Chapter Ninety
Silverrium's Revelations
"Alvin! Mapapahamak tayo nito!"
May narinig bigla akong boses hindi malayo sa kung saan ako. I feel a soft and comfortable foam beneath me, and it was a pleasant smell engulfing my senses.
"Magtiwala ka sa akin Accel. I know what I'm doing."
"You know what you're doing by bringing them here?! Sa base natin?! Seryoso ka ba kuya?!" They seem to be shouting at each other, pero hindi ito gaano kalakas.
Binuksan ko ang mga mata and was met by an unfamiliar wooden ceiling. Sa ibabaw ay may bulb na nakakabit and looking around, mukhang nasa isang kwarto ako. Napahawak ako sa ulo ko, the pain I felt through my whole body before I lost consciousness was long gone.
"Accel please, just trust me. When did I ever let you down?" Napatingin ako sa may pintuan banda kung saan nakikita ko si Alvin na may kinakausap na isa pang lalaki, mas maliit ito kumpara kay Alvin but the boy's black hair was longer than him na naka-braid sa likuran niya na naka ponytail. It's quite normal for guy with long hair to have that kind of hairstyle.
"You let me down just now. You let the whole clan down!"
"Accel I'm asking you to trust me as your only family." Seryoso niyang wika ng isa.
The other guy hesitated and looked away. Upon doing so, napunta sa akin ang tingin niya. Agad niyang sinummon ang mahabang dagger niya at tinutok ito sa akin. But before he could come in contact with my skin, ay mabilis akong napaupo sa hinihigaan ko, caught his arm na hawak hawak ang dagger at ginamit ang isa kong kamay para hawakan ang likod niya as I bent his arm behind him.
"See? Delikado siya! Not only is she a ghost but a wild animal too!" He exclaimed and I still didn't let him go.
Sino sa tingin niya ang iniinsulto niya?! At nasaan ba ako? At ano ba tamaga ang nangyari matapos akong nawalan ng malay? And where the hell is Silverrium?! Don't tell me he went on rampage somehwere at kasalanan ko na naman kung bakit!
"Bitawan mo muna ang weapon mo at Adrianna, calm down." Napabuntong-hininga ang lalaki at nawala din sa wakas ang weapon niya. I stood up from the bed and glared at him as he stretch out his arm at napaupo sa kama.
"Alvin kailangan kong—"
"Huminahon ka Adrianna, you're safe here."
"Safe or not I don't care about that! Nasaan si Silverrium?"
"About that..."
"Hey lowly humans! Nagugutom pa ako!" A voice suddenly echoed through the place, and I noticed Alvin sighed.
"I hate that guy! Sino ba siya para insultuhin tayo? Kahapon pa ako naiinip sa kaniya!" The guy sitting on the bed stated with a great deal of annoyance.
"S-sino yun?" Tanong ko.
"Gusto mong malaman? See for yourself." Sinundan ko si Alvin palabas ng kwarto.
As we head out for the door, isang sala ang sumalubong sa akin. The building was made of woods, like a cabin, pero medyo malawak. Dumerecho si Alvin sa kitchen kaya sumunod ako sa kaniya passed by the living room, sumusunod din sa akin sa likod ang isa pang lalaki na nangangalang Accel base sa usapan nila kanina.
Alvin suddenly stopped in front of me, and my gaze soon went toward a small figuro eating something. Nakatalikod siya sa kung sana kami nakaharap, he has a long silver hair na nakaabot hanggang sa tuhod niya, at malaki din ang suot niyang damit. Naramdaman niya yata na pumasok kami dito kaya humarap siya agad para harapin kami. Then I felt so shock that I blinked a few times para masigurado na totoo ang nakikita ko ngayon.
He has silver eyes, long silver hair, and all-mighty aura around him. I could tell that he is indeeed Silverrium except...
"Did you shrunk?" Hindi ko mapigilang tanungin siya habang lumapit ako sa unahan niya. He's got a body of an eight-year-old child!
