EPILOGUE

JAYZEE’S POV



IT MAY sounds odd to tell this. Kahit dito man lang, sa pamamagitan nito, masabi ko man lang lahat. Idol na kita ever since. I keep on following you in wattpad with my old wattpad account. That time, wala pa akong will na makipag-socialize sa ‘yo. Yes, I have been in different publishing houses and companies before I got a chance na mapalapit sa company n’yo, sa’yo mismo.

Nakakatuwa nga, e. Ikaw pa pala iyong babaeng nakabangga ko sa bus. Pasensya ka na, ha. God bless. De, seryoso. Masaya akong makatrabaho ka dahil biruin mo ba naman, hindi ko akalaing ikaw pa ang makakasama ko sa collab. Dati, pinapangarap ko lang na mapalapit sa ‘yo. Ngayon abot kamay na kita tas nakakakulitan pa. Minsan, trip kitang asarin. Akala ko kasi matutuwa ka sa ganoong mga biro pero hindi. Naiinis ka lagi sa akin.

Natutuwa ako kapag nasi-ship ka sa akin. Hindi ko rin alam. Baka kasi ang saya sa feeling na makitang ganoon ang reaction mo. Parang nandidiri na ewan. Nakakadiri ba ako?

Ewan ko ba at lagi na lang mainit ang dugo mo sa akin tuwing magsusulat tayo. Wala naman akong ginagawang masama sa ‘yo maliban sa pang-aasar ko. Nakakatuwa ka kahit ganoon. Naaalala ko siya sa ‘yo. Mabilis maasar at pikunin. Pero kasi, kakaiba ka. Hindi ko rin alam kung bakit. Huwag mo na akong tanungin kung anong dahilan.

Sa ilang buwan nating pagsasama sa lahat ng lakad at pag-oovernight, sabi ko naman sa ‘yo, kikilalanin kitang mabuti. Doon ko nakilala iyong Eury na marupok, medyo makulit, masaya naman kasama. Kaso nga lang, mabilis sumuko.

Hindi ko alam kung anong nagpabago ng isip mo at nagdesisyon kang huwag nang ipagpatuloy ang kwentong ito. Parehas nating sinimulan hanggang sa gitna, kaso noong malapit na sa wakas, tumigil ka. Ang sabi mo, ayaw mo na. Tama ba ‘yon? HAHAHA! Hindi ko rin alam. Ang daya mo naman.

Nakakalungkot na ako na lang mag-isa ang magpapatuloy nito hanggang sa wakas. Pero ang gusto ko lang sabihin talaga, ayos lang Eury. Ayos lang sanang sumuko ka pero bakit kailangang layuan mo rin ako? Pasensya na. Masyado ata akong naging transparent. Baka ganoon talaga noh? Baka kailangan nating mag-let go ng mga bagay para malaman natin kung ano at sino iyong para sa atin. Sana masaya ka sa desisyon mo. Suportado pa rin naman kita, susuportahan ka namin.

Baka napaka-lame lang talaga ng kwentong ginawa natin.

Siya nga pala, malapit ko nang matapos ang wakas ng kwento. Sana kapag nabasa mo ito, hindi ka madisappoint sa ending na ginawa ko, ha. Wala na kasi akong maisip na pwedeng i-ending. Nagaya na tuloy ako sa motto mo na, no more happy endings.

Hindi pinili ng bida ang manunulat. Iniwan niya ito para sa iba. Sumuko. Nagkalabuan. Ngunit ipagpapatuloy ng manunulat ang kwentong kanilang sinimulan. Walang magbabago sa wakas. Pero dapat pa ring tapusin sa abot ng makakaya.

Masaya ako para sa ‘yo, Eury. Huwag kang mag-alala. Kapag napulished ‘tong libro, kasama pa rin ang pangalan mo. Dahil kwento natin ito kahit hindi ka nanatili hanggang dulo.






“I guess this is really the end,” bulong ko sa sarili matapos i-type ang wakas sa bandang dulo ng manuskrito. Napatango ako at ngumiti. Nag-iinit ang talukap ng mga mata ko. Lalaki ako, pero nanlalambot ang puso ko dahil sa mga naiisip kong what if’s. Sa kanya at sa storyang ito.

