Chapter 7
Belcancao (Four Seasons Hotel Macao)
Kakatapos lang ni Lucia sa pakikipag-usap sa isang kliyente niya. Nang makaalis na ang mga ito ay siya namang paglapit ni Maria sa mesa ni Lucia.
"Lucia? Ikaw nga." lumapit ito kay Lucia.
"Maria." tumayo ito at nakipagbeso. "Anong ginagawa mo dito sa Macau? Sandali. Waiter. Another glass of wine please. Thank you. So?"
"Well. Gaya mo, business rin ang pinunta ko dito. Nakipag-usap ako sa mga investors sa kabilang table kani-kanina lang."
"Oh? So, kumusta naman ang meeting mo with the investors?"
"Ayun, pumayag naman sila sa proposal ko. I did everything on my power mapapayag ko lang sila."
"Indeed. You're a businesswoman afterall. Bakit nga pala ikaw ang nag-aasikaso ng business niyo? Nasaan ang panganay mong si Ares?"
"Ayun, tinakbuhan ang responsibilidad niya at nakipagtanan sa babaing nakilala lang niya sa party. Mamimili na nga lang ng babae, yun pang hindi high class."
"Bakit hindi mo i-blackmail? Alam mo yung panganay ko rin, nagmahal rin yun ng isang lalaking maihrap pa sa daga. Gumawa ako ng paraan para maghiwalay sila at ayun natigil din siya sa kahibangan niya sa lalaking yun. Pero pinili pa rin niyang maging guro. Pinabayaan ko na lang kesa naman mapunta siya sa hampas-lupang yun."
"Salamat sa kwento mo. Sa tingin ko ay may naisip na akong paraan para maghiwalay yung dalawa. Bumalik man sa akin ang anak ko o hindi, at least napaghiwalay ko sila. Tsaka, si Apollo nalang ang pag-asa ko rito dahil siya nalang ang naiwang lalaki sa anak ko."
"Sa akin rin. Kay Skylee na rin ako nakaasa para may magpatuloy ng brewery business namin."
"Lucia, naisip ko lang. Makipagpartner kaya ako sayo. Yung bars and clubs' business ko ay kailangan ang brewery business mo. So I think, we can make our businesses more productive and famous."
"That's a nice idea. Pero sa business world, hindi pwedeng basta-basta ka lang makikipagdeal na walang kasiguraduhan."
"I know what you're thinking, Lucia. Simple lang naman ang solusyon diyan." She sip on her wine galss. "Marriage. Ipapakasal ang mga anak natin. Naalala ko kasi na plano ng mga asawa natin ang partnership sa business nila. Hindi nga natuloy dahil sa sudden death ng asawa mo. I think, ito na ang tamang panahon para maisakatuparan ang naudlot na plano ng mga asawa natin. Ano sa tingin mo?"
"Well, in that case, I'm in. Pero hindi ko maasahan ang panganay ko sa bagay na yan. Kaya si Skylee na lang ang ipapakasal ko sa anak mo."
"That's better. Si Apollo nalang din ang ipapakasal ko sa anak mo. Tutal, magkakilala naman silang dalawa. Wala na tayong problema doon. Malapit rin naman ang graduation ng mga bata. Pwede na nating simula ang mga preparasyon."
"Okay. It's settled then. Let's have a meeting when we get back to the Philippines. And tatawagan ko na rin ang best designer para sa wedding gown ng bunso ko. For the preparation of their upcoming wedding."
"Ako na lang ang bahala sa event organizer, foods at iba pa. Tutal naman, lalaki naman yung sa akin."
"Okay. Ako nalang din sa susuotin ng mga anak natin and the rest of the entourage."
"It settle then." itinaas ang glass. "Para sa partnership."
"Para sa partnership."
Pagkatapos nilang inumin ay sabay naman silang lumabas at sumakay sa kani-kanilang sasakyan. Habang sa byahe, hindi maiwasaan na mag-isip si Lucia ng napakaraming bagay upang maging successful lang ang merger na mangyayari. Gagawin talaga niya lahat, matuloy lang ang plano niya.
Nang makauwi na si Maria sa Pilipinas, agad niyang inasikaso ang preparasyon sa kasalang magaganap sa pagitan ng mga Fortez at Bernardo. Dahil na rin sa lawak ng preparasyon ay nakabalita na rin pati ang university na pinapasukan nila ni Sky at Apollo. Nang makita ni Sky si Apollo ay kaagad niya itong hinila patungo sa gilid ng gusali.
"Do you know about this?"
"What? No! Ngayon lang din ako nakabalita. Sh*t! I thought ibang Fortez ang ipapakasal sa akin."
"Ano nang gagawin natin ngayon? We need to stop this?"
"Bakit? Kaya mo? Kaya mo bang kalabanin ang mommy mo?"
"H-hindi."
"The same on me. Kung gusto mong hindi ito matuloy, you will do something. Hindi mo ako mapapapayag diyan." Umalis ito.
"H-ha? Wait...Apollo! Apollo!"
Naglakad nalang si Sky patungo sa classroom nila. Naupo siya sa upuan niya at binasa ulit ang article about sa engagement nila ni Apollo sa phone niya. Hindi niya alam kung anong gagawin niya upang makumbinse ang mommy niyang iatras ito. Lumapit naman si Artemis kay Sky at naupo sa tabi nito.
