Chapter Fourteen
Mission
Ilang araw narin ang nakalipas, o apat na linggo na ang nakalipas simula nung huling announcment. After that, everything went back to normal. Pero nahahalata ko na kung gaano ka desperada ang ibang mga first year students to gain reputation, halos lahat sila nagpapasikat, nagpapakitang-gilas. Kung noon ay wala halos nakikinig sa mga lessons ng mga professors, since boring naman takaga ang iba, pero ngayon baliktad na ang mga nangyayari. Well, malapit narin kasi ang Finals. At hindi lang physical abilities ang kailangan naming ipakita, we also need to pass the written exams. Hays.
Sa mga nakaraang linggo palagi nakang kaming tatlo nina Iyana at Andrea nagtatalo, and that small arguements always lead to fights. At kahit isa wala pang nanalo, ang lakas ng dalawa, once they know my ability they will surely beat me. Well alam na ni Andrea ang ability ko, she just doesn't believe me. Well, sabi naman kasi ni Professor Will that fighting each other is a way to help us improve our teamwork. Nakikita ko naman ang point niya eh, pero parang imposible lang talaga. Alam niyo yung feeling na palagi kang pumupunta sa ilog to fish pero kahit anong hintay mo wala talagang isda?
At ngayon, dito na naman kami sa White Room. Simple lang naman ang pinapagawa sa amin, we just need to hit the target that's popping out everywhere in a time limit of five minutes.
With your team of course.
The more you hit the target, the more points will be added to your account. Base on my last check, meron nalang akong 147 points. Sa dalawang linggo yun lang ang naipon ko. Binibigyan kasi ng maraming puntos ang mga test sa ability mo, and what can I do? Hindi naman ako nage-excel jan. I'm only average good at written exams and above average when it comes to combat.
Dumating na sa punto kung saan lahat na kami ay sabay sabay. We all just need to surpass one another without holding back. Hindi ko gusto mag stand out, I mean, they really are all good, especially Iyana and Andrea, they are everyone's greatest rival in the class.
Balita ko nga ay binabantayan na ng mga groups lalo na ang mga Top Five groups si Andrea since she really stands out especially with her strong and destructive ability. They say she'll definitely will get into the Top Ten and might be able to join the Sleberian Cross. Hays expectations. Too much expectation always leads to humiliation if you get what I mean.
Isa isa nilang sinummon ang mga weapons nila, at lahat sila in no more than a minute, ay mabilis ng nakakuha ng sampung puntos at ang iba ang taas pa. May mga lumabas na mga target sa unahan, likod, at sa gilid ko kaya isa isa ko silang sinuntok at sinipa. Dahil wala akong weapon, mas mabilis akong gumalaw sa iba. Sometimes may time kung saan inaagawan nalang ako ng target because the targets are slowly decreasing in number.
Iyana summoned her guns, ten guns in total, and let them float aboge her, circling her habang ang tutok ng mga baril niya ay sa mga targets. Once or twice, wala pa siyang hindi natamaan. Giving her already sixty-eight points in three minutes.
Si Andrea naman ay dahil sa sibrang bilis at sa destructive power niya, sinunsuntok niya nalang ang sahig causing it to break and popping out all the targets at wala siyang hindi natamaan habang tinatapon niya sa kanila ang mga daggers niya. It seems she's got an unlimited daggers. Just like Iyana. Akalain mo, meron na siyang 73 points in four minutes. Parang patas lang sila ni Iyana. These two really are rivals.
"Why do I feel like five minutes is a long time?" Bulong ko sa sarili ko habang patuloy lang ang pagtama ko sa mga targets. I don't even have to use weapons, dahil kapag sinusuntok ko ang mga dummies ay lumulusot ang kamao ko. That's why if I use my sword, I'm afraid I won't be as fast as I am right now. But I won't be able to summon it anyway.
"Times up!" Biglang tumigil ang paglabas bg mga targets, at bumalik na ulit sa dati ang room. May pinindot si Professor sa isang remote at may lumabas sa malaking screen na nasa wall.
First: Iyana Klein, 98 points, total points, 600 points.
Wow. Ilang linggo palang ang nakaraan simula nung unang araw ng pasukan, and she already got this many?
Second: Andrea de la Valliere, 97 points, total points, 600 points
Maraming nabilib. Siyempre naman. Pagdating sa witten exams mas nage-excel si Andrea kay Iyana, si Iyana naman puro tulog lang ang gawa niya kung magde-discuss si Prof. Ilan kaya ang puntos ko? I really need a lot of money. Balita ko kasi ngayon may bagong burger sa canteen, kasi nga lang mahal.
