Chapter 5

Lakad-takbo ang ginawa ni Terence dahil alam niyang late na siya sa tagpuan nila. May halong pananabik ang makikita mo sa mukha niya. Nang makita na niya ang kotse na nakaparada di kalayuan sa university ay agad siyang sumakay roon. Nagpunta naman sila sa isang parke na malayo sa lugar nila kung saan walang makakakilala sa kanilang dalawa. Nang makarating sila sa destinasyon ay agad silang naghanap ng nauupuan dala-dala ang street foods na binili nila.

"Pasensya na ha at dito kita dinala. Alam mo namang maraming nakakakilala sa akin doon. Kaya..."

"Ano ka ba? Ayos lang sa akin yun. Tsaka, kahit saan man tayo pumunta, basta kasama kita, safe ako. At ikaw rin sa akin."

"Naku.... Binola mo pa ako. Kumusta na pala ang pag-aaral mo? Magaganda ba ang grades mo?"

"Ayos naman. Sa wakas at ga-graduate na ako. At hindi magiging possible yun kung hindi dahil sayo."

"Ano ka ba? Tinulungan kita dahil nakikita ko sayo na determinado kang makapagtapos at matulungan ang pamilya mo."

"Kaya nga anghel kita eh. Ikaw ang nagligtas sa akin sa club na yun. Kung hindi tayo nagkakilala, sigurado akong kung sino-sinong matron at mga bakla ang gumamit sa akin."

"Bakit ako? Hindi ako exemption sa mga nabanggit mo."

Ngumiti siya rito. "Pero iba ka sa kanila. Hindi mo inabuso ang kahinaan ko." hinawakan niya ang kamay nito. "At yun ang hinangaan ko sayo. Kaya kita nagustuhan." tinitigan niya ito.

Umiwas ito ng tingin. "Tama na nga." bumitaw sa pagkakahawak ni Terence. "Wag mo na akong pagsabihan ng mga mabubulaklak na salita." Napangiti nalang ito.

"Uuyy!!! Kinikilig siya oh! At saka nagsasabi lang naman ng totoo." iniharap niya itong muli. "Utang ko sayo ang lahat. At nagpapasalamat ako doon." napasandal naman siya sa sandalan at tumingin sa malayo. "Hinding-hindi ko makakalimutan yung una nating pagkikita." natawa nalang siya.

"Yeah. I remember that. Napaka-epic ng mukha mo." natawa ito sa naalala.

"Uy! Pati ka kaya! Tsaka malay ko bang ayaw mo nang ganun. Binili mo ako, natural gagawin ko ang serbisyong iyon kahit na labag sa loob ko.

"At uulitin ko. Hindi mo kailangang maghubad sa harapan ko. Hindi naman yun ang habol ko sayo. And correction, hindi kita binili, binayaran ko lang ang club na yun para hindi ka na nila guluhin."

"Yeah, alam ko."

"Ipangako mong hindi ka na babalik sa lugar na yun kahit na anong mangyari."

"Pangako." humilig siya sa balikat nito. "Habang buhay na lang ba tayong ganito?"

"What do you mean?"

"Itong set-up natin. Paano kung malaman ito ng asawa mo?"

"Akong bahala. Wag mo nang alalahanin yan." Pagsisiguro niya kay Terence.

Hinarap niya ito. "Hindi habang buhay tayong ganito. Nagtatago."

"Deretsuhin mo nga ako. Gusto mo na bang makipagkalas sa akin? May iba ka na ba?"

"No! Walang iba. Magtatagal ba tayo kung hindi. At kung may iba man ako ay sasabihin ko agad sayo. I respect you at relasyong ito."

"Mabuti na yung malinaw. Sabihin mo lang kung nagsasawa ka na sa relasyong ito at nang mapaghandaan ko." tumayo ito at naglakad palayo.

"Wait – hay!" sumunod naman siya rito. "Nagtampo na naman siya." niyakap niya ito mula sa likod. "Sasabihin ko naman kung may iba na. Pero paano pa ako hahanap ng iba kung nandito ka na? Wag ka nang magtampo." humigpit ang yakap niya rito. "Natanong ko lang naman dahil ayokong ganito tayo. Gusto ko lang naman makasama ka palagi." iniharap niya ito. "At promise, hindi ako magkakagusto sa iba. Kaya wag ka nang magselos ha?"

"Siguraduhin mo yan, kundi..."

"Opo."

Tinulak niya ito. "Tumahimik ka. Ginawa mo akong matanda."

Hinuli ni Terence ang kamay nito. "So, okay na ulit tayo?" lambing niya rito.

"Ewan ko sayo." bumitaw sa pagkakahawak nito. "Umuwi na nga lang tayo at baka hinahanap ka na ng mama mo."

"Carlo." lumingon ito. "I love you."

Nanlaki naman ang mata niya. "B-baliw!" naunang maglakad.

"U-uy! Anong sagot mo? Carlo! Teka, hintay!"

Agad namang sumakay si Carlo sa kotse dahil sa pinaghalong kaba at kilig. Nang makasakay na si Terence ay nagkatinginan sila saka natawa. Umalis naman sila sa parke na may ngiti sa mga labi nila.

Di kalayuan sa inuupuan nina Terence ay naroon si Stormilee na naglalakad. Napadako ang paningin niya sa dalawang lalaki at nasisiguro niyang kilala niya ang mga yun.

Hahabulin niya sana ang mga ito ngunit mabilis na nakaalis ang sasakyan. Kinuha naman niya ang cellphone sa bag niya at tatawagan sana ang kaibigan niya nang maunahan siya ng isang tawag galing sa kapatid niya.

"Yes, Sky? Napatawag ka?"

"Ate, nasaan ka?"

"Nasa park. Bakit? May problema ba?" nag-aalalang tanong niya sa kapatid.

"Hindi ka ba uuwi ngayon?"

"Sky?"

"Ate I need you." malungkot na tugon nito.

"Ayoko ko sanang umuwi at baka mapang-abot na naman kami ni mommy eh. Pero, hintayin mo ako diyan. I'm on my way."

Kaagad naman siyang bumalik sa kotse niya at umalis doon. Habang nasa byahe siya ay nag-isip naman si Storm kung ano naman kaya ang ginawa ng ina sa kapatid niya. Ipinapangako niya talagang may mangyayaring hindi maganda sa kanila ng ina niya kung may ginawa ito sa kapatid niya. Hindi siya makakapayag na ito naman ang masaktan.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top