Chapter 11

Nagising naman si Sky na masakit ang ulo dahil na rin sa hang-over. Napalingon naman siya sa pinto ng bumukas ito.

"Gising ka na pala. O heto, inumin mo muna." ibinigay ni Storm ang gamot.

Tinanggap naman niya ito at ininom. "Aalis ka?"

"Oo. At sana sa pagbalik ko ay may maganda ka nang paliwanag sa ginawa mo kagabi."

"Sorry, ate." Napayuko nalang siya.

Napabuntong-hininga nalang si Storm. "Pagkatapos mo riyan kumain ka na ng almusal. Ikaw muna ang bahala dito. Sige. Aalis na ako."

Lumabas naman si Storm. Tinatamad na bumangon si Sky at dumiretso sa banyo upang maghilamos. Dumiretso naman siya sa mesa upang kumain ng almusal ngunit nawalan yata siya ng gana ng sumagi sa kanya ang nangyari kahapon.

"Novi...... mahal kita. Noon pa lang. At sobrang nasasaktan na ako sa ginagawa mo. Bakit hindi mo man lang makita ang effort ko sa pagpapansin sayo?" naiiyak niyang tanong.

Napanganga nalang si November sa confession ni Sky. "Sky...... hindi... hindi ko alam. Tsaka hindi pwede yang sinasabi mo. At alam mo kung bakit."

"Wala akong pakialam kong ano ka!"

"Sky! Nahihibang ka na ba? Hindi nga pwede dahil bakla ako. Babae ang puso ko at wala akong planong umibig sa isang babae."

Nahiga na lang siya sa upuan sa may sala at doon nagmuni-muni. Ilang sandali pa ay may kumatok sa pinto nila. Nagtaka man ay binuksan niya ito. Napatulala naman siya sa ginawa ni Artemis. Para kasi itong may pinagtataguan at pati mga kurtina ay binaba niya. Ni-lock pa nito ang pinto.

Nang matapos ito ay naupo nalang at pinaypayan ang sarili nito. Natigil lang ito sa ginagawa ng napansin niyang nakatayo si Sky malapit sa pinto.

"Uy! Hi Sky! Bakit ka nakatayo diyan?"

Tinaasan niya ito ng kilay. "Really? Ngayon mo lang ako napansin? At ano 'to?" tinuro ang mga kurtina. "May pinagtataguan ka ba?" naupo siya.

"Well, oo. Si Apollo. Actually, tumakas lang ako sa amin dahil yung mokong na yun eh gustong sumama para makita niya ang ate mo." Nandiri ito. "Yuck! Nandidiri talaga ako kapag pinpantasyahan niya si ma'am. Ay!" napatakip ng bibig. "Sorry."

"Anong sabi mo?"

"Nothing. Anyways, kumusta ang hang-over mo? Over na ba?"

"Not yet." hinilot ang sentido niya.

"Eh ang heart mo? Kumusta naman?"

"Wag na nating pag-usapan okay. Mas lalo akong naiinis sa sarili ko. Ahhh!" napahiga siya at tinakpan ang mukha niya. "Nakakahiya talaga."

"Anong nakakahiya? Yung paglalasing mo?" tumabi ito ng up okay Sky.

"Nagconfess ako kay November. Wala na akong mukhang maihaharap sa kanya."

"Oh."

Bumagon naman si Sky. "Artemis, tulungan mo ako."

"Paano? Ipapasurgery kita? Ganun?"

"Hindi. Kahit ano. Basta – basta yung hindi ko makausap si November. Gosh!" tinakpan ulit ang mukha niya. "I feel humiliated pa."

"Hmm, kung..... ituloy nalang kaya natin ang plano. Yung i-seduce mo si Terence."

"Kahit gawin natin yan, hind pa rin mapapasaakin si November."

"Grabe siya oh! Akala ko ba na ayaw mong magkita ni November, pero kung makareact ka diyan parang mawawala na talaga siya sayo."

