CHAPTER 19
CHAPTER 19
“MADALING araw ka na raw umuwi sa apartment mo?” usisa ni Irish at inilapag sa ibabaw ng table ko ang mainit-init at umuusok-usok pang kape. Tiningnan ko siya gamit ang namumungay na mga mata.
“Sinong nagsabi?”
“Si Rhem sino pa ba?” Humalukipkip siya at naningkit ang mga mata. Nasapo ko na lamang ang ulo kong sumasakit dahil kulang sa tulog. Si Rhem nga pala ang huli kong kapalitan ng message bago ako makarating ng apartment ko.
“Anong nangyari sa ‘yo? Saan ka naglagi?” Para siyang nanay kung magtanong.
“Don’t worry. She’s with me,” singit ng kadarating lamang na si Jayzee. Malaki rin ang eyebags nito bitbit ang laptop niya. Napaiwas ako ng tingin.
“Magkasama kayo?” Mas naningkit ang mga mata ni Irish. Napahilamos na lang ako sa mukha ko.
“Oh my gosh!” she exclaimed. “My ship is sailing!”
“C’mon, Irish. It’s not what you think. We just finished some chapters of the collaboration,” giit ko pero wala na ata siyang balak makinig pa sa mga dahilan ko.
“Nako naman. Pinupusta ko ‘tong mahahabang kuko ni Haide sa daliri, kapag may nabuong feelings sa dalawang ‘yan, papuputol ko ‘to!” bwelta ni Arian kaya sinapak siya ni Haide.
“Siraulo ka! Pero sige! Go rin ako!” natutuwa nitong sagot kaya halos hindi na maipinta ang pagmumukha ko. Napasulyap ako kay Jayzee. Hindi siya mapakali at hindi makatingin sa akin kahit parang gusto niya akong i-approach tungkol sa kwentong sinusulat namin.
Peste talaga.
“Tingin mo anong magandang suotin ko?” Narinig kong nag-uusap na sina Haide at Pranz matapos kaming asarin kanina lamang.
Hindi ko tuloy mapigilang mapalingon. May event ata silang pupuntahan.
“Baka gusto mong magsuot ng heels at gown kasi malay mo, may magpapirma ng marriage contract?” pang-aasar naman ni Arian kaya hindi ko mapigilang mapatawa.
“Ikaw, Eury? Handa na ba ang OOTD mo for the last week of this month?” tanong ni Irish. Napatigil ako sa pagtipa at napataas ang kilay.
“Anong meron?”
“Summer fiesta. Di mo naalala? Balak nga sana ni boss na irelease ang book n’yo ni Jayzee before the event kaso hindi ata aabot,” si Haide na ang sumagot. Muntik ko nang malimutan ang event na ‘yon. Kasama nga pala kami sa gaganaping booksigning. Mukhang magiging abala na naman kami sa mga paparating na linggo.
“Sana naman hindi na late ang isa d’yan,” pagpaparinig ni Arian.
“Sus, di na yan. May kasabay na bumiyahe, e.” Lahat sila ay napatingin kay Jayzee. “Ay, sorry, pasmado.”
Nahilot ko na lamang ang sintido ko nang di oras.
Pagkatapos ng trabaho ay nagpasya akong dumaan sa bookstore para bumili ng mga bagong libro. Halos lahat kasi ng nabili ko noong MIBF ay nabasa ko na. Nagbabasa pa rin naman ako ng katha ng iba kahit pa maging ako’y kumakatha na rin. Naniniwala rin akong mas marami ka pang matututunan sa pagsusulat kapag nagbasa ka.
Dire-diretso akong pumasok ng NBS. Halos mapangiti pa ako dahil agad bumungad sa akin ang nakangiting mukha ng cashier. Mukhang nakilala agad niya ako. May narinig rin akong nagbubulungan sa bandang gilid ko habang may hawak na libro.
“Hala, ‘di ba siya ‘yung author noon? Oh my gosh!” Napaiwas ako ng tingin. Nakakailang talaga kapag ganito. Hindi pa rin ako masanay.