"So? Anong pinag-usapan ng kakambal ko?" untag ni Artemis.
"Alam kong alam mo ang pinag-usapan namin." Pagsusungit nito.
"Chill, girl. Nagtatanong lang. Sino ba naman ang hindi makakaalam kong inilagay na yata ang kasal niyong dalawa sa diyaryo at magasin na para bang wedding of the month. So, anong plano niyo?"
"Nag-iisip pa nga ako eh. Wala akong mapapala kay Apollo." tumayo ito at nagpalakad-lakad then humarap kay Artemis. "Artemis, tulungan mo naman ako oh!"
"How? Alangan namang ibala natin si November sa mommy mo at sasabihin mong 'Mom, I'm pregnant. At si Novi ang ama' ganun? And speaking of November, nakita ko sila kanina ni Terence na magkasama. Hindi mo naman sinabi sa akin na nagkakamabutihan na silang dalawa."
"Anong ibig mong sabihin?" nangunot ang noo nito.
"Sky, kahit kailan na hindi niyo matatago ni November yang sekreto niyo. I mean obvious naman na......" tumingin sa paligid. "gay siya." bulong niya.
"Bawiin mo yang sinabi mo!" sigaw niya rito.
Napatayo naman si Artemis. "O.M.G! Girl. Relax, okay? Hindi ako kalaban." hingang-malalim. "Ang ibig ko lang sabihin ay hindi mo naman pwedeng idahilan sa nanay mo yang pagmamahal mo kay November." Paliwanag niya habang paupo.
"So anong gagawin ko? Magpakasal ako kay Apollo? Ganun? I don't even find him handsome or cute." sarkastikong tanong ni Sky.
"Ouch ha! Kahit sadista ako sa kakambal kong yun mahal ko pa rin yun no. Grabe ka ha."
"Eh ano pa bang ibang sasabihin ko? I'm being hestirical right now dahil sa kasal-kasal na yan." naiiyak ito habang palakad-lakad sa harap ni Artemis. "Kailangan ko ng magandang plano para hindi matuloy ang binabalak ni mommy."
"Plano ba kamo? I think I have one."
"What is it? Siguraduhin mong gagana yan ha."
"Operation: Seducing Terence Reyes."
"What?! Bakit ko naman gagawin yan? At bakit nasali si Terence?"
"Girl, ang laking advantage ng paggamit mo kay Terence. Unang-una sa lahat, hindi na makakalapit ang my loves mong si November kay Terence kapag naging kayo. And second, sa case ng mommy mo. Pwede mo namang hingan ng tulong ang ate mo. Kung ipaghihiwalay kayo ni Terence. Alam ko namang matutulungan ka nun."
"Bakit mo naman nasabing matutulungan ako ni ate?"
"I... I just know. Basta, pag-isipan mo 'tong mabuti. Nakasalalay sayong kamay upang hindi matuloy ang kasal niyo ni Apollo."
"P-pero paano ko yan gagawin? Ayokong magpakasal but wala rin akong lakas para kalabanin si mommy."
"Eh sino ba ang no. 1 mong kakampi kung may problema ka sa nanay mo? Di ba ang ate mo? Ise-seduce mo lang naman si Terence para hindi na makalapit si November sa kanya. Kapag na-sure mo na na hindi na talaga sila nagkakasama then quit na. Kung mahal mo talaga si November, gagawa ka ng paraan upang walang makaharang sa pagmamahal mo sa kanya. Ikaw rin, magsisisi ka---"
"I'll do it."
"Ay! Ang dali naman. Hindi man lang pinalipas ang isang araw."
"Kailangan ko nang masagawa ang plano sa lalong medaling panahon. I think it's time para ipaglaban ko ang nararamdaman ko kay November."
"That's the spirit, girl! Kung gusto, maraming paraan. Pero, before mong i-seduce yang si Terence, kailangan mo muna ng kon...ting make-over."
"Ha? Bakit naman?"
"Wala ngang effect yang beauty mo kahit araw-araw tayong nagkikitang magkaklase, yan pa ang ibabala mo? That's a no no, girl."
"Ouch ha! Eh sa ganito na talaga ako noon pa."
"Eh di let's change your aura. Konti lang naman. Naniniguro lang tayo."
"Okay, fine. Kailan ba?"
"Now na! 'Di ba sabi mo nagmamadali ka. Eh 'di ngayon na."
"Tama ka. Tara na nga." kinuha ang bag saka sabay silang lumabas.
"Ay! Oo nga pala. May tatawagan pa ako. Mauna ka na ng konti. Promise, sandali lang 'to."
"Okay."
Nauna namang na maglakad si Sky. Sinigurado na muna ni Artemis na nakalayo na si Sky saka lang siya tumawag.
"Hey! Na-convince ko na siya." Excited niyang balita sa katawag.
"Good. Ipagpatuloy mo lang yan."
"Yung promise mo ha. Gusto ko nung bagong release talaga."
"Makakaasa ka sa amin. Ikaw ang unang-unang makakaalam."
"Good. Sige. Ime-make over ko pa siya."
Nang ibaba niya ang tawag ay napatalon naman siya sa tuwa. Nang matapos ay inayos niya muna ang sarili saka sumunod kay Sky. Sana nga lang ay mapagtagumpayan niya ang misyon niya. Hindi na siya makapaghintay na matapos ang lahat.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top