Third: Keila Willar, 100 points, total points, 234 points.
Hala! Paano naging 234 points ang puntos ko? Dumagdag siguro since last time I check ay apat na araw na ang nakalilipas. Pero ang liit parin niyan. I need to do better at written works and ability enhancement. Palagi kasi akong nagski-skip ng class na yan. Third lang ako because of my total points, but kung hindi lang yan involve, I would have had got into first. Wait, since when did I care about that?
Class dismiss na at paglabas na paglabas ko palang ng White Room, may pesteng lalake na naman na sinusundan ako. Tingin lang siyang tingin sa akin. Kanina niya pa ako sinunsundan, ngayon na lumabas na ako sa White Room, diyan parin siya naghihintay? Nakaka highblood siya. Alam niyo ba ang saying na "first impressions are everything"? Hindi ko siya gusto first inpression palang kaya naiinis ako sa kaniya ngayon.
"Anong kailangan mo?" Wala yatang plano ang isang to magsalita hanggang sa hindi ko siya tinatanong eh.
"Pinapatawag ka ni Headmistress. It's rather an urgent matter." Seryoso niyang sabi. Nag teleport kami sa office ng Headmistress mula doon kung saan kami galing kanina. Ni hindi niya nga ako hinawakan. Just how powerful is his teleportation?
Nakita ko na nakaupo si Headmistress sa may upuan niya habang may mga binabasang papeles. Puno ang mesa niya ng mga papeles, at mukhang busy talaga siya. I heard her sigh at binaba ang salamin niya at napatingin sa amin.
"Ke'ala, I'm sending you on a mission together with Thane." Ano?! Mission?! At kasama pa ang pesteng to ha. Well I admit he is powerful and I might really need him but.....I don't have any choice, do I?
"What kind of mission?" Tanong ko sa kaniya. "My men found something on the Crussade Mountain." Saang parte ng mundo naman yan matatagpuan?
"At ano naman ang kinalaman ko dito?"
"Ang nawawalang relic that can store large amount of magic spells, the one that the Mages of the West Association lost three years ago, was found in the Crussade Mountain. It's a powerful relic, kaya kailangan itong mabalik agad sa kanila. The whole mountain can explode kung hindi ma se-sealed ang relic. There are civiliians there Ke'ala, and they are part pf the Magnus Island, the one which I rule, do you know how much would that kill me kung ilang libo ang mamamatay?" I nodded. Sino ba naman ang hindi?
This world is consist of different species amd kinds, mages, witches, dragons, alchemists, ability users, at iba pa. But they are all divided in many parts of the world. Kaya wala kang makikitang mga ibang classifications dito, except ang mga ability users. Ang mga isla ay oarang bansa lang, a nation, at ang capital ng Magnus Island ay ang Magnus Town where Magnus Academy is. But like I said, ano naman ang kinalaman ko sa mision na to?
"And why do I have to do this? Kung ganito ka importante ang mission na ito don't you think you should give this mission to the groups katulad sa mga Top Ten?" Tanong ko. She first sipped from her coffee bago magsalita.
"Look, I'm helping you here Ke'ala. You don't want this oppurtunity to go to waste. This might be the last time we will be able to meet the West Mages Assciation after many years. Once na mahanap mo ang relic ay pupunta ka sa isa pang lugar meet up with them, then you may ask them." Ask them? "Ask them about that boy. They might be able to help. Hindi ko gustong gawin mo to, but I don't want anyone to know you came from a different place that may cause chaos." Naiintindihan ko naman. Bawal na bawal kasing pumunta sa boundary ang isang tao na galing sa ibang nation o isla without permission ahead, it's a major violaton of the Peace Agreement Law set by the leaders of each nation in this world.
I sighed.
"Fine. Kailan kami aalis?" Bigla namang napatingin si Thane sa may pinto.
"Kailangan niyo magmadali, so you have to go now."
"Who's there?!" Sigaw ni Thane sa pinto.
"May tao ba jan?" Tanong ko. Binuksan ni Thane ang pinto pero wala namang tao kaya sinirado nalang niya ulit.
