CHAPTER 3
CHAPTER 3
AFTER the Mang Inasal celebration, nagkayayaan na umuwi ang bawat isa sa amin dahil sa sobrang pagod. It’s the reason why after opening my apartment’s door, I automatically lay my body in the soft bed. Paulit-ulit akong napabuntong-hininga habang nakatitig lang sa blankong kisame. Tila naghihintay ng sagot sa mga katanungang gabi-gabi ko na lang naiisip. Kailan kaya titigil ang utak ko sa pag-o-overthink? Kailan kaya ako makakatulog nang mahimbing sa gabi na walang iniisip? Ganito ata talaga kapag writer ka. Mga out of the blue thoughts and impossible scenarios ang nagsisilbing pills mo para makatulog, or hindi makatulog. Depende sa utak mayroon ka.
Muli akong napapikit nang marinig ko ang sunod-sunod na pagtunog ng aking cellphone. Doon ko lamang narealize na nakabukas nga pala ang mobile data ko kanina pa kaya sunod-sunod rin ang notifications ko. Sureness namang mula ito sa mga kasamahan kong authors o hindi kaya ay sa mga readers na nakasalamuha ko kanina sa booksigning.
Hindi katagalan, binuksan ko ang ilan rito. Ngunit isang notification lamang ang nakaagaw ng pansin sa akin. Ang notification ko sa wattpad kung saan nakasulat ang isang kakaibang username.
You have a new follower: JZeeLight!
Napakunot ang noo ko kaya ito ang una kong pinindot. Dumako ang pang-i-stalk ko sa profile niya. Hanggang sa mapanganga na lamang ako nang makita ang mga naroon. He has 2.1 million followers, 8 works and has wattpad badge. His works’ votes and reads range between hundreds to millions. I almost fell from my bed.
Nakakapanliit at the same time napatanong ako bigla sa sarili ko. I can’t help but to compare his achievements from mine. I have only 1.5 million followers though medyo hindi kami nagkakatalo sa paramihan ng reads at votes. Ang kaibahan nga lang, I already have 30 plus works in wattpad and I’m bragging that, of course.
Napangiwi ako. Ano ba itong mga naiisip ko? Hindi ko naman kailangan icompare ang sarili ko sa iba. Pinitik ko ang noo ko.
No wonder, Jayzee Liwanag is a famous jerk kanina.
Matagal kong pinakatitigan ang notification dahil hindi ako makapaniwalang nahanap agad niya ang account ko. I, then smirk of the thought that I won’t follow him back because that’s what I’m gonna do.
I don’t do follow back unless I stan you and already read your works. And in his case, kanina ko lang naman siya nakilala at hindi ko nga alam na nag-eexist pala siya.
Muli kong ini-off ang notification ngunit sa kasamaang palad, may isa pang nakapagpasira ng gabi ko. Isa itong picture na sinadyang i-send ni Irish sa messenger. It’s me and Jayzee sitting next to each other in the booksigning.
You two look cute together. I ship you na, guys. Wawawaeee! HAHAHA!
“Ewness, gross,” I mumbled and brutally throw my phone at the bed.
“Argh! Why did you even came into my fucking life?” reklamo ko kahit hindi ko naman alam kung sinong tinutukoy ko. Nababaliw na ata talaga ako. Muli akong napapikit para matulog dahil sa sobrang pagod.
“Good morning, Eurydice! Himala! Hindi ka late ngayon!” bati ni Arian nang makapasok ako ng office. Tinaasan ko siya ng kilay at dire-diretsong naglakad papunta sa cubicle ko. Labag nga sa loob kong pumasok nang maaga ngayon. Ang layo kaya ng biyahe mula Laguna hanggang rito! Peste.
“By the way, salamat sa follow, Jayzee! Grabe, milyones na rin naman pala ang followers mo, e. Idol!” puri naman ng isa kong co-author na si Ryan. Nagpantig ang tenga ko at nadako ang tingin kay Jayzee na tahimik lamang na nagtitipa sa sulok ng opisina.
