Chapter 1
Kakasimula lang ng pasukan kaya natural sa mga estudyante na magkwentuhan tungkol sa karanasan nila sa dalawang buwang bakasyon at kamustahan na rin.
Ngunit walang makakahigit sa excitement na nadarama ni Skylee na makita ang bestfriend niyang si November. Ikaapat na taon na nilang pagkakaibigan ngayon mula nagmagkakilala sila nung unang enrollment nila sa college. Nagbaon pa siya ng extrang snack na palihim niyang kinuha upang ibigay kay November. Nakita niyang nakikipag-usap si November sa kaibigan nitong si Apollo. The way he talks to Apollo, para talaga itong lalaki. Agad na sumilay ang ngiti sa labi niya saka nilapitan ang dalawa.
"Hi November! Hi Apollo!" bati ni Skylee.
"O, Sky! Buti hindi ka nahuli" tugon ni November.
"Muntikan na nga eh. Ikaw kasi eh" biro ni Skylee.
"Anong ako?" nagtatakang tanong ni November.
"Ahem! Hello? Nandito ako? Nagiging invisible na naman ako." Singit naman ni Apollo. Natawa ang dalawa.
"Sorry Apollo." Nangingiting tugon ni Skylee.
"Oh! Nandito na si Terence. Bro!" turo ni Apollo.
Napalingon naman sila sa paparating na si Terence. Para naman nag-slow motion ang paligid ni November nang makita niya si Terence. Napansin naman ito ni Sky kaya palihim niya itong kinurot upang magising. Tinignan naman siya nito ng masama. Ilang sandali pa ay dumating na ang guro nila.
"Good morning, class" bati ng guro.
"Good morning ma'am!" bati naman nila.
"Ako na nga pala ang magiging instructor niyo for this semester. By the way, I'm Storm Fortez. Alam kong iilan sa inyo ay nakakakilala nasa akin bilang kapatid ni Sky. Pero dahil instructor ninyo ako, ise-set aside ko muna ang pagiging magkapatid namin. That means, I will treat you equally. Ako ang guro niyo at kayo ang estudyante ko. Am I clear?"
"Yes, ma'am!"
"Better. Now, I will handle World History and World Literature. Meaning, dalawang beses ko kayong makikita sa isang araw. I hope na kakaunti lang ang aabsent sa klase ko. Now, say present if your name is called. Ito na rin ang magiging sitting arrangement niyo. Apollo Bernardo." Hanap niya sa paligid. "Mr. Bernardo" ulit niyang tawag.
Napansin naman ni Artemis si Apollo na tulala kaya binatukan niya ito upang magising.
"Tinatawag ka?" paasik na bulong ni Artemis sa kakambal niya.
"Po? Present po."
"I think you're in your dream, Mr. Bernardo. Dito ka maupo." Ituro ang unahan na upuan. "Artemis Bernardo. Sa tabi ka ni Mr. Bernardo. Magkapatid ba kayo?"
"Yes ma'am. We're twins actually." Sagot ni Artemis.
"Hmm. Cute. Next..."
"Hoy! Ano bang nangyayari sayo? Para kang timang dyan." iritadong tanong ni Artemis sa kapatid.
"Ang ganda ni ma'am. Single pa kaya siya?" nakalumbaba ito habang tinitignan ang guro nila.
Binatukan niya ang kapatid. "Tumigil ka nga diyan."
"Ang sakit nun ha." bumelat lang si Artemis.
"Sky Fortez. Maupo ka sa may likod ni Apollo. Terence Reyes."
"Present ma'am."
"Sa tabi ka ni Sky. And lastly, November Santos. Tabi kayo ni Mr. Reyes."
Itinaas naman ni Sky ang kamay niya. "Ate—ma'am. Pwedeng tabi na lang kami ni November?"
"No. Gaya ng sinabi ko kanina, ito na ang magiging final sitting arrangement niyo. Kapag wala kayo sa upuan niyo that means you are absent. Now, may iba pa bang katanungan? Kung wala, let's start our lesson.
Nadismaya naman si Skylee sa sinagot ng kapatid niya. Nilingon niya si November. Alam niyang kinikilig na ito kahit hindi nito pinapahalata. Nang matapos ang dalawang period ay nagdesisyon silang pumunta sa cafeteria.
Matagal nang alam ni Skylee ang sekreto ni November, at yun ang pagiging bakla nito. Ni hindi nga alam ng pamilya ni November ang pinakakatago nitong sekreto.
