Chapter 4
Mendoza residense
Hindi pa rin humuhupa ang galit ni Cherry sa asawa ng pinsan niya. Hanggang ngayon kasi ay napakayabang nito. Naasawa lang ang pinsan nito ay lumaki na agad ang ulo. Unang kita niya rito ay alam na ni Cherry namasyadong maarte at ilusyunada ang babae. Maski ang byenan nito ay hindi gusto ang napangasawa ng pinsan.
Nakapasok na ang magkapatid sa bahay nila pero panay pa rin ang dada nito. Hindi niya matanggap na sinabihan siya na inutil sa harap ng mga tao.
"Kahit kalian talaga ay napakayabang ng babaing yun. Aba't ginawa pa akong sinungaling nung sinabi kong bakla ang anak niya. Eh, hindi lang pala siya mayabang, bulag rin pala."
"Ano ba talaga kasing pinagmulan ng away niyo? At ganun ka kagalit sa kanya? Napang-abot at nag-eskandalo pa kayo." Mahinahong tanong ni Zea.
"Eh, manghihiram lang naman sana ako ng pera. Ayun, dinakdakan na ako. Alam mong baliw din yang babaing yan. Feeling mayaman. Oo at engineer ang asawa niya pero hindi ibig sabihin na nakaaangat na sila sa atin. Hindi na ako magtataka kung maghahanap ng iba ang Kuya Carlo mo. Napakabungangera!"
"Pero ate, mali pa rin yung nag-eskandalo kayo doon."
Tinignan niya ito ng masama. "Hoy! Wag na wag mo akong masabihan ng ganyan ha! Hindi porke nakapag-aral ka ay may karapatan ka nang sagot-sagutin ako."
"Heto na naman siya." bulong niya.
"Anong sabi mo?"
"Wala ate. Gamutin nalang natin yang mga sugat mo."
"Wag na! Matulog ka nalang doon. May pupuntahan pa ako."
"Saan ka na naman ba pupunta? Tsaka, gabing-gabi na."
"Doon sa kumare ko. Baka makahiram ako ng pera."
"Ano? Pangsugal na naman?"
"Aba't sumusobra ka na ha! Makakatikim ka na talaga sa akin. Manghihiram ako ng pera para sa panganganak ng litseng pamangkin mo. Hay!" lumabas ito ng bahay. "Nakakainis 'tong buhay na 'to!"
"Teka ate---,"
Napabuntong-hininga nalang si Zea. Hindi na niya alam kong paano patitinuin ang ate niyang bungangera pero naawa rin siya sa kalagayan nito. Kahit isa-walang bahala niya ang nangyari sa pamangkin niya ay hindi niya maiiwasang tumulong sa kanila dahil pamilya niya ito. Sana nga matapos na ang problema nila.
Reyes residence
Inaantok man ngunit pinilit ni Terence n bumangon ng maaga. Pagpatak ng alas-sinko ay dapat bumangon na siya upang ipaghanda ng agahan ang ina niyang may sakit. Siya lang ang mag-isang nag-aalaga rito dahil nasa abroad ang ate niya upang makapagtrabaho ng maganda para sa kailangan ng mama nila at sa pag-aaral niya.
Nang magkasakit sa puso ang ina nila ay napilitan ang ate niyang mangibang bansa dahil hindi kaya ng sweldo ng isang kahera sa mall, ang pambili ng gamot nito. Kailangan rin nilang ipacheck-up upang mamonitor ito.
"Anak, ako na diyan."
"Ayos lang, ma." Pinigilan niya ito saka pinaupo. "Hindi ba bawal kayong mapagod? Maupo nalang kayo diyan at naghahanda na ako." inayos ang pagkain sa mesa. "Parang hindi ko naman po ito ginagawa araw-araw."
"Pasensya ka na anak ha? Sa inyo ng ate mo."
Naupo na rin si Terence. "Ma, araw-araw ko na po yang naririnig sa inyo. At inuulit ko po, ayos lang po sa amin yun. Tsaka, oras naman po na kami naman ang mag-aalaga sa inyo. Grabe ang sakripisyo ninyo nung nagkasakit si tatay at pinag-aaral niyo pa kami ni ate. Kung noon kayo ang lakas namin, ngayon naman kami naman ang magiging lakas niyo. Kapag nakagraduate na ako, hahanap talaga ako ng magandang trabaho para mapaopera kita."
"Salamat anak." Naiiyak na hinaplos nito ang buhok ng anak. "Maswerte talaga ako sa inyo ng ate mo. Nga pala, anong oras ka na nakauwi kagabi?"
"Ha? Um, h-hindi ko na namalayan."
"Saan ka ba nanggaling?"
"Hinintay niyo ako kagabi? Sabi ko naman sa inyo na wag niyo akong hintayin dahil hindi maganda sa inyo ang napupuyat."
"Hindi naman ako ganoon katagal na nag-antay. Balik tayo sa tanong ko, saan ka nanggaling kagabi?"
"Um, nag – nagkayayaan lang kami ng kaklase ko kagabi."
"Nag-inuman kayo?" nag-atubiling tumango si Terence. "Hindi sa nangingialam ako anak sa personal na buhay mo. Ayos lang naman ang uminom paminsan-minsan pero sana hindi palagi ha?" paalala niya rito.
"Naku! Hindi naman po nay. K-kagabi lang po naman. Wag kayong mag-alala."
"Mabuti naman. Wag na nating bigyan ng dagdag pa na pasanin ang ate mo. Alam kong naghihirap rin siya doon at nangungulila. Kaya sana, hindi makaapekto ang barkada sa pag-aaral mo ha?"
"Opo nay. Sige po, kumain na kayo at nang makainom na kayo ng gamot. At paalala lang po, wag kayong masyadong magpagod para hindi kayo hingalin." Paalala naman ni Terence sa ina.
"Opo doctor." Biro niya sa anak.
Naging tahimik na ang mag-ina nang magsimula nang kumain. Nang matapos, agad namang hinugasan ni Terence ang mga pinggan at saka naghanda na sa pagpasok.
Pangarap ni Terence na makapagtapos agad ng pag-aaral at makahanap ng magandang trabaho. Gusto na niya kasing makatulong sa ate niya na nagpapakahirap na maging isang domestic helper doon. Kaya gagawin niya lahat, maulungan lang ang pamilya niya lalo na ang ina nila.
Dahil sa pangarap ni Terence, napasok siya sa isang sitwasyon na hinding-hindi niya inaasahan. Dahil na rin sa kagustuhan niyang hindi maging pabigat sa ate niya ay pumasok siya sa isang lugar na kahit kailan man hindi niya naisip na pasukin.
Ngunit hindi niya rin inaasahan na naging daan din yun upang makilala niya ang taong tumulong sa kanya upang malampasan niya ang pagsubok sa buhay.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top