Chapter 18
Isang linggo nang hindi nag-uusap si November at Terence. Isang linggo na ring hindi masolo ni November si Sky dahil halos si Terence ang kasama ng bestfriend niya. Kaya nung magkatsansa siyang malapitan si Sky ay hindi na siya nagsayang pa ng oras.
"Sky, pwede ba tayong mag-usap?"
"Um..." tumingin sa paligid. "Sure. Ano ba yun?" naupo naman siya.
Naupo rin ito. "Didiretsahin na kita. Kayo na ba ni Terence?"
"H-ha? Saan mo naman yan nasagap?"
"Totoo ba?" seryoso niyang tanong sa kaibigan.
"Um, h-hindi."
"Hindi pa? Pero nililigawan ka niya?"
"Teka, November. Saan ba patungo ang usapan na 'to?"
"Sky, hindi sa pinagbabawalan kita. Pero ngayon pa lang sasabihin ko na, wag mo siyang sagutin. Sasaktan ka lang niya."
Napatayo naman si Sky. "Ano na naman ba yang paratang mo sa kanya? Mabuting tao si Terence."
Napatayo rin si November. "Pero hindi mo pa siya gaano kakilala o kung anong ginagawa niya."
"Sinisiraan mo ba si Terence sa akin because you're jealous of him? Tama ako 'di ba?"
"Ako? Magseselos? Sky, sinasabi ko lang 'to dahil ayaw kong pati ikaw ay lukuhin niya. Sky, magkaibigan tayo. I need to protect you from people you will just play with your heart. Sa lahat ng ayaw ko ay yong makita kang masaktan."
"You're impossible, Novi. Oo at hindi ko pa lubusang kilala si Terence pero sa maikling panahon, nakita ko sa kanya yung mga good attitudes na nakita mo noon. Nasaan na 'yong mga good traits niya na sinasabi mo sa akin noon? Bakit ba nag-iba na ang pananaw mo sa kanya?"
"Noon yun, Sky. Akala ko yun na talaga siya pero hindi. Pang-cover lang pala niya yun para linlangin ang nasa paligid niya. Lalo na ikaw."
"Teka nga sandali, bakit ka ba galit na galit sa kanya? May ginawa ba siya sayong hindi maganda? Novi?"
"Kung mahal mo ang pagkakaibigan natin, Sky. Layuan mo siya." aalis na sana si November ng mapahinto siya sa sinabi ni Sky.
"Hindi ko siya lalalyuan. Hindi ko siya lalayuan hangga't hindi mo sinasabi sa akin ang dahilan. Hindi mo naman ako pipigilan ng walang dahilan. So ano nga? I need to know the reason, Novi." Panghahamon ni Sky.
Humarap siya sa kaibigan. "Gusto mong malaman? Bakit hindi mo itanong sa kanya?"
Tumagilid naman si Novi at nanlaki ang mata ni Sky ng makita niya si Terence na nasa likuran lang pala ni November kanina.
Tinignan niya si Terence. "Ano? Sabihin mo ba sa kanya kung bakit ako galit sayo ngayon?"
"November......"
"Kinikilabutan talaga ako kapag sinasambit mo ang pangalan ko."
"Wait. Ano bang nangyari sa inyong dalawa?"
"Ano? Hindi mo sasabihin? Such a coward." napailing nalang siya saka umalis.
"Wait---Novi!" nilingon niya si Terence. "Terence, ano ba talaga ang pinag-awayan niyo? Bakit ba nagkaganun ang bestfriend ko?"
"Mas mabuti pa nga na hindi na kita lapitan. Sky, I'm sorry. Pero hindi ako katulad ng inaasahan mo." Mabilis na lumayo ito.
"Huh? Teka, Terence. Err! Ano bang nangyayari sa kanila? Ah! Si Artemis ang kakausapin ko." Tinawagan niya ito. "Artemis? Where are you? I need your help. Okay, thanks."
Napaupo nalang si Sky habang naghihintay siya kay Artemis pero hindi pa rin siya mapakali. Habang naghihintay bigla nalang may nag-message sa kanya. Nabigla naman siya sa video natanggap niya.
"Oh my G! Bakla pala si Terence?" komento ng isang babae.
"At may asawa pa yung pinatulan niya ha." Komento rin nung isa.
Walang sabing hinablot ni Sky ang cellphone ng babae saka pinanood ang video. Pero kinuha rin ito ng babae at umalis. Nasapo naman niya ang kanyang ulo. Ano na ang gagawin niya ngayon? Paano niya mapagkakasundo ang dalawa kong ganito kalaking problema ang dapat na bigyan na solusyon?