Agad akong tumalikod at nagsuot ng facemask dahil hindi talaga ako sanay sa exposure. Dumako na ako shelf ng mga libro. Mas lumapad ang ngisi ko nang makita ko ang ilang published kong mga libro. Nakahilera sila at nakasalansan. Sealed pa nga ang iba. Nakakatuwang makita na naisalibro na ang mga gawa mo.
Isa ito sa kasiyahan ng mga manunulat na gaya ko. Ang maamoy, mahawakan at makitang hawak ng iba ang kwentong matagal mong pinagpuyatan. Parang dati, pangarap ko lang na magkaroon ng sariling libro at pilahan ng mga mambabasa. Ngayon, nararanasan ko na at masasabi kong napaka-worth it ng lahat ng paghihirap ko.
Nagningning naman ang mga mata ko dahil nakita ko sa bandang sulok ang English novel na matagal ko nang hinahanap. Walang iba kundi ang The ShoeMaker’s Wife ni Adriana Trigiani.
“Gotcha,” I mumbled. Agad ko siyang hinablot para dalhin na sa counter kaso narealize kong bibili nga rin pala ako ng bagong ballpen para gamitin sa pagpirma ng libro. I am an avid fan of G-tec 0.4.
Kakamot-kamot akong napangiwi dahil sa second floor nga pala nitong bookstore ang mga section ng mga school supplies. Wala akong choice kundi ang umakyat pa.
“G-Tec and sticky notes,” sambit ko sa sarili. Nag-window shopping na rin ako ng ibang mga attractive na notebooks dahil 60% off nga pala sila ngayon. Baka sakaling may iba pa akong magustuhan.
Nasa punto ako ng buhay ko na hindi ako tumitingin sa dinaraanan kaya hindi ko namalayang may makakasalubong pala ako. Nalaglag ang mga school supplies na bitbit ko at tumilapon ang librong pinakamamahal ko.
“Fudge. I’m sorry,” hingi kong paumanhin kahit hindi ko pa tinitingnan kung sino ba itong nakabunggo ko. Agad akong lumuhod para pulutin ang mga gamit. Maging siya rin ay naramdaman kong tinulungan na ako sa pagpulot. Pati kasi mga gamit niya’y nalaglag rin.
Nakakahiya! Pakshet!
Natigil ako sa pagpulot ng mga gamit nang mahawakan ang isang pamilyar na brand ng lapis. Nanlaki ang mga mata ko. Wala naman akong gamit na ganito. Engineering student pa nga ata itong nakabunggo ko dahil may sketchpad pa akong pinulot para sa kanya.
“Sorry po talaga! Sa inyo po ba---”
Napalunok ako at hindi na naituloy ang sasabihin. Iaabot ko na sana sa lalaking nakabunggo ko ang kanyang sketchpad at lapis nang makita ko kung sino siya.
Umawang ang bibig ko. Hindi pa ako makapagsalita. Nakatingin rin siya sa akin habang hawak naman ang librong bibilhin ko sana.
Parang gusto kong maiyak. Pinakiramdaman kong mabuti ang sarili ko, ang nararamdaman ko. Kumikirot. Pumipintig. Nanginginig ang mga kamay ko.
“Eury?” Bigla siyang nagsalita dahilan para mapagtanto kong siya nga itong kaharap ko.
He’s now too far from the guy I’ve met years ago. The guy who left me to chase the man he want to become.
Pinigilan kong maiyak. Hindi ito ang tamang oras.
Bumabalik lahat ng sakit. Ang ngiting iyon. Ayoko na. Hindi ko na kinakaya. Mas nasasaktan ulit ako. Napakasakit pa rin. Sa dami ng taong makakabangga ko, bakit siya pa?
Sa pagkakaalam ko pumunta lang ako rito para bumili ng mga gamit. Pero bakit parang sinisingil pa rin ako ng nakaraan?
***
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top