa plato niya. Seryoso ang mukha niya. Si ate naman napatigil sa pagkain at uminom agad ng tubig.
And at that moment, sana gumagana lang ang ability ko para malaman ko kung ano ba talaga ang nararamdaman nila. They always seem to be in a serious mood kapag napaguusapan ang tungkol sa parents namin at tungkol sa future successor na yan na wala nga akong alam.
This house has some sort of blocking magic. Kung saan lahat ng ability ay hindi gumagana kahit anong gawin mo unless sirain mo ang buong bahay. This house was made for the purpose of our breakdown. May mga time kasi na nagkakaroon kami ng breakdown where we lose control of our ability. Pero tumatagal lamang ang breakdowm ng isa o dalawang araw. Kaya para sa iba, natural lang ang breakdown, pero dahil sa ability ni ate at liya, my parents need to seal this house kung saan walamg ability ang gumagana.
"Ah hindi po pwede. May gagawin kami bukas ni Ke'ala." (Kei+yala=Keiyala). Ha? Ako? Anong gagawin namin? Napatingin sa akin sina lolo at lola, na para bang naghihintay ng sagot ko. Tumingin ako kay kuya at tumango lang siya. Napa buntong hininga ako.
"Ah opo lo, pinangako kasi sa akin ni kuya na toturuan niya ako ng bagong technique bukas." Hindi naman ako nagsisinungaling eh. Talaga namang tururuan ako ni kuya, pero sa susunod na araw pa yun. Si ate bukas ang magtuturo sa akin.
"Ah lo, kung gusto niyo ako nalang ang sasama." Suggestion ni ate pero napailing si lola.
"I'm afraid you can't, Ka'ela. Tulad ni Alvar'ius ay kailangan mo ring turuan ang kapatid mo." I saw how my sister clenched her fist pero sandali lamang ito. Napabuntong hininga siya.
Gusto ko talagang malaman kung nagagalit ba si ate o hindi. Pwede ko namang sabihin na si kuya lang ang tuturo sa akin, pero makakahalata na si lolo at lola na nagsisimungaling kami. Wala kaming magawa. Palagi akong ginagamit ni kuya bilang isang excuse kung ayaw niyang gawin ang isang bagay, pero nadadala nito si ate kahit gusto niyang gawin ang bagay na iyon sa halip na si kuya. Hays. Mga abnormal nga sila.
"Ke'ala." Tawag ni lola sa akinnkaya napatingin ako sa kaniya.
"Po?"
"Hindi ka naman yata nagsasalita jan kung kamusta ka na. Have you mastered controlling you ability yet?" The problems is, it cannot be controlled.
"Imposible po itong kontrolin la." And surely she knows that.
"I see. Still no good news eh." Ewan ko ba kung naririnig ni lola ang sabi ko na imposible itong kontroling o wala, pero feeling ko may iba pa soyang iniisip.
"Good news?" Tanong ko.
"Were you having a hard time about your ability?" Tanong naman ni lolo.
"No. Not at all." I lied. Of course nahihirapan na ako dahil dito. But I don't want them to worry about me. Makakadagdag lang yun sa mga problema nila.
"Then let's cut your hair." Agad akong napatingin kay lola nang sabihin niya yun.
----------------------------
Important!!!
AN: Well first of all, thank you nalang kung napilian niyong basahin to. I'm a beginner at sana naman magustuhan niyo tong story na to. I know it's boring, and you may think it's boring up to the end pero sana naman you'll see me through the end parin.
I can assure that as the story progresses, the story will change and everything you think you already know will change too. This isn't your typical Academy story, or at least I hope so, and I also wish we'll see each other along the way of your reading journey.
Lols. See you later then, or not. Let me know if you do.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top