CHAPTER 13
CHAPTER 13
“GET away from me!” sigaw ko nang hablutin ng isang lalaki ang braso ko. Nagpalinga-linga ako sa paligid at sobrang dilim na. Wala akong matanaw ni isang streetlights sa parteng ito. Hindi ko na rin mahagilap ng paningin si Jayzee. Bigla akong tinamaan ng kaba.
Agad kong pinasadahan ng tingin ang lalaking mahigpit akong hawak ngayon. Balbas-sarado ito at mukhang adik. Nangangamoy alak rin siya. Gusto kong maiyak sa takot pero nagsumigaw na lamang ako.
“Help!” sigaw ko pa.
“Huwag ka nang maingay, Miss. Pakakawalan rin naman kita pagkatapos mong pumayag, e.”
Halos maduwal ako nang malanghap ang kanyang hininga. Amoy alak na nga, amoy bugok na itlog pa ang hinayupak!
Nasa ganoong sitwasyon ako nang bigla na lamang dumapo sa mukha ng lalaki ang isang kamao. Tumba agad iyong adik sa paanan ko. Nakita ko si Jayzee na hindi maipinta ang mukha sa harapan nito.
“Fudge! Tumakbo na tayo!” Imbes na magpasalamat, hinatak ko na muna si Jayzee palayo sa tumatayo nang lalaki pero hindi siya nagpaawat. Iwinakli niya ang kamay ko at sinalakay naman ang adik.
Nagpambuno silang dalawa sa harapan ko. Halos mapaigtad ako at mapaatras dahil wala man lang akong magawa para awatin sila. Pero bakit ko nga ba aawatin? Deserve naman nitong adik na mabugbog nang tuluyan.
“Jayzee!” sigaw ko matapos na siya naman ang udayan nito ng suntok. Paulit-ulit ito. Si Jayzee naman ang bugbog-sarado ngayon.
Hindi na ako nakapagtimpi at sinugod na ang adik na patawa-tawa dahil nagagapi na niya ang kalaban. Nanggigigil kong pinulot ang isang dos por dos na nasa gilid lamang ng kalsada at pinupok ito sa likod ng ulo ng lalaki.
Hindi ko alam kung nakatulong ako o nakadisgrasya pero ayos lang makakita siya ng stars kesa naman kami ang maagrabyado. Lugmok na nakatulog ang lalaking lasing sa tabi ni Jayzee. Halos hindi na ito gumagalaw. Tinulungan ko namang makatayo itong isa.
“Tara na!” Siya na mismo ang humatak sa akin palayo kahit pasuray-suray pa. Napatigil ako saglit.
“Ano na naman?” naaasar niyang tanong.
“Did I kill him?” naiiyak kong sambit bago sumulyap sa lalaking nakabulagta sa kalsada.
“Hindi. Dinepensahan mo lang ang sarili mo,” aniya pagkuwa’y bumalik para sipain naman sa tagiliran ang adik. Umungol ito dahil sa sakit ng pagkasipa niya. Ibig sabihin, hindi pa siya patay dahil nakakaramdam pa siya. Nakahinga ako nang maluwag roon.
“Here’s the change, Ma’am!”
“Thanks!” Agad kong ibinulsa ang sukli at lumabas na ng pharmacy. Tumunog pa ang chain ng pintuan dahil sa biglaan kong pagkakabukas. Lumanghap muna ako ng malamig na hangin at napabuntong-hininga bago nagtungo sa lugar kung saan ko iniwan si Jayzee. Nagdesisyon kasi akong ako na lang ang gagamot sa mga sugat niya tutal ako rin naman ang may kasalanan kung bakit siya nalagay sa alanganin.
Napangiwi ako nang pasadahan ko siya ng tingin. Duguan siya at ang daming sugat sa kanyang mukha. Nakaramdam ako ng guilt sa hindi malamang dahilan.
“Tinitingin-tingin mo d’yan?” masungit niyang tanong at sinamaan ako ng tingin.