Wala akong sinabi na gusto ko siya. Wala akong pinakitang motibo. Wala akong sinabi. Never kong inamin na may nararamdaman ako. Kontento na ako dating nakakasama ko siya sa pagsusulat. Ayos na akong naaasar ko siya lagi. Pero iba ito.

Wala siya at nilayuan na ako.

Nanginginig akong nagtype sa keyboard kahit occupied ng ibang bagay ang utak ko. Kailangan kong matapos ang kwentong ito kahit ako na lang mag-isa.

That day the girl chose to leave. But the writer remains in the place where they spend their momentarily moments and memories. The writer will write about them and the happy ending they never had.

Napatigil ang mga darili ko sa keyboard. Parang pinupunit ang puso ko sa mga susunod pang linya. Napalunok-laway ako.

Bakit ako masasaktan? May karapatan nga ba akong makaramdam ng ganitong sakit? Parang wala. Hindi naman kasi ako umamin. Hinayaan ko siyang umalis. Hindi ko siya pinilit bumalik. Kaya wala akong dapat panghinayangan. Wala akong dapat patunayan. Nagpatuloy ako sa pagtipa hanggang sa maramdaman kong tumutulo na ang mga luha ko.

Iginala ko ang paningin sa buong silid nitong lumang bahay. Napakatahimik. Ang lungkot.

Nagpatuloy ako sa pagsusulat. Bawat letrang napipindot ng mga daliri ko sa keyboard ay gumuguhit at lumilikha ng peklat sa damdamin ko. Ano kayang mararamdaman ng readers kapag nabasa ito? Ano kayang mangyayari kapag nalaman nilang isang tao na lang ang nagpatuloy ng kwento?

Nasa ganoong punto ako ng pagsusulat nang makarinig ako ng yabag at paghangos. Natigil ako sa pagtitipa at dahan-dahang lumingon sa pintuan.

Nanlaki ang mga mata ko. Nakita ko siya sa tapat ng pintuan. Luhaan at bitbit ang isang crumpled paper. Napatayo ako nang banggitin niya ang pangalan ko.

Sa kabila ng pag-iyak niya’y sumilay roon ang isang natural na ngiti. Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa akin at sa laptop na nakapatong sa mesa.

“Am I late?” naiiyak niyang tanong. Hindi ako sumagot.

Hinihintay niya akong magsalita pero mas pinili kong manahimik.

“Anong ginagawa mo rito?” tanong ko na lamang at pinipigilan ang emosyon.

Umawang ang bibig niya para magsalita pero wala siyang mahagilap na sasabihin. Ngumiti na lamang ako.

“You’re not supposed to be here, right?” tipid kong tanong pero umiling siya at naglakad palapit sa akin.

“I am supposed to be here because I’ll help you write the ending.”

“Eury...”

Sa isang iglap ay napayakap siya sa akin nang mahigpit. Nagulat man sa ginawa niya’y hinayaan ko na lang siyang umiyak nang umiyak.

“Tangina mo naman. Ang manhid mo,” mura niya kaya napakunot ang noo ko.

“Ha? Ba’t ako? Ikaw ata. Binasa mo naman ang sulat, hindi ba?”

“Oo malamang!”

Nanatili kami sa ganoong posisyon kahit nagmumurahan na. Parang lahat ng bigat sa dibdib ko, biglang nawala. Ba’t pakiramdam ko bigla akong sumaya?

“Wala akong sinabing gusto kita doon.”

“Pero iyon ang nainterpret ko. Assuming ako, e.”

“Baka ako ang gusto mo.”

“Medyo.”

“Anong medyo amp?”

Napangiti na lamang ako at tinapik-tapik ang balikat niya habang nakayakap pa rin sa akin at panay ang hikbi.

“Eury, can we write the happy ending now?” I asked her. Kumawala siya sa yakap at tinitigan ako sa mga mata.

“Let’s write our happy ending,” she answered with a smile on her face.


-BOOK CLOSED-

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top