Chapter 12

Santos Residence

Maaga namang nakauwi ang magkakapatid. Tahimik naman ang mag-iina sa pagkain. Naramdaman ng magkapatid na hindi maganda ang mood ng ina nila. Sumesenyas na lang sila gamit ang mga tinginan. Napatuwid silang dalawa sa pag-upo ng magsalita ito.

"Kumusta ang school niyo?" walang-tinging tanong nito. "Ikaw April?" tinignan ang bunso niya.

"Ayos naman po."

"Ikaw naman November, in-unfriend mo na ba yung mga baklang friend mo sa facebook?" nangunot ang noo ni April nang tumingin sa kuya niya.

Sinita niya ito sa pamamagitan ng mga tingin. "Y-yes ma."

"Mabuti. Pagkatapos niyong kumain pumuntan kayo sa kwarto niyo at mag-aral."

"Yes ma." Sabay na tugom ng magkapatid.

Pagkatapos nilang kumain ay kinuha na nila ang mga gamit nila at pumunta na sa kani-kanilang kwarto. Sina Mia at Inday nalang ang nagligpit ng mga pinagkainan.

Nang matapos sila sa kusina ay pinauna na niya si Inday na matulog at siya na ang maghihintay sa kanyang asawa.

Habang nahihintay siya rito ay inasikaso na muna niya ang mga babayarin sa bahay nila. Napansin niyang nagkukulang na ang budget na noon naman ay hindi. Kinuha niya ang cellphone at binasa ulit ang mensahe sa kanya noong nakaraang araw.

[Unknown number: Nakita ko ang asawa mo. May kasamang iba sa restaurant.]

[Unknown number: At alam ko kung sino ito.]

Nakahinala na siya na parang may tinatago ang asawa niya. Napapansin na rin niya kasi na lagi nalang itong pagod kung maglalambing siya. At ang pagliit ng budget nila. Maya-maya pa ay nagbukas ang pinto nila.

"Ginabi ka na ata?" napataas ang kilay niya.

Inilagay ang gamit sa center table. "Um, marami lang trabaho." Bumeso siya sa asawa.

"Trabaho o extra activity?" pag-aakusa niya rito.

"Ano na naman ba yan, Mia? May issue ka na naman ba sa akin?"

"Wala. Eh ikaw? Sigurado akong may kailangan kang sabihin sa akin."

"Saan na naman ba patungo ang usapang ito?"

"Ikaw pa ang may ganang tanungin ako ng ganyan. Eh sayo naman nagsimula ang problema ko ngayon."

"Ano ba yang sinasabi mo?"

"Anong sinasabi ko?" tinulak-tulak niya ito. "Anong sinasabi ko ha?! Bakit hindi mo aminin sa akin na may kabit ka?!"

"Ano na namang paratang yan? Mia, pagod ako at pinagsasabihan mo pa ako ng ganyan?"

"Eh bakit nababawasan na ang binibigay mo sa amin ha? Sabihin mo. May iba ka bang sinusustentuhan?"

"Ano bang gagawin ko para maniwala ka ha? Lagi mo na lang akong pinaparatangan ng ganyan."

"Eh ano yung natanggap kong text na ma kasama ka raw'ng iba. Sa restaurant pa. Ano? Magsisinungaling ka pa?"

"Bakit ka ba naniniwala sa iba? Yan ang hirap sayo eh. Ang dali mong papaniwalain. Sino ba yang nagsumbong sayo ha?"

"H-hindi ko alam. Pero alam kong nagsasabi siya ng totoo."

"Hindi mo pala alam pero grabe kang mambintang. Hindi mo ba naisip na baka sinisiraan lang tayo ng kung sino yan." bumuntong-hinga ito. "Mia, napapagod na ako sa ganito. Pagod na nga ako galling trabaho dinadagdagan mo pa ng pagiging bungangera mo."

"So, totoo nga. May kabit ka!" naluluha na ito.

"Wala nga eh!" tinungo niya ang bag at kinuha ang sobre sa loob. "Ito ang issue mo di ba? Ito." ibinagsak sa sahig. "Isaksak mo yan sa baga mo." pumasok sa kwarto.

Napaluhod nalang si Mia habang umiiyak.Tingnan lang niya perang nagkalat sa sahig.     

Kinabukasan, maaga namang gumising si Mia gaya ng palaging ginagawa niya. Naghanda siya ng espesyal na almusal para sa pamilya niya.

"Inday, ilagay mo na yan sa mesa." iniabot ang luto nang pagkain.

"Opo." tinungo ang mesa saka siya sumunod.

"Good morning ma." Bati ni November sa ina saka bumeso rito.

"Good morning ma." Bati rin ni April saka bumeso sa ina.

"Sige na maupo na kayo. Ay! Good morning hon." Hahalik na sana si Mia sa asawa niya pero umiwas si Carlo.

"Good morning pa." sabay na bati nina November at April.

"Sa office na ako kakain. Sige mga anak." hinalikan niya sa ulo ang mga anak niya saka lumabas.

"Carlo." Sumunod siya rito. "Hon? Galit ka pa ba sa akin dahil sa nangyari kagabi?"

Humarap siya kay Mia. "Ang sakit lang Mia. Na hanggang ngayon wala ka pa ring tiwala sa akin."

"Sorry na nga di ba? Oo bungangera ako. Pero masisisi mo ba ako kung matatakot akong mawala ka sa amin? Sorry na hon." Hinaplos niya ang braso nito.

"Mag-uusap tayo ulit mamaya." mahinahon niyang sabi. "Sorry din. Sige, mauuna na ako." lumabas ng gate saka tinungo ang kotse.

"Mag-iingat ka."

Napatango na lag si Carlo saka umalis. Ilang sandali pa ay nagpaalam na rin ang mga anak niya. Umaasa si Mia na magkakaayos silang mag-asawa mamaya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top