Hindi alam ni Sky kung ano ang gagawin niya para mapag-ayos niya ang dalawa. Sana nga lang before ang graduation nila ay magkaayos na ang dalawa.
Halos lahat ng estudyante ng school ang nakakaalam tungkol sa isyu sa pagitan ng pamilya ni November at ni Terence. Buti nalang sa tulong ng impluwensya ng pamilya niya ay tumigil ang pagkalat ng video.
Sa pag-iisip niya ay nakalimutan na niya ang parating na kasal niya. Naalala niya lang yun ng ipatawag siya ng mommy niya sa di malamang dahilan. Bakas ang pagkaseryoso nito.
"Buti naman at nagpakita ka sa akin? Mukhang masyado ka nang nasisiyahan sa pagstay mo sa ate mo." Panimula ng ina niya.
"Mom, please..."
"Nakakalimutan mo bang nagkagalitan kami ng ate mo dahil sa tigas ng ulo niya. At ngayon, sumusunod ka pa sa kanya?"
Huminga siya ng malalim. "Mom, what I did is rebelous. Pero ginawa ko yun dahil hindi ko nagustuhan yung ginawa mo sa akin. You set an arrange marriage na wala man lang akong kaalam-alam."
"Alam ko namang may pipigil sa akin kapag pinaalam ko sayo. At saka, iniisip ko lang ang future mo kaya ko yun ginawa."
"Is it me or the company? Mom, hindi ako isang property na basta-basta mo na lang ipinagbibili."
"Nahawa ka na talaga sa ate mong matigas ang ulo. Yan ba talaga ang gusto mo? Amg makipagtalo sa ina mo dahil lang sa walang kwenta mong dahilan? O baka naman gumagaya ka sa ate mong nagkagusto sa isang hampas-lupa?" pag-aakusa ng ina niya.
"What do you mean?"
"Akala mo hindi ko malalaman ang paglalabas niyo ng call boy na yun?"
"Hindi siya call boy!"
"Oh yeah? Tsk! Tsk! Tsk! Ano bang ginawa ko sa inyong magkapatid at tinatahak ninyo ang marupok na daan? Pero hindi kita hahayaan na matulad sa ate mo. Tsaka, Apollo is better than that call boy."
"Sabing hindi siya call boy! Ano bang nangyayari sa inyo mom? Bakit lagi nalang ang gusto niyo ang masusunod?"
"Dahil yun ang mas makakabuti sayo."
"Yun ang akala mo. Never in my life na magpakasal sa hindi ko mahal."
"At sinasabi mong mahal mo yung hampas-lupa na yun? Kundi sa isang bakla, sa isang call boy ka naman napupunta. Now tell me, mapapakain ka ba ng pagmamahal mo kung naghihirap kayo? Kalabanin mo ako kapag alam mo na ang tunay na kahulugan ng pagma----,"
"Of course alam ko ang tunay na pagmamahal. At hindi yun applicable sa inyo. I bet you never love our dad dahil sarili mo lang naman ang iniisip mo."
"Malala ka na talaga. Na-brainwash ka na ng ate mong tanga rin. And for your information, minahal ko ang dad niyo. Kung nandito lang siya ngayon, pareho kami ng gagawin para lang mapabuti lang ang buhay niyo. Sino bang magulang ang gusto maghirap ang anak nila. Sabihin mo nga."
"I can't believe you will our dad para lang sa pansarili mong gusto. Sinunod kita noon dahil ayokong mawalan ng respeto sayo. But I think you provoke me fight back for my rights."
"Did I? Ang isipin ko ang magandang buhay sa inyo, is that a bad thing? Ganun na talaga ako kasama sa paningin niyo?"
"Oo."
Nagulat siya sa deretsong sagot nito. "Nasasabi niyo lang yan dahil wala kayo sa posisyon ko!"
"Tama kayo. We're not on your shoes dahil hinding-hindi kami gagaya sayo. And for the nth time mom, please call off the wedding. Because if not, hindi ko alam ang gagawin ni ate para lang mapigilan kayo." tinungo ang pinto at lumabas.
"Wag mo akong tatalikuran! Kinakausap pa kita! Sky! Sky!"
Hahabulin sana ito ni Lucia ngunit napatigil siya dahil bigla nalang sumakit ang dibdib niya. Tatawag sana siya ng tulong pero hindi na siya makasigaw dahil sa sakit hanggang sa nawalan na siya ng malay.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top