Chapter 20

Five Months later......

Santos Residence

Masayang-masaya si November na pumasok sa bahay nila na may dalang pagkain. Sinalubong naman siya ng kanyang ina.

"Mama, I'm home!"

"November, anak." Niyakap niya ito.

Kumalas siya sa pagkakayap ng ina. "Nagdala ako ng foods." ipinakita niya ang plastic bag.

"Teka, anong okasyon?"

"Well......" inilapag ang pagkain sa mesa at kinuha ang sobre sa bulsa saka ipinakita kay Mia. "May sweldo na ako!"

"Talaga?! Congratulation anak." Niyakap niya ito muli.

Kumalas siya. "Thank you ma. Alam niyo, hindi ako magkakasweldo ng ganito kalaki kung hindi dahil sa inyo. Thank you for accepting me. Gosh, nate-teary eyes ako." pabirong pinahiran ang gilid ng mata niya.

"Salamat rin anak. Sa pagpapatawad mo sa akin. Tsaka, kahit anong mangyari, kahit sino ka man, anak kita at mahal kita. At kung may kutya sa iyo, lagot sila sa akin."

"Well, past na rin yun. Pero... si papa, ma? Maaccept mo pa ba siya?"

"Hindi ko alam anak. Pero nakakausap ko naman siya. Iba talaga kasi kapag tiwala na ang sinira ng isang taong akala mong hindi ang sisira tiwala mo."

"Ganun po ba?"

"May mga bagay talaga na mahirap ibalik. Pero kahit hindi tayo kompleto, masaya pa rin tayo. At nakakausap niyo pa rin siya."

"Well, tama po kayo diyan. Ay! Kain na tayo. Baka lumamig pa ito. Na'san pala yung maingay kong kapatid?"

"Nasa kapitbahay. Alam mo naan yang kapatid mo, masyadong madaldal at palakaibigan."

Napailing nalang si November saka naghanda na sila ng pagkain. Contentment. Yan ang nararamdaman ni November.

Storm's Apartment

Matapos ang successful na operasyon ni Lucia ay pumayag itong doon na muna sila tutuloy sa apartment ni Storm.

"Here we are. Sorry kung hindi masyadong malaki tulad ng mansion natin pero komportable naman sa loob."

"Tama si Ate. Nagpakabit pa nga siya ng air-con para mas maging komporatable ka. Ang sweet ni ate 'di ba mommy?" binigyan siya ng masamang tingin ng kapatid na kinatawa lang niya.

"Sa tanang buhay ko, hindi ko naisip na titira tayo sa ganito." tinignan sina Sky at Sky. "Pero kung kasama ko naman kayo ay hindi na ako magrereklamo."

"Mom, nagiging emosyonal ka na naman. Baka bumalik na naman tayo sa ospital nito."

Napatawa si Sky. "Si mommy talaga. Tara, pasok na tayo."

Iginiya naman ng dalawa ang mommy nila sa loob ng bahay. Kontento na si Lucia ngayon. Napagtanto niya na mas mahalaga ang pamilya kesa sa ano mang bagay.

Snack House

Nagbibiruan naman sina November, Sky at Terence habang naghihintay kay Artemis. Nagpadespedida kasi si Artemis pero ito pa ang nahuli sa kanila. At sa wakas, nakarating rin ito.

"Hi friends! Sorry na-late ako." naupo at pinahid ang pawis sa noo. "I'm so tired of traffic."

"Blah, blah. Whatever, Artemis. Ikaw itong nagpapa-dispedida, ikaw pa itong late. Gosh, hindi pinaghihintay beauty ko no!"

"Nahiya naman ako sa beauty mo. Sorry na nga di ba?"

"Kailangan mo ba talagang umalis patungong Paris?"

"Of course. I want to pursue my dreams as a fashion designer. Minsan lang sapian si mommy ng kabutihan kaya pinush ko na. But of course with the help of my Kuya Ares."

"Nga pala, nasaan si Apollo?" tanong ni Sky.

"Ayun, may kinahihibangan na naman na mas matanda pa kanya. You know naman, na-hurt yun nang i-announce nila ni kuya Ares at Ate Storm. Gosh! Nandidiri talaga ako sa ka-OA-han niya."

"Baka naman na-love struck lang talaga siya. Ang OA mo rin sa kapatid mo ha." Komento ni Sky.

"Yun? No way! We're twins at alam ko ang tikaw ng bituka nun. In short, hindi siya seryoso."

"Bakit ikaw? Wala ka bang love life?" usisa ni November.

"Like eww? Wala pa yan sa to-do-list ko. Gusto ko munang maging isang sikat na fashion designer bago ko isipin yan."

"Hindi nga ba? Kakainin mo rin yang sinasabi mo kapag na-inlove ka." Komento naman ni Terence.

"Never. Anyways, how about you guys? Kumusta ang ligawan portion?" nagtinginan sina Sky at Terence.

Hinawakan ni Terence ang kamay ni Sky. "Kami na."

"Ayie!!!!!!!!!! Sabi ko na nga ba at magkakatuluyan rin kayo eh." hinampas-hampas si November sa braso.

"Aray! Gusto mo sabunutan nalang? Hindi punching bag ang beautiful braso ko okay?" maarteng sabi ni November.

"Yuck! Beautiful braso ka diyan. Tsk! KJ! Selos ka lang eh."

"Ikaw kaya ang hampasin ko ng malaman mo."

"Uy, teka. Hinay-hinay lang. Baka magkatuluyan kayo niyan." Tukso ni Sky.

"What? No way!" sabay na tanggi ng dalawa.

"Over my dead gorgeous model body." Sabi ni Artemis.

"Ay! Ang lakas ng hangin. Sobra." Pilosopong sagot ni November.

"Che!"

Natawa nalang sina Terence at Sky sa bangayan ng dalawa. Bumaling naman si Terence kay Sky at hinalikan niya ito sa noo. Napapikit nalang si Sky at napangiti. Napalingon nalang sila sa dalawa dahil nanukso na ang mga ito.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top