Chapter 8
Santos Residence
Masayang-masaya si November ng makauwi sa kanila. Nagkatsansa kasi siyang makasama ang crush niyang si Terence. Makikita mo talaga sa mukha nito ang ngiti na kanina pa niya hindi maalis-alis. Ngunit nawala ang ngiti niya ng masilayan ang ang ina niya na hindi man lang maipinta ang mukha nito.
"Hi, ma." bumeso siya rito.
"Nasaan si April?" malamig na taong ng ina niya.
"Um, m-may ginagawa pa daw sila sa school—--,"
"Mama, I'm home ---- O? May problema ba?" bumeso sa ina.
"Saan ka galing? Bakit hindi kayo magkasama?"
"Eh sabi kasi ni kuya na ---," tinakpan ni November ang bibig nito.
"Busy po kasi kami sa thesis namin kaya hindi na kami nagsabay." Pagsisinungaling niya.
Nagpalipat-lipat naman ng tingin ito sa dalawang anak. "Pumasok ka muna sa kwarto. May pag-uusapan lang kami ng kuya mo." sumunod naman si April.
"Ano pong pag-uusapan natin, ma?" inilagay ang gamit sa table at umupo.
Naupo rin ito. "Ano 'tong nabasa kong message sa phone mo na may mga kaibigan kang bakla? Sino ang mga ito?"
"H-ha? Um, baka naman wrong sent?"
"Wrong sent? Pero nakalagay ang pangalan mo? Umamin ka nga saakin, bakla ka ba?"
"M-ma? H-hindi po. S-saan naman po kayo nakarinig niyan?"
"Hindi ko na kailangang marinig dahil nabasa ko na." ipinakita ang phone ni November.
"Bakit niyo kasi pinapakialaman ang gamit ko?" may inis na inigaw ang phone niya.
Napatayo ito. "So ako pa ngayon ang mali? Pinapatunayan mo lang talaga na bakla ka ganun? Akala ko ba matalino ka? Nag-iisip ka ba? Ano na lang ang sasabihin ng ibang tao? Na may bakla akong anak?"
Napatayo na rin si November. "Eh ano naman ang pakialam mo sa sasabihin ng iba?"
"Aba't----," nasampal niya ito. "Hindi mo alam kong anong kahihiyan ang idudulot nun sa akin kapag napatunayan ng mga tao na may akong bakla. Nakakahiya!" dinuro niya ito. "Itong tatandaan mo ha, kapag nalaman kong nakikipagkontak ka pa rin sa mga salot na yan, makikita mo talaga kong paano ako magalit. Wala akong anak na bakla kaya ayos-ayusin mo yang sarili mo ha? Maliwanag ba?" banta nito sa anak.
Napayuko nalang siya. "Y-yes ma."
"Magbihis ka na doon."
Nakayuko namang pumunta sa kwarto si November. Naupo nalang si Mia dahil parang tumaas na naman ang presyon niya. Hinilot-hilot naman niya ang kanyang sentido nang bigla nalang may nagtext. Unknown number ito.
[Unknown number: Nakita ko ang asawa mo. May kasamang iba sa isang restaurant.]
Magrereply na sana siya nang may nagbukas ng pinto at iniluwa ang asawa niya. Bigla nalang nalimutan ang text sa kanya.
"O? Ginabi ka na ata." inilapag ang phone niya sa mesa saka tumayo.
"Pasensya na hon. Medyo natagalan lang sa trabaho. Nag-overtime kasi kami para tapusin ang plano naming sa isang building." umupo ito at isinandal ang ulo sa sandalan.
"Mukhang pagod na pagod ka ha. Kumain ka na ba?" inasikaso niya ito.
Napatango habang napapikit ang mata. "Oo, tapos na hon."
"Siya nga pala, nag-usap kami ng panganay natin. Kinailangan kong pagsabihan dahil nakikipagkaibigan sa mga bakla. Ayoko namang maging bakla ang anak natin." Napaupo naman ng tuwid si Carlo at hinarap ang asawa.