The next thing I know was I was packing my clothes to a backpack, since ilang araw siguro ang aabutin namin makarating dun sa Crussade Mountain na yun. Si Thane na ang bahala sa direksyon at siya na bahala ng mga gagawin namin o mga kailangan, I'm only coming because of that West Mages Association thingy. I was still packing nang bumukas ang pintuan, revealing Iyana. She frowned.
"Saan ka naman pupunta?" She asked.
"Skipping class for few days." Why? What is it to her?
"You're not telling me something." Tch. Like I said, anong pakealam niya? I know she's just after something.
"Family meeting." I wish. Pero umupo na siya sa kama niya and that means she accepted my reason.
"Family meeting together with Thane that's it." I sighed. Eto na naman ang isang epal. Andrea. Hindi na ako nagulat na kilala niya si Thane, after all, Thane and his older brother work for her mother so they must be friends. Or perhaps, acquittance.
"Sasamahan niya lang ako. But he's going somewhere else." Ayos na ba yan? Bakit ba kasi niya tinatanong? Sinirado ko na ang bag at pumunta sa kithen.
Kakain muna ako. Siguradong magugutom ako mamaya, ang haba ng byahe, and for sure I'll be exhausted in no time. Gumawa ako ng bacon and cheese na sandwich at kinain ito sabay inom ng strawberry milk drink na nasa refrigerator. Hindi na ako dadala ng pagkain, puno na tong bag ko.
"The Finals...." she said before stepping in her own bedroom. Napatingin ako sa kaniya. "I want to fight you as well in the finals." Tumingin siya sa akin, as if waiting for my answer. Saying 'no' to her is useless. She's like her mother in that aspect, she won't take 'no' as an answer. Mag-ina nga sila.
I sighed.
"Fine. If that's what you want, then fine." I saw a glimpse of her smiling before stepping in her room. First time kong makita siyang ngumiti ha.
Few moments later, may kumatok na sa pintuan at cue na yun na sinusundo na ako ng peste. Nakalimutan ko kasi pangalan niya eh. Kinuha ko na ang bag ko at lumabas na. Tsaka ko naman siyang nakita na naghihintay habang nakasandal na naman sa pader. Paborito niya talagang gawin yan kapag naghihintay. Hindi ba siya marunong tumayo? O tamad lang takaga siya? Either way, wala akong pake.
Lumabas na kami ng Academy, sa labas ng mga higanteng gates ay may nakabantay na dalawang kabayo. I'm guessing na para sa amin yan. Kaya sumakay na ako sa kumay brown na kabayo at ang peste naman ay nakasakay sa mau black na kabayo. I nodded at him at nagpatakbo na. I followed behind him then since siya kang naman talaga ang may alam kung saan ang Crussade Mountain na yan.
Dalawang oras na ang nakalipas simula nang umalis kami at nababaguhan ako sa oeste nato dahil hindi manlang siya nagsasalita. I'm not looking for someone to talk to. What I mean was, hindi manlang niya sinasabi kung saan na kami at kung malapit na ba.
"We'll reach the Hue Village just short ahead, we'll have to stay there for the night." Finally, nagsalita narin siya. Seryoso niya yata kasi ngayon eh.
"It's only almost three in the afternoon. We don't have to stop." Sabi ko. He sighed.
"Maawa ka naman sa nga kabayo. Dalawang oras na sila naglalakad." Tama nga naman siya. I can also feel their emotions. They are indeed tired. Pero medyo lang naman.
"But we don't have to stay for the night."
"We have to. The next town is hours away. Maaabutan tayo ng gabi."
Nakarating nga kami sa Hue Village na sinasabi niya. And I gotta say, unlike Magnus Town, ang village na ito ay may pagka-gloimy ang binibigay na aura ng mga tao dito. It made me curious kung ano ang nangyari dito o kung may nangyari ba. But I don't plan on having more problems.
We settled into a small inn. Pinabayaan na namin ang mga kabayo namin sa stable at pumunta na sa counter. Dito, may matandang babae ang humarap sa amin.
"Room for two please." Sabi ng kasama ko. The old woman looked at us then checked simething on her note.
"There's only one room left. Magtiis kayo, ang daming pumupunta ngayon sa village." Nagtaka naman ako.
"And why is that?" Ako na ang nagtanong kaya napatingin siya sa akin.
"May hinahanap silang oarang relic daw, basta ewan."
"Relic? Aanhin namn nila ito?" Tanong niya sa matanda.
