Chapter 1: To Another World
✧⋄⋆⋅⋆⋄✧⋄⋆⋅⋆⋄✧⋄⋆⋅⋆⋄✧⋄⋆⋅⋆⋄✧
Kadiliman. Walang hanggang silim ang bumabalot sa paligid.
Katahimikan. Pagpatak lamang ng tubig sa noo ko ang tuluyang nagpagising sa'king pagkakahimlay.
"Ah!"
Nagulat ako ng may nahawakan akong basang tubig sa kanang kamay ko.
"Nasaan ako...? At bakit dinudugo ako?"
Huminga akong malalim at kumalma muna; kumurap-kurap para intindihin kung na'san na ba ako.
Una sa lahat may kadiliman itong lugar, malamig at may kahalumigmigan.
Mga iba't ibang kulay ng alitaptap na lumiligid sa kumukulatay na uri ng bonsai ang kumuha ng aking pansin.
Nagkalat sila sa mabatong pader, nagbibigay ng liwanag sa kung saan kuweba man ako napadpad.
Napalingon naman ako sa kanan at bumungad sa'kin ang may kalalimang lawa. Isang maling tapak lang ay mahuhulog ako dito at posibleng malunod.
Basang-basa ang katawan ko at higit sa lahat, mahinhin kong pinatong ang kanang kamay ko sa dibdib ko at aray ko po, may malalim na sugat nga ako.
"Ahhh sh*t..."
Dali-dali kong tinanggal ang pang-itaas ko. I can't panic. I have to calmly tend to the wound first before I croak from blood loss.
"Hala! Mamatay na ba ako?!"
Isang guhit na marka na walang humpay na dumudugo ang nagpagising ng aking diwa, nagpaalala kung gaano ka seryoso ang sitwasyong ito.
I had to tear down whatever clothes I was wearing so I could make a makeshift first-aid kit to cover the deep wound.
Kailangan ko munang patigilin ang pagtulo ng dugo para hindi ako mahimatay.
"It hurts... But I have to endure it. Na-reincarnate nga ako pero ba't isang hakbang nalang kakatatok na ulit si kamatayan?!"
Naalala ko kapag napunta ka sa ibang mundo usually magkakaroon ka dapat ng kapangyarihan o mahika. Nasaan na 'yung sa'ken? Scam lang ba 'yung mga nababasa ko?
And why the hell am I in death's door? Habang nagrereklamo ako sa isip ko, may lumabas ulit na impormasyon sa linya ng paningin ko tulad noong bago ako na re-incarnate.
┌─── ∘°❉°∘ ───┐
Identity: Liliana
Status:
Level: 5
HP: 35%
Mana: 140%
Energy: 100%
Ether: 1000%
Spells:
Fireball|Recovery
Status:
Bleeding
Skill Points: 5
HP percentage is low.
Current level of Recovery cannot heal your Bleeding.
Do you want to spend your Skill Points to level up Recovery?
Yes|No
└─── °∘❉∘° ───┘
I literally have no idea what I'm doing, but I do know these terminologies thanks to that one guy I dated online who loved playing RPGs. He left me 'cause he found a better e-girl.
Kung hindi ako nagkakamali HP means Health Points. In the game, if the HP is reduced to zero, you die.
I reached out to the system panel and clicked the yes button multiple times. Para akong tanga na pumipindot-pindot gamit ng hintuturo ko sa hangin.
I leveled up what appears to be a Recovery Skill to level 5. Now what? Unti-unti pa rin akong nawawalan ng dugo and I think nagdadalawa na rin paningin ko sa pagkahilo.
"Ah... Pati ba naman sa ibang mundo malas ako?"
If there is ever a God, he probably hates me. I'm alone again in this new world without even being able to go out of this unknown cave where I spawned from.
As I accepted my fate once again to die twice, I placed both my hands on my heart ever so slowly fading, listening to the silence of the pattering water trickling into the pond.
But when I thought that there was no hope in this situation, both my hands shone an iridescent green. Gleaming a majestic hue, giving me a warmth I've never felt before ever in my unfortunate life.
┌─── ∘°❉°∘ ───┐
Skill Activated: Recovery
└─── °∘❉∘° ───┘
"Ang sugat... Naglalaho?"
Unti-unting naglaho ang berdeng liwanag na pumalibot sa'king katawan. Kinapa-kapa ko pa 'yung malaking dibdib ko at totoo nga talagang wala na.
"This is magic! So I'm really in another world! Pero... Ba't parang may mali?"
Oo naghilum na 'yung malaking sugat sa malaking dibdib ko. Oo nag-iwan ito ng mahabang peklat pero hindi 'yun 'yung punto! Ako? Malaking dibdib?
Kelan pa ako nagkaroon ng jogà? I'm so flat-chested from my previous life that I've heard the cutting board 'chest' jokes a thousand times when I'm talking to men.
But that's not all that changed. Dali-dali kong hinarapan 'yung lawa sa likuran ko at maigi kong tinignan ang repleksyon ng sarili ko.
