Special Chapter

Nakatanaw sa malawak na dagat si MG. Malamig na simoy ng hangin ang sumasalubong sa kanya. Masaya siya dahil nakabuo na naman siya ng librong tatangkilikin ng marami. Tumunog naman ang phone niya na kaagad niyang sinagot.

"Hello?" sagot niya sa tawag.

["Hello? Ay! Good day Miss author. Gusto ko lang magpasalamat sa libro. Ayie!!!!! May pagkakabalahan na ako sa plane." Pasasalamat ni Artemis]

"I'm happy that you like it."

["Of course. Sa title palang niya na "I'm Inlove With My Gay Bestfriend". Sigurado akong bestseller na ang book mo." Tumili na naman ito. "Ay! Nasabi ko na nga pala sa kanila na kinuha mo ang concept sa life nila kaya wala ka nang problema."]

"Good."

["Salamat ulit. Sige. Au revoir, mon ami."]

"Au revoir, mon ami." pinatay na ang tawag.

*Note: Au revoir, mon ami (French) means "goodbye my friend."

Sa di kalayuan, nakita niyang nagpapahangin rin ang isang babae. Sa tingin pa lang niya ay may malalim itong iniisip. Si Storm Fortez.

Nang magsimula na siyang maglakad ay unti-unti na naman gumagana ang utak niya. Kinalikot naman niya ang phone niya at may tinawagan siya.

"I think I found a new one."

*WAKAS*

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top