"I don't know, but even my own son is determined to look for it. May nakapagsasabi daw na ang relic na ito ay may kapalit na malaking halaga. Tiyak na yayaman ka. That's why bandits, merchants, and other set of people are looking for it."
"Alam ba nila kung saan ito?" Napailing ang matanda sa tanong niya. So ibig-sabihin wala pang nakakaalam nito at kami palang. I hope.
"Anyway, we'll take the room." Sabi ko para makapagpahinga narin.
"Three silvers." Three silvers mean thirty coppers. Yan ang pera dito sa outside world. May nilagay siyang kamay sa lamesa na akmang naghihintay ng bayad. Kinuha ng lalakeng kasama ko ang isang parang pouch at may kinuhang tatlong bilog na kulay silver mula dito.
The old woman gave us the key as we proceeded to our room. Ang liit ng kwarto, but we'll only be staying here for a night. Linapag namin ang mga dala naming bag sa tabi at sinarado ang bintana. Then he looked at me.
"You'll stay here."
"Saan ka naman pupunta?"
"Basta. May sisiguraduhin lang ako. Do not open the door kahit sino man ang tao sa labas."
"Why?"
"You might have noticed the gloomy feeling in this village. Well, it's only a small village that means it's poor. Almost all the people here are suspicious and theives. Ito kasi ang huling village sa Seventh District. The Crussade Mountain is in the Sixth District."
"Kailan ka ba babalik?" He finally ket go of his seriousness at nag smirk sa akin which I found very annoying.
"Oh, would you rather me stay? Mami-miss mo ba ang gwapong presence ko? Or are you scared being left alone here? Huwag kang magalala, sila pa nga siguro ang matatakot sayo hahahahaha." Tawa niya pa.
"Nakakainis ka nang peste ka. Umalis ka na nga. And if there's a possibility, huwag ka naring bumalik." Saad ko. He smiled again.
"My name is Thane, feeling ko kasi nakalimutan mo. Kaya huwag mo nang kalimutan ang pangalan ko ha? Baka magsilbi pang goodluck ang pangalan ko." He winked then disappeared.
He teleported somewhere.
May isa lang akong napansin sa kaniya. Hindi ko siya nakita na kumuha ng examination, or maybe mas nakakuha lang siya nang mas maaga at nakapasa, but still, his spiritual energy is strong. Myembro kaya siya ng Top Ten? Another thing that supports my theory is that, for someone who has the ability to teleport, parang mas advance ang sa kaniya.
I have read a certain book about abilities sa sarili kong mini library sa kwarto. Back in the island. And it is said that teleporting is one of the most convenient abilities. You can teleport yourself kahit saan basta napuntahan mo na ito. But it takes a lot of energy kaya may tinakda ang nga katawan nilang certain distances and certain ranges.
So in other words, he is just normal. But no, he is not like any other teleporter. He can teleport anything even if he won't touch it. Only one out of ten people can have that kind of teleportarion ability, while others can only teleport themselves. So maybe he really is one of the Top Ten. But that's just a probability and even if he is, why would I care?
Several minutes after I bathed since there was a small bathroom inside this small room. I headed out when I realised it was dark, checking my wristwatch, it was around 6 in the evening. And still, wherever that Thane is, I just hope he won't get himself in trouble kung sakaling dadating na siya. I don't want to get caught in his affairs.
Marami ang nakatingin sa akin nung lumakad ako papunta sa may empty table. Ang maliit na inn kasing ito ay may halo ding parang cafeteria. Halata talaga na mga parang addict ang mga tao dito, mga mahirap nga sila. Ang mga lalake naman nakatingin sa relo ko na mukhang mamahalin. Eh mahal naman talaga yan, gawa to sa ginto na rinegalo sa akin ni lola noong 12th birthday ko. And if I were to sell this, it would cost 50 gold coins. Enough to buy a whole three-storey building dito sa outisde world. Money never really mattered to me until I stepped out of the island. At aaminin ko, naninibago nga talaga ako.
Nang umupo ako, may pumunta ditong babae na naka waiter ang dress niya. Kaya pala kanina pa siya tinitignan ng mga lalake, ang iksi kasi ng skirt niya. But she disregarded them and looked at me.
"Kunin mo nalang ako nang isang basong iced tea at steak." Tumango naman siya at umalis na.
Sa kaniya lang nakatuon ang paningin ko habang lumalakad na siya pabalik sa may kitchen nila. Tsaka ko naman nakita ang isang lalake na hinablot ang bewan niya. The five men laughed. I frowned at the sight. Pero sa halip na labanan sila, nag nod kang ang babae sa kanila at tsaka tumakbo paalis. Mas nagalit ako. Wala manlang planong lumaban. Though I know she's scared.