"How rude!" He exclaimed at tinapik ang kamay ko na aabutin sana siya. Nilagay niya ang bowl na mukhang may lamang kanin pero naubos na, pabalik sa lamesa at uminom ng isang basong tubig. Then he pointed his finger to me. "Naging ganito lang ang katawan ko dahil ginamit ko ang huling lakas ng enerhiya ko para makawala sa Sigillum."
"At alam mo ba kung gaano ako naapektohan sa ginawa mo?!" I can't help but raise my voice because of his reasoning. At alam kong si Silverrium ngayon ang kaharap ko, but I don't feel the slightest fear I once did nung huli ko siyang nakaharap, dahil siguro sa appearance niya bilang bata.
"You human dare raise your voice in front of me?! I am higher than you humans so you ought to know your place!"
"Yeah, yeah, tumahimik ka na. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari dito but I can't stand seeing a child talking back to his sister." Accel stated habang pinatong niya ang kamay niya sa ulo ng batang si Silverrium, shaking it. Base sa mukha niya ay naiinis siya dito kaya tinapik niya na naman ulit ang kamay ni Accel.
"I am not a child and that human is not my own blood!" I rolled my eyes in annoyance.
Mukhang naiintindihan ko na ang sitwasyon. Silverrium's body reverted back to being a child dahil ginamit niya na ang huli niyang lakas para makalabas sa Sigillum. What was the purpose of him going out anyway? Is he planning on causing mass destruction again?
Pero mas mabuti narin sigurong bata ang apparance niya, and I don't indeed feel any enough energy for him to cause a rampage. So for now I'll do my best restraining him. I sighed thinking of the fact that my workload has increased. Pero hindi ko parin nakakalimutan ang mga spirits ko.
"At the meantime kailangan niya ng bagong damit." Alvin said looking at him, sa sobrnag laki ng damit niya ay lumalampas ito sa mga kamay niya at paa, and his boots are too big for his size. "Accel."
"Fine, fine. Sumama ka sa akin bata." Sagot ni Accel at hinila si Silverrium gamit ang damit nito papunta sa isang kwarto.
"Hoy tao huwag mo akong hawakan! Bitawan—" and his voice disappeared the moment the door closed.
"So we really are treating the deadliest monster, a child." Hindi makapaniwalang salita ni Alvin, kahit nga rin ako.
"So tell me where the hell am I."
"We have many bases all over the country, at may isang base kami dito sa West. Our Clan is divided into many squads to avoid detection but communication is still on goin. Each squads have leaders working directly under the Chief, and I happen to be the second-in-command."
"What?! Dinala mo ako sa lungga niyo?! Papatayin mo ba ako?"
"Kumalma ka muna Adrianna and let me explain!" Tsk. "Hindi ko naman pwede pabayaan lang kayo dun kaya dinala ko kayo dito kagabi nang walang nakakaalam. It's a seculded place in the middle of the forest, kaya huwag kang mag-alala. We're away from any towns and the borders right now, and it'll take at least few hours to travel back."
"You literally just told me your base, and clan confidential matters, hindi ka ba nag-aalala na baka umalis ako dito bigla at isumbong ko kayo?"
"I told you, this is a secluded place in the middle of the forest. And plus tulad ng sinabi ko noon, you're different. At naniniwala ako bilang taong nagligtas sa buhay ng kalaban ay niya mapagkakatiwalaan kita, even if you don't trust me." I sighed and gave in.
"Wala akong plano manatili dito ng matagal."
"Naiintindihan ko. Hindi ko alam kung kailan pero may dadating din na karwahe dito mula sa kabilang bayan, you have to get on there the moment they take off." I can't believe a black is helping me right now.
Pero masasama silang tao, and one righteous thing won't change all the evildoings they did. Pero dahil sa ang gulo ng mundong ito, ano ngaba talaga ang 'masama' at 'mabait'?
