CHAPTER 6
CHAPTER 6
“NAPAKA-LATE MO.”
Sa halip na batiin siya, sumimangot lamang ako at umupo sa upuang katapat niya. Abala siya sa pagbabasa ng bitbit niyang aklat at nakapatong naman sa ibabaw ng table ang tatlong tasa ng umuusok na kape.
“Akin na,” walang emosyon kong sambit at inilahad ang kamay ko sa mesa.
“Ang alin?” painosente niyang tanong. Naiinis na ako. Kung hindi niya ako binlack-mail kagabi na hindi niya ibabalik ang wallet ko kapag hindi ako nakipagkita sa kanya ngayon, e ‘di sana pahinga ko at hindi ako nagkanda-utang utang ng pamasahe.
“Ang wallet ko!” I heard him hissed.
“Nagmamadali? May pupuntahan?” nang-aasar pa niyang tugon habang dinudukot sa bulsa ang wallet ko.
“Oh, ayan na. Akala mo naman kukunin ko ang laman niyan,” depensa niya. Marahas ko itong hinablot mula sa kanya at binuksan pa.
“Kinuha mo na nga ang contact number, e?” naiirita kong giit kaya napangiwi naman siya.
“Asa ka namang na-save ko ‘yon, noh.”
“Epal,” sambit ko na lamang at akma nang tatayo nang hawakan naman niya ang braso ko para pigilan.
“Saan ka naman pupunta?”
“Aalis na. Hindi ba obvious? Marami pa akong raket,” pambabara ko pero mas hinigpitan niya ang hawak.
“Ano ba?”
“Hindi lang naman dahil sa wallet mo kaya kita gustong makita ngayon,” paliwanag niya dahilan para makunot ang noo ko.
Eury, huwag kang assuming. Halos ipilig ko ang ulo ko dahil sa mga ideyang naglalaro sa aking utak.
“Para saan ba?”
“Hello, Eury and Jayzee!”
Sa puntong iyon ay kapwa kami napatingin sa bagong dating. Noon ko lang napagtanto kung bakit rito sa coffee shop niya napiling mag-usap at kung bakit may tatlong tasa ng kape na inorder niya.
Narito pala si boss.
Otomatiko kong iwinakli ang kamay niyang nakahawak sa akin at napaupo muli. Sinalubong kami ng as usual na ngiti ng boss o ng publisher namin.
“It’s nice to see you hanging out together. Mas magiging effective talaga ang collaboration na naiisip ko para sa inyong dalawa,” masaya nitong bati sa amin kaya nanlaki ang mga mata ko.
Collaboration, what?!
Nang magkakaharap na kami’y saka lamang muli siyang nagsalita.
“In order for Jayzee Liwanag to be part of our exclusive fam, he needs to prove that he’s really deserving in all aspect. That’s why I decided to ask him for a collaboration with you,” nakangiti pa ring paliwanag ni boss. Sa edad niyang mid 30’s ay napakaganda pa rin niyang tingnan.
Pero teka, ano bang collab itong sinasabi niya? Hindi ko gets.
“Eury? Eury? Are you listening?”
I came back to my senses when she snapped her fingers infront of me. Napakamot ako sa ulo.
“Yes po. Ano po bang collaboration?” tanong ko na lamang kahit hindi ko naman talaga narinig ang mga nauna niyang sinabi. Si Jayzee naman ay panay lamang ang higop ng kape sa tapat ko.
“You’re gonna work with only one story together! A collab between you and Jayzee! Oh my G! Hindi na ako makapaghintay na mabasa kung ano pa ang mga ibubuga ninyo!” palatak ni boss. Halos mapanganga ako. Hindi nagulat ang mokong sa announcement ni boss. Ibig sabihin, alam na niya ito bago ko pa malaman.
Umawang ang bibig ko para magsalita pero hindi ko mahagilap ang mga sasabihin ko.
“I’m sure matutuwa ang mga fans n’yo kapag nalaman nila ito. Mawawala ang iringan sa pagitan ng readers mo Eury at readers nitong si Jayzee. Because I am really 100 percent sure na sure, magkakaisa sila na suportahan ang collaboration story n’yo!”
“Teka. Sandali lang ho, you mean we’re gonna share the same story?”
“Exactly!”
I almost fell off from my seat. Hindi na ako nakapaghintay pa’t lumagok na rin ng kape. Nauuhaw ako bigla.
“This will be your greatest break guys. Kaya may tiwala akong matatapos ninyo ito nang maayos. I’m giving you the contract later via email. O sige, mauna na ako. I have something to accomplish pa for this coming book caravan. Pag-isipan ninyong mabuti, ah. Bye!”
Matapos magpalaam sa aming dalawa, dali-dali na itong tumalilis palabas ng coffee shop at iniwan kami na nakatulala.
“So what now?” I blurted out.
“I don’t know,” tipid niyang sagot. Napataas ang kilay ko.
“Gusto mo bang makipagcollab sa akin o ano?” tanong ko pa. Kung ako ang tatanungin, ayoko rin naman magkipagcollab sa kanya. Mas gusto ko pang magsulat mag-isa dahil solo ko ang plot, ang twist, hawak ko pa ang oras kung kailan ko gustong mag-update.
And truth to be told, hindi pa ako nakipag-collab ni isang beses sa mga co-authors ko. Kung tatanggapin ko ‘to, it will be my very first time.
At sa taong hindi ko pa masyado ka-vibe. This will be challenging if ever.
Umayos muna siya ng upo bago sumagot.
“If I would to decide, I’ll write with you. Baka makapag-explore pa ako ng ibang genre sa tulong mo,” makahulugan niyang sagot. Napailing ako na parang hindi kumbinsido sa sagot niya.
“Wala kang ibang matututunan sa akin kundi ang pumatay ng mga characters. Now, tell me if you still want to work with me,” hamon ko habang nakangisi.
“Then, good. I’ll teach you how to write love stories too para naman malagyan ng kaunting romansa iyang pagkatao mo,” panghahamon rin niya kaya napangiwi ako.
“Yuck. That will never happen.”
We both laugh with our own thoughts.
“Payag ka ba?” Siya naman itong nagtanong. Napatitig ako sa kanya at pinaglaruan ang tasa na wala nang laman.
“Pag-iisipan ko pa,” sagot ko na lamang dahil hindi pa ako sigurado. Ngayon lang kasi ako susubok sa ganito. Ayoko namang madisappoint ang boss namin dahil lang sa taas ng pride ko. Pero hindi talaga ako mahilig sa collab. Paano ba ito?
Napabuntong-hininga ako matapos humiga sa kama. Nakatitig lang ako sa kisame, naghahanap ng sagot kung ano bang dapat kung gawin.
Should I give myself a chance to explore another genre? O I’ll just stay inside my comfort zone?
“Why I am making this so hard?” Halos kausapin ko na ang sarili ko.
Sa isang iglap ay napatitig ako sa picture frame na nakapatong sa bedside table ko.
Nakangiti siya roon. Parang sinasabing magagawa ko ‘to.
Kumirot ang puso ko. Bumangon ako at itinago ang picture frame.
Bakit ba kasi napakahilig kong magdisplay ng mga bagay mula sa nakaraan? Bakit kasi hindi ko na lang iyon itapon, no? Mas lalo tuloy akong naguluhan.
***
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top