THE BLOOMING ROSE

"Don't look back! Keep on running!"

"What?" Galit na tanong ko habang patuloy sa pagtakbo. Damn it! Pagod na ako! I didn't sign-up for this! Damn this!

Inis kong inalis sa noo ang pawis at tumigil na sa lintek na pagtakbo.

"Denice! I told you to keep running!"

"So what? I'm tired, Mr. Denice, Keep-On-Running! Pagod at uhaw na ako! Hindi mo ba nakikita ang pawis ko? At isa pa, parte ba talaga ito sa training? I'm here to represent our school. Beauty Queen, Lester! Not a freaking track and field athlete!" Inis na bulalas ko at bumalik na tent kung saan ko iniwan ang bag ko kanina.

"What's wrong with you? Kanina pa mainit ang ulo mo!" Maarteng tanong ni Lester sa akin at sinundan ako sa may tent. "Ano? Nag-away na naman kayo ng jowa mong mahilig sa bola? Break na kayo? Agad-agad?"

"Stop with your nonsense questions, Lester. Sasambunutan na talaga kita!" Iritang sambit ko at uminom na ng tubig. God! I'm so tired! Idagdag mo pa ang matinis na boses ni Lester, lalo akong napapagod!

Mabilis kong hinubad ang top kong puno ng pawis at isinuot ang nakahandang tshirt na nakasampay sa backrest ng upuan.

"Denice, kung mainit ang ulo mo, huwag mong idamay ang trabaho. This is your training, dear. Your one-way ticket to become the new face of our university!"

"Really? My one-way ticket? Then, give me a proper training! Hindi iyong ibibilad mo ako sa araw at papatakbuhin ng ilang oras! Look at me," tumayo ako at namewang sa harapan niya. "Mukha ba akong hindi fit sa paningin mo? And may I remind you, I passed the screening test kaya naman I assured you na fit at proportion ang katawan ko!"

"You look great, Denice, alam ko iyan, pero parte ito nang training na inihanda para sa'yo." Giit pa ni Lester na siyang nagpairap sa akin.

"Then, let's skip this part! Hindi ko gusto ito!" Sambit ko at dinampot na ang bag sa ibabaw ng mesa.

Aalis na ako!

Nagsimula na akong maglakad palabas ng tent ngunit bago pa man ako tuluyang makatakas kay Lester, humarang na ito sa daan.

"Akala ko ba iyong pagtakbo lang ang iiskip natin? Bakit parang buong araw na, ha, Denice?" Nakataas kilay na tanong nito sa akin. Nginisihan ko siya at bahagyang hinawi ito para makadaan ako.

"May practice game ngayon sila Ramses. Manunuod ako."

"What? Bakla ka talaga ng taon, Denice!" Bulalas ni Lester na siyang ikinatawa ko. "Practice game lang naman iyon! Walang masyadong ganap! Magtraining ka na dito!"

"Bye, Lester! See you tomorrow!" Nakangising paalam ko dito at tumakbo na palayo sa kanya.

Well, mukhang nakatulong din pala ang ginawa niya kanina sa akin. Pakiramdam ko ay ang gaan ng katawan ko ngayon kaya naman ay mabilis akong nakatakas dito.

This is my third year in this university, and I must say, this year might be my best year. I was choosen to compete for our school sa isang pageant na yearly ginaganap. I will compete against other universities beauty queens. This is my dream! To compete against them and win!

"Looking great, Denice!" Nakangiting bati sa akin ng ilang kakilala ko habang tinatahak ko ang daang patungo sa Gymnasium ng university namin. Panay ang ngiti ko naman sa kanila at nagpapasalamat sa munting papuring binibigay nila sa akin.

Sa labas pa lamang ng gym ay puro hiyawan na ang naririnig ko. Napangiwi na lamang ako noong mapagtantong nagsisimula na ang practice game nila Ramses!

Great, Denice! You're so late!

Dali-dali akong tumakbo papasok sa gym at noong tuluyang makapasok na ako ay tumunog na ang buzzer, hudyat na tapos na ang first quarter ng laro. I mentally cursed then marched towards the bench where Ramses and his teammates are. Ngunit ilang hakbang pa lang ang nagagawa ko ay natigilan na ako. Mahigpit akong napahawak sa bag ko at matamang tiningnan si Ramses na mabilis na nilapitan ni Emily, iyong maganda at ma... maganda ulit na captain ng cheerleading squad.