"Kasi naman eh...,"

"Sky, isipin mo 'to ha. Sa pagseduce mo kay Terence, magre-react si November. Yung scene na pipigilan ka niya dahil sasabihin niyang masasaktan ka lang sa kanya. Di ba may advantage yun sa pagsinta mo sa kanya. Malay mo, ikselos pa niya ang paglapit-lapit mo kay Terence. What do you think?"

Napaisip naman si Sky. "Okay. Papayag ako."

"Talaga?" tumango naman si Sky. "Yes! Yes! Hindi ka talaga magsisisi sa plano natin. I'm so excited!" nanggigil siya sa excitement.

"Wait. May kondisyon ako."

"Ay! Ano yun?"

"Ayoko ng heavy make-up baka mapagkamalan na naman ako ni November na prosti."

"Ay! Ganun ba? Hmm? Ay! Manood nalang tayo sa Youtube ng mga light make-ups. Yung parang natural lang."

"Sige." Napangiti siya. "Pero kakain muna ako then maliligo."

"Okay. Gorabels! Time is gold!"

Nagmadali namang pumasok si Sky sa banyo. Nang matapos siya ay kumain siya ng brunch habang nanonood naman si Artemis ng make-up lesson sa Youtube.

Fortez Mansion

Hindi mapakali si Storm sa kanyang sasakyan. Hindi na siya makapaghintay na makausap ang ina nila. O ina pa ba ang turing niya rito. 

Dala-dala ang newspaper, pumasok siya sa bahay nila at hinanap ang ina. Sinabi naman ng maid na nasa library ito. Hindi siya nag-atubili at pinuntahan niya ito. Nadatnan niya itong may binabasa na mga dokumento. Ibinagsak naman niya ang newspapaer sa harap nito.

"So, nakarating na pala sayo ang balita." Napasandal na lang si Lucia.

"Nababaliw ka na ba? Ipapakasal mo si Skylee para sa business?"

"Doon rin naman patungo si Skylee after her MBA. So, what's you're problem with that."

"Wala ka talagang puso ano? Pati kapatid ko, kinokontrol mo na! Kailan ka ba titigil sa pagiging manipulator mo?!" naluha nalang si Storm sa inis.

Napatayo si Lucia. "At sinisisi mo pa talaga ako ha. Compare sayo, mas pinapahalagahan niya ang pamilya natin. Eh ikaw? Lagi mo nalang akong sinusuway. For Pete's sake, ginagawa ko ito para sa inyo at hindi para sa akin. Dahil mga anak ko kayo."

"Pero hindi ka naging ina sa akin. Kailan ka ba nagtanong kong anong gusto ko?"

"Hindi na kita kailangang tanungin dahil alam ko na kung hindi lang kita inunahan, sigurado akong nasa lusak ka na ngayon kasama ang hampas-lupa na yun."

"Mom!" naisigaw ni Storm.

"At yan. Yang pagsigaw-sigaw mo sa akin. Nakuha mo yan sa hampas-lupa nayun. Now tell me, may naidulot ba ang hindi mo pagsunod sa akin?"

"You're a devil."

"Sabihin mo yan kapag naging ina ka na rin." Naupo na ito.

"Hindi ko kailangang maging katulad mo dahil sisiguraduhin ko, kung magiging ina man ako hindi ako matutulad sayong masama. Yung katulad mong mapanghusga at hindi man lang kinikilala ang isang tao."

"Hindi ko na kailangang makilala ang isang tao, dahil malayo pa lang amoy ko na ang lansa nila."

"Na gaya mo?" sarkastikong tanong niya sa ina.

"Wala ka talagang respeto sa akin."

"Never. Never akong magbibigay ng respeto sa katulad mo."

Tumalikod na siya at tinungo ang pinto. Ngunit bago siya lumabas ay pahabol pa siya rito.

"Someday, babagsak ka rin." Sabi nalang niya saka lumabas.

Hindi naman nagustuhan ni Lucia ang huling sinabi ni Storm. At dahil sa inis ay tinabig niya lahat ng nasa mesa niya. Naitukod naman niya ang siko niya sa mesa at hinilot ang sentido niya. Bakit ba hindi siya maintindihan ng mga anak niya?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top