"Pero paano ang bata? He may be like that but we both know he's somewhat dangerous. Hindi ko naiintindihan kung paano siya mabuhay ulit na ang balita ko ay napatay na siya ng mga Elites." Again, how did the clan got wind with that information? "Siguro ay may kinalaman ito sa relic at dahil lumabas nalang siya bigla sa unahan mo, I'm guessing you have the relic. And the Sigillum is trying to seal him up but for an unknown reason he got out. Wala nga sigurong problema ngayon, pero sa oras na bumalik ang enerhiya niya ay walang makakasabi kung ano pa ang magagawa niya." Wala akong masabi sa mahabang litanya niya. Because I myself, don't know what in the world I should do.
"Your silence tells me hindi mo alam ang gagawin. Did killing him didn't cross your mind at all?" What he said made a lot of sense. At hindi ko nga ito naisip. "Ngayong wala pa siyang sapat na enerhiya, ay mas madali na siyang patayin kumpara sa totoong anyo nito. Adrianna, he has to be taken care of." By 'taken care of' ay sinasabi niya na kailangan na ng batang Silverrium na mamatay.
"I know that.." pero hindi niyayata naiintindihan ang posisyon ko ngayon.
How can I kill a kid? If his appearance had remained the same ay sana unang kita ko palang sa kaniya ay sinummon ko na ang weapons ko and immediately 'took care of him'. But looking like that, at the first sight of him, killing him has never joined my thoughts until just now. Alam kong hindi bata si Silverrium and it's only his temporary appearance but still...! I sighed.
"Paano mo ba nalaman ang tungkol dito?"
"Only the blacks with higher ranks know about Siverrium and the relic, marami lang talaga ang sumusunod sa aming mga clan members sa Chief because we feel indebted to him, and we take care of each other, and most treat others as family. Isa pa, we are all loyal to our clan and we have our pride."
"Pero marami ang namatay sa inyo sa nangyaring laban, if you say you are all loyal then you are suppose to hate me." I don't know why I'm pointing the fact that he should kill me right now before anything happens, kahit na ayaw ko namang mangyari yun.
"Don't misunderstand, I hate those higher ranked people especially that Council, I hate those who work under them, and most of all I hate this rotten country. At hindi ka naman nagmumukhang normal lang na studyante dahil malakas ang kutob ko that you've pledged your loyalty to someone and that you serve someone. Kung sino man ang taong iyon ay siguradong nakakataas siya sa lipunan, but I don't hate you."
It's not that I pledged my loyalty to that woman! But sure, I serve her, but not all the time. Mahirap ipaliwanag ang koneksyon naming dalawa nang babaeng iyon, pero sinusunod ko lang naman siya dahil naniniwala akong pinapagawa niya ito sa akin dahil kailangan ko itong gawin, hindi ko nga lang alam kung para saan.
And all these time Headmistress has been always supporting all my actions, pero sa unang beses ay hindi siya sangayon sa akin sa pagkuha ng mga spirits ko pabalik. But she knew I was going to go anyway kaya binigay niya sa akin ang impormasyon na iyon, hindi niya nga lang ako tutulongan.
At ngayong naiisip ko na ito ay palagi niya nga akong sinusuportahan but it's not actually that she helps me in the middle of it, it's as if she's observing me. Anyway, it's not that I can tell him that at seryoso yata talaga siya sa mga sinabi niya.
"Tsk. Bakit ko pa ba kailangan isuot ito? I can't believe I'm seriously wearing clothes of such a lowly human!" Lumabas na si Accel at si Silverrium mula sa kwarto at nagbago bigla ang suot ng isa, at mukhang kakaligo lang niya. I don't know how they did that so quickly though.
Silverrium now wore a brown long-sleeved clothing that reached his elbows and his collarbone was in sight due to the v-shape, it was plain but the embroideries on the left chest part made it seem fashionable as he wore brown leathered pants with built-in straps and belts on his waist and upper right leg. He looked completely like a normal human.
