Chapter 9
Hindi na nag-alang si Terence ng oras at pumunta siya sa club kinabukasan upang makiusap na ipasok siya ulit. Ngunit sa tingin niya ay nag-alangan ang may-ari sakanya. Nagpasalamat siya at tinanggap siya ulit ngunit hindi niya inaasahan na makita si Carlo roon. Agad naman siyang kinaladkad palayo roon pero nagpumiglas si Terence.
"Ano ba? Bitawan mo nga ako!"
Binitawan niya at humarap siya rito. "Anong ginagawa mo sa club na yun? 'Di ba sabi ko wag ka nang bumalik doon. Kung hindi pa tumawag si Reggie sa akin hindi ko malalaman na magtatrabaho ka na naman doon. Tell me, bakit ka bumalik doon?"
Umiwas naman ng tingin si Terence. "Nawalan ng trabaho ang ate ko sa ibang bansa. At kung makakahanap man siya ng trabaho hindi yun sapat para makabili kami ng gamot at check-up ni mama. Kailangan ko siyang tulungan."
"Eh kung gusto mo lang din namang magtrabaho sana ay doon sa may dangal. At saka binibigyan naman kita ng pera panggastos mo sa pag-aaral ha! Bakit kailangan mo pang pumasok ulit doon?!"
Hinarap niya ito. "Hindi naman palagi sayo ako nakadepende. Carlo, may anak ka ring pinag-aaral. Ayoko ko nang dagdagan ang mga iisipin mo."
"At ang pang-aaliw sa club na yun ang solusyon mo? Nababaliw ka na ba? At wag mong idahilan ang mga anak ko para hindi ka humingi ng tulong sa akin."
"Pwede bang hayaan mo na ako? Buhay ko 'to eh." umiwas siya ng tingin.
"Ah ganun? Nakikipag-away ka ngayon sa akin dahil gusto mo lang pumasok sa club na yun. Sige, pumasok ka ulit doon. Isipin mo kong anong mararamdaman ng ate mo lalo na ang mama mo kapag nalaman nila ang ginagawa mo."
Nilingon niya ito. "Bakit? Yun bang pagiging kabit ko ay may kaibahan sa pagtatrabaho ko sa club?"
Sinampal niya ito. "Naging tayo dahil gusto kong makatulong sayo. Sa pamilya mo. At kung hindi mo maintindihan then nasa sayo na yan. Deretsuhin mo nga ako. Gusto mo na bang maghiwalay tayo?"
"Isyu na naman ba yan sa atin? Mabuti pa ngang tapusin na natin 'to. Nakakapagod na eh." Naglakad na ito palayo kay Carlo.
Sumunod naman siya kay Terence. "Anong sabi mo? Nakikipaghiwalay ka na? Tapos ano, maghahanap ka ng ibang magbibigay sayo ng pera? Ganun ka ba talaga ha?"
Hinarap niya ito at dinuro. "Wag mo akong pagsabihan na para bang ang rumi-rumi ko."
"Bakit? Ganun naman ang gusto mo di ba?"
Kwenelyuhan niya ito. "Bawiin mo ang sinabi mo."
"Ano, sasaktan mo ako? Sige. Diyan ka naman magaling eh." Panghahamon ni Carlo.
Itinulak niya ito. "Mas mabuti pa ngang wala na tayong pakialaman sa buhay ng isa't isa. At kung tungkol sa pera ang iniisip mo, wag kang mag-alala. Babayaran ko yun ng paunti-unti. Hindi naman kasi ako kagaya ng ibang lalaki mo na tinatakbuhan ka kapag nagkapera na sila."
"Walang hiya ka talaga!" sinuntok-suntok niya ito sa dibdib habang naiiyak. "Katulad ka rin ng iba, walang isang salita!" sumbat niya rito.
"Pero hindi ako mukhang pera." naglakad na siya palayo.
"Sige! Maghiwalay na tayo. Pero itong tatandaan mo, babalik ka rin sa akin at magmamakaawa!"
Nilingon niya ito. "Hinding-hindi mangyayari yun."
Nagtuloy-tuloy lang si Terence sa paglalakad habang napasalampak naman sa daan ang umiiyak na si Carlo.
Kinabukasan....
School Campus
Walang enerheyang pumasok si November sa building nila. Hindi niya alam kung anong gagawin ng mama niya kung malaman nito ang tunay na pagkatao niya. Nagising na lang siya sa pag-iisip nang mapansin niyang may tinitignan ang mga tao. Nang lumingon siya ay hindi niya inaasahan ang transformation ng bestfriend niya.
"Anong nangyari sa kanya?"
Nang makalapit na ito sa kanya ay hinila niya ito sa medyo walang tao.
"Teka, November. Magdahan-dahan ka nga." Nagpupumiglas siya sa hawak ni November.
Tinignan niya ito mula ulo hanggang paa. "Anong nangyari sayo? Yang mukha mo at... yang damit mo. Magpo-prosti ka ba?"
"A-ano? Prosti? Ako? Hindi mo ba nagustuhan ang ayos ko?"
"Saang banda? May pinopormahan ka ba?"
"So, hindi mo nagustuhan ang ayos ko."
"Gaga! Bakit naman kasi ganyan ang ayos mo? Well, nagulat talaga ako sa transformation mo pero hindi naman ganyan an gang mga ayos mo. Ano ka? Nakidlatan?"
"Alam mo bang nag-ayos lang ako para sayo?"
"Ano? Why would you do that?"
"November, hindi ko alam kong nagbubulag-bulagan ka lang o sadyang manhid ka talaga."
"Ano..... bang pinagsasabi mo? Naku sis ah, kinakabahan ako diyan sa mga pinagsasabi mo." Biro niya.
"Novi...... mahal kita. Noon pa lang. At sobrang nasasaktan na ako sa ginagawa mo. Bakit hindi mo man lang makita ang effort ko sa pagpapansin sayo?" naiiyak niyang tanong.
Napanganga nalang si November sa confession ni Sky. "Sky...... hindi... hindi ko alam. Tsaka hindi pwede yang sinasabi mo. At alam mo kung bakit."
"Wala akong pakialam kong ano ka!"
"Sky! Nahihibang ka na ba? Hindi nga pwede dahil bakla ako. Babae ang puso ko at wala akong planong umibig sa isang babae."
Hindi nakapagsalita si Sky kaya tumakbo nalang siya hilam ang mga luha sa mata niya. Susundan sana ito ni November pero naisip niyang hayaan na muna ito.
Napansin naman sila ni Artemis at dali-dali niyang sinundan si Sky. Nilapitan niya ito saka niyakap.
"Sky......,"
"Bakit ganun? Bakit ang sakit-sakit?" napahagulgol nalang si Sky.
"Shh! Sige lang. Iiyak mo lang yan." Hinagod ni Artemis ang likod ni Sky at hinayaan lang itong umiyak.
Nang tumahan si Sky ay nag-aya naman siya na pumunta sila sa isang KTV bar. Hindi sana sasang-ayon si Artemis pero pumayag nalang siya at baka mapano pa ito kung wala itong kasama. Napapailing nalang si Artemis sa kaibigan.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top