"Iha..." medyo nagulat ako nang may matandang babae ang tumawag sa akin sa kabilang mesa.
My eyebrow lifted nang tinignan ko siya. Nakasuot kasi siya ng kulay lila na cloak that makes her attractive. Pero kita parin ang mga wrinkles niya at mga warts sa kamay. So that gave me an idea that she's an old woman. Wala naman akong naramdamang kakaiba sa kaniya, well there is something weird about her. I can feel her anxiousness.
Tumayo ako at lumapit sa kaniya na ang layo ay dalawang metro lang. Tsaka ako umupo sa harapan niya, eyeing her cautiously.
"May kailangan po ba kayo?" Tanong ko. Ang weird niya kasi talaga. Now that I'm closer to her. May dala siyang tukod na gawa sa kahoy sa isa niyang kamay.
"Hinahanap mo ang relic na makikita sa Crussade Mountain, tama ba?" Ang boses niya pang matanda talaga. Para tuloy siyang....witch. O hindi?
"Bakit niyo naman po natanong?" Kahit suspiciousako sa kaniya dapat magalang parinako no. Matanda yan eh.
"Sasabihin ko sanang huli ka na sa paghahanap mo." Ano naman angibig niyang sabihin?
"At bakit ko naman po kayo pagkakatiwalaan?" She smiled at me. Hindi ko parin makikita ang mga mata niya, only her nose ang her mouth.
"Ilaw lang ang isang tao ang gumalang sa akin." She sighed. "So I'll give you a discount."
"At bakit ko naman po kailangan ng discount?"
"Five silvers, at sasabihin ko sayo kung bakit huli ka na. Sa iyo narin yun kung papaniwalaan mo ako o hindi." As if waiting, nakatingin lang siya sa akin.
Ang laki naman ng halaga niya. Eh mahal pa yata ang impormasyon na iyan kesa sa three silver lang na stay namin dito. Pero kahit gusto ko naman siyang paniwalaan, wala naman akong pera dito. Kay Thane kasi binigay ni Headmistress ang pera na gagastusin namin. Tch.
Nilagay ko ang relo ko sa lamesa. Yung gintong relo ko. Sigurado ako na mas magal pa yan kesa sa silver na gusto niyang makuha.
"Wala po akong pera kaya ito nalang—" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang may narinig akong nahulog na baso.
Tumingin ako dun kung saan galing ang ingay at nakita ko na pinagtri-tripan na naman ng mga lalake ang waitress na babae. Nakita ko kung paano hinawakan ng lalake ang legs nito at walang magawa ang babae kundi mangiyak-ngiyak. Tinignan ko din ang paligid at wala takagang balak ang mga tao na tulungan siya.
Dahil sa inis ko, tumayo ako at tinapik ang kamay ng lalake. Nagulat sila at tumayo silang lahat, pinapalibutan ako.
"Sino ka naman—" nagulat ang isang lalake nung tinignan niya ang itsura ko. "Pa-pasensya na po....aalis na kami." Tapos tumakbo ang limang lalake sa labas habang sumisigaw ng multo. Mas nagalit ako pero mukhang multo naman talaga ako. Kaso nakakairita talagang pakinggan kung galing sa iba.
"S-salamat po miss..." sabi ng waitress.
"Sa susunod kasi, huwag kang magpadala sa takot. Hindi lahat ng tao dito matapang para protektahan ka. Lahat naman kasi na nandito mga duwag."
Sabi ko while looking around the people na ngayon ay bumalik na sa kinakain nila. Tumango namna ang babae at pagkatapos magpasalamat ulit, bumalik siya ulit sa kitchen.
Bumalik na ako sa upuan kung saan ang matanda kanina pero wala na siya. Wala narin ang relo ko. Shemay! Naloko ba ako? Magnanakaw ba yun?
Pero may nakita akong isang maliit na papel sa lamesa. I slowly opened the paper at napagalamang mapa ito. Tapos sa likod may nakasulat.
"Et reliquiae non amplious in monte nam homo in nigrum quem furati sunt eum. Reperio mulier in spelunca in eo inquirere adiutorium."
(AN: lol, ang hirap ng greek kaya latin nalang pero mahirap din. 😑😑😑))
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top