Chapter 0: Mundane Life
✧⋄⋆⋅⋆⋄✧⋄⋆⋅⋆⋄✧⋄⋆⋅⋆⋄✧⋄⋆⋅⋆⋄✧
Liliana's POV
Wake up. Take a bath. Go to work. Go home and sleep.
Can't forget to take meals in between.
Rinse and repeat.
Hinablot ko 'yung off-brand close shoes ko sa cabinet 'tsaka ko isinuot, took the apartment key tied from my wallet before closing and locking the door so I could go to work now.
I live alone, pinalayas na ako ng magulang ko. Maghanap nalang daw ako ng asawa kesa maging palamunin. Kung ganon lang kadali maghanap sana matagal na akong lumayas.
Naghintay ako nang kay tagal sa may kanto namin, naghahanap ng masasakyan. May strike nanaman ata ulit bakit ang konti ng mga dumadaan na jeepney? Meron namang humihinto pero puno naman.
I checked my phone to see the time. Yikes. Lagot ako nito dalawa pa 'yung sasakyan ko mula dito hanggang sa office, sobrang late ko na.
Naubusan na ako ng dahilan sa team lead namin papagalitan niya ako for sure. Nagiging rapper siya kapag ako kausap niya, ganon kalaki galit niya sa'kin.
I have no choice but to wait and eventually nakasakay din. I waited faster and buti naabutan ko kaagad 'yung pangalawang jeep bago ito mapuno agad.
Nakarating din sa workplace sa wakas. I placed my index finger on the biometrics scanner and hindi pa man ako nakakapasok, bumungad sa'kin si TL sa sulok ng paningin ko.
Hindi ako lumingon sa direksyon niya. I casually tiptoed around the left corner papunta sa workstation ko, and fair enough, may naramdaman nalang akong malamig na kamay na sumungab sa aking balikat.
"Lily! You do realize you're 1 hour and 20 minutes late?!" She raised her voice.
"Ah, sorry po kase-"
"Kase ano? Namatay ba 'yung aso mo? 'Yung pusa? Kapitbahay? May naaksidente on your way here? Sawang-sawa na ako sa mga dahilan mo Lily. Habang isang oras kang wala, ako naman ang mapapagalitan dahil iyo! Akala mo ba..."
Ah. Her voice slowly become silent while she's yapping on my face. My ears naturally blocks all noise habang kaharap ko siya, pinapagalitan ako na para bang wala ng bukas.
Sinisigawan niya na ako pero pansin kong mga ka-trabaho kong call center agent hindi na sila lumilingon.
Para bang nasanay na sila sa ganitong buhay. Kase sila din naranasan na nila 'yung ganito, hanggang sa naging manhid nalang din sila.
"Do you understand all that Ms. Lily?"
I forgot I was talking with her.
"Yeah. I promise I won't do it again."
Kasalanan ko naman talaga dahil nahuli ako, pero kasalanan ko ba na sobrang boring ng buhay ko?
"Then go back to work. Now."
Yah. Ganon naman gagawin ko dapat bago mo punuin ng laway 'yung mukha ko.
I sat on my chair and took a deep breath. Powered on the computer, siya lang 'yung na-appreciate ako 'cause I turn it on.
Habang hindi pa nagbubukas 'yung monitor, nakita ko nanaman matigyawat kong mukha.
I'm unattractive and I look like a nerd because of my glasses. Pero hindi naman ako matalino kaya nga call center agent sa BPO company ang bagsak ko.
Morena din ako, hindi makinis ang balat. I forgot when was the last time I visited a salon, buhaghag na 'yung hair ko.
There was even one time I was so desperate I had to do online dating. Ngalan ko'y Anastasia Liliana De Guzman pero they call me Lily. Malamang lalagay ko 'yung buong pangalan ko sa profile.
The problem is I'm not confident with my looks, so I blurred out my graduation pic and made it my DP.
I had a match and we chatted for a while, we definitely clicked that we decided to meet up.
Noong na-meet niya na ako, I can still remember his dissapointed face noong nakita niya ako in person. The guy said I was impersonating someone, nilait niya nga ako baka daw Berta totoong pangalan ko.
Bakit kasalanan ko rin ba na malayo 'yung pangalan ko sa mukha ko noong pinanganak ako?! Ano bang nasa isip ng magulang ko noong binigyan nila ako ng mala prinsesang tawagan.
He blocked me afterward. Then each meetup from then on are total disaster. Iniisip ko what if pasok ako sa standards ng kagandahan na hinahanap nila, could their view of me be still the same?
Mabait naman ako and I treated them nicely kahit na minsan sobrang creepy nila. I guess I'm just that unlucky in life.
Bago pa ako malugmok sa nakaraan, kinuha ko 'yung headset. Sa kaliwang kamay ko ay keyboard at mouse sa kanan, umpisa na para sa 10-hour shift ko.
"Thank you for calling global solutions customer service, how may I help you today?"