Pero nagmumukha man siyang bata talaga sa suot niya, one can't still deny his unique long silver hair. Kaya katulad nang kay Accel ay nakatali sa likod niya ang mahabang buhok niya sa ponytail making it into several braids. Kahit na ang cute niya tignan sa itsura niya ngayon ay hindi parin nawawala ang pagtingin sa mga mata niya, filled with disgust.
"Woah, hindi nga kayo magkamukha." Accel said. Iniisip niya parin ba na magkapatid kami? It should be obvious that we're not judging from iur face complexion, but not that he can see mine clearly.
"Don't lump me in with you humans."
"But as much as I want to trust you Alvin, ano na ang balak mong gawin ngayon? Kailangan mo pang umalis maya-maya dahil kahapon ka pa pinapatawag ni Sam. Tapos ay aalis din ako mamaya dahil oras na ng shift ko sa pagbabantay ng front gates."
Ang sinasabi niya ay kaming dalawa lang dito ang matitira mamaya and there's that possibility of other people finding us out kung lalabas kami. Naturally we can just stay here hanggang sa makabalik ang isa sa kanila dahil wala naman talaga kaming gagawin, pero ang problema ay delikadong mapabayaan kami dito na kaming dalawa lang. The risks of other people finding out us high too in that way as well.
"Pero mas ligtas talaga dito sila kung hindi sila lalabas." Alvin said which is what I had agreed on. "Babalik din nama—" hindi niya na natuloy ang sasabihin niya dahil biglang may kumatok sa pintuan.
"Alvin? Kanina pa ako naghihintay sayo! Bilisan mo na." Boses ito ng babae.
"Caina." Sabi ni Accel, looking cautiously at Alvin.
"Halika na Accel umalis na tayo. Pero tandaan mo Adrianna," I'm still not so used at that name. "Huwag na huwag kayo ditong aalis. I'll lock the doors from the outside. Pero kung may pumasok bigla ay magtago kayo, do not engage ina fight!" Matinding bilin niya sa akin.
Why is he treating me like I'm a stupid child? Mabilis na kunuha ng dalawa ang itim na cloak na nakasaay sa may pader at sinuot ito, pati ang hood, tapos ay umalis na sila ng bahay. I heard the door shutting down from the outside as their chatterings faded away.
Napatingin ako sa batang si Silverrium na sa ngayon ay binubuksan ang refrigerator at naghahanap ng makakain. He's suppose to be a very dangerous and evil monster in a human form pero ngayon normal na bata lang siya. Binuksan ko ang cabinet at may nakitang vanilla tea kaya hinanda ko na ang cup at ang mainit na tubig.
"Laire, hindi pwedeng wala lang akong gagawin dito. Sino yung sinasabi mong tao capable of transferring my consciousness to another dimension?" Dahil tulad nang nangyari sa Sigillum, napunta ako sa isang parallel world, still considered as another world, just by my consciousness.
"Hindi ko naiiintindihan. Bakit mo pa tinatanong kong malapit lang nga sa iyo ang taong ito?"
"Ano ang ibig mong sabihin?"
"She's referring to me." Nagulat ako na biglang nagsalita si Silverrium na ngayon ay kumakain na ng cereals sa lamesa, after he poured milk into the bowl.
"Naririnig mo si Laire? Ah hindi na dapat ako nagulat, you're Silverrium after all."
"It's not that she's only talking to you. Ikaw lang talaga ang makakarinig sa kaniya, pero dahil nagamit ko ang kalahati sa enerhiya mo para makalabas sa Sigillum, ay mag mix ang enerhiya mo sa loob ng katawan ko, and now I'm bound to you. Kaya naririnig ko rin siya." He said while still eating between his lines.
"Bound to me? Like a spirit?" He then stared at me, his face was blank na para bang nagtatanong kung nagbibiro ba ako.