"Sky, ayos ka lang ba?" nag-aalalang tanong ni November. "Hindi mo kinakain ang pagkain mo".
"I'm fine. Medyo inaantok lang ako."
"Sabihin mo lang kong masama ang pakiramdam mo ha."
"No worries. Inaantok lang talaga ako." She give him a forced smile.
Napatango na lang si November. Sina Apollo at Artemis naman ay may hidden understanding sa nakikita nilang pag-aalala ni November kay Skylee. Kung alam lang nila ang totoong nararamdaman ni Sky. Nang matapos ang panghuli nilang subject ay kaagad nagpaalam si Sky sa kanila upang maunang umuwi.
Santos Residence
Kasalukuyang naghahanda ng hapagkainan si Mia. Espesyal kasi ang magiging hapunan nilang pamilya dahil anniversary nilang mag-asawa. Kaya naghanda siya ng masasarap na putahe.
"Yan, perfect. Inday!!!!!!!" tawag ni Mia sa kasambahay nila.
"Mam? Ano po yun? Ano pong problema?" kinakabahan niyang tanong.
"Wala, wala. Gusto kong tignan mo ang pag-arrange ko sa table. Ang ganda diba?" presenta niya rito.
"Mam naman. Akala ko po naman ay may sunog na. Pero maganda po ang pagkakaayos niyo ng hapagkainan. Sigurado po akong matutuwa ang mag-aama niyo." Pagsang-ayon ni Inday.
"Sana nga. O siya, ikaw na ang bahala rito. Pakilagay nalang ng iba pang ulam dito. Be sure na nasa saktong pwesto sila ha. Kailangan ko pang magpaganda at baka dumating na ang mag-aama ko."
"Sige po mam. Ako na pong bahala dito."
Agad namang pumunta si Mia sa kwarto at nag-ayos. Maya-maya pa ay sabay namang dumating ang magkapatid na sina November at April.
"Uy! Kuya. Sige na naman o. Ireto mo na ako kay Apollo. Crush na crush ko talaga siya eh." Mangungulit ni April kay November.
Nilingon niya ang kapatid. "Ano ba yang pinagsasabi mo? Ang bata-bata mo pa may crush ka na. Hindi pwede!" inis niyang sagot sabay pasok sa loob ng bahay.
Hinila naman ni Apiril ang sleeve ng kuya niya. "Sige na Kuya. Tsaka Kuya, normal sa mga teenager na magkacrush kaya. Eh ikaw nga diyan, binabakuran si Ate Skylee. Uyyy!!! Si Kuya..... wag ka nang magpakatorpe." Tudyo niya rito.
"Isa! Kapag hindi ka pa tumigil, isusumbong kita kay mama." Banta ni November sa kapatid.
"Tsk! Sungit. Uy! Ang sarap nito ha. Anong kayang okasyon?" kukuha sana ng pagkain ngunit tinapik ni November ang kamay nito. "Aray! Kuya naman."
"Wag ka ngang atat. Inday! Inday!" tawag niya sa kanilang kasambahay.
"Po? Ay! Magandang gabi po sa inyo."
"Nasaan si mama? At bakit maraming pagkain?" tinapik na naman ang kamay ni April na may planong kumuha na naman pagkain.
"Ahhh! Pinahanda po yan ng mama iyo dahil anniversary nila ngayon ng papa niyo." Sagot naman ni Inday.
"Hala! Oo nga pala! Kuya, wala akong gift para sa kanila."
"Oo nga no?"
"Maiwan ko muna kayo ha. Nasa kusina lang ako kung kailangan niyo ako." tumango si Novi bilang sagot.
"Paano na 'to Kuya?"
"I'm home! Wow! Ang rami ng ulam natin ngayon ha."
"Papa!" yumakap siya rito. "Papa, sorry po. Wala kaming gift para sa inyo ni mama." She pouted.
"Ha? Bakit?" takang tanong nito.
"Nakalimutan niyo rin?" tanong ni November.
"Hala ka pa! Nakalimutan niyo."
"Anong nakalimutan?"
"Mama! Happy anniversary sa inyo!" niyakap ni April ang mama niya.
"Naku, itong bunso ko talaga. Thank you anak."
"At ang pretty niyo po." Pahabol pa ni April.
"Naku! Wag mo na akong bolahin." tumingin naman si Mia kay November
"Happy anniversary sa inyo." bumeso sa mama niya.
"Thank you anak." bumaling siya kay Carlo. "Hi honey. Happy anniversary to us." Bumeso siya sa asawa.