Bitch!

Pinagmasdan ko kung paano pinunasan ni Emily ang pawis ni Ramses at marahang hinaplos pa ang braso nito. The hell! That's my boyfriend, you flirt!

Dahil hindi ko na masikmura ang nakikita, mabilis akong lumapit sa kanila at dumampot ng isang bote ng tubig na nakapatong sa bench. Kita kong nagulat ang teammates ni Ramses sa presensya ko at noong sasabihan na sana nila si Ramses, mabilis kong binuksan ang bottled water at binuhos ito sa ulo nang nakatalikod na si Emily.

"What the hell!" bulalas ni Emily at mabilis na binalingan ako. Sisigaw na sana ito ngunit agad din namang umatras noong makita ako.

"Denice!" ani Ramses at inilayo ako kay Emily. "What are you doing here? Akala ko ba may practice ka ngayon para sa pageant?"

"Akala mo?" Inirapan ko ito. "Kaya ba nandito ang babaeng iyan dahil akala mo wala ako?"

"O-of course not! They're just trying to help us," depensa ni Ramses.

"Help? Bakit? Wala ba kayong mga kamay at kahit pagpunas ng pawis niyo ay pinapagawa niyo sa iba?" Mariing tanong ko at binalingan ang mga teammates nito at ang ilang members ng cheerleading squad. "Basketball team nga kayo, wala naman kayong balls," sarkastik kong sambit na siyang nagpahiyaw sa mga nanunuod sa amin.

"Stop it, Denice," suway ni Ramses sa akin at iniharap sa kanya.

"Yeah, I better stop," wika ko at binawi ang braso sa kanya. "And guess what? We're done, too!"

"What? N-no, Denice!"

Nginisihan ko ito at binalingan ang kalaban nilang team.

"Men without balls should not play basketball, right? Kayo na bahala sa kanila," wika ko at taas noong naglakad palabas ng gymnasium ng university.

Pathetic losers! Anong akala ng lalaking iyon? Maghahabol ako sa kanya? No hell way! Asa siya! I'm not the Queen Bitch for nothing!

Dahil sa bad mood ko, hindi na ako pumasok sa huling subject ko ngayong araw. Wala rin naman akong matututunan.

Dali-dali akong lumabas sa university at sumakay agad sa dumaang taxi.

"Sa Magic Shop po, Kuya," sabi ko sa taxi driver at isinandal ang likuran sa backrest ng upuan. Kinuha ko ang cellphone ko sa bag noong
marinig ang pagtunog nito at napangiwi na lamang noong makitang tumatawag si Ramses. Agad kong dineclined ang tawag nito at ibinalik sa bag ang telepono.

We're done, Ramses. Wala ka nang mapapala sa akin.

Ilang minuto lang ang lumipas ay nakarating na ako sa Magic Shop. Mabilis akong nagbayad at bumaba na rin sa taxi. Tahimik akong naglakad papasok sa Magic Shop at binati ang mga staff na naroon!

"Hello, beautiful people!" Bati ko at halos sabay-sabay silang napatingin sa akin. Mabilis naman akong natigilan noong mamataang marami pa lang customer ngayon sa shop. "Don't mind me. Continue," mabilis na sambit ko at tipid na nginitian ang mga customer.

Dali-dali akong naglakad sa counter area at binati ang mga naroon.

"Wala ka nang klase, Denice?" Tanong ni Selene sa akin habang may tinitingnan na ilang items sa harapan nito. "Too early to stand by here."

"Done with my training at hindi ako pumasok sa huling subject ko," dere-deretsong sambit ko at sumandal sa counter area. Binalingan ko ang kabuuan ng Magic Shop at ang mga abalang staff nito. "Palagi na bang maraming tao dito?"

"Peak season," tipid na sagot ni Selene sa tabi ko.

Pagmamay-ari ng pamilya ko ang Magic Shop. And soon, after I finish my college degree, I will manage this shop. Oh, I can't wait!