"So you aren't even aware of it, ah as expected of a human brain. It seems I have no choice but to explain and make it as simple and understandable as possible, because you're a lowly human." Tsk. Iniinis niya ako, and I don't even know if he's doing this on purpose of just simply making fun of me. "Walang physical form ang Sigillum. It goes into many forms dahil sa iba't ibang enerhiyang nakukuha nito sa paligid, because this world is just full of energy. Sigillum, it's like an invissible dimension kung saan nakakulong ang mga monsters—even demons."
"I get that part. Pero ano naman ang kinalaman nito sa akin?" Like, sa dinami-daming tao sa mundong ito, bakit sa akin pa ito napunta?
"Isn't it obvious? Because you, with a Cursed Blood, entered the Sigillum itself, surrounding the entire place with your unique energy, and just like me, it was bound to you the moment you entered. Pero dahil wala kang alam siguro ay hindi mo namalayan na nababalot na pala ang buong lugar ng enerhiya mo. That's why monsters and demons were reacting to you."
"Also, when one of your spirit shut your nerves down with her electricity, that was when I accidentally took your consciousness into the past, a parallel world." Dagdag niya habang tinututok niya sa akin ang kutsara na hawak niya.
"And I literally died in a parallel world." I stated kahit alam ko na ito. B-but I just can't, barely, believe it!
"Correct! You experienced dying pero dahil consciousness mo lang naman ang na-transfer ko at hindi ang katawan mo, ay bumalik agad dito ang consciousness mo, making your body which was originally unconscious, alright in here. Kahit na tumigil ang puso, of course the consciousness isn't there after all."
"So ikaw nga ang sinasabi ni Laire na may kakayahang gawin yun. Then—"
"No, I will not." I almost dropped my cup of a precious vanilla tea dahil sa sinabi niya. What did he mean by that? "Transferring your consciousness to another world would require a medium, specifically, your own body over there. Na transfer kita noon dahil sariling katawan mo naman ang pinaglagyan ko sa parallel world, simply saying it was still you. Pero Spirit Land ang pinag-uusapan dito and not a single living body will be found in a world filled with wandering spirits."
"Then transfer my body."
"True, makakaya ko ngang gawin yun. But I refuse to do so dahil nakakaapekto ito sa sarili kong enerhiya. If I don't have enough energy, I would remain in this child form forever! At isa pa, bakit ko naman tutulongan ang isang tao?" Tama nga siya, wala siyang rason para tulungan ako. I guess I was just desperate. Pero wala na ba talagang ibang paraan? If I can find another with the same ability...
"If you're thinking of finding another, it's useless. Ako lang ang sa buong mundong ito ang may silver na mga mata, which is a sign of my unique life form." Wait, silver eyes? Teka bakit ba parang pamilyar ito? Saan ko ngaba ito narinig? Is it just my imagination? No, I'm certain I heard something about this in the past.
"I was asking Robert Callyan to help me, because those eyes have the ability to travel to the past. Robert happened to need one himself, kaya hindi siya umaksyon."
"Ibig sabihin ang tao na may ganoong mata ang kailangan mo, not the eyes literally."
"Kailangan ko ang mga matang iyon, I need to save someone in the past." Mahalaga siguro ang taong ililigtas niya to resort to such tactics like killing people. "Help me find it, at sisiguraduhin kong magagamit mo din ito."
"Of course, who wouldn't need it?" I pulled out the lance from his chest.
"A-anong ginagawa mo?" Tanong ni Robert sa akin nang tinutok ko ang lance sa kaniya.
I slashed the lance sa direksyon niya as hard as I could, and finally broke the collar on his neck. He stood up and smiled at me. Tsk. Now he can use his ability.
"W-well, is it a deal or—" sinaksak ko ang lance sa ulo niya.
"I'll find it myself." I saw him smirk first before he disappeared into black smokes. (AN; back from Chapter 30 or something and the plot finally connected!))
