Chapter 10
KTV Bar
Habang umiinom si Sky ay todo bantay naman si Artemis sa kanya. Halos limang bote ng beer ang ininom nito at ilang kanta na rin ang kinanta.
Nang mapansin niyang lasing na ito, agad niyang tinawagan ang kakambal niya. Lumabas muna siya upang marinig ang kausap niya sa telepono. Nag-eenjoy si Apollo sa nilalaro niya sa computer nang tumawag ang kapatid niya.
"Yes, twin sister. Napatawag ka?"
"Bakit ang tagal mong sumagot. Pumunta ka dito, ngayon din." She demand.
"Wala ka talagang galang sa akin. Saan ba yan?"
"Excuse me, we're twins so I don't need to respect you. Anyways, I'm here at Inuman House. Sunduin mo ako ngayon din."
"Anong ginagawa mo diyan? Artemis, I swear. I'll kill kung may kasama kang lalaki diyan." Banta niya habang pinapinatay ang computer niya.
"Whatever, K.J. Basta pumunta ka na lang dito. ASAP!" she off the call at pumasok na ulit siya sa loob.
Nadatnan naman niyang nakapatong ang ulo ni Sky sa mesa habang nakahawak ito sa basong may laman pang alak. Ilang sandali pa ay dumating na ang hinhintay ni Artemis.
"Artemis?" binuksan ang pinto. "Whoah! Anong nangyari diyan?" turo kay Sky.
"Are you blind? Kita mo ngang lasing eh. Tulungan mo ako."
Inalalayan si Sky na tumayo. "Sigurado akong mababali ang buto ko nito mamaya." Reklamo ni Apollo habang inilabas nila si Sky.
Nakaalalay rin si Sky. "Wag ka na ngang magsalita. Argh!" muntikan na siyang matumba. "Ang bigat mo Sky!" reklamo niya saka nilingon si Apollo. "Nasaan ang kotse mo?"
"Naiwan ko."
"What?! Bakit hindi mo dinala?!"
"Malay ko bang may ganito kang baggage. Tsaka pinapadali mo ako kanina. Wag kang demanding. Masyado mo na akong inaabuso."
"Napaka-useless mo. Argh!" inayos niya ang pag-alalay kay Sky.
"At ikaw, ang ingay mo."
"Nasusuka ako." bulong niya.
"Ano Sky?"
"Mukhang susuka siya. Teka, Sky dito ka – Sh*t!" muntikan niyang mabitawan ito.
Pinaharap naman nila si Sky sa may gilid at doon ito sumuka. Pati ang dalawa ay parang nasusuka na rin. Nang matapos si Sky ay inalalayan nila itong muli.
"Pumara ka ng taxi bilis." utos ni Artemis.
"Tsk! Oo na."
Nang makahanap na si Apollo ng masasakyan ay kaagad nilang pinasakay si Sky at hinatid sa apartment ng ate nito. Nakahinga ang dalawa ng makarating sila sa apartment. Buti nalang at alam ni Artemis ang lugar nayun na malayo-layo rin sa KTV bar na pinuntahan nila. Nabigla naman si Storm dahil hindi niya inaasahan ang ganung ayos ng kapatid niya.
"Anong nangyari diyan?" tumulong ito sa pag-alalay.
"Heart broken?" nasabi nalang ni Artemis.
Nagtulong-tulong naman silang papasukin ito sa kwarto at pinahiga sa kama. Nang masiguro nilang maayos na ito ay saka sila lumabas ng kwarto.
"Salamat sa paghatid niyo sa kapatid ko. At salamat rin at dito niyo siya dinala agad."
"Wala po yun. Ito rin naman po ang pinakamalapit sa KTV bar na pinuntahan namin."
"Basta po para sa inyo, Miss Beautiful. Na future girl------,"
Tinakpan niya ang bibig ng kapatid. "Hehe. Ang daldal po ng kakambal ko. Sige po. Mauuna na kami." hinila na niya si Apollo palabas at tinulak palayo.
Sumunod naman si Storm sa labas. "Salamat ulit sa inyo."
"Walang anuman po. Sige po."
Isinirado naman ni Storm ang pinto at hindi na nakapagpaalam si Apollo kay Storm.
"Ano bang problema mo? Bakit mo ako pinahiya kay Miss Fortez? Ni hindi na nga ako nakapagpaalam." Reklamo niya sa kapatid.
"Well, let me tell you brother" nagcross-arm ito. "Ako ang nahihiya sa sinasabi mo kanina. At isa pa hindi lang yun ang gagawin ko kapag nabaliw ka na naman." Singhal niya rito.
"Bakit? Masama bang mabaliw sa kagandahan ni ma'am?" hinampas ni Artemis ang braso niya. "Aray! Nakakadalawa ka na ha!"
"And then what? Papatulan mo ako? Mandiri ka nga sa pinag sasabi mo kanina." Irap niya rito.
"Tsk! Kung hindi ka lang babae." hinimas ang braso niya.
"Well, sorry ka nalang dahil babae ako. Bilisan mo na nga diyan." Naglakad siya na nakacross-arm. "Ikaw ang magbabayad ng pamasahe natin." lumingon siya rito. "Punishment mo yan dahil hindi ka nagdala ng kotse." Nauna na itong maglakad.
"Tsk! Brat."
"Narinig ko yun." Tugon ni Artemis hindi nang walang lingon-likod.
Napailing nalang si Apollo saka sinabayan ang kakambal. Hinampas siya ulit ni Artemis. Dinuro lang niya ito at binigyan lang siya ng "whatever" sign.
Pagkauwi nila Artemis ay dumeretso na siya sa kwarto niya at nagsulat ng mga reliable facts na ipapasa niya kay M.G.
Napangiti naman siya sa nang maipasa na niya ito. Excited na siyang mabasa ang story na ginawa nito. Nakokonsensya nga siya dahil parang ginagamit niya ang storya ng kaibigan niya ng walang paalam pero at some point nasisiyahan rin naman siya sa progress ng book na gusto niyang makuha. Sana nga ay tama ang desisyon niyang pagkatiwalaan siya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top