CHAPTER 14
CHAPTER 14
“HOY? Kanina ka pa tulala!” Binato ako ni Irish ng isang plastic na marshmallow kaya nabalik ako sa reyalidad. Dahil gutom na rin ako, agad ko itong binuksan at sumubo ng tatlong piraso. Pinagkasya ko talaga ito sa bunganga ko at pinaikot-ikot ang swivel chair.
After two days, back to work agad.
Nadako ang tingin ko sa bakanteng upuan ni Jayzee. Absent siya ngayon. Mukhang alam ko na ang dahilan.
“Bakit absent ang jowa mo?” tanong ni Arian dahilan para mabulunan ako ng marshmallows. Halos suntukin ko ang dibdib at napaubo.
“Hoy, tubig!” sigaw ni Haide. Si Irish na mismo ang nag-abot sa akin ng bottled water. Walang paligoy-ligoy ko itong ininom bago sila samaan ng tingin.
“Tinatanong ka lang, nabilaukan ka na agad. Hay naku, Eury!” natatawang sambit ni Haide at umiling-iling.
“Is there something going on between you and him? Oh my gosh! You’ll be a big scoop here in Wattpad!” Irish exclaimed. Nakipag-apir naman si Haide kay Arian.
“Nako, talaga. Kapag nagkataon, mag-iingay ang fans nitong si Jayzee kasi mate-taken ang asawa kuno raw nila,” sabat ni Pranz na busy sa harap ng computer. Gusto ko nang masuka sa mga sinasabi nila.
“Ba’t hindi nga pala pumasok iyon?” tukoy nila kay Jayzee. Hindi ako sumagot.
Siguro’y hindi pa magaling ang sugat niya sa mukha hanggang ngayon. Balita ko kasi namamaga raw. Nakakaramdam na naman ako ng guilt dahil roon.
“By the way, kumusta naman ang collaboration n’yo? Umuusad naman ba?” usisa ni Irish.
“Yes,” diretso kong sagot. Nasa chapter 7 na nga kami kung hindi lang pabitin-bitin ang update. Medyo busy kasi nitong mga nakaraang araw.
“Naks naman. Hindi lumulubog ang barko ng shippers! Eury-Jayzee lang malakas!” ani Arian at sumuntok pa sa ere na parang tanga.
“Magtigil ka nga!” naiirita kong sigaw at siya naman ang binato ng isang rolyo ng tissue. Kairita!
Nakarinig ako ng malakas na tawanan at sa puntong iyon ay napansin ko rin ang biglaan nilang pagtigil sa kakatawa nang dire-diretsong pumasok sa office si Jayzee na may benda na ang ulo at may band-aid pa rin sa bandang ilong maging sa kanyang pisngi.
Napaiwas ako ng tingin sa sobrang guilty.
“Brad, anong nangyare sa ‘yo?” nakangiwing tanong ni Pranz at sinundan ito ng tingin.
Hindi sumagot sa Jayzee bagkus ay ngumisi lamang ito.
“Wala ‘to. Malayo naman sa bituka, e,” aniya sabay sulyap sa direksyon ko.
Parang gusto ko na lang lamunin ng semento dahil sa hiya. Alam kong kasalanan ko kung bakit ganyan ang hitsura niya ngayon.
“Saan ka ba nakakita ng writer na, boksingero pa! Si Jayzee lang sakalam!” sigaw pa ni Arian. Otomatikong nag-landing sa kanya ang flying rolyo ng tissue na mula naman kay Irish.
“Napaka-jeje mo talagang unggoy ka!”
Napuno ng asaran at tawanan ang apat na sulok ng opisina. Lahat ay nakikipagkulitan maliban sa amin ni Jayzee na kapwa tahimik.
“Here.” Matapos makalabas ang mga ka-workmates ko ay lumapit ako sa upuan niya at iniabot ang isang botelya ng alcohol at bulak. Tinitigan lamang niya ito imbes na abutin.
“Papatayin mo na naman ba ako sa sakit?” naiinis niyang tanong. Bumuga ako ng hangin.
“I’m just helping you to ease the pain. Mas sasakit iyan kapag hindi nagamot,” giit ko. Nagpatuloy siya sa pagtipa.
“Sana nga ganoon kadali mag-relieve ng pain,” makahulugan niyang sagot pero hindi ko na iyon pinansin.
“What about the update for the collab?”
“Let’s make it for only 25 chapters. Baka ma-boring ang readers sa pagbabasa kapag masyadong mahaba,” paliwanag niya. Napatango lamang ako.
“Okay, be it.”
“One more thing,” pahabol niya nang akma na akong tatayo at babalik sa cubicle ko.
“What?”
“Ikaw doon sa romantic scene.”
“Say what?!”
He just shrugged his shoulder.
“Explore other genre aside from killing your characters.”
Fuck!
Kanina pa ako nakatunganga rito sa harap ng laptop ko at wala ni isang salita ang pumapasok sa utak. Nasapo ko na lamang ang ulo ko. Nakailang tasa na rin ako ng kape kaya hindi ako dinadalaw ng antok ngayon.
Instead of forcing my memory to think of a scenario I could insert in the chapter I am writing, I automatically lay in bed and sigh multiple times.
“Eury, Eury.” I almost talk to myself. Hindi pa naman ako nababaliw. Minsan ganito lang talaga ako lalo na at mag-isa ako rito sa apartment.
I grab my phone when I heard its vibration. Jayzee’s name pops out of my screen.
Hey, still up?
Hell, yeah. Our boss already gave deadline for our collab manus. Sinong makakatulog nito, ha?
Oo nga. Na-receive ko na. Anong plano?
Ang plano ay ikaw na lang ang gumawa noong romantic chapter dahil hindi ko talaga feel. Tapos patayin natin iyong leading man sa ending. Okay lang?
Eury, that’s not gonna happen.
But I insist.
Ayoko nang makipagtalo pa sa phone pero iyon lang ang naiisip kong paraan. Ayoko sa happy ending. Gusto ko laging may iiyak sa wakas ng kwentong isinusulat ko. Until this writer came and ruin my dream plot twist.
Hindi na ako nakatanggap pa ng reply mula sa kanya pero phone call na ang sumunod rito. I have no choice but to answer it.
“Seems like you should know how to be romantic. Ikaw ang dapat sumulat niyan. Bahala ka sa buhay mo.” Rinig ko sa kabilang linya.
“Anong gusto mo? Maging sabaw ang bawat chapter dahil ako ang susulat nito? Bakit kasi kailangang may kissing scene?” naiirita kong bwelta.
“Para kiligin naman ang readers at ma-inlove. Hindi gaya ng mga sinusulat mo, kinikilig nga pero sa takot naman.”
“This is not a joke. We need to finish this novel as soon as possible.”
“Pero ang sabi nila, ang magandang akda, dapat hindi minamadali.”
“Ay ewan ko sa ‘yo. Bye!”
Binabaan ko siya ng tawag at bumangon muli. Napatingin ako sa wall clock. Pasado alas dos na ng madaling araw. Mabuti na lamang at wala muling pasok bukas kaya okay lang ang pagpupuyat ko.
Muli kong binalikan ang MS word na inabandona ko kanina lamang at tulad ng inaasahan, wala pa ring laman. Pati utak ko ata nawala na rin. Pigang-piga na para sa gabing ito kaya nagpasya akong huwag na muna ituloy ang pagsusulat.
Sa hindi malamang dahilan, nagtungo ako sa isa pang folder kung saan naglalaman iyon ng random photos of me and someone.
There, I browse the memories and my heart aches again.
***
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top