Chapter 17

Hindi mapakali si Carlo na naghihintay kay Terence. Hindi siya makapaghintay na komprontahin ito sa nakita niya noong isang araw. Yun siguro ang dahilan kung bakit hindi na nito nire-replyan ang mga text niya. Bigla nalang may namuong galit sa kanya maisip lang niya ang nakita niya.

Ilang sandali pa ay dumating na rin ang hinintay niya. Sinalubong niya ito ng sampal.

"Aray!" napahawak siya sa pisngi. "Para saan yun? Pinapunta mo lang ba ako dito para sampalin?"

"Bagay lang sayo yan dahil sinungaling ka. Bakit may kasama kang iba nung nakaraang araw. Pinagtataksilan mo ba ako?"

"Huh!" napailing nalang siya. "At sa tingin mo itong ginagawa natin hindi? At saka, ano bang pakialam mo kung may kasama akong iba?"

"May pakialam ako dahil akin ka!"

"Ilang beses ko bang sasabihin sayo na hindi mo na ako pag-aari, Carlo. Hindi na ako babalik sa pagiging kabit mo."

"Ano pa bang ibang gagawin ko bumalik ka lang sa akin ha? Gusto mong hiwalayan ko ang asawa ko? Gagawin ko para sayo."

"Nahihibang ka na ba? Kahit gawin mo yun hindi pa rin ako babalik sayo."

"Bakit? Ano bang ginawa ng babaing yun para hindi ka bumalik sa akin? Binigyan ka ba niya ng pera? Hihigitan ko siya!"

"Carlo, ano ba?! Ano bang pwede kong gawin para matauhan ka na? Carlo, oo at minahal kita pero mas mahal ko ang pamilya ko. At sila ang pipiliin ko. Lalo na't alam na ni ate ang relasyon natin."

"Ano? Alam na niya?"

"At gusto niyang hindi na makipagkita sayo. Kaya kung ano man ang sasabihin mo, sabihin mo na. Dahil ito na ang huli nating pagkikita."

"Hindi." Napapailing nalang siya. "Hindi ako papayag! Terence, please." Pagmamakaawa niya at yumakap siya rito. "Gagawin ko lahat bumalik ka lang."

"Sorry, Carlo. Ayoko na talaga." Kumalas siya sa pagkakayakap ni Carlo.

"Ayaw mo na? Pero pwede sa babaing yun?"

"Mabuting siyang tao. Kaya wag na wag mo siyang gagalawin."

"At ako? Hindi ba ako naging mabuti sayo?"

"Tama na. Kailangan ko nang umalis. Baka hanapin na ako sa amin." Tumalikod na siya rito.

Niyakap naman ulit ni Carlo si Terence. "Terence, please. Bumalik ka na sa akin. Hindi kayang mawala ka."

"Carlo, please... para rin naman ito sa ikabubuti ng lahat." Kinakalas niya ang kamay ni Carlo.

"Mga walang hiya kayo!"

Napalingon naman silang dalawa na agad naghiwalay. Sumugod naman si Mia at pinagsasampal si Terence. Nang pigilan naman ito ni Carlo ay siya naman ang pinaghahampas ni Mia.

"Ma, tama na." pinigilan ito ni November.

"Mga manloloko kayo! At ikaw!" dinuro ni Mia si Terence. "Ang kapal rin ng mukha mong pumatol sa may asawa! Hindi na kayo nahiya sa pinaggagawa niyo!" sumbat niya sa dalawa.

"Mia..." naluluhang sambit ni Carlo.

"M-ma'am, S-sorry po." Nakayukong paumanhin ni Terence kay Mia.

"Sorry?" sinampal niya ulit si Terence.

"Mia!" pigil ni Carlo.

"Ngayon ka pa nanghingi ng sorry na sira na ang pamilya namin?!" nilingon naman niya si Carlo. "At isa ka pa!" ito naman ang nasampal niya.

"Ma!" pigil ni November sa ina.

"Wag kang mangialam dito." Nasabi niya sa anak saka nilingon ang asawa. "Sinabi mo sa akin at nangako ka na hindi ka na babalik sa pagiging bakla mo! Pero bakit mo ginagawa ito sa akin?" hinampas niya ito sa dibdib. "Pinapapabayaan ba kita para humanap ka ng iba! At sa isang bata pa! Nakakadiri ka!"

"Ma, please. Umuwi na tayo." Naluluhang hininay-hinay niyang hinila ang ina. "Sige na po – Ma!" sinalo niya ito nang napahagulgol si Mia at napasalampak sa lupa.

"Hon..." dinaluhan niya rin ang asawa.

"Ano pa bang kulang sa akin? Ano pang kulang sa akin?!" malakas niyang hinampas si Carlo.

"Ma, please. Tama na. umuwi na tayo." inalalayan niya itong tumayo.

"T-tulungan na ko na kayo."

"Wag mong hahawakan si mama!" tinulak niya ito. "Itinuring kitang kaibigan pero tinapon mo lang yun. Wag na wag ka nang magpakita sa pamilya ko. Kundi, ako ang makakalaban mo." inalalayan niya ang ina. "Ma, tara na."

"Nak, ako na lang---,"

"Kaya ko pong iuwi si mama, pa. Please, wag nalang muna kayong magpakita kay mama." inalalayan ulit ang ina. "Ma, tara na po."

Wala nang nagawa si Carlo kundi ang tignan ang mag-ina niyang paalis. Binalingan naman niya si Terence na pinipigilang mapaiyak. Nilapitan naman niya ito. Akmang hahawakan niya ito pero umiwas si Terence.

"Eto ba ang gusto mo? Ang paguluhin ang lahat? Salamat ha. Ngayon, nawala na ang pagkakaibigan namin ng anak mo dahil sa pagiging selfish mo."

"Terence, please. Pati ba naman ikaw, iiwan ako?"

"Kasalanan mo naman kong bakit iiwan ka. Kaya pakasawa ka." Umalis na ito.

"Terence. Terence!" tawag niya rito.

Napasalampak naman si Carlo habang umiiyak. Hindi niya akalain na ganito ang kahihinatnan ng pagmamahal niya kay Terence. Ngayon, hindi niya alam kong paano pa babangon kung iniwan na siya ng lahat.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top