“Gusto mo?” alok ko ng bulak at alcohol.
Namutla siya bigla nang makita ang bitbit ko at dumistansya sa akin.
“What?”
“Ayoko. Masakit ‘yan,” tanggi niya dahilan para matawa ako. Para kasi siyang bata.
“Luhh? Paano magagamot ‘yan? Akin na nga!” Lumapit ako nang kaunti pero siya itong lumalayo na parang takot na takot. Napairap ako. Tangina talaga nito.
“Layuan mo nga ako! Kahit hindi ko ‘to ipagamot sa ‘yo, gwapo pa rin ako!”
“Nakukuha mo pang magbiro, e ang pangit mo na nga!”
Napangiwi siya. Bumuntong-hininga ako at napatingin sa kahabaan ng highway kung saan kami nakatambay. May mga bench naman kasi kaya ayos lang. Malamig rin ang simoy ng hangin dahil gabi na.
“I’m sorry. Pinahamak pa kita,” I apologized wholeheartedly. Nilaro-laro ko ang bulak at alcohol sa magkabila kong mga kamay.
I heard him sigh.
“Ayos lang. Sanay na akong makipagbugbugan. Pero at least ngayon, may dahilan naman,” sagot niya dahilan para manlaki ang mga mata ko.
Huwag niyang sabihin na ako ang dahilan?
Ang assuming, letche.
Hindi na lang ako umimik at lumapit muli sa kanya. This time, hindi na siya nagreklamo nang idampi ko ang bulak na may alcohol sa sugatan niyang pisngi. Napapangiwi siya sa tuwing ilalapat ko ito.
“Dahan-dahan naman! Gusto mo ata akong matorture sa sakit!” bulalas niya.
“Sorry, ha? Masakit naman talaga kahit anong pag-iingat ang gawin!” reklamo ko rin at mas diniinan ang bulak kaya siya itong sumigaw nang ubod-lakas.
“Eurydice!”
“Wala kang balak umuwi?” tanong ko sa kanya habang naglalakad-lakad kami. Mag-aalas diyes na kasi ng gabi at nakasanayan kong nasa apartment na ako ng ganitong oras.
Hindi ako nakarinig ng sagot mula sa kanya. Bagkus ay napalingon ako at nakita siyang nakatanaw sa isang coffee shop na bukas 24/7.
“Gusto mo magkape?” alok ko. Pampalubag-loob man lang dahil sa sugatan niyang pagmumukha. Walang emosyon siyang nakatitig sa loob ng transparent glass window ng shop. Pero mas nagulat ako nang makita kung sino ang tinitingnan niya kanina pa.
Isang lalaki at babae na masayang nagkukwentuhan. Nagtatawanan pa ito habang masayang umiinom ng inorder na kape. Sa hindi malamang dahilan, nakaramdam ako ng kakaiba.
Parang may something.
Nagpalipat-lipat ang tingin ko kay Jayzee at doon sa couple. Napansin ata noong babae na nakatingin kami sa direksyon nila kaya napalingon siya sa amin. Napawi ang ngiti nito nang matanaw si Jayzee.
Ngunit sa hindi inaasahan, agad rin itong nag-iwas ng tingin at nakipagkwentuhan muli sa kausap. Nakita ko kung paano maging malungkot ang mga mata nitong kasama ko.
And that’s when I already knew, there’s really something fishy between them. Past? History? That’s aches him very much, I guess.
“Are you okay?” He almost stumbled when he realized that I was still here beside him. He came back to reality.
“Y-yeah. Let’s go home,” aya niya at nauna nang maglakad. Bago ako tuluyang sumunod sa kanya, muli akong napasulyap sa babaeng nasa loob ng coffee shop na masayang nakikipagkwentuhan roon sa lalaki.
I can see that she’s really happy. How I miss to see myself smiling like that. Napangiti ako nang mapakla.
“Eury?” tawag ni Jayzee sa hindi kalayuan.
“Coming!” I shouted and run after him.
***
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top