Lo and behold. What greeted me wasn't my ugly self from my previous life, but what reflected from the calm waters was a fair maiden probably the same as my age.
Her hair, a cascade of silky, glistening auburn strands, frames eyes that sparkle like sapphires, and her skin, so fair and smooth, exudes an air of royalty. With a single glance, she can ensnare hearts with a beckoning wink.
Now that I've come to my senses. The clothes that I tore are the tunic I'm wearing. I'm now only wearing a white brassiere and a black skirt.
Hinalungkot ko 'yung satchel na nasa tabi ko, laman nito ay iba't ibang klase ng bote na may dahon at pagkaing nakasupot sa magaspang na papel.
Mukhang meron ding nahulog na sinturon na may kutsilyo sa may kaliwa. Bukod doon ay mayroon akong sandatang libro at maliit na baston na gawa sa kahoy, isang magic wand.
Nakakunot kilay nalang ako, sinubukan kong itagpi-tagpi lahat ng nangyari ngayon.
Una nahimatay ako at na-reincarnate ako dito sa mundong ito sa katawan ng isang magandang dilag na malapit na ring mamatay. Buti nalang may Recovery Spell ako kung hindi tigok ang katawang ito.
Pangalawa. Wala akong memorya ng may-ari nitong katawan. Ang tanging nakita ko lang sa mga gamit niya ay isang sulat. Nabura na 'yung tinta dahil sa dugo pero nakasulat sa baba ang pangalang, 'Rosemary.'
Pangatlo. Mukhang manlalakbay si Rosemary at hindi ko alam paano siya napadpad dito sa madilim na kuweba.
Habang kinakamot ko 'yung buhok kong ubod ng lambot, lumabas ulit 'yung mga salitang sumusulpot sa tapat ng mukha ko na hindi ko matanggal kahit paikutin ko pa 'yung ulo ko.
Para itong virtual reality setup pero sa totoong buhay. What the hell am I even saying.
Sinubukan ko itong paglaru-laruan.
Naalala ko noong pinapapili ako ng yes or no, napipindot ko ito sa hangin. Kaya sinubukan kong mag-scroll left, right, up, and down na parang smartphone lang, parang social media app lang ganon at umandar ito tulad ng iniisip ko!
Para lang ako kumakaway sa hangin at nakokontrol ko ito at nakikita ang impormasyon patungkol sa'kin.
I tried to use both my hands to maximize the panel shown by extending my arms wide.
┌─── ∘°❉°∘ ───┐
Identity: Liliana
Race: Human
Title: Adventurer
Class: Mage
Status:
Level: 5
HP: 96%
Mana: 140%
Energy: 100%
Ether: 1000%
Spells:
Fireball|Recovery LVL 5
Status:
Healthy
Skill Points: 0
You need to level up to gain more Skill Points
Skill Points are used to upgrade and learn new Spells
└─── °∘❉∘° ───┘
Apparently, I only have two spells right now—the Recovery and the Fireball. I can learn more magic but I don't have any Skill Points which are gained only by leveling up.
I know that HP means my health, and Mana is used to casting Spells, but I don't know what Ether and Energy do.
Hindi ko inaasahan na magagamit ko 'yung natutunan ko sa paglalaro ng games tuwing day off para lang pansinin ako ng lalaking 'yon sa online dating app.
Nagbihis muna ako at kinolekta ko lahat ng gamit na nakalatag lang sa mga bato-bato. Napagtanto ko lang na siguro, 'yung may-ari ng katawang ito ay tumakbo dito sa may lawa para magtago sa kung ano man ang nanakit sa kaniya.
But I woke up to this body, I guess I'm now her, or is she me? I don't know anymore why do I even bother?
Kalahati lang ng dibdib ko 'yung natatakpan ng damit na pinunit ko. Kung sanang alam ko lang paano gumamit ng mahika agad sana matino pa 'yung suot ko. Ang lambot pa naman high quality talaga 'yung tela.
Naglakad-lakad ako sa loob ng kuweba. 'Yung mga alitaptap sa mga bonsai ay tila pinaliligiran ako para bigyan ng liwanag sa bawat hakbang.
Hanggang sa namataan ko ang liwanag sa isang lagusan, ngunit bago pa man ako nakalabas—sigaw ng isang lalaking tila humihingi ng tulong ang nagpatigil sa mga paa ko.
"Helk zjirone kluse, eip sepag fier yia!"
I definitely heard the scream of another man. But I can't understand the language he's speaking.
Kahit na hindi ko ito maintindihan, alam kong sigaw iyon ng taong nangangailangan ng tulong ASAP.
Bago pa ako magdalawang isip, tumakbo ako sa lagusan para puntaan ang pinanggalingan ng boses, bitbit ang baton ko.
Hindi ko alam anong klaseng tulong mabibigay ko, pero chismosa ako kaya kailangan kong malaman anong nangyayari doon.
"Wait for me, I'm coming for you!"
✧⋄⋆⋅⋆⋄✧⋄⋆⋅⋆⋄✧⋄⋆⋅⋆⋄✧⋄⋆⋅⋆⋄✧
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top