At noong nagsimula na ang pinaka-boring na parte ng buhay ko na nangyayari araw-araw, para bagang isa akong robot na walang emosyon. Ginagawa ang ibinigay na trabaho sa'kin ng walang reklamo.
But deep inside, I also feel. Oo nasanay na akong sigawan ng mga client kapag napag-initan nila ako ng ulo. Wala naman akong magagawa kung galit din sila mundo.
Minsan napapaisip nalang ako na ganito nalang ba ang buhay ko? Tatandang walang kasama sa buhay? Everyday repeating the exact same script hoping for the better?
A slave of the company. Ganon lang ako.
Pero lately when I started taking an interest in reading various genres of books, especially something about the multiverse or another world, is there a chance that another version of me is much happier than me right now?
'Yung ideya na masaya 'yung ako sa ibang mundo ay isang pantasyang hindi ko makakamit. But hey, that is still me, and I'm happy for her. That is why reading those stupidly impossible fantasies are what keep me alive in this dull, monotonous, unchanging life that I'm living.
"Last call nalang bago ako mag-clock out."
Sa wakas patapos na din ang araw ko sa trabaho. Mabilis na umiglap ang mga oras. Habang kausap ko itong huling kliyente para sa quota ko, bigla nalang akong nakaramdam ng kirot sa dibdib ko.
"Please wait for a moment, let me check your details in the system to confirm your receipt."
Tinanggal ko 'yung headset at tinulak 'yung keyboard palayo. Paunti-unti, 'yung kirot biglaang naging matinding sakit, rason para ipahinga 'yung ulo ko sa mesa habang hawak-hawak ang aking dibdib.
"Hindi na normal to... Nahihilo na din ako..."
Hindi ako sure kung inaatake ako o kung ano man nangyayari. Last week lang ako nagpa-check up at wala naman akong chronic illness sa puso.
Noong sinubukan kong humingi ng tulong dahil sobrang sakit na talaga at naluluwa na ako-walang boses and kumawala, my mouth is open but I can' speak at all.
I tried shouting but to no avail. My blurry vision started going dark-until I could no longer see what was in front of me.
I guess this is it... Ito na siguro 'yung oras ko. Okay lang naman sa'kin kase kakawala na rin ako sa buhay kong ito.
Malalagutan ng hininga na virgin pa rin. Pupunta sa heaven na never pang nakahawak ng abs... Hindi ko man lang natupad pangarap kong pumatong sa abs ni crush.
Hanggang sa tumigil nalang ang oras.
Ang mundo kong naliligiran ng kadiliman ay biglang lumiwanag noong may sumulpot na mga salita sa paningin ko.
┌─── ∘°❉°∘ ───┐
System Recollection Complete
Soul Transfer Requirement: 100%
Material Shift Composition: Positive
Material Shift Target: Rosemary
Would you like to accept?
Yes | No
└─── °∘❉∘° ───┘
Ano na naman itong parang system user interface na nakikita ko ngayon? Nabaliw na ba ko? Ito na ba 'yung heaven? Ano bang nangyayari ngayon, panaginip lang ba ito?
Wala na akong pake sa mundo. Hindi ko alam kung anong ibig sabihin nito pero sinubukan kong abutin 'yung liwanag sa harap ko, laking gulat ko na sobrang gaan ng kamay at katawan ko.
"I would like to accept. Bahala na kung ano ito, I accept! Yes!"
I clicked yes from the pop-up interface and suddenly, the darkened horizon turned into a clear white sky, followed by another set of information appearing before me.
┌─── ∘°❉°∘ ───┐
Identity: Liliana
Race: Human
Title: Adventurer
Class: Mage
Status:
Level: 5
HP: 100%
Mana: 140%
Energy: 100%
Ether: 1000%
Spells:
Fireball|Recovery
Status:
Bleeding
Magical Reincarnation: 89%
└─── °∘❉∘° ───┘
Ah. Is this reincarnation? Ito ba 'yung napapausong mapupunta ka sa ibang mundo? Did I just got reincarnated?
Even now, I don't think this is possible. Pero kahit na hindi ko ito pinaniniwalaan, pumikit nalang akong maigi, naghahangad na hindi panaginip itong lahat.
Dahil mas masakit pa sa pagkalagot ng hininga ay ang bumalik sa dati kong buhay... Ayoko ng bumalik sa mundong walang nagmahal sa'kin...
Ayoko ng bumalik sa mundong tinalikuran ako.
Sana totoo ang lahat ng ito... Sana paggising ko hindi sa ospital abot ko.
'Di ko lang expect na sa puntong 'yon, sobra-sobra pa pala sa hiling ko ang dumating sa buhay ko.
"Wake up... Answer me, please don't die on me!"
✧⋄⋆⋅⋆⋄✧⋄⋆⋅⋆⋄✧⋄⋆⋅⋆⋄✧⋄⋆⋅⋆⋄✧
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top