"Happy anniversary rin hon. I'm sorry kung hindi ako nakabili ng gift para sayo. But you're stunningly beautiful tonight." Komento niya sa asawa.
"Ayieee!!! Si papa, bumabanat." Tudyo ni April sa magulang.
"Tama na nga yan. Kumain na lang tayo." Tugon ni November. Nagsiupo naman silang apat.
"Che! K.J." komento naman ni April.
"I'm sorry talaga hon. But babawi ako tomorrow. Naging busy talaga ako sa work."
"Siguraduhin mo yan. Kundi, magtatampo ako sayo."
"Of course. Just for my beautiful wife."
Masayang pinagsaluhan ang hapunan ng mag-anak. Nagpasalamat si Carlo na nalihis ang pagkalimot niya sa anniversary nilang mag-asawa dahil sa kadaldalan ng bunso nila. Iniisip niya kung ano pa ang magiging palusot niya sa asawa niya mamaya dahil hindi naman talaga trabaho ang dahilan kung bakit nakalimutan niya ito.
Fortez Mansion
Halos magkasabay lang ang dating nila Storm at Sky sa masyon nila. Himala at magkakasasabay pa silang tatlong kumain ngayong gabi. Minsan kasi ay wala ang mommy nila o kaya ay si Storm ang wala. Ang malala ay si Sky lang talaga ang mag-isang kumakain dahil na rin nasa business trip ang mommy nila. Ang ate naman niya ay tumutuloy minsan sa apartment nito kung magkakabanggaan sila ng ina nila.
Inaasahan na nilang madatnan ang mommy nila na sa dining area at may kausap na naman ito sa telepono. Sigurado silang tungkol naman ito sa business. Bumeso naman sila rito.
"Okay. I will talk to you later." ibinaba ni Lucia ang phone saka hinarap ang mga anak niya. "Himala at sumabay ka sa aming kumain. Akala ko ay nawalan na ako ng panganay na anak."
"Not now mom." Walang-buhay na sagot ni Storm.
"Ano? Babarahin mo na naman ako dahil pagod ka diyan sa pipityugi mong trabaho?"
"Mommy..." mahinahong saway ni Sky sa ina.
"Marangal ang trabaho ko kaya wag mong minamaliit lang." iritadong sagot ni Storm. "At kailan ka ba naging concern sa trabaho ko?"
"Ate, mommy, please nasa hapagkainan tayo. Konting respeto naman oh." Pakiusap ni Sky sa dalawa.
"At kailan pa nagkarespeto yang ate mo?" bumaling naman ito kay Storm Kung pinamunuan mo lang sana ang negosyo natin, wala tayong pinagtatalunan ngayon."
"Mom, ate,, please..."
Napatayo si Storm. "Nawalan na ako ng gana." Tugon nito saka umalis.
"Aba't – Stormilee! Hindi pa ako tapos magsalita! Yan talagang kapatid mo, walang respeto! Kaya ikaw, wag na wag kang gagaya diyan sa ate mo mong suwail. Kundi, itatakwil kita." Banta ni Lucia kay Sky.
"Yes mommy."
"Kumusta na pala ang mga grades mo? Running for Summa Cum Laude ka ba?"
"Yes, mommy."
"Excellent. Dapat lang na ikaw ang pinakamataas sa lahat. After you graduate, aalis ka papuntang U.S. para sa MBA mo. Doon ka na rin magte-training."
"Mom, pwede po bang dito na lang ako magmasteral. I can study in U.P., standard rin naman sila when it comes to academics."
"No! Mas mahahasa ka sa America kaya doon ka mag-aaral and that's final. Nga pala, sumasama ka pa rin ba sa baklang Santos na yun? Ayokong nakikita kang nagbabarkada sa kanya."
"Mom, he's not gay." Pagtatanggol niya kay November.
"Manhid lang ang hindi makakapansin sa tunay na kulay niya. This is my last warning, layuan mo siya or I will make his and his family's life miserable. Naiintidihan mo ba ako? Don't make me disappoint na gaya ng ginagawa ng ate mo ngayon."
"Yes, mom."
Hindi na tinapos ni Lucia ang pagkain niya dahil may tumatawag na sa kanya. At gaya ng dati, mag-isa na naman si Sky na kumain. Kalian kaya siya kakain na kasama ang ate at mommy niya na hindi sila nag-aaway? Sana rin mag-iba ang desisyon ng mommy niya sa pagpapapunta sa kanya sa America. Ayaw niya pa naming mawalay kay November. Sana lang...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top