Chapter 2
University campus
Papunta na si November sa building nila pero panay pa rin ang pangungulit ng kapatid niyang si April. Kinukulit na naman kasi siya nito na ireto niya ito kay Apollo. Kung hindi niya ito kapatid ay kanina pa niya ito sinabunutan at kinaladkad palabas sa University. Nakakalerke, sabi pa sa isipan ni November.
"Sige na, Kuya. Please......" pamimilit pa rin ni April
"No! And when I say no, hindi ko papatulan yang kalandian mo." Naiinis nang tugon ni November.
"Ay! Kuya naman, ang harsh mo. Landi agad? Pwede bang sobra ko lang crush si Apollo?"
"Ano ba?! Nakakainis ka na ha.Pumunta ka na sa building niyo." Utos niya rito.
"Hmp! Sungit!" binatukan niya si November saka kumaripas ng takbo.
"Aba't –humanda ka sa akin pagdating sa bahay! Nakakainis talaga siya."
Pahakbang na sana siya patungo sa classroom ngunit bigla nalang nabunggo ng kung sino na hindi man lang tumitingin sa dinadaanan at muntikan na siyang matumba. Huli na nang mapagtanto niyang si Terence pala ang nakabangga sa kanya. Tila nag-slow na naman ang paligid. Na para bang sila lang dalawa. Tapos, unti-unting magtatagpo ang kanilang mga mukha. Ngunit nasira ang paged-daydream niya ng may tumawag ng pangalan niya.
"November!" kaagad pinaghiwalay niya ang dalawa. Tinignan naman ni Sky si Terence ng masama.
"Aray!" napahawak si November sa kaliwang paa niya. "Argh! I think I twist my ankle."
"Ha? Saan? Halika, umupo ka muna." Kaagad inalalayan ni Sky si November.
"Tulungan na kita." Nilapitan niya ang dalawa.
"No! Kaya ko na ito." sinamaan niya ito ng tingin. "'Di ba may pupuntahan ka pa?" mahinahon niyang tanong.
"Pero----,"
"I said I can handle him. Go!" pagpapaalis niya rito.
Tinulungan naman ni Skylee na maupo si November sa isang bench. Tinignan lang ito ni Terence at napaalis na lang. Nang maiupo na ni Skylee si November ay agad niyang kinuha ang medicine kit sa bag niya at kumuha ng patch doon.
"Saang banda ang masakit?"
"Here oh." maarteng turo sa left ankle niya.
"Stop it. Baka may makakita sayo." Saway ni Sky kay November saka tumingin sa paligid.
"Eh wala namang tao kaya. Keri lang na lumabas ang – Aray! Ano ba? Hinay-hinay lang sa pagmasahe."
"Wag kang magreklamo. O ayan." binitawan ang paa nito. "Tapos na." umupo siya sa tabi ni November at nag-ayos ng gamit.
"Thanks friend. Pero mas okay talaga kung hinayaan mong si Terence ang nagtouch ng ankle ko. You know, moment na namin yun sinira mo pa."
"And then what? He will notice na bakla ka. Then ikakalat niya sa buong campus. And worst makakarating sa mama mo. You want that?" may himig na pagkainis.
"Fine, fine. Whatever." Irap niya kay Sky.
"Don't 'whatever' me, Novi. Hindi sa pinipigilan kitang ipakita ang tunay na sarili mo. Sinasabi ko lang na ang katulad ni Terence ay hindi mapagkakatiwalaan. Sana intindihin mo din ako. I'm just protecting you." naluluha tugon niya rito.
"Hey. Hey. Chilax, okay. Gusto mo nang judge?" hinampas siya ni Sky sa braso. "Naiintindihan kita. Sige na, ikaw na ang tama sa atin. Peace na tayo, okay? O, naiiyak na naman ang bruha oh!"
"Ikaw kasi eh! Concern lang naman ako sayo. Alam ko namang na ang bangis ng mama mo. Baka sa Mars ka na tumira sa lakas ng hampas niya sayo." Biro niya.
"Korek ka diyan sis. Minsan nga naiisip ko nang sabihin sa kanya pero napapaurong ang dila ko. Tumatayming kasi na beast mode siya lalo na kung ginagabi na nang uwi si Papa."
"Pero, paano kung malaman ng mama mo sa ibang tao?"
"Wala ka naman sigurong plano na sabihin sa kanya no?"
"Of course not! I'm your – I'm your bestfriend." mahina niyang sabi.
"Good. Naghihintay pa kasi ako ng right time para sabihin sa kanila. Let's say kung makakahanap na ako ng work after I graduate. Para kung palalayasin man ako ni mama, may pambayad na ako sa renta ng bahay. May pambuhay na ako sa sarili ko."
"Eh paano nga? Anong gagawin mo kung ngayon o bukas, malaman na ng mama mo?" curious niyang tanong kay November.
"Ewan. Baka sa kalsada na ako matulog. At mahe-headline sa news ang face ko. Edi sumikat pa ako. 'Di ba? May future pa rin ako."
"Baliw!" natatawang komento ni Sky.
"Uy! Seryoso ako dun ha! Malay mo. Nga pala, kumusta naman ang relationship niyong mag-iina? On war pa rin ba ang ate mo at mommy mong, you know na."
"Well, ganun pa rin. Kahit anong gawin namin ni Ate siya pa rin ang masusunod. Alam mo na, ayoko namang maging suwail na anak. Takot lang ako sa mommy ko. Pero si Ate, hanga ako sa katapangan niya. Nagagawa niya kasing suwayin si mommy at magawa ang gusto niya. Kaya nga hindi na siya ma-control ni mommy."
"Hay! Ang complicated ng life natin no? Pati mga mother natin. Kaya siguro tayo magbestfriend."
"Kung alam mo lang." naibulong nalang ni Sky.
"Ha? May sinasabi ka?"
"Ha? Ah, w-wala. Tara na nga. Okay na siguro yang paa mo." Tumayo siya sa pagkakaupo.
Tumayo ito at inikot-ikot ang kaliwang paa. "Okay na nga. Tara." inakbayan niya si Sky.
"Wag ka ngang umakbay. Ang bigat kaya ng kamay mo. Tsaka napapagkamalan tayong magjowa niyan eh!"
"Bahala sila. 'Di ba mas okay yun? I bet crush mo na ako dahil gwapo ako."
"Maganda ka'mo."
"Eh, pareho lang naman yun. Hindi ba?" inilapit niya ang mukha kay Sky.
"A-ano ba?!" itinulak niya ang mukha ni November. "Diyan ka na nga." Nagmadali itong maglakad.
"Uy! Sky! Hintayin mo ako!" habol niya rito.
Hindi na lumingon si Skylee dahil sa namumula na ang kanyang mukha. Bumilis din ang tibok ng puso niya. Hindi na niya hinintay si November at nagpatuloy lang siya sa paglalakad. Hangga't kaya niya pang umiwas, iiwas siya manatili lang ang pagkakaibigan nila.
Nang makarating sina November ay Skylee sa klase nila ay hindi na sila nag-usap ulit dahil na rin sa biglaang quiz sa major subject nila. Pagkatapos nun, naging busy na sila sa pagre-research sa kani-kanilang feasibility studies na ipapasa na nila next month.
Nang mag-uwian na sila ay isinabay na ni Skylee si November sa sasakyan nito. Kahit na iba ang daraan ni Skylee ay pinilit pa rin nitong ihatid si November. Napahinto naman ang sasakyan nila nang mapansin ni November na may nagkakagulo sa tapat ng kanilang bahay. Nanlaki ang mata niya kung sino ang pinagkakaguluhan.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top