Ah! Of course, that commotion back at Laio City, when I was with Amy, when I found out that Jass was a traitor. That puppet, there's no doubt the one who was controling him was a higher ranked black. At kinakailangn ng taong ito ang mga silver na mata mula sa isang tao.
At nangyaring nahanap ko nga ang taong may silver na mga mata, capable of bringing one back to the past as long as it's a parallel world, not in this world in a sense. That's right, it's all connected! The only difference is that hindi 'tao' si Silverrium, or is he? Back then what that black said was completely nonsensical for me, pero ngayon ay naiintindihan ko na.
At ngayong napansin ko na ang bagay na ito, delikado palang makita ng mga blacks ang silver na mata si Silverrium. Pero alam ito nina Alvin at ni Accel, it gave me a conclusion that only much higher ranked blacks are aware of it. Back then nandoon si Jass Ji, the girl who claimed his father was never her real and that she doesn't share the same blood as her sisters.
Tapos ay sinabi niya pa na ang pumatay sa totoong nanay niya ay ang tinuturing niyang tatay mismo, Yaun Ji. She was just as desperate as that black to get these silver eyes. But the fact that she's a member of Black Clan and knows this information despite that she was just a new member back then, it gave me an idea na mataas ang posisyon niya sa clan na ito.
At lahat ng impormasyon na nalamang ko ito ay pwedeng magamit laban sa clan, at may posibilidad na malalaman din namin kung ano ang binabalak nila, and I might just get closer on finding Hoy and that guy who knew my real identity!
But unfortunately, hindi iyon ang habol ko ngayon. Mas importante munang mahanap ko ang mga spirits ko then I'll get back on track. But spilling all these information to that woman...yan lang naman ang ginagawa ko simula napunta ako sa islang ito, and now for an unknown reason I'm doubting whether I should share this info or not. Pero hindi na muna yan mahalaga ngayon, I'll think of something once I get into that situation.
Right now what I need is Silverrium to transfer my body, and to do that I need to do something from him in exchange for his energy. Kung enerhiya lang naman ang kailangan niya ay pwede ko namang ibigay ang kalahati ko sa kaniya since tumakas siya sa Sigillum gamit ang kalahati sa enerhiya ko.
But then after he transfers my body and after I retreive my spirits, and after all of that is done, babalik na sa dati ang lakas at katawan niya at baka magsisimula na naman siya sa 'monsters will reign the world' na line niya. If that happens, it'll be completely my fault this time dahil binigay ko sa kaniya ang enerhiya ko which helped him in regaining his full power kahit na sinabi na originally ni Headmistress na hindi ko na kailangan ang mga spirits ko but still went to get them anyway.
Pero dahil sa akin naman ang Sigillum tulad ng sinabi niya, he shouldn't be able to release many monsters now dahil wala na siyang kontrol dito. Silverrium alone is plenty powerful already kahit wala ang mga alagad niya, and the last time he was stopped by the Elites, but didn't even die, he came back in Sigillum to regain himself.
To think that I can just kill him right now dahil bata lang siya ngayon, but I can't. He's the only choice I got to retreive my spirits! And I can't let this chance go. Now what will you do Ke'ala? Get your spirits back by endangering the world? Argh! I've always hated having to choose.
"Wala akong pakealam sa sitwasyon mo tao, pero matanong ko lang, bakit mo ba kailangan makuha ang mga spirits mo? You don't need them anymore, a complete waste of spiritual energy." Tulad din ng sabi ni Headmistress.
"I still need them."
"Para saan?" I couldn't say anything. Ano ba ang sasabihin ko? I need them because they are spirits? Then I could just find another spirit! Because they said they'd stay by my side always pero ngayon wala sila dito? Tsk. I honestly don't know why. I just think those spirits are important to me.
"You didn't answer me, but it was quite obvious you were thinking of something. What could it be? I don't understand why would you do such a thing for them to the extent of risking your life. Nakuha mo na ang kapangyarihan nila, what else would you want from them? At kahit putulin mo man ang koneksyon mo sa kanila hindi mawawala ang kapangyarihan nila sayo." I became puzzled of what he had said.