“Welcome. Salamat rin sa follow back,” sagot nito na medyo nilakasan pa ang boses. Halos masamid naman ako nang humigop ako sa kapeng bitbit ko pa hanggang rito sa trabaho.
Narinig ko silang nagkukwentuhan pero ako ata itong lutang pa dahil sa biyahe na hindi man lang nakipag-usap sa kanila at sa halip ay binuksan na ang PC ko para makapagtrabaho agad.
Bukod sa pagiging author, isa rin akong editor. I always do my best to edit manuscripts para naman kapag nai-publish, walang masabi ang mga mambabasa ng libro sa quality nito.
Mayamaya ay napansin ko ang pananahimik ng mga workmates ko. Mukhang busy na rin sila sa pagtatrabaho. Hindi ko maiwasang mapalingon sa katabihan ko lang na cubicle kung saan naroon ang nakabusangot na mukha ni Jayzee. At pinagtapat pa talaga kami ng tadhana, hano?
Ewan ko ba. Sa tuwing mapapasulyap ako sa kanya, nakakaramdam ako ng pagkaasar sa hindi malamang dahilan. Naaalala ko pa lang ang kagaguhang ginawa niya sa akin sa bus, gusto ko na siyang patalsikin agad rito.
Ugh, kairita.
“Oh, tinitingin-tingin mo d’yan?” I snapped back to reality when I notice that he’s now glaring at me too. Napataas ang kilay ko nang itaas niya rin ang cup ng kape niyang mula pa sa starbucks. Yayamanin talaga ang gago.
“Gusto mo? Luhh, asa ka eh?!” bulalas niya.
Mas naguluhan ako sa inaakto niya. Kanina lang e nakabusangot siya. Ngayon naman nababaliw na.
“Ugh, kairita!” segundo naman ni Irish na nag-inat-inat pa ng braso.
“Papasok ba si Boss?” gatong ni Haide at inikot pa ang swivel chair niya.
“May submission ba ngayon?” tanong ni Arian.
“Manuscript na naman?” reklamo ni Pranz.
“Ugh kairita!”
“Sinong may kape riyan?”
“Ah, wala.”
“Boss, masakit po ang ulo ko. Na-overdose po ata ako ng sandamakmak na manuscripts na sini-send ng mga clients ko!”
“Po? Totoo nga po!”
“Po? Salamat, master!”
Sa isang iglap, napuno ang opisina ng tawanan at kulitan nila. Ako naman, nanatili sa kinauupuan habang pinagmamasdan sila. Napatingin sa akin si Irish na halos maiyak na sa kakatawa.
“Hoy, Eury. Don’t tell me hindi ka maka-relate sa mga pinagsasabi namin?” nakangiwi niyang komento. Napakagat-labi ako.
“So, guys. Do you even tried to eat breakfast? Baka napasmado lang kayo,” sagot ko kaya mas naghagalpakan rin sila. Even Jayzee who’s silent and in a beast mode for a while, laugh with them too.
Ako lang ata ang pinaka-slow sa grupong ito.
“Eury, try to install tiktok app in your cellphone or just browse in your Facebook’s newsfeed. Napag-iiwanan ka na sa trend, e,” kakamot-kamot sa ulo na sambit ni Haide. Mas nagtawanan sila.
Napangiwi ako.
“I have no social media apps aside from messenger and wattpad,” pag-amin ko dahilan para mas mapangiwi silang lahat. Nagsasabi naman ako ng totoo. Kaya nga hindi ko na alam ang mga nangyayari sa mundo ng Facebook at Twitter or Instagram dahil uninstall na ang mga iyon sa phone ko.
I have decided to delete them for the better since we splitted up years ago to focus on myself first. And it worked.
“What?” iritado kong tanong kay Jayzee na kanina pa pala nakatitig sa akin.
“Tao ka ba?” tanong niya pabalik kaya mas sinamaan ko siya ng tingin.
***
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top