Abala ang mga mata ko sa pagmamasid sa kabuuan ng shop noong may pumasok sa loob ng Magic Shop. Napataas ang isang kilay ko habang pinagmamasdan ang matangkad at nakangiting lalaki at ngayon ay naglalakad papalapit sa kinatatayuan ko. Mabilis akong napaayos nang pagkakatayo at halos hindi ako huminga noong tumabi ito sa akin.

"Hi, Selene," bati nito sa Branch Manager ng Magic Shop at kinawayan ang iilan pang staff na malapit sa puwesto namin. Hindi ako gumalaw sa kinatatayuan ko at hinintay ang pagbaling nito sa gawi ko ngunit nangalay na ang paa ko, hindi ito bumaling sa gawi ko! Abala lang ito sa pangangamusta sa iba pang staff ng Magic Shop na ngayon ay may inaasikasong mga customer! The hell!

Seriously? Hindi niya ba makita ang presensya ko?

"Are you okay, Denice? Namumulang ang tenga mo." Rinig kong puna ni Selene na mabilis kong ikinairap dito.

"I'm not okay. I'm furious!" sambit ko at ibinagsak ang bag sa countertop. Kita kong natigilan ang mga staff na nasa malapit sa akin at mabilis na kumilos. Agad silang bumalik sa kanya-kanyang gawain nila at hindi na muli bumaling sa gawi ko. Nakita kong umiling naman si Selene at tinawag ang lalaking bumati sa kaniya kanina.

"Hope!" Tawag ni Selene dito.

Hope? That's his name? So... not fit on him!

Pinagmasdan ko ang paglapit sa amin noong lalaking Hope ang pangalan. Noong nasa tapat ko na muli ito ay mataman niya akong tiningnan. Bumaling naman ito kay Selene na siyang itinuro naman ako.

"This is Denice, the princess of Magic Shop."

"Queen," singit ko at inayos ang pagkakahawi ng buhok ko. Natawa naman si Selene at itinama ang sinabi nito kanina.

"The Queen of Magic Shop, sabi niya."

Selene!

"Hi, Denice! I'm Jarius Hope!" Pakilala niya sa akin at inilahad ang kamay sa harapan ko.

Jarius Hope? Now, that suit him! Tahimik kong tinanggap ang kamay nito at nginitian ito.

"Nice meeting you," sambit ko pa at mas nilawakan ang ngiti ko.

"Denice!"

Damn it!

Napapikit ako at binitawan ang kamay ni Hope. Tamad kong binalingan ang bagong dating at pinagtaasan ito ng kilay.

"May kailangan ka, Ramses?"

"Please, let's talk," mahinahong wika niya at inabot ang kamay ko. Mabilis naman akong umiwas dito at umatras palayo sa kanya. Agad naman akong natigilan noong maramdaman ang presensya ni Hope sa likuran ko.

Oh, boy! I forget about him! Ngayon ay isang atras na lang ay masasagi ko na ito!

"Denice, please."

"Umalis ka na, Ramses. Tapos na tayo," walang emosyong sambit ko at tiningnan ang mga pintuan ng Magic Shop. "Your friends are here. Sinusundo ka na," dagdag ko pa at tinalikuran ito.

And... wrong move!

Tumama ang katawan ko kay Jarius Hope! Sht! At dahil sa taranta ko, agad akong umatras palayo sa kanya.

And... wrong move again! Nawalan ako nang balanse at muntik nang matumba! Damn it, Denice!

"You okay?" Mabilis na tanong ni Hope sa akin habang umaalalay ang kamay nito sa bewang ko. Napakurap ako ng isang beses at mabilis na umayos nang pagkakatayo.

Tumikhim ako at muling binalingan si Ramses na tahimik na nakamasid sa amin.

"You heard me, Ramses. Leave the shop before I call the security," mariing sambit ko at itinuro ang pinto ng Magic Shop.

"Denice..."

"Leave," ulit ko at binalingan ulit si Selene. "Pakisabi kay Kuya Elton na kapag hindi pa sila umalis ngayon, pakikaladlad na lang palabas ng Magic Shop," bilin ko dito at nagsimula nang maglakad patungo sa opisina namin dito sa shop.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top