"Ano na naman ang pinapahiwatig mo?" Hinigop niya ang gatas mula sa bowl at pinunasan ang natitirang gatas sa bibig niya, tapos ay tinignan niya ulit ako ng blankong ekspresyon niya.
"It seems that for over the past centuries smart human brains have been declining, I wonder why." I suddenly stopped the urge of throwing him a cup. "Isa kang Cursed Blood, at dahil dito kakaiba ang ability mo sa normal na empathy. You sense emotions and feel them, then sometimes you can 'steal' an emotion from someone and can also change them, you have experienced all of these, isn't that right?" Now that I think about it, tama nga ang lahat ng sinabi niya. Naranasan ko ng gawin ang mga sinabi niya noon pa man and I actually thought it was normal.
"You have this ability all along but you never lived up to its full potential. Are you even aware of that you can sense energy because of these emotions? Bawat emosyon ng tao, ang lahat ng nararamdaman nila, ay isang klase ng enerhiya ito. The more intense the emotion is the more powerful the energy your body automatically absorbs. Sa ngayon siguro ay hindi mo kayang makontrol ang flow ng enerhiya sa katawan mo, that probabaly if you were to feel all the emotions of this world, lahat lahat ng enerhiya nila, a possibility that you might die is visible. Kaya ka may resistors, a limit."
I frowned. I get most parts but at the same time I don't. Alam ko na ito, pero hindi ko makuha ang ibig niyang sabibin sa resistor na part. And full potential? The level of this ability is troublesome enough! Just what in the world is he trying to tell me?
"Hindi mo parin ba nakukuha ang sinasabi ko?" He sighed, irritated. "Mga tao talaga sa panahong ito..." as he shook his head in dismay. "What I'm trying to tell you is that because you can absorb energy automatically, you become capable of automatically stealing an ability. Not stealing in a sense, pero makakaya mong gawin ang ability ng tao na nakukuhanan mo ng malakas na enerhiya. It's mainly because every abilities or magic is embeded with mana or what humans call now as spiritual energy."
Nagulat ako sa sinabi niya, obviously am not aware of that. What is up with this sudden revelation? Hindi ko makakayanan na e-process ang mga impormasyon na sinasabi niya, but somehow I feel like that I shouldn't be surprise anymore. Naaalala ko yung huling totoong laban namin ni Andrea sa final battle sa Academy, I had the same ability as hers!
At yung mga panahon na una king nakalaban si Jass Ji, I got her ability, I felt it back then. Then there's also that thing with Alvin, na nakita ko ang nangyari sa nakaraan niya. He felt fear back then at nang kinuha ko ang takot niya ay nakita ko ang nakaraan niya, because his fear was embeded with energy and memories reaosn why he was feelimg fear.
Noon ay wala akong eksplenasyon sa mga nangyari, pero ngayon parang lumilinaw na ang lahat. Why didn't I notice it before? Dahil ba takot akong malaman ito kaya hindi ko na ito pinag-isipan pa?
"At dahil diyan ay nakukuha mo ang abilities ng mga spirits mo, because you literally gave them most of your energy to keep their appearances as real humans."
"Pero ang sabi ni Ziandra noon ay normal lang na makuha ng mga contractor ang abilities ng mga spirits—"
"Is that what they're teaching spirits nowadays back in the Spirit Land?" Mas kumunot pa ang noo ko sa sinabi niya. "Back in the past, most spirits are always contracted to Cursed Bloods, they are very common na kahit sinong Cursed Blood ay may mga spirits. But ever since the decline of Cursed Bloods dahil unti-unti na silang pinapatay ng mga tao, because jealousy, envy, anger, fear, at kung ano-ano pa, spirits have stopped contracting with Cursed Bloods dahil marami na sa kanila ang namamatay."