"Hon naman. Bakit mo naman ginawa yun kay November? Tsaka nakikipagkaibigan lang naman siya."
Napatayo ito sa harap ni Carlo. "At papayag ka talaga na ganoon ang mangyayari? So ano 'to? Siya ang magpapauloy ng hindi mo nagawa noon? Ganun?"
"Hon..." napatayo narin siya at inalo niya ito.
"Siguro sasaya ka kong mapahiya man ang pamilya natin sa harap ng mga tao. Gusto mo akong mapahiya." Naiiyak na si Mia.
"Hay naku......" niyakap niya ito. "Nagdrama na naman ang asawa ko."
"Binobola mo na naman ako eh."
"Hindi ah. Uy! Ngingiti na yan." Tukso ni Carlo.
"He! Matulog na nga tayo." Nauna na itong pumunta sa kwarto.
Napailing nalang si Carlo habang napapangiti sa inasta ng asawa niya. Ilang sigundo ang lumipas ay bigla nalang may nagtext ulit kay Mia.
[Unknown number: Alam ko kung sino ito.]
Reyes Residence
Ngiting-ngiti si Terence habang pumapasok sa bahay nila. Lumabas na naman kasi silang dalawa ni Carlo kaya ganun nalang ang ngiti niya. Ngunit nawala ito nang makita niya kung sino ang nadatnan niya sa sala at nagkakape.
"A-ate Vidia.... Nandito ka na." gulat niya saka siya yumakap rito. Kumusta ka?" kumalas sa pagkakayakap saka sila umupo ulit.
"Oo nga eh. Tsaka maayos lang naman ako. Nasa kwarto mo na ang pasalubong ko sayo."
"Anong oras ka nakauwi? Si mama pala?"
"Mga hapon na ako nakarating rito. Tsaka pinatulog ko na rin siya at pinainom na rin ng gamot."
"B-bakit pala bigla kang napauwi rito? Nagkaproblema ba sa pinagtatrabahuan mo?"
"Hindi ko sinabi kay mama na nagsirado ang kompanyang pinagtatrabahuan ko doon. Ang sabi ko lang ay nangungulila na ako sa inyo dito. Ayokong mag-alala siya sa akin."
"P-paano na yan ngayon? K-kailangan ko bang huminto ng pag-aaral?" nag-aalalang tanong ni Terence.
"Hindi. Hindi ka hihinto sa pag-aaral. Maghahanap nalang siguro ako ng ibang trabaho dito at ibang raket para may panggastos tayo dito sa bahay at mga gamot ni mama."
"Pero ate... pwede naman akong magpart-time rin. Tulungan tayo."
"Paano ang pag-aaral mo? Hindi ka makakapagfocus kung magpapart-time job ka pa. Tulungan mo nalang ako kapag nakagraduate ka na. Tutal malapit na rin ang graduation mo. Ako nang bahala okay?"
"Ate, hindi pwede yang sinasabi mo. Ganito nalang, ako nang bahala sa pag-aaral ko, ikaw nang bahala kay mama. Then, hatian nalang tayo sa mga gastusin dito sa bahay."
"Pero Terence..."
"Ate, kailangan nating magtulungan. Kailangan natin ang isa't isa. Hindi yung ikaw lang yung aako sa lahat ng problema natin."
"Sige na nga. Kung mapilit ka talaga." hinawakan niya ang mukha ni Terence. "Maswerte ako dahil may kapatid akong tulad mo."
Niyakap nalang ni Terence ang kapatid niya. Alam niyang nalulungkot ito sa nangyari sa trabaho nito. Naisip niyang magtrabaho ulit sa club. Nakapangako man siya kay Carlo na hindi na siya babalik doon, pero kinakailangan talaga niya. Para sa mama nila.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top