Chapter 16

Kinabukasan......

Desidido na si Sky na ipagpatuloy na ang plano nila ni Artemis. Muli niyang tinignan ang sarili sa salamin.

"This is it, Sky. Wala nang atrasan 'to."

Agad naman siyang umalis patungong school. Kinakabahang tinungo niya ang building nila. Hindi niya alam kung papano lalandiin si Terence. Ngunit biglang nagsink-in sa kanya ang napag-usapan nila ni Artemis.

"Wait lang, Artemis. Paano ko ise-seduce si Terence, eh hindi ko naman alam kung papano?"

"Pss! That's easy. Kung paano ka magpapansin kay November, ganun din ang kay Terence."

"Gagamitan ko siya ng kabadingan?"

"No, silly. Hindi yun. Yung way kung paano mo tratuhin si November. Yung pagbibigay mo nang importansya sa kanya at pagpapansin mo. Yung mga ganun."

Napaisip naman si Sky. "Kaya ko ba yun?"

"Of course. Remember, si November ang prize nitong plano natin."

"Hindi ba parang nanloloko ako?"

"No, you're not. Inaagaw lang talaga ni Terence ang November mo sayo. So? Ano sa tingin mo?"

Napatango naman si Sky. "Gagawin ko na."

Nagising nalang si Sky sa pag-iisip at napabuntong-hinga nalang siya. Pahakbang pa lang sana siya nang makita niyang papalapit si Terence. Dahil sa pagtaranta niya, agad siyang nagtago at pinakalma niya ang sarili.

"Sky, kaya mo 'to. Gusto mong mapasa-iyo si November di ba? So need to do it." Pagmo-motivate sa sarili.

Napa-inhale-exhale lang si Sky saka nagdesisyong lumabas sa pinagtataguan niya. Nakahanda n asana ang pinakamagandang ngiti niya ngunit napawi ito nang makita si Terence na nakatakip ang mga kamay nito sa mukha na para bang problemado. Agad niya itong nilapitan.

"Terence?"

Napalingon ito sa kanya. "O, Sky. Ikaw pala. May kailangan ka?"

"Do you mind if I sit?"

"No. Maupo ka." Naupo naman si Sky.

"Ayos ka lang ba? Mukhang problemado ka ha?"

"Um......" napakamot ito ng ulo saka umiwas ng tingin. "Wala naman. Ano pala ang sadya mo?"

"Alam kong hindi tayo masyadong close. Sinusungitan pa nga kita. Pero, tayo-tayo na nga lang ang makaklase, maghihiyaan pa ba tayo?"

Napabuntong-hinga nalang si Terence. "Nag-away kasi kami ng ate ko. Well, kasalanan ko rin naman pero nalulungkot pa rin ako. Ayokong nagagalit siya sa akin." Pag-amin ni Terence.

"Mahal mo ang ate mo no?"

"Sobra. Actually, ang pamilya ko. Kaya nga nagsusumikap akong mag-aral para matulungan ko sila."

"Tss! Buti ka pa. ako, grabe ang expectation ni mommy sa akin. Hindi ko nga alam kong matutupad ko pa yun. You know, I have my own dreams too. Pero hindi na yata mangyayari yun."

"Napakakomplikado pala ng pamilya mo." Komento ni Terence.

"I think it's a tie."

Nagkatinginan naman silang dalawa. Na agad namang umiwas si Sky at pati rin naman si Terence saka napakamot ng ulo. Nagkatinginan naman sila ulit saka napatawa nalang.

"So? Tapos ka na ba sa feasibility study mo?" pag-iiba ni Sky.

"Patapos na rin. Ikaw?"

"Ipangde-defend nalang."

"Wow! Ang bilis mo ha."

"Well, ganun talaga. Kailangan kong tapusin para naman wala na akong po-problemahin."

"Tama ka. Gusto mo bang mag-snack?"

"Libre mo?"

"Um, s-sige."

Natawa si Sky sa reaksyon nito. "I was just joking. Saan ba?"

"Ikaw? Saan mo gusto?"

"Hmm? Ewan ko. Maglakad-lakad nalang tayo. At kung anong una nating makitang snack house, doon tayo." Suhestyon ni Sky.

"Game." Tumayo na ito. "So, tara?"

"Tara."

Agad naman silang naglakad palabas ng gate. Gaya nga ng sinabi ni Sky, napunta sila sa isang snack house na una nilang nadaanan.

Sa mga sumunod na araw, sabay pa rin silang lumalabas. Nagtataka na nga si November. Pero hindi naman ito inisip ni Sky. Hindi na niya namalayan na nasisiyahan na siyang kasama si Terence.

Samantala, malaki naman ang ngiti ni Artemis ng ikwento sa kanya ni Sky ang madalas na pamamasyal nila ni Terence. 

"You know what Artemis, hindi rin naman masamang kaibigan si Terence. Alam mo, masayahing tao pala siya. Minsan nga ay nakakalimutan ko ang problema ko kay mommy." kwento ni Sky habang kumakain sila.

"Alam mo, kung nakikita mo lang ang sarili mo ngayon, makikita mo kung gaano ka kasaya na kasama mo si Terence. I mean, plano lang nating paibigin si Terence para hindi na mabaling ang atensyon ni November sa kanya but then, parang ikaw yata ang nabaling na ang tingin kay Terence."

Nang mawala na ang dalawa ay excited siyang ibininalita sa contact niya ang good news.

"Hello? May good news ako sayo. Nagkakamabutihan na sina Sky at Terence. Ayiieee!!!!!" kinikilig na balita ni Artemis sa katawag.

"Ganun ba? Mabuti naman. Nakikita ko nga sa kanila. The way they treat each other."

"Wait – what? Don't tell me na nandito ka sa school namin?" nagpalinga-linga naman siya.

"Just sent me the details."

"Ha? Wait, nandito ka ba? Hello?" tinignan niya ang phone.

Agad naman siyang lumabas ng gate at hinanap ang katawag niya ngunit nabigo siya.

"Kainis naman oh! Chance ko na siyang makita ng personal eh." Maktol niya at napakamot nalang ng ulo niya.

Padabog naman siyang bumalik sa loob. Pinangako naman ni Artemis na sa susunod nilang tawagan ay makikita na niya ito ng personal.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top