Chapter 15
Nagulat naman si Mia sa tinanong ng anak niya. "Ah...ha? Um, s-saan mo naman yan nakuha anak?" kinakabahang tanong niya sa anak.
"May – may nakapagsabi lang sa akin. Totoo ba yun ma?"
"Kung sino man yang nagsabi sayo, wag mo siyang pakikinggan." medyo may inis sa tono nito.
"Pero paano kung totoo? I mean, galit kayo sa mga bakla di ba? Ano pong gagawin niyo?"
"Siguro nga at pagod ka na. Ang mabuti pa ay magpahinga ka na." tumayo at tumalikod na rito.
Napatayo naman si November saka kinompronta ang ina. "Bakit niyo ba iniiwasan ni papa ang topic na yan? Siguro nga at totoo ang hinala ko. Hanggang kailan niyo itatago sa amin ang sekreto niyo?"
Humarap naman si Mia sa anak niya. "Hinaan mo yang boses mo at baka marinig ka ng mga kapitbahay natin."
"So, ikinahihiya mo talaga ako pero si papa hindi?" naiiyak na sumbat niya sa ina. "Alam niyo bang mahirap para sa akin na itago ang tunay na ako? Dahil alam kong masasaktan kayo. Sinubukan ko naman eh. Pero ito ako. Isa akong BAKLA." Sinampal naman siya ni Mia.
"Tumigil ka." pigil niya na mapasigaw. "Ilang beses ko bang sabihin sayo na hindi ka bakla."
"At kay papa pwede? Ma, bakit ang unfair niyo?"
"Tumigil ka nga sa mga pinagsasabi mo. Kundi-----,"
"Kundi ano? Itatakwil niyo ako? Sige! Diyan naman kayo magaling eh. Mahal niyo lang naman ako kapag may maganda akong ginawa. Pero kapag nagkamali na ako, para akong basurang itatapon niyo? Ganun ka ba talaga magmahal ma?"
"Nawawalan ka na talaga ng respeto sa akin."
Sasampalin na sana ulit ni Mia si November pero pinigilan ito ni Carlo.
"Mia, tama na." mahinahong sabi nito sa esposo.
"Ano ba?" pumiglas ito sa pagkakahawak ni Carlo. "Kailangan niyang magtanda. Yan na nga ang sinasabi ko. Nawawalan nan g respeto iyang anak mo dahil sa pagiging------,"
"I said enough!"
"Pero Carlo-----,"
"Pumasok ka na sa kwarto mo." Utos niya sa anak at naglakad naman ito patungo sa kwarto.
"Bakit mo ba kinukonsinti ang panganay mo? Tinuturuan ko lang siya ng leksiyon."
"Tama na, Mia. Pabayaan mo na ang anak natin. Ibinibigay naman ni November ang lahat di ba? Bakit ba pati pagkatao niya kinahihiya mo pa?"
"Bakit ikaw hindi? Nakalimutan mo ba nagpakasal tayo para lang hindi ka itakwil sa inyo? Gusto mo bang magaya ang anak mo sa iyo? Yung mapahiya sa harap ng maraming tao? Yun ba ang gusto mo? Sa lahat ng ayoko, yung naaapi ang pamilya ko. Lalo na ang anak ko."
"Mia..."
"Hindi mo kasi maiintindihan dahil hindi ikaw ang ina. Oo at pusong babae ka pero hindi mo pa rin ako maiintindihan. Na ginagawa ko yun para maging malakas siya. Sa lahat ng ayoko ay yung nasasaktan ang anak ko."
Napahagulgol nalang si Mia sabay napasalampak sa sahig. Humingi naman agad ng tawag si Carlo at niyakap niya ito. Naisip nalang ni Carlo na isa lang itong malaking pagsubok na dumating sa pamilya nila.
Reyes Residence
Pagod na umuwi si Terence sa kanila. Pagkatapos kasi ng klase niya ay naghanap siya ng marangal na trabaho upang makatulong sa ate niya. Nang makapasok siya sa bahay nila ay nagtaka siya sa tingin ng ate niya.
"Ate? May problema ba?"
"Saan ka nanggaling?" may galit ang tono nito.
"Sa eskwelahan po." Nagtataka niyang tugon.
"Eskwelahan? Talaga? O baka naman sa isang gay club ka dumeretso?"
"A-ate...," nagulat siya sinabi nito.
"Gulat ka no? Akala mo siguro hindi ko malalaman kong saan mo kinukuha ang mga perang ginagastos mo kay mama. Umamin ka nga, kailan pa nagsimula ang relasyon mo sa Mr. Santos na yun? At naging kabit ka pa!"
"Ate... hindi totoo yan."
"Hindi totoo? Eh ano 'tong mga larawan ha?! Do you think fake 'to?!" ipinakita niya ang mga larawan sa phone.
"Ate.... Magpapaliwanag ako."
Napaupo naman si Vidia at hinilot ang sentido ang sintido niya.
"Terence, alam mo naman ang sitwasyon natin. Pero hindi nagkulang si mama na paalalahanan tayo kung ano ang tama o mali. Ano bang kasalanan ko at pinaparusahan ako ng ganito?" napaluha nalang siya.
"Ate... sorry..." naluluha niyang paghingi ng tawad.
"Kung nahihirapan ka na, sana sinabihan mo ako. Hindi yung makakabalita na lang ako na naging kabit ka na pala."
"Sinong kabit?"
"Ma!" sabay nilang untag.
"Ma, nagugutom po ba kayo?" tanong ni Vidia habang inalalayan ang ina nila.
"Mano po, ma." Pagbibigay galang ni Terence.
"Kaawaan ka nang Diyos anak." Tumingin naman ito kay Vidia. "Hindi ako nagugutom anak. Tsaka, ano yung pinag-uusapan niyong tungkol sa kabit?"
"Ah ma. Wala po yun. Sa – sa teleserye po yun nakita namin." Pagsisinungaling niya.
"O-opo."
"Ahhh.... Ganun ba. O siya. Magpapahinga na ako ulit. Bumangon lang ako dahil gusto kong makita si Terence."
"Sige po."
"O sige. Good night sa inyong dalawa."
"Good night din po." Sabay na tugon ng magkapatid.
Humarap siya kay Terence. "Makikipaghiwalay ka na sa kanya. Kundi, ako mismo ang haharap kay Mr. Santos." Nasabi nalang ni Vidia saka sa kwarto.
Naiwan naman si Terence sa sala. Napaupo nalang siya sa frustration at napahilamos na lang ng mukha. Hindi na niya alam kong anong gagawin. Naiipit na siya sa napakakomplikadong sitwasyon. Sana ay matapos na ang lahat.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top