PROLOGUE


PROLOGUE

“Pwede bang magtanong?” kagat-labi kong sambit at ngumiti sa kabila ng nararamdamang sakit. Hindi siya sumagot. Sa halip, tinitigan lamang niya ako at naghihintay ng sasabihin ko.

“Minahal mo ba talaga ako?” Pumiyok ako. Mahina talaga ako sa mga ganitong bagay. Hindi ko na napigilang umiyak kaya napatingala ako at pinigilang tumulo ang luha.

Bumuka ang bibig niya na tila may sasabihin. Naghihintay ako. Napaiwas siya ng tingin.

“Mahal kita---”

“Kung mahal mo ako, bakit ganito?”

“Eury, pangarap ko ‘yon para sa atin. At alam kong may pangarap ka rin naman  para sa sarili mo. Sana naiintindihan mo ako,” aniya kaya napapikit ako.

“Kaya hihiwalayan mo ako, iyon ba ang dahilan? Hindi mo man lang naisip na pwede nating tuparin ang pangarap natin nang magkasama,” giit ko. Tinitigan ko siya sa mga mata. Wala na akong pakialam kung nakikita niya akong umiiyak.

Muli siyang nag-iwas ng tingin. At sa pagkakataong iyon, mukhang wala na talaga akong ibang magagawa pa para maisalba itong namamagitan sa amin. Sirang-sira na.

Napangiti ako nang mapakla at itinaas ang dalawang kamay bilang pagsuko.

“Eury, I’m sorry. I just can’t chase my dream if I am with you,” pag-amin niya.

Kumirot ang dibdib ko. Parang paulit-ulit akong sinasampal ng katotohanan na isa pala akong hadlang sa mga gusto niyang gawin.

“Pakiramdam ko, hindi tayo mago-grow together kung ganito tayo ka-toxic. That’s why I decided to end this tonight. Eury, I’m breaking up with you.”

Bumagal ang tibok ng puso ko. Halos manlumo ako sa naririnig pero mas pinili kong ngumiti sa kabila ng mga luhang umaagos na sa aking pisngi.

Tinitigan niya ako sa mga mata. May butil ng luha mula roon. Pareho lang kaming nasasaktan rito. My lips parted as I try to release the pain I am feeling at this moment but I just can’t turn them into words. I am really in a deep pain right now.

“Is that your final decision?” Isang tanong ang hindi ko akalaing masasabi ko na lamang sa kabila ng mga gusto kong isumbat sa kanya.

Nagkaroon ng kaunting katahimikan.

Mayamaya ay bumuntong-hininga siya at tumango sabay ngiti nang tipid.

Mas nasaktan ako dahil sa naging tugon niya pero alam kong wala na akong karapatan pang tumutol.

“O-okay, naiintindihan ko.” Ngumiti ako at tumango rin. Halos mahigit ko ang hininga nang hubarin na niya ang bracelet na binigay ko noong unang pagkikita namin. Dahan-dahan niya itong ibinaba sa mesa at inusog sa harapan ko.

“Thank you for the memories and thank you for letting me go. Siguro, hindi madali pero alam kong makakalimot rin tayo pareho. Pasensya na, pero kailangan ko munang tuparin ang pangarap ko.”

Naninikip na ang dibdib ko. Ganoon na lang pala kadali ibasura ang halos dalawang taon ninyong pagsasama para lang sa pangarap na pwede namang tuparin nang magkasama pa rin.

I chuckled trying to ease the pain.

“You know that I will never forget you, right?” natatawa kong sambit sabay punas ng luha gamit ang likod ng palad. Napangiti siya ngunit umiwas ng tingin.

“I’ll promise that you’ll forget about me, soonest.”

“If that’s your final decision, who am I to hinder? Alam mo namang susuportahan kita sa pangarap at kasiyahan mo kahit hindi na ako,” biro ko pa at tumawa.

“Sana wala pa ring magbago pagkatapos ng gabing ito. I mean, the closeness and the friendship. I still value them. It’s just that... I will be after my dream first.”

Napailing ako. Malabong mangyari ang sinasabi niya. Dahil sinisiguro kong pagkatapos ng gabing ito, marami nang magbabago.

Napansin kong kumuha siya ng panyo mula sa  bulsa ng polo shirt niya at akmang pupunasan ang luha ko pero tumanggi ako.

Napatungo siya.

“I’m sorry. Pinaiyak na naman kita.”

Napapikit ako. Naramdaman ko ang biglaan niyang pagtayo. Ibig sabihin, aalis na siya.

Mas napupunit ang puso ko.

“Good bye, Eurydice. I wish for your happiness.”

Mas mariin akong napapikit at kumagat-labi. Gusto ko nang ilabas lahat ng sakit pero hindi sa mismong harapan niya. Napasinghot ako at tinaas ang kamay.

“Please, umalis ka na lang at huwag mo na akong pahirapan pa.” Humalukipkip ako mula sa pagkakaupo at mas ipinikit ang mga mata.

Narinig ko ang kanyang pagbuntong-hininga. Sandali pa at narinig ko na rin ang yabag niya papalayo sa pwesto ko, palayo sa akin.

Iminulat ko ang mga mata ko at sinundan siya ng tingin.

Hindi ko na inaasahang lilingon pa siya at hindi nga ako nabigo. Dire-diretso siyang lumabas rito sa resto na ni-reserve pa talaga niya para lang makapag-usap kaming dalawa. Bigla akong nanghina at napahawak na lamang nang mahigpit sa edge ng mesa.

Napahagulhol ako sa saliw ng malungkot na musikang naririnig ko.

Ngunit ilang oras lang iyon at tila baliw naman akong nagtatatawa habang inaalala ang mga masasaya naming pinagsamahan.

Iyak-tawa lang ang ginawa ko.

Wasak na wasak at walang-wala ako. Hindi ko alam kung saan magsisimula ulit.

Napatitig ako sa bracelet na iniwan niya. Mas napahagulhol ako at idinukmo ang mukha sa ibabaw ng mesa.

I know this will be the greatest regret but a well-done decision I’ve done in my life. I let go of the person I love to let him find his happiness and chase his dreams even without me.

Even if I will be the one who’ll suffer. The one who’s  more devastated.

***

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top