"Because as you know, once a contractor dies, mawawala din ang mga spirits niya like they don't exist in the first place. And ever since then, spirits have been declining as well after the sudden disappearance of Cursed Bloods took place. Dahil halos walang tao noon ang makakayang bumuo ng kontrata sa mga spirits, and the spirits don't form contracts with normal humans. Dahil kung mamatay din lang sila pagtapos ng kontrata, maaapektohan din sila at mawawala. So it's much convenient and safer to form a contract with a Cursed Blood."
"So you mean...na kahit putulin ko man ang koneksyon ko sa kanila ay nandito parin sa akin ang mga abilities nila?"
"Yes, that's exactly why you should stop chasing after them. You've already used their abilities and their energy forms is yours in the first place, so now you're free to do whatever you like with those abilities dahil sayo na ang mga yan."
And he told me all that information while just sitting there with a blank face. Napaupo ako sa silya sa unahan niya, at pinatong ang kamay ko sa lamesa, sighing. No, no, I'm not sighing dahil hindi ko na sila kailangan hanapin pa, I'm sighing dahil halos hindi ako makapaniwala.
I've been living all my life for sixteen years now at wala manlang akong ideya sa ganitong bagay?! I feel annoyed and irritated and angry at the same time. Ano pa? Ano pa ba ang mga bagay na kailangan kong malaman? Honestly, why did things suddenly became complicated? I asked myself of the thought as I closed my eyes for a few moments. Calming myself. Knowing all of these won't change anything, Ke'ala, or will it?
"No, kahit ano man ang isipin ko hindi ko sila kayang pabayaan lang." I said and looked seriously at Silverrium, who looked back at me with his piercing gazes. Can he even really see me behind this long hair?
"Ang iba sa posisyon mo siguro ngayon ay makukumbinsi na sa sinabi ko. There's no such contractor who would do anything outragous just to get their spirit back. Will they really benefit you? For what? Tell me one good reason. O baka dahil lang ito sa 'mga kaibigan ko sila at hindi ko sila kayang pabayaan' thing. Because if you say so, humans are just stupid."
"Human connections and relationships with each others are formed because one can benefit with another and so on. Otherwise a person wouldn't bother connecting or form a relationship with another." Wika ko, and I felt him surprised of what I said.
Kaya ang iba ay walang pakealam sa iba it's because they don't know this person and they don't care about this person, in other words they get nothing for them to care. Sa mga taong nagsasabi na walang rason ang pagkakaroon ng kaibigan, I believe that's an utter nonsense. Hindi ako ganoon katanga at and I'm not naive.
There's always a reason for someone to befriend another, kahit sa una siguro ay wala pa silang rason pero hanggang tumatagal, this certain reason will soon emerge and the value will be raised. As such is called human connection or relationship.
If those factors cannot be met then there's no reason for the word 'connection' and 'relationship' to exist in the first place. But most people ignore this fact at pilit na sinasabi na 'walang rason' ang pagkakaiban, pagsasamahan, at marami pang ibang klase ng koneksyon at relasyon.
"Silverrium, you're underestimating me. I'm not plainly stupid. But you can't understand because you don't see these benefits as I do. Iba iba ang nakikitang benepisyo ng bawat tao sa iba't ibang tao." Just like how he thinks what I'm doing is useless pero para sa akin ay hindi. "So I'm asking you again, will you help me or not?" I asked eyeing him directly to his eyes. He averted his gaze from mine at tumayo.
"You really are unaware of your own ability's potential, huh? Your determination is reaching my senses, almost engulfing my mind with your feelings. Do you know how annoying is that?" Is he possibly saying that I was transferring my own emotions to him?
"Fine, I'll help you."
He said that, but his smirk told me he had a different objective in mind.
AN; Nakaka-motivate po talaga ang nga comments niyo haha! As always, happy reading and thank you for doing so! At pasensya na lols, mukhang nahuli ang update.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top